8:00

Dapit-hapon
Please Subscribe to read the full chapter

Nakatulala na naman ako sa kaniya.

 

Oo, dito lang naman ako magaling. Kung sports lang ang pagtanaw sa kaniya malamang gold medalist na ako.

 

Ilang taon na akong tahimik na humahanga sa lahat ng ginagawa niya at kahit ilang taon pa ang lumilipas, hindi pa rin ako nagsasawa.

 

Nagsimula ang lahat nung nagtransfer siya sa school namin nung high school pa kami. Kalagitnaan ng senior year kung kailan decided na ako sa lahat ng gusto kong gawin sa college tsaka siya sumulpot para mapabago ng isang iglap ang lahat ng plano ko.

 

Si Irene, siya lang naman yung nagiisang rason kung bakit ko pinilit kunin ang kursong hindi ko naman gusto. Siya rin ang dahilan kung bakit natiis ko ang tatlong taon para magstay kung nasaan ako.

 

Gusto siya.

Gusto kong mapalapit sa kaniya.

 

Pero kahit ilang taon na ang nagdaan, nananatili pa rin akong isa lang sa mga kaklase niya. Ni label as kaibigan malamang hindi namin maibibigay sa isa’t isa.

Pag binibigyan naman ako ng pagkakataon ng tadhana para makausap siya, ako mismo ang pumapalpak.

 

Kaya heto ako ngayon nananatiling nakatanaw sa malayo.

 

 

 

“Huy, nakatameme ka na naman diyan,” sabi ni Byul.

 

Mabilis kong hinampas yung kamay niyang muntik nang dumapo sa baba ko.

 

“Tang ina ka naman eh, kita mong nananahimik ako dito.”

 

Wala talagang magawang maayos si Byul.

 

Hinila-hila niya yung braso ko. “Tara na! Nasa comshop na sila, tayo na lang hinihintay!” pagpupumilit niya sakin.

 

“Teka, 5 minutes!” agad kong hirit.

 

Binatukan niya ko. “Gago ka ba? Makikita mo naman yan mamaya eh! Dali na timang! Malapit na matapos vacant natin!”

 

Kahit na kinakaladkad na ako ni Byul palabas ng canteen, hindi pa rin umaalis ang titig ko kay Irene. Partida na kahit parang sampung rows ng table yung layo niya sakin hindi pa rin umaalis sa focus yung malabong mata ko sa magandang mukha niya.

 

 

 

 

 

Dota 2.

Ito lang naman ang kaagaw ni Irene sa buhay ko.

Pwede ko ring sabihing ito lang naman ang natatanging distraction na pwede kong gawin para mapahinga yung pagkalulong ko sa kaniya.

 

Haha! Teka, hindi parang hindi rin! Pangalan pa rin niya pala yung gamit kong in game name. KJoohyun… tang ina naman! Oo na, ang korni! Kahit saan palang sulok ng buhay ko palaging may bakas ng pagkatao niya.

 

 

 

 

“Open time po dito sa VIP 3 and 4!” sabi ni Byul sa bantay.

 

Inilagay ko muna yung bag ko sa tabi ng monitor para kumportable akong makaupo sa gaming chair.

 

Hindi na kami nagsayang ng oras ni Byul at nagsimula na kaming pumasok sa cinreate na room ni Wheein.

 

5v5 ang laro. Ranked game kalaban ang kung sino mang makasali sa queue.

 

Bilang mapagbigay na kaibigan, hinahanayaan ko na silang mamili ng lane at role nila at ako na lang ang palaging magaadjust.

 

Pagkatapos ng banning at picking ng hero, simula na ang laban.

Syempre dahil pangalan ni Irene ang bitbit ko hindi dapat kami matalo. Nakakahiya naman kung may sisigaw ng ‘Sino yung KJoohyun na yun? Kick na ng yan ang panget kakampi!’

 

Di ko kayang marinig yun!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi ko na natapos yung pangalawang game namin ni Byul dahil kinailangan ko nang tumakbo papunta sa classroom naming nasa 3rd floor.

