Ika-apat na Liham

hiraeth
Please Subscribe to read the full chapter

“Sinong surgeon ang naka-sched kay Mrs. Acosta? Akala ko sa’kin s’ya ibibigay?”

 

Nakakunot lang ang noo ko, halatang naguguluhan sa ginawang reset ng hospital pagdating sa scheduling ng patients and surgeons. Akala ko kasi full na schedule ko this week before ako umalis sa Sunday for the seminars next week.

 

“Ibinigay po s’ya ni Doctor Landicho sa iba, Doc…” I slowly nodded, looking at the coffee in my hand before entering my office.

 

Bakante na pala ako for the rest of the night then. Anong gagawin ko dito?

 

Napatitig na lang ako sa pader, sa kalendaryo to be specific… busy ba si Benjamino?

 

I pulled my phone from my pocket, casually sliding my lockscreen. Ayaw ko muna pakatitigan ang ngiting nakapinta sa mukha sa screen. Hindi ko pa kaya ulit… Dalawang araw na akong ‘di umiiyak oh, makakatatlo na ba?

 

“Hello? Busy ka ba?”

 

“Hindi naman, nasa office, bakit? Need mo ba moral support sa surgery mo?” Dinig ko pa ang mahinang tawa ni Hyacinth sa tabi n’ya.

 

“Gago, hindi… inom tayo?” Natahimik s’ya sandali bago tuluyang pumayag. For sure nagpaalam pa ‘to kay Hyacinth.

 

Natawa na lang ako sa naisip kong ‘yun… parang kelan lang, ‘di kami makalabas masyado ni Benjamino na kami lang dalawa kasi ayaw pumayag ni Maia at Hyacinth na mag-iinom kami na kami lang dalawa sa labas.

 

“Under ka talaga…” Asar ko pa.

 

“‘Kala mo naman ‘di ka under kay MJ…” Ako naman ‘yung biglang natahimik sa isinagot n’ya.

 

Tangina.

 

Iba pa rin pala talaga ‘yung epekto.

 

“Puntahan kita d’yan sa office mo, dun tayo sa garden uminom… sure ka bang wala ka naka-sched na operation?” It took me a little while before responding.

 

Ewan ko ba, nitong mga nakaraang araw na isinasantabi ko muna ang walang katapusang luha ko… para akong nabablangko tuwing may kausap ako o may iniisip ako. Sa pag-iwas ko sa pag-alala sa kan’ya parang lahat ng alam ko isinasarado ko na rin sa isang parte ng utak ko.

 

“Sige…”

 

Gusto kong makalimot ng ilang minuto, pero sa bawat segundo na ilalagay ko ang sarili ko sa isang posisyon na ‘di ko alam kung deserve ko ba… para akong sinasampal na ano ba namang karapatan kong umiwas? Anong karapatan kong pumikit at ipilit na ‘wag alalahanin ang lahat?

 

Gulong-gulo na ako, o baka ngayon lang ‘to?

 

Hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin ang paulit-ulit na bigat na dumadagan sa dibdib ko pero alam kong ‘yun lang din ang magpaparamdam sa’kin na nandito ako, at nabubuhay… na ako ‘yung natitirang aalala ng lahat… na ako ‘yung pinag-iwanan ng lahat ng masasaya at masasakit na pangyayari.

 

“Lalim ah…” Napalingon ako kay Benjamino at sa boteng iniaabot n’ya sa’kin. Hindi na n’ya suot ang lab coat niya. Tanging ‘yung shirt niya na lang at ang mga ballpen na nakalagay sa chest pocket ng damit niya ang meron siya.

 

“Hypothetical question lang…” Damang-dama ko na ang pag-init ng mat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
zeroris
@yeojaszero on twt <3

Comments

You must be logged in to comment
u_ujiman #1
Chapter 6: Nag-update na namn para saktan ako! Chos. Namiss ko kayo, masakit pa rin talaga eh.

Happy Halloween.. :,))
u_ujiman #2
Chapter 5: If ang goal mo ay paiyakin ako, pwes nagtagumpay ka!

Jk. Ang sakit. Ang ganda. Ang lungkot huhu Elaine :(( yung letter di ko kinaya
u_ujiman #3
Chapter 4: Ugly crying, hindi ko na siya keri. I think I would be grieving with Elaine along the way.

Happy pride month. :)
u_ujiman #4
Chapter 3: Masyado yata tong masakit hahahahaha

Hindi ko kakayanin kung ako yung nagtry isulat ulit yung letter kahit hindi para sakin, ang sakit lang. Ramdam mo yung pagmamahal nila
u_ujiman #5
Chapter 2: MHIE ANO BA YAN HINDI BIRO YUNG SAKIT
u_ujiman #6
Chapter 1: Unang bungad, sakit agad
Elatedbliss #7
Chapter 4: 😭💔
kwinminjeong
#8
Chapter 1: huy anu ba yan ಥ⁠_⁠ಥ nangwwarshock eh gago naiyak n q oh
kwinminjeong
#9
Nakikita ko palang yung comments parang di ko kakayanin to vebs ah pero kebs ikaw yan zero eh (⁠ ⁠≧⁠Д⁠≦⁠)
Prenglesz_
#10
Chapter 3: umiiyak na yung tao oh....