13:00

Dapit-hapon
Please Subscribe to read the full chapter

“Tang inang mukha yan. Daig mo pa natalo sa sabong ah,” bungad ni Byul nang makita niya kong nakatambay sa labas ng comshop.

 

Ang layo ba naman kasi ng tingin ko habang hawak hawak yung bote ng Sprite.

 

Inakbayan ako ni Byul, “Anyare sayo men?” tanong niya.

 

“’Di ako masyadong nakatulog, hanep na yan,” pasimula ko. “…’di pa rin kasi ako nakakatanggap ng reply galing kay Irene,” sabay higop ko sa softdrinks.

 

Agad niyang tinanggal yung braso niya sa pagkakaakbay sakin.

 

Napatingin ako sa kaniya.

Hindi maipinta yung mukha ni Byul.

 

“Ha???? Bakit? Textmate ba kayo?!”

 

Para namang napaka imposibleng mangyari yun base sa tono niya.

 

 

 

 

 

Nanatili akong nakatitig sa palad ko habang naglalakad ako pauwi.

Shet talaga, ‘di ako makapaniwalang may number na ako ni Irene. Ang malupet pa dun, siya yung kusang nagbigay! Hindi man lang ako nahirapan.

Ni hindi ko na matantsa kung ano ba ‘tong nararamdaman ko, para bang kinikilig ka tapos excited ka rin at the same time.

 

Waaaahhh!

 

 

 

 

“Oh, nahatid mo ba nang buo yong kaklase mo?” tanong ni Mama pagpasok ko sa bahay.

 

Hindi pa man ako nakakasagotnsumingit na agad yung papansin kong kapatid.

 

“Mamaaaaa, jowa nga ni—”

 

Tinakpan ko agad yung bibig niya. “Alam mo ikaw napaka-epal mo ha. Kanina ka pa!” Kiniliti ko rin siya sa tagiliran habang naka-headlock siya sa braso ko.

 

Pilit siyang nagpupumiglas habang mangiyakngiyak na sa pagtawa.

 

“ATEEE JOKE LANG!!! STOP NAAA!” sigaw niya.

 

Stop mo mukha mo!

 

“Seulgi! Tigilan mo yang kapatid mo at gabi na,” saway ni Papa samin kahit na tutok pa rin siya sa pinapanuod niyang action movie sa TV.

 

Syempre ‘di ko pa rin tinantanan ‘tong kutong lupa na ‘to.

 

“AAAHH! HAHAHAHAHA!!! MAMA NGA SI ATEEEE!!!”

 

Nagpatuloy lang si Mama sa paglilinis sa kusina.

‘Di man lang pinansin yung kuto.

 

Maya maya pa nakaramdam ako ng something sa braso ko.

 

Potangina! Nilawayan ako ni Yuqi!

 

“AYYYY!!!” sigaw ko.

 

Kitang kita ko pa yung pagtulo nung laway niya sa balat ko!

 

“AAAHH!” ipupunas ko na sana sa mukha niya pero bigla siyang kumaripas sa kwarto niya nang makawala siya sakin.

 

“KADIRI SI YUQI MA! DINURAAN AKO!”

 

Dumiretso agad ako sa lababo para hugasan yung laway ng kapatid ko.

 

Ay, wait!

Yung number pala ni Irene!!!

 

Agad kong pinihit pasara yung gripo tapos pinunasan ko na lang ng malinis na basahan yung braso ko.

 

Chineck ko kung walang nabura na number sa palad ko.

 

“Phew, kumpleto pa,” bulong ko sa sarili ko.

 

“Seulgi, kumain ka na ng hapunan tapos hugasan mo yung pinagkainan mo pagkatapos ha?” paalala ni Mama.

 

“Sige Mama, maya na lang ako kain!” sagot ko sa kaniya.

 

Dali dali akong pumunta sa kwarto tapos kinuha ko agad yung phone ko sa bag ko.

 

Inopen ko yung camera sabay picture sa palad ko. Syempre dapat may ebidensya ako just in case mabura ‘to.

 

Sinave ko agad yung number ni Irene at syempre Joohyun yung nilagay kong pangalan niya.

 

Gumulong gulong pa ako sa kama ko after ko pindutin yung save button!

 

Okay, teka… Sabi pala niya hihintayin daw niya yung message ko.

Ano bang dapat kong sabihin? Hmmm.

 

Nagsimula na kong magtype.

 

 

uy… si seulgi to. hehe…

 

 

Napaisip ako.

Parang ang jeje kaya binura ko ulit.

 

Hello, Seulgi here.

 

Kumunot yung noo ko.

Para namang ang pretentious ko don.

 

 

Hi Irene! :D Ito pala number ko… save mo na lang.

 

 

Parang tunog palautos tapos feeling close pa.

Kulang na lang sabihin ko na ‘ito pala bagong roaming number ko’.

 

Pano baaaaaaa.

 

Tang ina kase bakit ba pinapahirapan ko sarili ko.

