Special Chapter #4

Kapag Tumibok Ang Puso
Please Subscribe to read the full chapter

Life Update: Ikaw pa rin.

 

a/n: thank you gift for the star<3 

_ _ _


 


 

“Sharam, daram, shararam! Sharam, daram, sharadam~”


 

I don’t know what time it is already.


 

I don’t even know if I’m just dreaming.


 

Pero rinig na rinig ko ngayon ang boses ni Winter na super birit na birit with kulot pa kung kumanta.


 

“Kapag tumibok ang puso! One more time bebe! Wala ka nang magagawa kundi sundin ito! Yaas!”


 

Oh God…she’s so maligalig this morning…


 

Umeepekto na ata yung pinagkakaabalahan niyang morning health shot na natutunan niya sa youtube. Nadamay rin ako sa iniinom niyang manuka honey, garlic, lemon, and a bit of chili powder tuwing umaga after her smoothies. When I tried it mainit siya sa katawan.


 

Sabi pa niya na we're both in this balik-alindog program together, wala akong choice kundi inumin nalang din yung mga ginagawa niyang smoothie at detox juices. I agree naman na super naging haggard kami the past months dahil nga I was pregnant.


 

Tapos mas naging challenging pa when I gave birth kasi halos wala kaming tulog dalawa.


 

Not bad. I think Winter's also working out a bit.


 

Wait anong oras na ba? Is it lunchtime already? Napahaba ba ang tulog ko?


 

8 am palang…


 

Medyo inaantok pa ko pero I need to bangon na because hindi na ata ako makakatulog ulit dahil kanina pa kumakanta si Winter sa may sala. I can hear it from here kasi para siyang may hawak hawak na microphone or idk. 


 

Love, mahal kita… pero why are you so loud early in the morning?


 

Napunta pa nga ata yung kinakanta niyang baby shark kanina sa panaginip ko.


 

Without minding how I look dumiretso na agad ako sa sala namin pagkabangon. 


 

Asawa ko naman ang sasalubong kaya sanay na siyang makita akong ganito sa umaga, messy hair and just oversized shirt—no bra. Even if naka undies lang siguro ako she wouldn't mind—kung kami lang dalawa ha.


 

Well…we sometimes wake up both —okay fine nung nagsisimula pa lang kami sabihin nalang nating a lot of times.


 

Clothes scattered on the floor.


 

Phones na hindi na mahagilap kung nasaan.


 

And…uhm…ehem you know kiss marks and some scratches all over ehem.


 

Oh I miss those times…kailan ba yung huli…?


 

Erase erase!


 

Ang aga aga, Katarina!


 

“What are you doing…?” medyo groggy pa yung boses ko dahil nga kakagising ko palang. Naabutan ko siyang nasa kusina na ngayon at mukhang patapos na magluto ng breakfast.


 

"Goodmorning misis ko!" Masiglang bati niya sakin. She removed her apron first at naghugas ng kamay bago lumapit sakin.


 

She was about to kiss me pero may nakita kasi akong lumingon na little being.


 

My baby!!!


 

Oh my her hair looks so messy pa, kakagising palang ata.


 

“Goodmorning my baby princess! You want breakfast na?” tanong ko saaking little one! Such a cutie!


 

I slowly caressed her head kasi nakatayo lahat ng hair niya.


 

She answered me with a smile at inaabot rin ako ng kamay niya. I almost melted.


 

Hindi ko na napigilang buhatin siya mula sa pagkakaupo niya sa kanyang baby seat. I showered her with kisses! Ang bango bango! Winter must've changed her clothes already. Pero hindi man lang sinuklayan! Gusto gusto niya talaga yung ganitong look sa baby namin.


 

"Goodmorning baby, you miss mommy?" I said still kissing her cute fluffy and soft cheeks. Namana niya ata sa isa niya pang mommy.


 

Mas lalo lang ata akong matutunaw because she's laughing. I'm gonna melt I'm gonna melt I'm gonna melt.


 

Eira likes it lalo na kapag kinikiss siya sa tummy and how do I explain this…yung parang binubugahan ng air? It tickles her.


 

"Aba pinya, bakit mas mukhang excited ka pa nung makita mo na si mommy one ha?" Reklamo ni Winter.


