10:30

Dapit-hapon
Please Subscribe to read the full chapter

Nakatingin ba siya sakin o ito na naman ako sa pagiging assuming ko?

Gusto ko tumingin sa kaniya to confirm pero it’ll be awkward if mahuli niya ako.

 

“Joy, si Seulgi yung nasa dulong table, right?” I whispered to my best friend.

 

She flashed me a grin and released a gentle chuckle. “Oo bes. Ang linaw ng mata mo pag dating sa kaniya no?” she answered na may kasama pang side comment.

 

She should’ve said yes or no na lang sana ‘di ba?

 

“Kainis ka talaga,” I said to her.

 

Her forehead furrowed, “Puro ka kasi ganyan ‘di mo naman makausap. Beh, ilang years mo nang kinikimkim yang feelings na yan,” nag-escalate na naman yung topic namin. Inask ko lang naman kung tama ako.

 

But to be fair… she’s right.

Totoo namang kahit ilang years ko nang kaklase si Seulgi, hindi ko pa rin siya nakakausap nang matagal. Nanatili lang akong nag-oobserve sa lahat ng ginagawa niya. Natuto lang akong makuntento sa kung ano ang situation mula noon hanggang ngayon.

 

Wala nga siyang ka-alam-alam na she’s the main reason kung bakit ko nasurvive ang high school when I transferred and the only reason why I am still surviving.

 

She's the one who saved me when I was on the verge of losing my sanity. I never thought na magiging interested ako sa babae until I met her.

 

 

 

 

 

 

 

I can’t believe na nagtransfer na naman ako ng school. This is the third time in span of two years and hopefully ito na yung last. Pero malaki naman ang chance na huling lipat ko na ito since ilang months na lang graduation na. Wish ko na lang na hindi na ako magpalipat-lipat pa pagtungtong ko sa college.

Gusto ko nang magstay nang matagal sa iisang lugar. Pagod na akong lumipat at iwan parati ang mga nakakasanayan ko.

 

I quietly entered the classroom that I was assigned.

 

As usual, everyone’s looking at me. I can tell na halos lahat sila pinaguusapan ako.

 

Umupo ako sa empty seat sa dulong corner ng room. Pinili kong tumahimik at yumuko lang habang naghihintay dumating yung teacher namin.

 

‘Ano name niya?’

 

‘Buti satin siya napunta!’

 

‘Pwede pala magtransfer kahit ilang months nang tapos yung enrollment noh?’

 

‘Baka may kapit?’

 

Yan halos ang naririnig ko sa kanila. Wala na akong maipakitang reaction because I am used to it.

Isa pa, I don’t have enough energy to clear anything sa kanila.

 

“Hi, Miss!” malakas na sabi nung isang lalaking kakarating lang.

 

I looked at him, emotionless.

 

He smirked and then touched his lower lip before he sniggered with his friend.

 

Now I feel uncomfortable.

 

He took a sip sa hawak niyang coke in can. “So… Ikaw pala yung transferee,” lumapit siya sakin and then itinukod niya yung kamay niya sa desk ko.

 

His eyes scanned my face, “Single ka ba?” he whispered.

 

What the ’s wrong with him?!

Burn in hell, !

 

I lost my temper kaya hinampas ko nang malakas yung hawak niyang soft drink.

 

Accidentally tumama yung can sa katabi kong student na kanina pa natutulog.

 

Natapunan yung hair at uniform niya.

Damn. Hindi ko sinasadya!

 

Nagising siya at galit na tumingin sa lalaking nasa harap namin.

 

She quickly picked up one of her books sa ilalim ng desk at walang pagaalinlangang hinampas sa mukha nung lalaki yung libro.

 

My eyes widen in shock. What the hell?!

 

Nagulat kaming lahat sa ginawa niya.

 

Tumakbo yung ibang students palabas ng room habang yung iba naman ay nanatiling naki-osyoso.

 

“TANG INA MO AH,” galit na sabi nung lalaki habang nakahawak sa namumulang pisngi niya.

 

Masama lang ang titig nung katabi ko sa guy. Halatang hindi siya nakakaramdam ng takot.