What if ganito na lang…

 

 

Hi, ako nga pala to si Seulgi… Yung future jowa mo.

 

 

HAHAHAHA. Tawang tawa ako sa sarili ko.

 

Pipindutin ko na sana yung erase kaso… TANG INA, NAPINDOT KO YUNG SEND!

 

Napaupo ako sa kama ako.

 

“HALA PUCHA!”

 

TEKA! ANONG GAGAWIN KO!

 

WAAAAHHHH!!!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi ko ma-explain yung mukha si Byul after kong ikwento sa kaniya yung nangyari nung gabing yun.

Pati siya nagulat sa katangahan ko.

 

Kinalabog niya yung likod ko. “AHAHAHAHAHAHAHA! GAGO KA!” hindi na siya nakapagpigil.

 

“AAAAAAHAHHAHAHAAH!” parang may sanib niyang halakhak.

 

Tawang tawa si kumag.

 

“Oh— HAHAHAHHAA— anong ginawa mo pagkatapos?”

 

Kinuha ko yung phone ko tapos pinakita ko sa kaniya yung mga messages ko kay Irene.

 

 

20:51

Hi, ako nga pala to si Seulgi… Yung future jowa mo.

 

 

21:36

SORRY! BIRO LANG YUN!

 

 

22:59

wag ka sanang magalit… wag mo sanang seryosohin yun :(

 

 

00:05

:((((

 

 

10:19

huy… galit ka ba? T-T

 

 

14:27

sorry talaga.

 

 

“Tapos wala man lang siyang reply ni isa hanggang ngayon. ‘Di ko alam kung anong gagawin ko kaya halos ‘di na ako nakatulog kagabi kakaisip,” sabi ko kay Byul.

 

Tumatawa-tawa pa rin si kumag. “Bobo mo talaga Seulgi!” sabi niya.

 

Wala naman kakwenta-kwento ‘tong best friend ko na ‘to kung magcomment.

Tsaka, alam ko naman yun!

 

“Anong gagawin ko?” kabadong tanong ko.

 

Nagkibitbalikat siya.

 

“’Di ko rin alam eh.”

 

Bwiset talaga.

 

“Hmmmm… marami namang pwedeng reason kung bakit ‘di siya nagreply eh…” tahimik na nakikinig ako sa kaniya. “… pwedeng ‘di siya nagreply kasi nabigla siya, o kaya naman, pwedeng wala siyang load.”

 

“Imposible namang walang load yun!” sabi ko.

 

“Eh malay mo, saktong nag-expire,” pilit niya.

 

Uminom ulit ako ng softdrinks kahit hindi na malamig.

 

“Tsaka feeling ko naman ‘di ganun kababaw si Irene para magalit sayo nang ganun ganun lang,” wow, medyo comforting yung sinabi niyang yun.

 

Tahimik pa rin ako.

 

Ang lala kasi ng mga iniisip ko.

Yung baka maging awkward na kami sa isa’t isa kahit na sinabi kong biro lang yun tsaka ‘wag niya seryosohin.

Alam ko naman kasi sa sarili ko na pinapangarap ko ring mangyari yun.

Tapos baka isipin pa niya na nagte-take advantage ako tsaka mabigyan niya ng meaning yung mga genuine kong actions towards her.

 

 

Tinapik-tapik ni Byul yung balikat ko.

 

“Ganito na lang, maglaro na lang tayo ng Dota tapos bukas mo na problemahin yan,” taas baba pa yung kilay niya.

 

Parang wala na ako sa mood mag dota ngayon.

 

“Ano ka ba Seulgi, ‘wag ka mag-assume hanggat wala ka pang proof or ‘di ka pa talaga sure. Para kang timang.”

 

May point si Byul dun.

Bukas ko pa naman talaga malalaman pag nagkita na kami sa classroom.

 

Tama.

Tsaka ko na lang iisipin ‘to!

 

 

 

Bago kami makapasok ni Byul sa comshop, narinig naming may sumisigaw ng pangalan namin.

 

“OY! SEULGI!!! BYUL!!!”

 

Sabay kaming lumingon ng best friend ko.

 

“Ayun! Sakto yung dating nila Wheein!” sabi ni Byul.

 

Teka bakit parang may isa pa silang kasama.

 

“Huy Seulgi, tama ba ‘tong nakikita ko?” siniko-siko ako ng best friend ko.

 

Napa-squint pa ako sa kasama nila Wheein at Hwasa. “Huh? Si Gyuri ba yun?” tanong ko.

 

Si Gyuri yung isa pa naming ka-batch nung high school. Hindi namin siya naging kaklase kasi nasa SSC siya. Kumbaga sila yung mas mataas sa section 1 noon tapos may extra subjects pa sila na related sa science.

 

Naging ka-close lang namin siya noong umattend kami ng Youth Leadership Summit nung 3rd year kami. Yung YLS na yun, para siyang camping for 3rd year and 4th year students tapos may mga activities at competition sa loob ng 3 days and 2 nights. Tapos ayun, ginroup kami and then si Gyuri yung naging leader namin ni Byul.