 

Eira is just making baby noises at mukhang good mood nga siya ngayong morning. 


 

It's so good seeing her jolly like this, she's more active now. 


 

Nung unang time na pinakita namin si panpan she cried. But now, they're bestfriends already. Gustong gusto niyang tinitignan yun fur ni Panpan, tapos yung isa naman magpapacute sa harap niya because that dog would show her yummy.


 

I wish I could show you some pictures kasi sobrang cute!


 

Pinya ang tawag minsan ni Winter kay Eira because mukha daw pineapple yung buhok niya. Parehas niya kaming inaasar niya tsk. Minsan naman Rina liit.


 

Binalik ko na rin ulit si Eira sa upuan so I can greet her other mommy.


 

"Goodmorning, love…" I greeted her at I also kissed her cheeks kasi may pa pout pout pang nalalaman ngayon.


 

Kala mo talaga hindi ako tinulugan last time na nilalambing ko siya.


 

"Sa lips…" nagreklamo pa.


 

Demanding…


 

Kaya pinagbigyan ko na, kahit na gusto ko rin naman talaga. 


 

 

 

 

 

Our morning went smoothly, nakatulog na nga ngayon si Eira after she finished her milk kaya here we are—walang magawa.


 

Nakaupo lang naman kami ngayon sa sala, we don't want to disturb our baby's sleep sa may kwarto. Naka-bukas naman yung door para marinig namin if gising na siya.


 

Mamaya pa naman kami pupunta sa park because masyado pang mainit. That's why naisip ni Winter na magtingin tingin nalang ng photo albums namin. Dinala kasi ni mommy yung saakin last last week, eh dakilang gaya gaya pa naman yung isa diyan kaya kinuha niya rin yung kanya.


 

Tinawanan pa niya yung pictures ko noon because of my hair hmp! She's into it so much.


 

"Anak mo nga talaga si pinya, lovelove." She said habang nakatitig sa baby pics ko.


 

"Duh, kitang kita mo nga kung paano ko nilabas eh." Sagot ko.


 

Winter never left my side when I was giving birth. Naawa mga ako because sobrang higpit ng hawak ko sa kanya, she must've felt the pain too kasi pagkagising ko non pulang pula yung wrist niya.


 

"Magkamukhang magkamukha kayo…pati buhok." Napataas naman agad ang kilay ko.


 

Rinig na rinig ko yung pagpipigil niya ng tawa. Kinurot ko tuloy siya sa tagiliran pero agad kong tinakpan ng unan yung face niya kasi muntikan pang tumili!


 

"I'll confiscate your nintendo kapag nagising si Eira." 


 

"Ikaw kaya tong nangungurot…"


 

"Stop making fun of my hair kasi."


 

"Cute naman ah, lalo na tong nasa seesaw ka pfft—" sinamaan ko nalang ulit siya ng tingin at binuklat nalang yung photo album niya.


 

I was greeted with this dumpling na mukhang masungit. Nakangisi pa.


 

"Mukha kang pasaway na masungit na bata noon. Ay hindi pala mukha, even now makulit ka pa rin." I said habang tinitignan yung picture niyang nakapamewang.


 

Ang cute…pero di ko sasabihin yan kasi baka lumaki ulo ng katabi ko. She just called me pineapple!


 

"Iyakin ka siguro noon, love." Natatawa tawang sabi niya habang umuusog palapit sa tabi ko leaving no space between us.


 

"I'm not kaya, tsaka tanong mo pa kay mommy, masunurin akong bata." Proud kong sagot. Since only child lang ako, palagi talaga akong nagpapasikat noon kay mommy at daddy. Kaya never akong naging pasaway, hindi rin kasi ako pinalaki sa palo.


 

Ayaw na ayaw ni Daddy nun.


 

"Masunurin din kaya ako." Singit naman ni Winter na ngayon ay nakaakbay na sa sinasandalan ko.


 

"I doubt."


 

"Tanong mo pa kay ate, masunurin ako kapag picture usapan." Ayun. Kaya pala ang gaganda ng poses niya sa mga pictures.


 

 

 

 

(Insert: The Simple Things - Michael Carreon)


 

We were just quietly browsing our pictures while cuddling.


