9:00

Dapit-hapon
Please Subscribe to read the full chapter

Bilang isang estudyante, sakit ko na ang mag procrastinate o yung tinatawag na Mañana Habit. Kumbaga nasa last stage na ako ng virus na yun.

 

Yung tsaka na sisimulan ang mga pinapagawa ng mga professor kung kailan malapit na ang deadline. Yung normal na sakin ang salitang cramming at gumalaw under pressure.

 

Pero mukhang napagaling na ni Irene ang sakit kong yun.

Ganun pala siya katalab, daig pa niya yung mga albularyo sa Quiapo.

Biruin mo, bigla akong sinipag at ginanahang gawin yung project namin kay Sir Panganiban kahit matagal pa namin isusubmit.

 

Pagka-uwi ko after nung araw kung kailan inannounce ni Sir yung project namin sa subject niya, nagresearch agad ako ng pwedeng gawin.

Nagulat nga si Byul nung tumanggi ako nung nag-aya siyang maglaro. Kahit one game lang ‘di ko siya pinagbigyan.

 

Gusto ko kasing may isuggest kay Irene pag nagkita ulit kami para naman makabawi ako sa mga katangahan ko noong mga nakaraang araw.

 

 

 

 

 

 

“Seulgi!”

 

Hinanap ko agad kung sino yung sumigaw ng pangalan ko.

 

“Dito!”

 

Tinanggal ko yung earphones ko at lumingon sa paligid.

Ang dami naman kasing kapwa students na lumalaboy ngayon dito sa garden sa likod ng university. Dagdag mo pa yung malabong mata ko.

 

Ayun! Nakita ko si Wheein at Hwasa na parehong nakatayo sa ilalim ng puno, pakaway-kaway sakin.

Chineck ko kung kasama ba nila si Byul, pero parang wala si kups.

 

Naglakad ako papunta sa kanila habang niroroll yung kable ng earphones ko.

 

“Oy! Kala ko nasa comshop kayo,” pasimula ko tapos inilagay ko na sa bulsa ko yung earphones.

 

Naupo ako sa bench na kinakalawang na. Wala na kong pake kasi ‘di naman yata magmamantsa sa suot kong black pants.

 

“Ha? Anong sinasabi mo? Napaka-aga pa kaya…”

 

Nasanay na kasi akong palagi silang nandun. Kulang na nga lang dun na sila tumira.

 

“… Pero ‘wag ka kay Byul, papasok pa lang kami pauwi pa lang siya galing shop,” pagbuko ni Hwasa.

 

Huh? Kala ko sumunod na rin siya samin kagabi nung umuwi kami. Partida na, buong maghapon ng Sunday kaming naglaro.

Mas adik talaga si Byul kesa sakin. ‘Di ko nga alam kung pumapasok pa yun sa mga subjects niya. Ang kampante niya kasi hindi pa siya nasasampolan ng singko.

 

Nakita ni Wheein yung mga papel na nakaipit sa kilikili ko. “Ano yan?” tanong niya.

 

Kinuha ko yung papel. “Ah wala, research lang para dun sa project namin,” nakangiti kong sagot.

 

“Naks! Bagong buhay na ah, may paresearch research ka pang nalalaman,” pangungutya sakin ni Hwasa.

 

Grabe naman! Compare sa kanilang tatlo ni Byul sigurado naman na ako yung pinakamasipag mag-aral. Yep, ako na yung todo ng grupo namin.

 

“Wala eh, kailangan,” tinago ko na sa bag ko yung research paper. Baka mapagtripan pa nilang basahin.

 

“Ang sabihin mo motivated ka. Sabi ni Byul madalas daw kayong magkasama ni Joohyun mo ah,” hindi talaga ako tinantanan ni Hwasa.

 

Sabi na nga ba, ichichismis ako ni Byul sa mga ‘to.

Pero teka, parang ang sarap sa ears nung pagkakasabi niya ng ‘Joohyun mo’. Hah! In my dreams!

 

Parang demonyong nakangisi sakin si Wheein. “Kaya naman pala!”

 

Mas assuming pa sila kesa sakin.

 

“Kinakabahan nga ako kasi partner ko siya sa project namin kay Sir Panganiban,” pag-amin ko.

 

Ini-stretch ko yung dalawang braso ko sa sandalan ng bench tapos pumikit at tumingala sa makulimlim na langit.