 

May dumating pa na isang babae at tumakbo papunta sa katabi ko.

 

“Huy Seulgi, anong nangyari?” tanong nung babae.

 

Seulgi pala ang name niya.

 

“Etong gagong ‘to…” she pointed at the ’s face, “… tinapunan ako ng coke! Ang lagkit ko tuloy!”

 

I want to tell her na ako yung may kasalanan pero I am too scared to speak.

 

“Hayaan mo na, bobo naman yan. Wala kang mapapala diyan,” sabi nung kaibigan ni Seulgi.

 

Narinig nung lalake yung usapan nila.

 

Kinuha niya yung librong pinanghampas nung katabi ko tapos binato sa likod ng kaibigan ni Seulgi.

Ang lakas ng pagkakabato nung guy.

 

Sobrang weird pero tumawa lang yung isang girl.

 

“HAHAHAHA!!! AH! PUTANG INA MO KA HA!” malakas na mura ng kaibigan ni Seulgi.

 

“Hoy teka, Byuuuul!!!”

 

 

 

 

The next thing I remember nasa guidance na kaming apat kasama ang mga magulang namin.

 

Sincere na nag-apologize yung parents nung guy sakin at sa mom ko when I told them the truth.

 

Masama pa rin ang tingin ni Byul at Seulgi dun sa guy kahit na narinig na nila yung side ko. I was expecting na sakin magagalit si Seulgi kasi ako yung reason kung bakit siya nagising at natapunan ng coke pero it feels like it’s now between her and that .

 

Our principal and guidance councelor apologized several times sa father ni Byul. Bakit parang ang powerful ng family niya? Nasesense ko lang because grabe yung ginawa niya dun sa guy to the point na dumugo yung ilong nung lalaki at nagkaroon ng maliit na sugat sa noo habang siya, back pain and minor wounds lang ang inabot pero wala siyang natanggap na sanction.

 

 

 

After namin masermunan ng parents namin naglakas loob akong lumapit kay Seulgi.

 

Lalo akong naguilty nang makita kong binabanad niya yung knuckles niya sa icepack.

 

I bit my lip.

 

“I’m sorry for what happened,” I sincerely apologized to her.

 

She beamed at me. “Ah wala yun. Deserve naman pala niyang masoplak sa mukha eh,” she replied na parang hindi big deal yung nangyari.

 

I sighed, “Yeah, but still—”

 

She interrupted me.

 

Sumandal siya sa pader. “Yaan mo na yun. Ang mahalaga hindi ka na nila babastusin kahit kelan, hindi mo deserve bastusin ng kahit sino,” sabi niya habang nakatingin sa malayo.

 

Hindi ko inexpect yung reply niya.

 

I smiled unknowingly.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

I don’t remember what else happened in between pero after nun hindi na kami nagkachance mag-usap ulit aside from few moments na nagiging magkagrupo kami sa activities sa school.

 

Maybe because palagi silang magkasama ni Byul and may sarili rin kaming mundo ni Joy noon.

Or maybe because the moment I realized na nagugustuhan ko na siya, ako na yung pumipiling umiwas.

 

Hanggang sa magcollege na kami, ganun pa rin yung naging set up namin. No consistent interaction or anything kahit na magkaklase pa rin kami.

 

But I am thankful for her kasi naging motivation ko siya para ganahang mag-aral at pumasok sa school. Siya yung naging escape ko from my depressing parents.

Cliché man pakinggang pero iba ang nararamdaman kong happiness whenever she’s around.

 

Gusto ko siya.

Pero hindi ko gustong mapalapit sa kaniya.

 

 

 

Siniko ako ni Joy, “Ayan, umalis na si Seulgi mo bes. Hinila na siya ni Byul. Malamang mag do-Dota na yung dalawang yun,” she told me.

 

Inilagay ko na yung mga gamit ko sa bag ko.

 

“I don’t think so, one and half hour na lang bago yung next class namin,” I disagreed.

 

Umirap siya. “Parang ‘di mo naman kilala yung dalawang yun.”

 

Tumayo na ako at kinuha yung bag ko. “Ewan ko sayo. Punta na ako sa room namin,” sabi ko.

