Chapter 8

Avery's Divorced Parents
Please Subscribe to read the full chapter

Everything is good. 

 

Mula nang makalabas ako sa hospital, so far okay naman.

 

I don't even feel suffocated anymore pag nandyan si Karina.

 

Was it because she doesn't bother me anymore? 

 

I mean, kinakausap niya naman ako. Ever so thoughtful pa 'rin samin ni Avery. We're civil at ganon pa 'rin naman siya.

 

Is she?

 

Maybe I'm just reading about it too much. After that night, when she answer that call, okay naman kami the next day.

 

Well, as we should. Wala naman ako sa pwesto to get--

 

"Mommy?" 

 

Nalihis ang iniisip ni Winter nang marinig ang anak. Day off ngayon ni Winter at ngayon ay nasa kwarto niya lang silang mag ina. Nakaupo siya sa kama habang binabasa ang sales report ng restaurant for this month. Nasa lapag naman si Avery na nakadapa sa lapag habang nagkukulay sa kaniyang coloring book.

 

"Yes, Anak?" Paglipat niya nang tingin at nakatingala ito sa kanya.

 

"Kailan po uuwi si Mama?" 

 

Right, Karina is not home today. Kailangan niya raw mag report sa office nila. She even said sorry na kailangan niya umalis which is absurd because I don't mind. 

 

I tapped the space beside me para lumapit si Avery. Agad naman itong sumunod.

 

"Few more hours, Baby. Nasa work si Mama, 'diba?" She nodded her little head tsaka yumakap sakin. Napaka sweet!

 

Nanatili lang kaming mag-ina na magkayap. I love spending lazy days with my daughter. 

 

And then we fell asleep.

 

I don't know how long akong nakatulog pero nagising ako dahil sa mabangong pagkain na naamoy ko.

 

I tucked Avery sa comforter bago tumayo. Grabe, ang bango ng kung ano man 'yon. Nakakagutom.

 

I went out of my room at dumiretso sa kusina.

 

There, I found Karina. Maligalig na nagpeprepare sa lamesa ng kung ano.

 

Sumandal ako sa pader as I observe her. 

 

At times like this, napapaisip ako.

 

Karina.. mabait 'yan eh. Regardless of what happened between us, hindi ako nagsisisi.

 

Ika nga ni Daniel Caesar, Best Part.

 

Baka nga kung totoo ang past life at reincarnation, I just know na si Karina ang other half ko in everytime lifetime.

 

Lakas lang maka KDrama.

 

And I wonder that if I was forgiveful enough, what if nalagpasan namin?

 

Like, no divorce tapos nag stay lang ako?

 

"Hey, gising ka na pala." 

 

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko si Karina. 

 

"Gigisingin ko pa lang sana kayo after ko mag-ayos." Tinuro pa nito ang pagkain na nakahain sa lamesa. "Si Avery ba gising na?"

 

"Oh, tulog pa. Teka, gigisingin ko lang since dinner time na 'rin naman." 

 

I was about to leave ng may maramdaman akong humawak sa kamay ko. Para naman akong nakuryente. Ewan.

 

Nang makita niya ang reaksiyon ko ay agad niya 'rin ito inalis.

 

"Uh, sorry. Ako na, upo ka na lang d'yan."

 

Tumango ako tsaka pumunta sa hapag. Of course, Panda Express ang binili niya. As a family, sa Panda Express nagkakasundo ang taste buds namin. Ang anak ko kasi ay may pagka picky eater, pero 'yung mga pagkain nila doon type na type niya. 

 

"Look what Mama bought you!"

 

Naglalakad sila papalapit sa table. Buhat buhat ni Karina ang pu-pungay pungay pang Avery. Jusmiyo, ang cute!

 

Inupo siya ni Karina sa tabi ko at sa harap namin siya pumwesto.

 

"Orange chicken, Mama?" Malambing na tanong ni Ave.

 

Tumango si Karina bago nagsalita,

 

"Yep! Favorite ng baby namin 'yan 'diba?" Masiglang sambit nito. "Right, Mommy?"

 

Nasamid ako iniinom kong juice. Bakit may paganon tapos ang lawak pa ng ngiti? Nakakatuwa ba 'yon?

 

Ano ba 'yan!

 

Alam kong Mommy ako ng anak namin but still!

 

Kala kasi ano eh hmm ano.. wala.

 

Um-oo na lang ako tsaka inayos ang pagkain ng bata. Hinainan ko ito konting orange chicken and rice since ayokong maraming kinakain si Ave sa gabi.

 

Masiglang masigla naman ang anak namin. Talagang kumikislap pa ang mata.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seulbearg
Update! Sorry ayan lang kinaya ng powers ko. No proofread again and again. Unti-unti kong aayusin yung errors from chapter 1 pag nagkaroon ng time :D

Comments

You must be logged in to comment
taytaysbetty
#1
Chapter 14: Deeply understood. And also, if you ever want to discontinue the story sooner, that is also fine. Thank you parin, po. 🤍
jiCHUyaa
#2
Chapter 14: 🤧🤧🤧🤧🤧
infp23
#3
Chapter 14: Huhu
kwinminjeong
#4
Chapter 14: it just gets heavier.. thank u parin author, ily!
wnddmks_ 658 streak #5
Chapter 14: awit 😞
Genniee #6
Chapter 14: winrina aus are slowly being discontinued:((( nooo
howdoyouknowmee
538 streak #7
🥺
joyie4ever #8
Chapter 12: Maze u
fanficethusiast #9
Chapter 12: balik ka na otor pls
fifth_
#10
maze u