Sana totoo na lang ang Boots of Travel sa Dota para sa ganitong sitwasyon. O kahit man lang Blink Dagger na may cool down papatulan ko na!

 

 

 

“Good—” hinahabol ko ang hininga ko. “—good afternoon, Ma'am, sorry po late ako,” sabi ko sa professor namin.

 

Napatigil siya sa pagsusulat ng equation sa board at matalim na tumingin sakin, “You're almost half an hour late, minark na kita as absent,” nagpatuloy siya sa pagsusulat sa pisara.

 

Patay.

 

Hinanap ng mga mata ko si Irene. As usual, naka-upo siya sa first row dahil sa apelyido niya. Busy siyang kumukopya sa sinusulat ni Ma'am Trinidad.

Huminga ako nang malalim at pumasok pa rin sa klase kahit absent na ako sa record ni prof singit este sungit.

 

Pumwesto ako sa likuran kung saan tanaw ko si Irene.

Ayos na ‘to, may mapapala pa rin naman ako eh.

 

 

 

 

 

 

Nagising ako nang may tumapik sa balikat ko.

Hirap na hirap pa akong dumilat. Napahikab ako at umunat bago tingnan kung sino yung gumulo ko sa mahimbing na pagkakatulog ko.

 

Putang ina— si Irene!

 

Napatakip ako ng bunganga kong naka-stuck pa sa pagnganga, hindi tuloy naging satisfying yung hikab ko! Ahhhgg!

 

Para akong nilublob sa baldeng puno ng yelo at tubig!

 

Tumingin ako sa harap, nandun pa rin yung masungit naming prof sa table niya. Sunod kong tiningnan yung white board. Ah gagi, may group activity yata.

 

Bumalik ang tingin ko kay Irene, hindi alam ang sasabihin.

 

“Ka-group kita,” sabi niya.

 

Bakit ako kasali sa groupings? Eh ‘di ba nga inabsent na ko ni Ma’am? Kaya nga ang lakas din ng loob kong hindi makinig at matulog na lang sa pwesto ko eh.

 

“Ah— ah okay.”

 

Napatingin siya sa labi ko.

 

Napalunok ako.

 

Tang inang yan, ano ba tong pumasok sa kokote ko! Napaka-asyumera mo Seulgi, animal ka!

 

Tinuro niya yung kanang pisngi ko, “May laway ka pa,” sabi niya.

 

Putang ina naman!

 

For a moment inisip ko pang interested siya sakin. Ang kapal ko, oo na nga!

 

Ipinunas ko yung manggas ng t-shirt ko sa panis na laway na namuo sa gilid ng bibig ko. Hay! Nakakahiya talaga, taragis!

 

 

 

Walang ilang minuto, nagsidatingan na rin yung tatlo pa naming kaklase. Sila na yung nag-adjust para sakin. Ipinaikot nila yung mga armchairs para makapagsimula na kami sa group activity.

 

May kailangang sagutan na 20 problems. Meaning tig-apat kami, oha ang galing ko lang magcompute.

 

Eh pano ako makakatulong neto eh hindi naman ako nakinig kanina. Malamang sa malamang wala akong maiaambag sa kanilang apat.

 

Binigay sakin nung isa naming kagrupo yung kailangan kong i-solve na problems.

 

Todo basa naman ako, kala mo naman alam ko talaga kung paano yung gagawin.

 

Pero dahil ayaw kong maging pabigat, sinubukan ko pa rin magsolve.

 

Kailangan kong magpa-impress sa kaniya.

 

Yun lang ang nasa isip ko ngayon kahit na napahiya ako ng panis na laway ko kanina.

 

Dagdag mo pa yung…

 

Baka ito na ang chance ko!

 

Hiniram ko yung notes ng katabi ko, baka naman kahit konti ma-gets ko yung dapat gawin.

Pero walastik! Wala man lang akong ma-gets sa sulat niya nang buklatin ko na yung notebook niya! Parang kinalahid ng manok sa panget!