 

“Wait! Daan muna tayo sa milktea-han sa labas!” she insisted.

 

Hinila niya ako palabas ng canteen and hindi na binigyan ng choice.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Palagi kong tinitingnan yung oras.

 

Lagpas na ng grace time period pero wala pa rin si Seulgi.

Hindi naman niya ugaling magcutting o umabsent kahit puro Dota ang inaatupag niya kapag may free time siya.

 

Nagwoworry tuloy ako, okay lang kaya siya?

 

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkopya ng sinusulat ni Ma'am Trinidad sa white board.

Bothered ako pero kailangan kong magfocus sa discussion.

 

 

 

“Good—good afternoon, Ma'am. Sorry po late ako,” hinihingal na sabi ni Seulgi.

 

I felt relieved when I saw her.

Kala ko may nangyari na sa kaniya eh.

 

Masama ang tingin sa kaniya ng professor namin. “You’re almost half an hour late, minark na kita as absent,” she frankly told her.

 

I stole a fleeting glance in Seulgi's direction. Halata yung pagkadismayado sa mukha niya pero pumasok pa rin siya kahit na malinaw na useless din if aattend pa siya ng klase.

 

Ma’am Trinidad gave us a group activity after niyang magdiscuss for almost two hours.

 

She let us choose nang makakagrupo namin.

 

Lumingon ako kung saan siya nakapwesto. Tulog na naman siya.

 

“Irene, may ka-grupo ka na?” tanong ng katabi ko.

 

“Wala pa,” I answered.

 

She immediately invited me to join their group.

 

“Hmmm… Kulang pa tayo. Sino pa kaya yung isa nating isasama?” tanong niya habang nakalingon pa sa iba pa naming classmates.

 

I took a deep breath. “Si Seulgi?” I suggested.

 

Baka maappreciate ni Ma’am Trinidad yung effort ni Seulgi if ever gumawa siya ng activity at i-record pa rin yung output niya kahit na naka-mark siya as absent sa attendance.

 

Sabay-sabay silang tumingin kay Seulgi na mahambing pa rin ang pagkakatulog.

 

“Sure ka?” tanong ng isa pa naming kagrupo, nakataas pa yung isa niyang kilay.

 

I nodded.

 

“Ask mo siya, baka kasi wala na naman yang pake.”

 

Gets ko sila, hindi talaga kilala si Seulgi as maaasahan na kagrupo.

 

“Okay,” kahit na sobra akong kinakabahan kasi alam kong ayaw ni Seulgi na ginigising siya.

 

Bumabalik na naman sa ala-ala ko yung nangyari noon.

 

Sana lang ‘wag siyang magalit this time.

 

 

 

I gently tapped her shoulder, mahirap na if biglain ko siya.

 

Nagising naman siya agad.

 

Nakapikit pa siya habang nagyayawn nang tumingin sakin.

 

Tumigil siya sa paghikab when she recognized me.

 

She confusedly looked sa whiteboard tapos sakin, pulang-pula yung mata niya. Obvious na masarap yung pagkakatulog niya.

 

“Ka-group kita,” I told her.

 

Yes, I know I should’ve asked her first but since wala siyang alam sa nangyayari hindi ko na siya bibigyan ng chance to say no.

 

“Ah— ah okay,” typical Seulgi. Isang tanong, isang sagot.

 

Napansin kong merong dumi sa pisngi niya.

Pinigilan ko na lang yung pagtawa ko when I realized na panis na laway pala yun.

 

I pointed at her cheek, “May laway ka pa,” I told her cautiously.

 

Mahirap na kung iba pa yung makakita, baka pagtripan pa siya.

 

Dali-dali niyang ipinunas yung manggas ng t-shirt niya. Hay nako, wala ba siyang panyo or tissue man lang?

 

 

 

 

Maybe gets na ng iba pa naming ka-group na ‘pumayag’ na si Seulgi kaya pinuntahan na nila kaming dalawa.

 

One of my groupmates distributed equally the 20 problems na pinapasagutan ni Ma’am.

 

Habang nagsasagot ako, I can see Seulgi trying to comprehend yung inassign sa kaniya.