 

Naramdaman kong ipinatong ni Hwasa yung paa niya sa gilid ng bench. “Si Sir Panganiban naman pala, sus! Petiks lang yan. Nanghuhula lang kaya yan ng grades…” sabi niya bago tinapik si Wheein. “… Whee ‘di ba nga si Benedict pumasa dun kahit nagcu-cutting palagi?”

 

Umagree si Wheein.

 

Dumilat ako at bumaling sa kanila. “Hindi naman si Sir Panganiban yung kinakaworry ko kundi si Irene. Para akong matatae pag malapit siya sakin,” sabi ko.

 

Napahagalpak sila sa pagtawa. “Hanep ka rin noh? ‘Wag kang tatae, mababad shot ka agad niyan!” sabi ni Hwasa habang hinahampas si Wheein.

 

“Tang ina kasi, legit nga. Sumasakit tiyan ko, ganun yung feeling!” ang honest ko talaga!

 

Halos mangiyak-ngiyak si Wheein. “Sira ka, baka anxious ka kasi kaya ganun! Oh kaya naman panic attack!” pagcorrect niya sakin.

 

Natahimik ako. Mas okay nga yung term na yun ah.

 

“’Wag sanag tubol if ever mangyari ah!” ambaboy ni Hwasa pota.

 

Tawang-tawa yung mga gago sakin.

 

Tinabihan ako nung dalawa tapos sabay pa nila akong inakbayan.

 

“Relax ka lang, Seul. ‘Wag ka masyadong pa-obvious! Kami nga na matagal nang alam yang pagka-adik mo kay Irene nace-creepyhan na kami, paano pa kaya kung siya na yung makaamoy?” advice ni Wheein.

 

Sumangayon naman si Hwasa. “Tama si Wheein. Nakow, baka lumayo sayo bebe mo! Dapat ‘wag kang bigay todo. Unti-unti lang. Baka mamaya magpabibo hotdog ka agad,” dagdag niya.

 

Ah. Ganun ba yun? Hindi ba dapat I will give you my all, sagad sa buto?

 

Wala naman kasi akong ibang nagustuhan bukod sa kaniya.

Wala rin akong experience sa ganito ‘di tulad ng dalawang ‘tong may master’s degree sa pagharot. Hindi naman siguro masama kung maniwala ako sa mga sinasabi nila ‘di ba?

 

Nag-overthink tuloy ako. What if nafi-feel na ni Irene yun dati pa tapos naki-creepyhan siya kaya siya na mismo yung lowkey na umiiwas? Putaragis.

 

 

 

 

 

 

 

 

Hinatid ako ni Wheein at Hwasa sa classroom habang binibigyan ako ng kaniya-kaniya nilang advices. Ang dami nilang sinabi pero kakarampot lang ang nagregister sa utak ko.

 

Tinulak ako ni Hwasa papasok sa room. “Maya na lang ulit, Seul!” paalam nilang dalawa.

 

Sinubukan kong hindi tingnan si Irene at naglakad na papunta sa pwesto ko.

 

Isa sa naalala ko sa sinabi ni Hwasa ay huwag akong magpahalatang patay na patay ako sa kaniya.

 

Paano ko naman kaya gagawin yun eh nasanay na akong tinutunaw siya sa tingin every time na may klase kami?

 

Hmm… siguro bawasan ko na lang?

 

Ang hirap pero kailangan! Ayokong maisip niyang creepy stalker niya ako!

 

Mas okay siguro kung matulog na lang muna ako habang wala pa yung prof namin sa next subject.

Nagearphones na ako at nagpatugtog nang malakas para hindi marinig yung mga maingay kong kaklase.

Yumuko ako sa armchair ko para subukang umidlip.

 

 

 

 

Ilang minuto ang lumipas pero hirap akong tumayming ng antok.

 

 

 

 

Itinukod ko na lang ang siko ko at ipinatong ang baba ko sa palad ko habang nakatanaw sa bintana.

 

Patuloy pa rin nagpe-play ang kanta ni Rico Blanco na Antukin. Bagay na bagay sakin ah. Haha!

 

 

Tadhana'y mayro'ng trip na makapangyarihan

Kung ayaw, may dahilan, kung gusto, palaging mayro'ng paraan

Hoo-hoo-ooh...

 

 

‘Sa totoo lang!’ sa isip-isip ko.

 

Huminto ako sa pagkatulala ko nang may mahinang tumapik sa balikat ko.

 

Agad kong nilingon kung sino.

 

naman.

 

Si Irene ulit!

 

At ! Nakangiti siya sakin!

 

Nagconcentrate ako para hindi mabulol.