Kahit yata si Langdon hindi madedecode ‘tong parang naka encrypt na penmanship niya eh.

 

“Ay, ‘di ko na pala need. Hehe, tenks!” pagbalik ko sa kaniya.

 

Sinubukan ko na lang intindihin yung mga sample problems sa white board.

 

May pabulong-bulong pa ako sa sarili ko, kunwari nagegets ko kung ano yung binabasa ko.

 

“Last 10 minutes!” sigaw ni Ma’am Trinidad.

 

Pota. Bakit ambilis naman eh ang dami nung binigay niyang gagawin?!

 

Napatukod ako ng siko ko sa armchair ko sabay salpak ng mukha ko sa palad ko.

 

WALA AKONG MAGETS!

NI ISA WALA AKONG MASAGUTAN!

 

“Tapos ka na?” tanong ni Irene.

 

Lalo akong nagpanic.

 

“’Di— ‘di ko alam kung paano eh,” masakit sa loob kong pag-amin.

 

Wala na talaga akong pag-asa, ano ba naman yan.

 

Nagulat ako nang nakipagpalit siya ng pwesto sa isa naming kagrupo para tumabi sakin.

Tapos naglean forward siya para makapagsulat sa papel ko.

 

Naamoy ko kung gaano kabango ang shampoo niya. Hindi ko sure kung Dove o Sunsilk na pink, basta familiar. Dagdag mo pa yung humahalong amoy ng perfume niya, sigurado akong hindi Johnson’s Baby Cologne ‘to.

 

Patuloy lang siya sa pag-explain kung paano i-solve step by step yung isang problem na na-assign sakin habang ako hindi makapagconcentrate kasi sobrang lapit niya sakin.

 

Ang lambing ng boses niya.

 

Nanghihina ako every time na inaayos niya yung nahuhulog niyang eyeglasses.

 

Parang anytime magshu-shutdown na yung katawan ko sa kaba.

 

“There, that’s how you solve it,” sabi ni Irene.

 

Nakatulala lang ako sa kaniya.

 

“Na-gets mo ba?” malumanay niyang tanong.

 

Nagnod ako kahit wala talagang pumasok sa kokote ko.

 

Napatingin kaming dalawa sa harap nang biglang magsalita si prof.

 

“Okay class since wala na tayong time, assignment niyo na lang yan. Please pass it tomorrow morning…” tumayo si Ma’am Trinidad bitbit ang bag niyang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ireadsrfics #1
Chapter 8: Re-reading while waiting sa next chapter 🥰
rilakchaerin91
#2
Chapter 8: Kilig huhu 🥹❤️‍🔥
soshi26_ot9 #3
Chapter 8: Best chapter ever. Nakakakilig!!! Also, congrats author!
Goeynceilove
41 streak #4
Congratulations Author-nim!!! Well deserved you got Promoted 🐻🐰🎉🎉🎉🎉
When update po🙏😁
iamriou_
1158 streak #5
Eyyy!!! Promoted!!!!
Kylie_123 #6
Chapter 8: Yiieeeeeee salamat at maling number na save ni torpe 😌🤣🤣🤣
Etoile__
345 streak #7
Chapter 8: *naglumpasay ACHHHHHHHHHHKKKK KILIG SOOO MUCHHHHHHHHHH!!!! 😭😭😭😭🤭☺️☺️ THANKKKK UOU FOR DA UPDATE OTOR DASURB MO NG KADATE NGAYONG PASKO
_rtempest
1028 streak #8
Chapter 8: AYUN! AHHH NASABI NA RIN NI SEULGI!!!
iamriou_
1158 streak #9
Chapter 8: "WAAAAAAaaaaaaaaaaHHH!!!!! Baccla!!! HAHJKSKDHKJSAHDJKSA uusad na ang Seulrene kooo!!! T____T Salamat sa lapag otor!!! <3
soshi26_ot9 #10
Chapter 8: Waaaaaaaaaahhhhh!!!! Pasigaw rin ala Seulgi!