12:00

Dapit-hapon
Please Subscribe to read the full chapter

Akala ko matutunaw si Irene sa halos sampung minutong paglalakad mula terminal papuntang bahay. Tiyempo ba namang wala kami parehong dalang payong sa kalagitnaan ng tirik na araw.

 

“Sorry, sana pala nagtricycle na lang tayo,” paghingi ko ng paumanhin kahit too late na kasi nasa gate na kami ng bahay namin.

 

“Ha? Okay lang naman. Hindi naman ganun kalayo yung winalk natin,” sagot niya habang nagpupunas ng pawis sa noo.

 

‘Di bagay sa kaniya magsinungaling. Halata namang hiningal din siya eh.

 

 

Pinapasok ko siya agad pagkabukas ko ng gate para hindi na siya mababad pa nang malala sa initan.

 

 

“Uhm… Iwan mo na lang dito sa tabi yung sapatos mo,” sabi ko sa kaniya habang tinatanggal ko yung susing na-stuck podlock. Nakakainis talaga tong lock na ‘to parang kailangan na talagang sprayan ng langis.

 

After kong mahila yung susi kumuha na ako ng pambahay na tsinelas tapos inilapag ko sa harap niya. Gusto ko pa sanang amuyin to check kung ‘di mabaho pero baka maweirduhan pa siya sakin kaya hinayaan ko na.

 

“Eto oh suotin mo, sana kasya,” paglapag ko.

 

Ngumiti siya nang bahagya. “Thanks,” sabi niya.

 

 

 

Pumasok na kaming dalawa sa bahay after kong magtagal din ng sapatos.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong maayos yung sala.

Buti na lang naglinis si Mama kanina bago siya pumasok sa trabaho. Wooh! Thank you, mudra! The best ka talaga!

 

 

 

“Pwede ka umupo kahit saan mo gusto ah,” sabi ko sa kaniya pagkatapos kong ilapag yung bag ko sa ibabaw ng table dito sa sala.

 

‘Di naman na siya nahiyang maupo sa dulo ng sofa.

 

Tinurn on ko agad yung electric fan tapos tinutok sa kaniya. “Sorry, medyo mainit dito sa bahay namin. Wala rin kasi kaming aircon,” awkward akong ngumiti sa kaniya.

 

Napahinto siya sa pagoobserve ng paligid.

 

“Ah, no problem…” inayos-ayos pa niya yung hinahanging buhok niya. “… ayos nga eh, kahit tanghaling tapat ang presko ng bahay niyo tapos ang linis pa,” sagot niya sakin.

 

Bilang hindi ako sanay tumanggap ng compliment, hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko.

 

“Hehehe, parang madumi nga eh,” sabi ko na lang as a humble person. Haha! Piste.

 

 

Ah, teka muna! Bigla kong naalala ‘di pa pala ako nag-ooffer ng kahit ano sa kaniya! Halatang ‘di ako sanay tumanggap ng bisita.

 

“Uhm… Ano… ano pala gusto mong inumin? Juice? Soft drinks? Tubig? Kape?”

 

Confused siyang tumingin sakin.

Medyo malabo nga ko sa part na yun.

 

“I mean… iced coffee ganon?” wooh, lusot!

 

“Ah. Water na lang,” sagot niya sabay ngiti.

 

Takteng ngiti yan, napaka… oh shet.

 

“Si—sige. Teka kuha kita.”

 

Nagmadali akong pumunta sa ref para icheck kung may malamig ba kaming tubig.

 

Tiyempo! Meron pang kalahating pitsel.

Kumuha ako ng baso sa dish rack tapos nilagyan ko agad ng tubig.

 

“Eto oh, malamig na tubig,” pag-abot ko sa kaniya ng baso.

 

Nagpasalamat siya sakin bago uminom.

 

Halatang uhaw na uhaw siya kaya nirefill ko pa ulit ng tubig yung baso niya.

 

“Ikaw? ‘Di ka ba nauuhaw?” tanong niya pagkapunas ng bibig niya.

 

Makita lang kitang uminom, solb na ko!

 

“Hehe, ‘di naman. Sige lang pwede mo ‘tong ubusin if gusto mo pa. ‘Wag ka mahiya ‘di naman kita sisingilin,” biro ko.

 

Napangiti ulit siya.

Irene naman eh!

 

“Thank you,” sabi niya.

 

Pinatong ko yung pitsel sa mesa na nasa harap niya para ‘di siya mahirapan kumuha.

 

 

Naalala kong lunch na nga pala at wala kaming ulam at kanin dito. ‘Di naman ako marunong magluto at wala na ring time para magsaing pa ako.

 

 

“Uhm. Lalabas lang ako saglit…” Kinuha ko yung wallet sa bag ko. “… bibili lang ako ng yelo tsaka ulam,” paalam ko sa kaniya.

 

“Ha? Sama ako,” agad siyang tumayo.