 

Maybe I really just like the feeling in Winter’s arms, out of all the cuddling positions out there…this is my favorite. Yung naka-backhug siya sakin habang nakasandal lang ako sa katawan niya. I also like it kapag ako naman yung nakayakap sa kanya.


 

I fully understand bakit sinasabi ng iba na it’s not always sunshines and rainbows kapag mag-asawa na kayo. Not much butterflies and kilig anymore.


 

But for me, I think it still feels good. Loving never felt this good actually.


 

Even if Winter and I ran out of topics to talk about, I'd still be happy to stay with her.


 

Love, I'd choose to be bored with you—than to be with someone else.


 

At this point I may have said it back then na, I’m running out of words to describe this feeling. 


 

So let me just paint the picture for you, by showing you what Winter does that makes me want to just devote myself to her. 


 

Even with the simplest things.


 

I just love it much.


 

Winter loves caressing my hand down to my fingertips, and she kisses it ever so gently. 


 

Just a small detail nga lang pala, Winter and I decided na gawin nalang pendant yung rings naming dalawa since Eira's here, kaya we don't wear it anymore. We want to be gentle whenever we're holding her.


 

Winter then proceeds to sniffing my hair and hugging my waist tighter but not too tight. 


 

“Love, wala na pala tayong shampoo. Ang mahal na sa watson ng ginagamit natin…pati yung lotion at sunscreen grabe…”


 

As I said, gaya gaya talaga yang isa diyan. She's so into my natural scent to the point na pati mga ginagamit kong products nakikigamit din siya.


 

And lately we're using products na hindi masyadong matapang yung amoy. Nakatambak na lahat ng regalong perfumes samin, hindi na ata yun mauubos.


 

“Just use my card, love.” sagot ko.


 

“Okay, sugar mommy.” 


 

Agad ko naman siyang siniko, rinig ko pa yung paghagikhik niya. Kainis talaga…nagmoment ako eh.


 

“Bagay sayo yung bangs, misis ko. Kahit na kaya kong bilangin, mga eleven siguro—aray!”


 

“Shh! Ang ingay mo…you’re so annoying.”


 

"Pero seryoso, Rina. You look really good–it suits you really well, lovelove."


 

Napangiti naman ako agad. "In love ka nanaman niyan?"


 

Pinagsingkitan naman niya ako ngayon at dahan dahang lumapit sa tenga ko. "Matagal na…"


 

"Stop flirting with me."


 

"Di kaya kita nilalandi."


 

"Then what do you call this?" Sabay turo ko sa mga kamay niya and her position.


 

"Doktora…this is called lambing."  


 

"Sus." Sagot ko while caressing her arms.


 

 

 

 

 

"Love, Eira's growing fast…parang kailan lang she's so smol pero ngayon ang bilis bilis niya na sa walker." She said.


 

Right…kaya na rin niyang gumapang…


 

Our baby…don't grow up so fast.


 

"I'm a little bit worried, Win."


 

"Why?"


 

"I…I'm afraid na baka I'll make a mistake sa parenting. And…I'm sure there will be times na hindi tayo magkakasundo." I said while playing with her hand.


 

I know hindi maiiwasan yung mga ganyang scenario. I'm just worried na baka may mali akong masabi, o magawa if ever dumating na yung time na medyo nakakaintindi na si Eira.


 

I want her to grow up na hindi takot sabihin yung mga nararamdaman niya samin ni Winter. I want to listen to her stories, even how her day went. 


 

And, It would be nice to teach her to value hardwork. In that way she'll see that failing is definitely okay. It's okay to cry, it's okay to feel weak, because we're just here.


 

I wish I could only give her the great things in this world. But I guess it's the bad things that made me who I am today.


 

"Ako rin naman. But trust me when I say na you're a great mom already, Rina. We're learning as we go, and I'm just here to go through this with you. Basta, I'll keep yung promise natin sa isa't-isa." Winter answered.


 

"Never fight in front of our baby, and to always talk." Sagot ko.


 

We had this promise na kahit anong mangyari hindi kami pwedeng magsagutan sa harap ng anak namin.


 

And also kahit anong init man ng ulo, we need to cool down first before talking. Pero ang pinaka importante diyan eh yung 'talk' part.


 

Believe it or not that promise was made kasi nagkaroon kami ng munting tampuhan.