She even asked for notes ng katabi niya para maka-catch up sa nangyayari but she eventually returned it after seeing the not-so-good penmanship ng kaklase namin.

 

“Ay, ‘di ko na pala need. Hehe, tenks!” she said.

 

Binasa na lang niya yung mga sample problems sa board. I bet wala rin siyang mage-gets doon dahil binura na ni Ma’am yung first few steps to solve yung equation.

 

“Last 10 minutes!” Ma’am Trinidad shouted.

 

Seulgi gave up.

 

“Tapos ka na?” I asked.

 

Halatang nagpanic siya. “’Di— ‘di ko alam kung paano eh,” she honestly replied, her face slowly turning pale.

 

Tulog nga siya the whole time. Ano pa nga ba ang i-eexpect ko?

 

Nakipagpalit ako sa katabi niya ng pwesto para turuan siya.

 

Inexplain ko sa kaniya step by step kung paano i-solve yung isang problem na naka-assign sa kaniya.

I don’t know if she’s listening pero ang tahimik lang niya the whole time.

 

“There, that’s how you solve it.”

 

She looked at me.

Bigla akong nakaramdam ng kaba pero hindi niya dapat mahalata ‘to.

 

“Na-gets mo ba?” I asked her.

 

While keeping her unwavering gaze on my face, she nodded in agreement.

 

Seulgi.

 

“Okay class…” agad kaming umiwas ng tingin sa isa’t isa nang magsalita si prof. “… since wala na tayong time, assignment niyo na lang yan. Please pass it tomorrow morning. Seulgi since panay ang tulog mo sa klase ko, ikaw ang magcollect ng mga papel ng kaklase mong gising the whole time. Iwan mo na lang sa table ko sa faculty bukas,” she sarcastically said.

 

Napakamot na lang ng ulo si Seulgi at ngumiti kay Ma’am.

 

Nang makalabas na yung prof namin, bumaling ulit ako sa kaniya.

 

“I don’t think naintindihan mo talaga kung paano,” I’m trying to check if she really understood yung mga pinagsasasabi ko kanina niya talaga before ko siya hayaang magsagot mag-isa.

 

Tumingin siya sakin. “So—sorry, sabaw na sabaw talaga ako. Napuyat kasi ako kagabi,” she nervously explained.

 

I know why.

 

“Dahil sa Dota?”

 

She defensively shook her head, “Ah— Hindi ah,” even though I saw her with her friends kagabi noong nagpaprint kami ni Joy ng reviewer.

 

“SEULGI TARA LARO!” I was startled when Byul shouted.

 

“TARA!” sinundan pa niya ng isa pang sigaw.

 

Pareho talaga silang mukhang Dota.

 

“I see… I see…” I whispered. “… Go ahead, good luck solving our group assignment on your own,” I stood up at naglakad papunta sa pwesto ko.

 

Tinamad na akong turuan siya. I’m pretty sure makakahanap naman siya ng way to answer yung group work namin.

Hopefully.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Halos gabi na nang makauwi ako.

 

Nadatnan kong nakahiga sa sofa habang nanunuod ng TV yung kapatid ko sa sala.

 

“Minji,” tinawag ko siya after kong ilagay sa shoe rack yung sapatos ko.

 

“Come here, may dala akong sundae at happy meal,” pinakita ko sa kaniya yung pasalubong ko.

 

Tumakbo siya papunta sakin at kinuha agad yung dala ko. “Thank you, Ate!” sabay yakap sakin.

 

“Nasan si Mama?” tanong ko.

 

Tinuro niya yung kitchen namin.

 

“Oh, okay. Sige, nuod ka na ulit dun,” hinayaan ko na siyang kumain nang mag-isa.

 

Pumunta ako sa kusina para magmano kay Mama.

 

“Ma, nakauwi na po ako,” I politely said.

 

Halatang nakainom na naman siya.

Amoy na amoy ko rin ang alak nang magmano ako sa kaniya.

 

“Hindi ako makapagluto ng dinner niyo ni Minji, sobrang sakit ng ulo ko. Mag luto ka na lang ng pancit canton dyan.”