 

Pero after graduation, nahiwalay siya samin dahil sa Manila siya nag-aral tapos naputol na rin yung communication namin.

 

“Guys, tingnan niyo kung sino yung napulot namin sa kanto,” pasimula ni Wheein.

 

Abot tenga ang ngiti ni Gyuri samin ni Byul.

 

“AAAAAHH! GYURIII!!!” excited na niyakap ni Byul si Gyuri.

 

“Gosh, Byul, ‘di ka pa rin nagbabago,” rinig kong sabi niya habang hinihimas yung likod ng best friend ko.

 

Oo nga parang wala nga kaming pinagbagong apat samantalang siya, anlaki na ng pinagbago niya.

Mas nagmature siyang tingnan.

Mas… mas gumanda rin siya.

 

Ganun ba talaga ang hangin sa Maynila?

 

“Hello, Seulgi,” bati niya sakin.

 

Nilapitan niya ako sabay yakap nang mahigpit. Muntik ko pa mabitawan yung hawak kong bote ng Sprite.

 

Hindi ako sanay sa mga yakap yakap na yan kaya ‘di ko alam yung gagawin ko.

 

“He—hello… kumusta na?” bulong ko sa kaniya habang naghehesitate na tinapik-tapik yung likod niya.

 

Ngumiti siya sakin after niya kong pakawalan.

 

“Okay naman, namiss kita. Namiss ko kayong apat,” tumingin siya sa tatlo pa naming kaibigan.

 

“Yieee! Magta-transfer ka na ba ng school?” tanong ni Wheein.

 

Natawa lang si Gyuri. “Too late na eh. Sana nga dito na lang ako nag-aral para hindi ko kayo namimiss,” ang sweet talaga niya.

 

“So… bakit ka napadpad ulit dito?” tanong ko.

 

Napatingin sakin yung tatlo.

 

“Sungit mo naman,” sabi ni Hwasa.

 

“Gagi, legit na tanong yun! Kasi… kasi parang ang tagal na nung huli natin siyang nakita,” paliwanag ko.

 

Humarap saming apat si Gyuri.

 

“Nakabakasyon ako ngayon because hindi ako nag-enroll this semester,” sagot niya.

 

“Kasi?” tanong ni Wheein.

 

“Honestly, na-burn out ako kaya need ko ng enough rest to continue.”

 

Buti pa siya afford niyang magskip ng sem para lang magpahinga.

 

Patango-tango naman kaming apat. “Ahhh, so next sem babalik ka na? ‘Di ba trisem naman kayo?” tanong ni Byul.

 

Nag-nod si Gyuri. “Yup, kaya nandito ako sa Bulacan until December,” sagot niya.

 

Masaya naman kaming apat sa narinig namin.

At least magkakaron kami ng enough time para makapag catch up sa mga kaniya-kaniya naming ganap sa buhay tsaka para makapagbonding na rin.

 

“Yun oh! Feeling ko makakatikim ako ng libreng dinner ngayon,” kapal talaga ni Wheein.

 

“Haha! Sure, tara? My treat,” agad namang pagpayag ni Gyuri.

 

Parang pumalakpak yung mga tenga nung tatlo sa narinig nila.

Grabe talaga kumantyaw ‘tong mga ‘to, ako na lang yung nahihiya para sa kanila eh.

 

“Yownn!!! Saan tayo?” tanong ni Byul.

 

 

 

 

 

 

Pupunta kam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ireadsrfics #1
Chapter 8: Re-reading while waiting sa next chapter 🥰
rilakchaerin91
#2
Chapter 8: Kilig huhu 🥹❤️‍🔥
soshi26_ot9 #3
Chapter 8: Best chapter ever. Nakakakilig!!! Also, congrats author!
Goeynceilove
41 streak #4
Congratulations Author-nim!!! Well deserved you got Promoted 🐻🐰🎉🎉🎉🎉
When update po🙏😁
iamriou_
1158 streak #5
Eyyy!!! Promoted!!!!
Kylie_123 #6
Chapter 8: Yiieeeeeee salamat at maling number na save ni torpe 😌🤣🤣🤣
Etoile__
346 streak #7
Chapter 8: *naglumpasay ACHHHHHHHHHHKKKK KILIG SOOO MUCHHHHHHHHHH!!!! 😭😭😭😭🤭☺️☺️ THANKKKK UOU FOR DA UPDATE OTOR DASURB MO NG KADATE NGAYONG PASKO
_rtempest
1028 streak #8
Chapter 8: AYUN! AHHH NASABI NA RIN NI SEULGI!!!
iamriou_
1158 streak #9
Chapter 8: "WAAAAAAaaaaaaaaaaHHH!!!!! Baccla!!! HAHJKSKDHKJSAHDJKSA uusad na ang Seulrene kooo!!! T____T Salamat sa lapag otor!!! <3
soshi26_ot9 #10
Chapter 8: Waaaaaaaaaahhhhh!!!! Pasigaw rin ala Seulgi!