Tinanggal ko yung earphones na nakapasak sa tenga ko.

 

“Bakit?” casual kong tanong.

 

Dapat hindi ako masyadong obvious.

 

“Wala daw si Ma’am Suarez,” sabi niya.

 

Kaya naman pala isa-isa nang nagsisialisan yung mga kaklase namin.

Nanatili akong nakatingala at nakatingin sa kaniya ng ilang segundo.

 

Biglang umihip ang malamig na hangin. “Ah…” ang bobo ng reaction ko. Sungit yan?

 

“Do you want to discuss yung project natin kay Sir Panganiban?” tanong niya.

 

Kung anong kinabilis ng response time ko sa Dota yun naman yung kinabagal ko kapag nasa harap ko si Irene.

Ang taas ng ping ko pag kausap ko siya.

 

“Uh… Okay lang naman,” pinilit kong ‘wag mabulol.

 

Ngumiti siya at kinuha na ang bag niya bago ako nilapitan ulit.

 

“Tara?” yaya niya.

 

Mabilis kong dinampot yung bag ko at tumayo.

 

Sabay kaming naglakad papunta sa library na nasa kabilang building.

 

Sinusulyapan ko siya habang naglalakad kami. First time kong maglakad kasama siya— yung kaming dalawa lang at walang epal.

 

Madiin ang kapit ko sa shoulder straps ng backpack ko habang siya, kalmado lang.

 

Siguro ganun talaga pag wala kang gusto sa tao noh? Ang dali lang makipag-interact. Ang dali lang makipag-usap. Parang si Irene sakin kung saan kabaliktaran ko naman.

 

Ang dali ng lahat para sa kaniya.

Ang hirap naman pagdating sakin.

 

Kahit ilang years na ang lumipas hindi pa rin ako naging handa sa ganitong situation.

 

 

 

 

 

 

 

 

Umupo kami sa sulok ng library. Ito yung isa sa favorite spot namin ni Byul kasi hindi ka kita ng librarian pag dito ka nakapwesto so pwede kang matulog in peace. Gawain din kaya ni Irene yun? Parang imposible naman.

 

Inilabas niya yung maliit niyang notebook at inilapit sakin.

 

“Ito yung mga suggestions ko…” hindi na siya nag-aksaya ng oras. “… pwede tayong gumawa ng fingerprint doorlock or traffic light controller o kaya yung automated plant watering system.”

 

Paano ko sasabihin sa kaniyang ang dali naman ng mga gusto niyang gawin in a nice way at hindi tunog arogante?

 

“Ooohh. Ayos yan ah,” sagot ko.

 

Puta, hindi ko kaya!

 

“Parang hindi mo gusto?” nababasa niya ba kung ano yung nasa isip ko?

 

Naging super defensive naman ako. “Hala, hindi!” napalakas na naman yung boses ko. Tumingin samin yung iba pang nasa library. Umiwas ako agad at tinakpan ang mukha ko.

 

“… I mean… o

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ireadsrfics #1
Chapter 8: Re-reading while waiting sa next chapter 🥰
rilakchaerin91
#2
Chapter 8: Kilig huhu 🥹❤️‍🔥
soshi26_ot9 #3
Chapter 8: Best chapter ever. Nakakakilig!!! Also, congrats author!
Goeynceilove
41 streak #4
Congratulations Author-nim!!! Well deserved you got Promoted 🐻🐰🎉🎉🎉🎉
When update po🙏😁
iamriou_
1158 streak #5
Eyyy!!! Promoted!!!!
Kylie_123 #6
Chapter 8: Yiieeeeeee salamat at maling number na save ni torpe 😌🤣🤣🤣
Etoile__
345 streak #7
Chapter 8: *naglumpasay ACHHHHHHHHHHKKKK KILIG SOOO MUCHHHHHHHHHH!!!! 😭😭😭😭🤭☺️☺️ THANKKKK UOU FOR DA UPDATE OTOR DASURB MO NG KADATE NGAYONG PASKO
_rtempest
1027 streak #8
Chapter 8: AYUN! AHHH NASABI NA RIN NI SEULGI!!!
iamriou_
1158 streak #9
Chapter 8: "WAAAAAAaaaaaaaaaaHHH!!!!! Baccla!!! HAHJKSKDHKJSAHDJKSA uusad na ang Seulrene kooo!!! T____T Salamat sa lapag otor!!! <3
soshi26_ot9 #10
Chapter 8: Waaaaaaaaaahhhhh!!!! Pasigaw rin ala Seulgi!