 

I clenched my jaw.

 

Ilang araw nang instant noodles ang gusto niyang ipakain samin kahit na palaging puno ang ref ng iba’t ibang mas healthy na pagkain. Kahit na wala siyang ginagawa maghapon dito sa bahay kundi uminom ng alak, hindi man lang niya nagawa magluto kahit para kay Minji na lang.

 

“Okay lang po Ma, nagdinner naman na ako sa labas. Binilhan ko na rin ng dinner si Minji,” kahit masama ang loob ko pinilit ko pa ring maging magalang sa kaniya.

 

Sarcastic siyang tumawa. “Ang dami mo namang pera? Galing ba yan sa tatay mo ha?”

 

Ito na naman si Mama.

Ang hilig niyang magstart ng argument.

 

“Yes, Ma. Nagpadala po siya ng allowance sakin,” I honestly told her.

 

Uminom ulit siya ng beer bago magsalita.

 

Kahit kailan talaga hindi ko nagustuhan ang amoy ng alak.

 

“Yan. Diyan magaling tatay niyo, ang magpadala lang ng pera pero hindi man lang kayang umuwi at tumulong dito. Tapos anong sasabihin ng magulang niya?! Mukhang pera tayo?!” malakas na ang boses niya.

 

Kinuha ko yung bote ng alak sa kamay niya. “Ma, tama na po, baka marinig ka ni Minji,” sabi ko.

 

Walang alam si Minji sa problema ng parents namin. She’s too young to be involved sa ganitong situation, hindi ko rin kakayanin kung pati siya maaapektuhan so for me it’s better if ako na lang ang sasalo ng lahat ng ‘to.

 

“Tara na po sa kwarto niyo, Ma,” inalalayan ko siya kahit na patuloy pa rin siya sa pagsasalita ng kung ano-ano about kay Papa.

 

 

 

Masakit para sakin na ma-witness ko yung pagbabago ng treatment ng parents ko sa isa’t isa.

 

It all started when my dad was appointed as a Director of Technology sa company na matagal na niyang pinagtatrabahuhan. Pero ang catch doon, need niya magwork abroad. Better opportunity nga for him pero grabe yung ginawa niyang sacrifices.

 

Kinailangan niya kaming iwan.

 

My dad made me understood his choice before he left us pero hindi yun naintindihan ng mom ko.

Against talaga si Mama from the very start. Kahit pa noong concept pa lang ang paghahanap ni Papa ng work abroad para mas makapag-ipon siya at gumanda ang buhay ng family namin. Maybe because masyado siyang dependent kay Papa.

 

Palagi na silang nag-aaway simula noon at umabot sa point na gusto nang makipaghiwalay ng tatay ko kasi hindi na niya kinakaya ang stress na binibigay ni Mama sa kaniya.

 

Pero buti na lang hindi tinuloy ng dad ko because of us ng little sister ko.

 

Fast forward, mom became an alcoholic and every time na nalalasing siya, nadadamay kami ni Minji sa galit niya.

 

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan umabot sa ganito. Sobrang unfair lang na kaming magkapatid yung naiipit sa situation.

 

I love my parents to death but if they will cause pain and trauma kay Minji, ibang usapan na yun.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Maaga akong pumasok para hanapin si Seulgi.

I’m worried na baka hindi niya nagawa yung assignment namin kay Ma’am Trinidad kaya ginawa ko na rin kagabi yung part niya just in case.

 

“Uy, Irene,” nakita ako ng isa naming ka-group na naglalakad papunta sa room.

 

“Nakita mo si Seulgi?” I asked her.

 

“Nakita ko siya kanina may dala pa yatang pandesal so baka sa canteen yun pupunta,” she replied unsurely.

 

I smiled and thanked her tapos naglakad na ako papunta sa canteen instead tumuloy sa classroom namin.

 

“Samahan na kita! Bibili rin ako ng tubig eh.”

 

I don’t mind naman kaya sabay na kaming naglakad.

 

 

 

 

 

Naabutan namin si Seulgi na busy mangopya ng assignment habang kumakain ng breakfast niya.