 

We're not perfect after all. 


 

We both didn't like what happened. Sabi pa ni Winter "it .". Sino ba naman ang may gusto sa ganon?


 

You want a glimpse of that time?


 

Okay so this is what happened.

 

 

 

 

 

 


 

Pagod ako sa mga pangyayari. I went to Manila to observe a jaw surgery in person. After that day uwing uwi na ako agad because nabalitaan ko nalang kay Rj na lasing si Winter.


 

As in sobrang lasing to the point that she can't even walk. She's passed out.


 

I was confused kung bakit. Why would she do that?


 

Hindi naman mahilig uminom si Winter.


 

Maybe tama yung nararamdaman ko these past few days. Nagrereply siya but I can feel the coldness. Akala ko guni guni ko lang yon, but I wasn't wrong.


 

When I finally got home I confronted her agad. Naabutan ko siya sa garage namin na nakatulala lang sa unfinished painting niya.


 

"Winter. Let's talk."


 

Hindi niya ako hinarap agad. Pero alam kong narinig niya ko.


 

"What was that? Naglasing ka daw sabi ni Rj sakin? Bakit hindi ko alam, Win?"


 

"It was nothing. Musta yung surgery?"


 

"Winter. What happened?"


 

I heard a sigh.


 

"Wala, nothing important."


 

Napapikit ako. May mga kailangan pa akong asikasuhin sa Manila pero mas ginusto kong umuwi nalang because of what I heard.


 

I thought may masamang nangyari. I was so damn worried that I couldn't even sleep properly.


 

Tapos ito?


 

She won't even tell me a thing. Do I look like I can read minds?


 

"Winter umuwi ako agad para sayo. Yet here I am, kailangan ko pang hulaan kung anong nangyari."


 

"Hindi ko naman sinabing umuwi ka. Kaya nga ayokong sabihin sayo, Rina. Kasi alam kong kahit anong pigil ko sayo hindi ka naman makikinig."


 

"Because I want to know what's wrong, Winter. Palagi mo nalang nililihis yung topic kapag tinatanong kita sa messages. We're already married yet you still won't tell me ."


 

"Because I don't want to worry you for something na hindi naman importante."


 

"But I'm worried!"


 

I heard her sigh again. This time hinarap niya na ako. "Now's not the right time to talk. You and I are both worked up, we'll never get each other's point." 


 

 

 

 

 

Ayan nalang muna, mahaba haba kasi yung nangyari. 


 

It was so so stressful at that time. Nagkasabay sabay kasi lahat.


 

It was mostly that ty man's fault. He wrote negative comments about my wife's painting saying na she didn't deserve to win the contest.


 

Winter joined an art exhibition, her painting of me got chosen to be the best one. Kaso may isang bitter na contestant. He said wala naman daw talagang talent sa art si Winter, and she was just using the benefit of being in a woman to woman relationship.


 

Ang petty lang.


 

Hanggang ngayon galit pa rin ako sa lalaking yon. Kaya ayoko nalang alalahanin.


 

Because of him Winter started doubting herself that time, kahit na sabihin pa ni Winter na wala lang sakanya yon I know it really affected her. 


 

Sumabay pang nagselos rin pala siya sa kasamahan kong lapit ng lapit saakin. Nakikita niya raw sa mga pics nung nasa Manila ako na palagi ko raw katabi, hindi niya lang maopen up. Kasi daw it just sounds so ridiculous.


 

I said na valid naman na makaramdam siya ng selos. It can't be helped.


 

Hay…my wife…


 

Irereminisce ko pa sana yan sa kanya but bigla nalang akong narinig na tunog ng umiiyak na baby.


 

My baby's awake!


 

"Ay ayan na nga gising na ang bebe." Sagot ni Winter kaya tumayo na rin ako pagkatayo niya.


 

"Let's go na sa park, lovelove." Suggestion ko habang papunta na sa kwarto ni Eira.


 

"Okaay poo, bihis muna ko sandali then ikaw naman." Talagang humirit pa ng halik bago pumunta sa kwarto. Akala mo naman kung saan pupunta eh.


 

_ _ _

Winter's POV


 

Sabi nila…


 

Kapag in love ka…tumitigil ang mundo mo—eme lang.