 

“Nako, ‘wag na, ako na lang. Mainit sa labas tsaka dun lang naman ako bibili sa malapit. Dito ka na lang,” nag-gegesture pa akong umupo na siya.

 

“Are you sure?” tanong pa niya.

 

Para namang hindi ako taga dito. “Oo naman! Saglit lang ako promise. Wala namang multo dito don’t worry!” nakuha ko pang magjoke noh?

 

Kumunot nang bahagya yung noo niya. “Aight,” tipid niyang reply sabay sandal sa sofa.

 

 

 

 

 

Mabilis akong naglakad palabas ng bahay at dumiretso agad papunta sa kalenderia ni Aling Nene.

 

 

 

 

 

Pakshet! ‘Di ko pala na-ask kung may allergy siya sa ulam o kung may gusto siya.

 

Inisip kong maigi kung ano ba yung kinakain niya sa canteen tuwing lunch.

Hmmm! Ano nga ba?

 

“Hoy, Solge! Kanina ka pa nakatunganga diyan!” winasiwas ni Aling Nene yung pangtaboy niya ng langaw sakin.

 

“Ay! Sorry na po!” pagbalik ko sa ulirat. “Ano po ba yung pinakamasarap niyong luto ngayon?” tanong ko.

 

“Aba! Edi lahat! Ano ba itong batang ito,” confident niyang sagot habang nakataas yung isang kilay.

 

Sabi ko nga.

 

“Hmmm… ano ba?” tanong ko sa sarili ko.

 

“Ke tagal tagal mong pumili eh palagi namang yung bicol express ang binibili mo sa akin!”

 

Eto talagang si Aling Nene ang daming pa-side comment! ‘Di ko lang masabi na may bisita ako sa bahay baka kantyawan pa niya ako pati ng mga katulong niya dito.

 

“Ah! Alam ko na! Yung chicken curry na lang po!” excited kong sabi pagkatapos kong maalala yung madalas na kinakain ni Irene sa canteen.

 

Pansin kong mahilig siya sa kahit anong klase ng curry. Tapos naalala ko one time may dalang pasalubong si Joy sa kaniya na curry galing Coco Ichikwangya ba yun tapos tuwang tuwa si Irene.

 

“Himala ah umorder ka ng iba! Ano pa?” tanong ni Aling Nene.

 

Dyan po kayo nagkakamali.

 

“Tsaka bicol express po, hehe!” para naman sakin.

“Padagdagan naman po ng sauce!” hirit ko pa.

 

“Oo na, oo na. Oh, teka, ikukuha pa kita ng sabaw ng sinigang,” sabi niya pagkabigay sakin ng plastic bag.

 

“Tsaka po pala dalawang rice,” pahabol order ko.

 

“Tumatakaw ka na yata? O diyan nananghalian yung kapatid mo?”

 

Ang judger naman nitong si Aling Nene.

 

“Opo, opo,” sagot ko na lang.

 

Inabot ko agad yung pinatong niyang nakaplastic na kanin sa takip ng mga ulam tapos nilagay ko agad sa loob plastic bag.

 

“Eto po bayad ko,” binigay ko sa kanya yung buong 100 pesos.

 

“Keep the change Aling Nene!” sabi ko habang nagmamadaling umalis.

 

“Hoy!!! Solge!!! Kulang pa ng sampung piso ‘tong bigay mo!!!”

 

Lumingon ako sa kaniya tapos nag peace sign.

 

Umiling iling na lang si Aling Nene habang hawak hawak yung 100 pesos.

 

Babawi po ako next time! Kulang na kasi yung pambili ko ng yelo.

 

 

 

 

 

 

 

 

Dali-dali akong pumasok sa bahay after kong makabili ng yelo.

 

Nakita kong busy si Irene sa phone niya. Parang may ka-chat yata siya.

 

“Tara kain muna tayo,” yaya ko.

 

Agad niyang tinago sa bag yung phone niya tapos sumunod na sakin sa kusina.

 

Kumuha ako ng tatlong mangkok para sa ulam namin tsaka sa pa-free ni Aling Nene na sabaw ng sinigang. Kumuha na rin ako ng dalawang plato at pares ng kutsara at tinidor tapos inilagay ko sa dining table.

 

“Sino kasama mo dito?” tanong niya habang pinapanuod ako.

 

Bago ako sumagot sa kaniya, kinagat ko muna yung corner ng plastic ng chicken curry para mabuksan sabay ihip ng napilas na plastic na nasa labi ko.

 

“Sila Mama at Papa tsaka yung bunsong kapatid ko,” sagot ko habang careful na nagsasalin ng ulam sa mangkok.

 

Ganun din yung ginawa ko sa bicol express at sabaw ng sinigang.

 

Narealize kong medyo kadiri pala yung ginawa ko kaya napatingin ako nang saglit sa kaniya.

 

Mukhang wala naman siyang pake.

 

“Dalawa lang ba kayong magkapatid?” tanong niya ulit.