Sabi na, makakahanap siya ng way para matapos yung assignment namin. Hindi nga lang ideal yung paraan niya.

 

I cleared my throat. “Tapos ka na mangopya?” I asked.

 

Napahinto siya pagnguya tapos guilty siyang ngumiti sakin.

 

“Ah… ehh… pa—patapos na,” she answered honestly na may kasamang kaba.

 

Right.

Useless din yung ginawa ko for her kagabi.

 

Ipinatong ko na lang yung homework ko sa pile of papers sa tabi niya and then itinago ko yung dapat na para sa kaniya.

 

 

 

 

 

Matagal pa yung next class kaya nag review muna ako para sa quiz namin sa isang major subject next week.

Sinamahan ako ni Joy kahit na wala siyang inatupag kundi daldalin at idistract ako.

 

“Excited na ako sa December! Marami na namang pakulo ang mga org from different courses,” sa sobrang excited niya, napapa-giggle pa siya.

 

Huminto ako sa paghi-highlight sa reviewer ko. “Ha? 4 months pa kaya,” sabi ko kahit obvious naman.

 

She gave my arm a sharp pinch, “Alam mo ang KJ mo talaga!” nakasimangot niyang sabi.

 

“I’m just telling the truth lang naman! Ano bang inaabangan mo dun?” I asked.

 

“Nachika kasi sakin nung isang frienny ko, naguusap-usap daw yung kaniya-kaniyang org ng iba’t ibang courses tapos bobonggahan daw nila yung pa-event nila before mag Christmas. Like may mga booth na tapos possible daw na may banda pa! Grabeng upgrade compare last year ‘di ba?”

 

Ang hilig talaga ni Joy sumali sa mga events dito sa school, kumbaga siya yung number one supporter kahit anong pakulo pa yan.

 

Good for her na sinusulit talaga niya yung college life niya na hindi ko masyadong nagagawa kasi puro aral lang inaatupag ko. Tapos as much as possible I will go home agad right after ng huling class namin para masamahan ko si Minji sa bahay.

But kahit ganun, wala naman akong issue sa routine ko and hindi naman ako nagrereklamo.

 

“Mas masaya sana kung may jowa kang kasama pag ganun noh? Yung pag may banda sabay kayong makikinig, tapos pupuntahan niyo yung mga booth… hihi!”

 

Nagde-daydream pa lang siya pero kilig na kilig na siya.

Kinontinue ko lang ang pagbabasa sa reviewer ko.

 

“Huy bes! Kainis ka naman eh, maya na yan!” kinuha niya yung noteb

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ireadsrfics #1
Chapter 8: Re-reading while waiting sa next chapter 🥰
rilakchaerin91
#2
Chapter 8: Kilig huhu 🥹❤️‍🔥
soshi26_ot9 #3
Chapter 8: Best chapter ever. Nakakakilig!!! Also, congrats author!
Goeynceilove
41 streak #4
Congratulations Author-nim!!! Well deserved you got Promoted 🐻🐰🎉🎉🎉🎉
When update po🙏😁
iamriou_
1158 streak #5
Eyyy!!! Promoted!!!!
Kylie_123 #6
Chapter 8: Yiieeeeeee salamat at maling number na save ni torpe 😌🤣🤣🤣
Etoile__
345 streak #7
Chapter 8: *naglumpasay ACHHHHHHHHHHKKKK KILIG SOOO MUCHHHHHHHHHH!!!! 😭😭😭😭🤭☺️☺️ THANKKKK UOU FOR DA UPDATE OTOR DASURB MO NG KADATE NGAYONG PASKO
_rtempest
1027 streak #8
Chapter 8: AYUN! AHHH NASABI NA RIN NI SEULGI!!!
iamriou_
1158 streak #9
Chapter 8: "WAAAAAAaaaaaaaaaaHHH!!!!! Baccla!!! HAHJKSKDHKJSAHDJKSA uusad na ang Seulrene kooo!!! T____T Salamat sa lapag otor!!! <3
soshi26_ot9 #10
Chapter 8: Waaaaaaaaaahhhhh!!!! Pasigaw rin ala Seulgi!