11:00

Dapit-hapon
Please Subscribe to read the full chapter

Ah !

 

Si Irene ba yung makakasalubong ko?

 

Sumulyap ulit ako ng isa pang beses.

 

Aaaaahhh! Tama ako, si Irene nga yun!

 

Humigpit ang hawak ko sa shoulder strap ng bag ko habang sumasabay yung mabilis na tibok ng puso ko, taragis na yan. Heto na naman yung kaba kong hindi mawala wala tuwing malapit siya sakin.

 

Bago pa kami magkasalubong, lumiko na ako papunta sa canteen kahit na dapat palabas na ako ng school para puntahan sila Byul sa computer shop.

 

Sa totoo lang hindi ko pa alam kung paano siya kausapin kahit na one week na ang lumipas noong nag-Raon kami.

Problemado pa rin ako dun sa sumundo sa kaniyang lalaki. Wala man lang kasi akong nakitang hint sa social media accounts niya dahil inactive siya dun kaya no clue pa rin ako kung anong dapat kong gawin o dapat kong ma-feel. Wow, kala mo talaga relevant ako sa buhay niya eh no?

 

“Seulgi!”

 

May tumawag sakin pero sigurado akong hindi boses ni Irene yun.

 

Patuloy lang ako sa paglalakad palayo.

 

“Hoy, Seulgi!!!”

 

Anak ng tokwa.

 

No choice ako kundi lingunin kung sino man ‘tong anak ng tokwa na ‘to.

 

Ay! Si Joy pala. Siya pala yung kasama ni Irene.

 

Confused akong tumingin sa kanilang dalawa kahit na parang luluwa na yung large intestine ko sa kaba.

 

Naglakad sila papalapit sakin.

 

Ngiting-ngiti si Joy habang kapit na kapit naman si Irene sa braso niya.

Hindi man lang ako makapagsalita. Ni hi or hello hindi ko talaga kaya!

 

“’Di mo daw pinapansin ‘tong si Irene...” nakita kong kinurot ni Irene yung tagiliran ni Joy. Lumiyad lang nang kaunti si Joy at tsaka bahagyang siniko si Irene.

 

Panong hindi pinapansin? I mean totoo namang lowkey umiiwas ako pero normal naman saming hindi mag-usap o magpansinan kapag nasa classroom.

 

“… Ano na daw yung next niyong gagawin sa project niyo?” pagpapatuloy niya.

 

Parang kailangan ko rin ng spokesperson para sagutin yung tanong niya.

 

“Huy!” dinutdot ni Joy yung kanang braso ko.

 

Bumalik ako sa ulirat pero kabado pa rin.

 

Umiwas ako ng tingin at napahawak sa batok ko. “A—ano… ako na bahala dun,” mahinang sabi ko.

 

“Hindi pwede,” mabilis na sagot ni Irene.

 

Tumingin ako sa kaniya.

 

“Project natin yun kaya dapat tayo yung gagawa. Hindi pwedeng ikaw lang,” may diin niyang sabi sakin.

 

Yawa. Hindi ko alam sasabihin ko.

 

May point naman siya pero… ahhhh!!!

Makakasurvive ba ako?

 

Bumungisngis si Joy. “Oh, bahala na kayo mag-away ah? Alis na ko, baka ma-late pa ako sa next class namin eh,” pilit na tinanggal ni Joy yung kamay ni Irene sa braso niya tapos mabilis siyang naglakad papunta sa kabilang building.

 

Away? Anong away?! Ayoko ng away!

 

Nagpapanic lalo yung kalamnan ko.

Hindi ko na alam kung ano yung dapat kong sabihin. Magsosorry ba ako? Luluhod na ba ako? Ahhh!!!

 

“Uhm…” narinig kong pasimula ni Irene. “… sorry, medyo aggressive yata yung approach namin sayo…”

 

Napansin kong kinagat pa niya yung lower lip niya habang nagsosorry.

 

Tang ina mo, Seulgi, ‘wag na ‘wag kang mamumula!

 

“… I’m worried lang kasi less than two weeks na lang pasahan na nung project natin tapos hindi pa ulit tayo nagme-meet after nung pagbili natin ng materials,” mahinahong paliwanag niya.

 

Huminga ako nang malalim para kumalma.

 

“Sorry,” sabi ko.

 

Bahagya siyang ngumiti, “Okay lang. I know busy rin tayo sa ibang subjects… But maybe magfocus muna tayo dito para matapos na?” suggestion niya.

 

Sa totoo lang hindi naman ako busy sa ibang subjects pero salamat naman kasi inassume niya na masipag akong mag-aral.

 

Nahihiya akong sinulyapan siya. “Sige,” tipid kong reply sabay tingin sa lupa.

 

Oo na, hindi ko kinakayang titigan siya kahit mga 5 seconds lang!

 

“Okay, free ka ba now? Wala naman na tayong class eh. Unless pupunta ka ng computer shop?”

 

Parang nababasa niya talaga yung nasa utak ko ah.

 

Nako! Yari na naman ako kila Byul neto.

Nagsabi pa naman ako sa kanila na susunod ako dun agad after ng klase.

 

“Pupunta sana ako pero magtetext na lang ako sa kanila na next time na lang ako sasali,” sagot ko sa kaniya.

 

Siguro naman gets na nila na hindi sila priority pag si Irene ang kasama ko.

 

“Gusto mo bang dumaan muna tayo ng shop para magpaalam?” tanong niya.

 

Nangamatis agad ako!

Sabi nang ‘wag mamumula eh!