 

Pero ayun nga, sabi ng iba kapag married na hindi na ganoon ka-tindi yung kilig compared sa nung mag-jowa palang kayo.


 

Wala na gaanong butterflies, hindi ka na kinakabahan sa tuwing nakikita siya, o minsan hindi na sobrang laking bagay sayo yung mahalikan ka ng partner mo in public.


 

Siguro nga dahil sanay na kayo sa isa't-isa.


 

Alam kong hindi pa kami ganon katagal—pero matagal tagal na rin naman kaming nagsasama ni Rina kaya siguro pwede ko pa rin naman tong sabihin?


 

Secret lang to ha.


 

Pero…


 

Kinikilig pa rin ako sa kanya.


 

Bagets pa rin galawan eh ano? Bakit ba! Eh sa ganun nga talaga nararamdaman ko. Joke lang akala mo naman may umaaway talaga.


 

Kidding aside, sa tuwing kasama ko si Rina hindi ko namamalayan na lumilipas na pala yung mga araw. Hindi ko namalayang matagal tagal na rin pala kaming magkasama, tapos lumalaki na rin ang aming pinakamamahal na munting pinya hehe ang bebe ko na yon!


 

But, it still feels like the first time with her.


 

Hindi pa rin nagbabago yung nararamdaman ko para sa kanya.


 

Feeling ko nga engkanto tong si Rina eh. Tumatanda na kami pero siya di nagbabago!? Duda ako sis. She's unreal.


 

Katulad nalang ngayon. 


 

Konti nalang ay mag-aapply na ko bilang fansite niya kasi hindi ko rin namalayang puro mukha niya lang yung nasa documentation—again.


 

"Lord, ang ganda ng gawa mo." Bulong ko sa sarili ko habang nakatutok ang camera sa asawa ko sa may di kalayuan.


 

Bago pa naman ang hairstyle niya ngayon. Nagulat nalang ako pag-uwi niya 2 days ago eh kulay dark brown na yung buhok niya at may bangs na. Medyo pina-trim niya rin ata yung mahaba niyang buhok into a shoulder length kaya men…natulala ata kami ni baby pinya sa mama niya…


 

Totoo! Nagpapakain kasi ako non tapos pagdating ni Rina biglang gusto nalang niya magpabuhat. Inuunahan pa ko sa mommy niya…kagatin ko yang cheeks na yan eh…hays…miss ko na tuloy ang baby namin huhu.


 

Tsaka deserve naman ng asawa ko ang makeover na yon. Kaso parang teka lang naman ano? Hindi prepared ang puso ko! I mean pano ako kikilos nito kung ganun kaganda ang kasama ko sa bahay!?


 

"Ang landi landi mo pa rin talaga." 


 

"Aray aray! Bitaw!" Reklamo ko dahil bigla ba naman akong pingutin nito ni ate Taeyeon!?


 

"Kaya pala gustong hawakan yung camera kasi pupunuin ng mukha ni Rina."


 

"Di ka nagkakamali." Sagot ko.


 

Nasa Pinas na nga pala si ate Taeyeon, kakauwi niya lang last last week actually kaya heto buntot ng buntot saakin kasi di niya na raw kabisado ang CDO.


 

Palagi pa yang nakatambay sa bahay namin kaya di ako maka-damoves sa asawa ko! Paano eh biglang sumusulpot kapag maiiwan kami ni Rina sa kusina.


 

Nauudlot tuloy paglalambing ko! Grabe ilang buwan na kaming walang bebetime kasi busy kami kay pinya. Tapos nagrerecover rin si Rina kaya wala…nanghihina na ako.


 

Sumakto pang may nabalitaan si Rina na community na need ng assistance, ang tagal na rin naming hindi nakatulong sa mga ganito simula nung ikasal kami. Kaya nung nalaman naming meron ulit ay nag-volunteer na kaming dalawa.


 

Maiiwan naman na si Eira because she likes her lola and lolo too. I'm surprised nga na hindi siya umiiyak kapag binubuhat ng ibang tao, nagustuhan niya nga agad si Ryujin.


 

Alam niyo bang ang tagal namin nag-brainstorming ni Rina about baby names. 