 

Tumango-tango ako. “Oo. Ikaw ba? May kapatid ka ba?” pagbalik ko sa tanong niya kahit alam ko naman nang dalawa lang silang magkapatid.

 

Kinuha ko yung yelo tapos inihampas ko sa pader para madurog at tsaka ko inilagay sa pitsel para mas madaling lumamig yung tubig.

 

“Yup, dalawa lang din kami,” tipid niyang sagot.

 

Hehe. Oh ‘di ba, tama ako.

 

 

Pinaupo ko na siya sa harap ko tapos binigay ko sa kaniya yung isang supot ng kanin.

 

Binuksan ko ulit yung plastic ng kanin kagaya ng pagbukas ko sa ulam.

 

Bigla akong nakaramdam ng hiya nang tumingin siya sakin habang kagat-kagat ko na yung dulong parte ng supot.

 

Dahan-dahan kong pinilas yung plastic gamit yung ngipin ko tapos marahan ko ring kinuha yung pilas na plastic sa labi ko, naconscious na akong hipan eh.

 

Natawa siya sakin. “Why are you acting like that?” tanong niya habang hawak-hawak pa yung kanin niya.

 

“Nahiya ako sayo eh,” sagot ko.

 

Lalo siyang natawa tapos ginaya niya yung ginawa ko.

 

“Wala namang nakakahiya sa ginawa mo,” sabay ihip papunta sakin ng natirang plastic na nasa bibig niya.

 

Di ko napigilan yung tawa ko nang mapunta yung lumipad na plastic sa ibabaw ng ulam ko.

 

“LAH!!! HAHAHAHAHA!”

 

Kinuha niya agad yung plastic gamit yung kamay niya. “Oh my god! I’M SORRY!” sabi niya habang sumasawsaw nang bahagya yung daliri niya.

 

“Waaahh! Na-infect na yung ulam ko,” patuloy pa rin ako sa pagtawa.

 

Lalo siyang namula nang marealize niyang medyo dugyot yung ginawa niya.

 

“I PANICKED!” defensive niyang sabi.

 

Tawang-tawa ako. “Okay lang! Wala naman nakakahiya sa ginawa mo,” ginaya ko yung sinabi niya kanina, pati yung accent!

 

Sinamaan niya ako ng tingin, sabay naman ang pagiwas ko.

 

Tumayo ako para ikuha siya ng malinis na bimpo para sa daliri niyang may gata pa ng bicol express. “Oh punasan mo,” utos ko.

 

Masama pa rin ang tingin niya sakin.

 

“Ayos lang yan!” sinubukan kong ireassure siyang legit na walang problema. “…Kahit haluin mo pa yung ulam ko gamit kamay mo kakainin ko pa rin yan.”

 

Hehe totoo naman.

 

Ngumiti siya nang bahagya. “Ewan,” sabi niya.

 

Pati ako napangiti na rin.

 

 

 

Sabay kaming kumain ng tanghalian.

Narealize ko, hindi naman pala mahirap maging komportable kay Irene. Hindi naman pala siya mahirap kasama at hindi naman pala siya mahirap kausapin.

Hmmm… either yun o talagang kumakapal lang yung mukha ko sa kaniya. Hahaha!

 

 

 

 

 

 

 

Shet, may isa pa pala akong problema, nandun yung mga gamit sa kwarto ko at nandun din yung computer ko. Hindi ba weird kung du

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ireadsrfics #1
Chapter 8: Re-reading while waiting sa next chapter 🥰
rilakchaerin91
#2
Chapter 8: Kilig huhu 🥹❤️‍🔥
soshi26_ot9 #3
Chapter 8: Best chapter ever. Nakakakilig!!! Also, congrats author!
Goeynceilove
41 streak #4
Congratulations Author-nim!!! Well deserved you got Promoted 🐻🐰🎉🎉🎉🎉
When update po🙏😁
iamriou_
1158 streak #5
Eyyy!!! Promoted!!!!
Kylie_123 #6
Chapter 8: Yiieeeeeee salamat at maling number na save ni torpe 😌🤣🤣🤣
Etoile__
345 streak #7
Chapter 8: *naglumpasay ACHHHHHHHHHHKKKK KILIG SOOO MUCHHHHHHHHHH!!!! 😭😭😭😭🤭☺️☺️ THANKKKK UOU FOR DA UPDATE OTOR DASURB MO NG KADATE NGAYONG PASKO
_rtempest
1028 streak #8
Chapter 8: AYUN! AHHH NASABI NA RIN NI SEULGI!!!
iamriou_
1158 streak #9
Chapter 8: "WAAAAAAaaaaaaaaaaHHH!!!!! Baccla!!! HAHJKSKDHKJSAHDJKSA uusad na ang Seulrene kooo!!! T____T Salamat sa lapag otor!!! <3
soshi26_ot9 #10
Chapter 8: Waaaaaaaaaahhhhh!!!! Pasigaw rin ala Seulgi!