 

Anong tayo?

 

“Ha—ha?” reaction ko kahit malinaw naman yung sinabi niya.

 

“Sasamahan kita para maniwala silang gagawa ka talaga ng project. Tara?” yaya niya habang nakatingin nang direkta sa mga mata ko.

 

Putaragis na mukha yan!

Parang hinding-hindi mo ko pagbibigyang hindi sumangayon sa gusto mo.

 

Nag-nod lang akong parang manok. Ni simpleng “sige” hindi ko masabi.

 

Nauna na syang maglakad papunta sa gate habang nakatameme pa rin ako sa kaniya.

 

Walang ilang segundo ang lumipas nang lumingon sya nang bahagya para i-check kung sumusunod ako.

 

Nakatameme pa rin ako.

 

“Ayaw mo ba?” tanong niya.

 

Mabilis akong umiling sabay karipas papunta sa kaniya. “So—sorry, eto na.”

 

 

 

 

 

 

 

Kung anong kinatahimik naming dalawa habang naglalakad papuntang computer shop, yun naman yung kinaingay ng utak ko kakaisip sa sasabihin nila Byul samin.

 

Tang ina, kinakabahan ako! Baka ibuking ako ng mga kumag na yun o ipahiya ako kay Irene.

Dagdag pa sa isipin ko si Ate Chona na may pagka chismosa!

 

AAAAAHHH!!

 

Pota, teka! Tsaka ko lang naisip na pwede ko nga pala i-text yung mga kumag na magbehave kung kelan ilang hakbang na lang ang layo namin sa pinto ng comshop!

Ang bopols ko talaga!

 

 

 

 

 

 

 

Dali-dali kong pinagbuksan ng pinto si Irene at pinauna siyang papasukin.

 

Eto na nga ba, bumungad agad ang matinik na tingin sakin ni Ate Chona na may kasamang nahihiyang ngisi after niyang ngitian si Irene.

 

“Oh, kanina ka pa hinihintay ng mga prends mo!” casual na sabi sakin ni Ate Chona.

 

Kitang kita kong sabay sabay na nagdungawan papunta sa direksyon ko yung mga kumag.

Ang lakas ng mga pandinig ng mga ‘to!

 

“SEULGING BOBO TARA NA!” sigaw ni Byul habang pabalik-balik ang tingin niya sa monitor at sa akin.

 

Mukhang hindi nila napansin si Irene.

 

Napangiwi ako nang bahagya.

Bigla akong nahiya sa nakasanayan naming bulyawan ng mga kaibigan ko.

 

“MID OR FEED? MID OR FEED?” paggaya ni Hwasa sa paborito kong linya kapag gusto ko ng patapon na laro.

 

Pakiramdam ko tumataas na yung presyon ko. Napapakapit na ako sa upuan habang hinihilot ko yung sintido ko nang madiin.

 

“Dali habang wala pa yung maaasim! Upuan mo na ‘tong dulo, matatapos na kami!” utos ng best friend kong bwakanangshet.

 

Pumunta sa harap ko si Irene. Agad agad akong tumayo nang tuwid at nanatiling nakatingin sa pwesto nila Byul.

 

Kita ko sa peripheral vision ko ang pag ngiti niya. “Paalam na tayo sa friends mo,” sabi niya sabay hawak sa manggas ng damit ko.

 

KALMA! KALMA!

 

Bahagya niya akong hinila papunta sa loob ng computer shop.

 

Putaragis!!!

 

Tuluyan nang bumigay ang nahihiyang ngisi ni Ate Chona.

Panigurado makikichismis ‘to pag alis namin.

 

 

 

 

Tumikhim si Irene nang makapunta kami sa likod nila Byul, Hwasa, at Wheein.

 

Sabay-sabay tumingin yung tatlo. “Hoy, bo—” napahinto si Byul sa sasabihin niya nang makita niya si Irene.

 

Si Hwasa at Wheein naman ay parehong nagulat.

Parang timang naman ‘tong mga ‘to! Kala mo nakakita ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ireadsrfics #1
Chapter 8: Re-reading while waiting sa next chapter 🥰
rilakchaerin91
#2
Chapter 8: Kilig huhu 🥹❤️‍🔥
soshi26_ot9 #3
Chapter 8: Best chapter ever. Nakakakilig!!! Also, congrats author!
Goeynceilove
42 streak #4
Congratulations Author-nim!!! Well deserved you got Promoted 🐻🐰🎉🎉🎉🎉
When update po🙏😁
iamriou_
1158 streak #5
Eyyy!!! Promoted!!!!
Kylie_123 #6
Chapter 8: Yiieeeeeee salamat at maling number na save ni torpe 😌🤣🤣🤣
Etoile__
346 streak #7
Chapter 8: *naglumpasay ACHHHHHHHHHHKKKK KILIG SOOO MUCHHHHHHHHHH!!!! 😭😭😭😭🤭☺️☺️ THANKKKK UOU FOR DA UPDATE OTOR DASURB MO NG KADATE NGAYONG PASKO
_rtempest
1028 streak #8
Chapter 8: AYUN! AHHH NASABI NA RIN NI SEULGI!!!
iamriou_
1158 streak #9
Chapter 8: "WAAAAAAaaaaaaaaaaHHH!!!!! Baccla!!! HAHJKSKDHKJSAHDJKSA uusad na ang Seulrene kooo!!! T____T Salamat sa lapag otor!!! <3
soshi26_ot9 #10
Chapter 8: Waaaaaaaaaahhhhh!!!! Pasigaw rin ala Seulgi!