 

Matagal na kong gandang ganda sa pangalan ng asawa ko, kaya sabi ko let's find something similar to hers. I think biblical name yung kanya, siya naman gusto niya ng something na related sakin. Kaya napagdesisyunan naming i-mix nalang yung idea.


 

That's when I stumbled upon 'Eira', meaning daw in Welsh is Snow. Winter = Snow oh diba! 


 

Tapos tapos tapos Eira also means 'Gift of Allah' and also 'Merciful'. Di niyo kaya, inspired yan sa pangalan ng asawa ko na Katarina. 


 

And meron pa!


 

Did you know na ang lucky color ng name na 'Eira' ay color blue? My wife's favourite color! BINGO. 


 

My brain is braining that time. Flex ko lang.


 

Actually may isa pa. 'Carwyn' it's a Welsh name meaning 'love', 'blessed', and 'gift'. Ang perfect diba? Katunog ng first three letters ng name naming dalawa ang cute cute lang.


 

Siguro sa ibang time nalang yan if ever nakapag-decide kaming ehem…bigyan ng kapatid si baby Eira ehem. Sa ngayon focused muna kami sa kanya because it's our first time being parents, hindi pa nga siya a year old kaya wala pa muna yan sa isip namin.


 

We're both trying our best to raise Eira the way our parents raised us. Saludo ako sa parents naming dalawa ni Rina, and since nasa heaven na nga sila Mama and Papa kay Mama Yu kami humihingi ng parenting tips.


 

Namiss ko lang tuloy lalo ang baby na yon huhu! My litol pinya…


 

"Tulala ka nanaman." 


 

Natauhan naman ako nang biglang magsalita si ate, hindi pa pala to umaalis sa tabi ko.


 

"Hanggang dito nakabuntot ka pa rin sakin." Sagot ko sakanya habang pinapalitan ng sd card yung camera.


 

"Eh iniwan ako ni Seulgi para landiin yung jowa niyang doktor." Natawa naman ako dahil sa pagrereklamo ni ate. Kasama ko nga rin pala si ate Seulgi, kaso si ate Jisoo hindi nakasama kasi may kailangan siyang puntahan na event sa Claveria.


 

Kung naaalala niyo pa yung doktora na nakasalo ng boquet ni Rina nung kasal namin…well…nakatuluyan yon ni ate Seul. Ginayuma niya ata eme lang.


 

"Edi dun ka sa favorite mong si Ningning at Yuna." Sagot ko naman.


 

"Wa pa sila nahuman dai, kita mo namang ang dami pang nakalinya kay Rina oh." Reklamo niya nanaman.


 

Ah di pa pala tapos.


 

Pagkauwi kasi ni ate hindi ko man lang alam na nag-pacleaning pala siya sa clinic nila Rina. Dun niya naging ka-close ng sobra yung dalawa. Jusko nagulat nalang ako magkasama na sila sa SM tatlo, hindi pa ko inaya!


 

Umaabot pa yan sila sa Uptown kasama tong si Ryujin kasi kinakaladkad din yun ni ate.


 

Buti nalang ay dumating rin finally si Giselle para aliwin si ate, sumama rin kasi siya sa mission kaya nakuha niya na palayo saakin tong pinaglihi ata sa linta kong ate. 


 

Pero mahal ko yan ah, siya rin kasi tumulong samin about Eira kasi nga may experience na siya sa anak niyang si Athena.


 

Siya rin yung kasangga ko sa lahat, hindi ko talaga alam anong gagawin ko kung wala si ate. Ayoko muna umiyak kaya next topic!


 

May chika pa nga pala ako, inuupdate ko lang kayo sa mga pangyayari sa buhay ko.


 

Yang si Gi…duda ko diyan sakanila ni Ningning. Feeling ko talaga may something silang hindi pa sinasabi samin ni Rina…


 

Pero malalaki naman na sila kaya bahala na sila kung kailan nila sasabihin samin.


 

Pagkatapos akong guluhin ni ate dumiretso na agad ako sa asawa ko na super busy ngayon tumingin ng ngipin.


 

Naiiyak ako sa ganda.


 

"Galing naman ng dentista na yan, single ka po ba doc?" Pang-aasar ko sakanya after niya matapos sa isang bata. Nagpapalit na siya ngayon ng surgical gloves.


 

Pinagtaasan niya lang naman ako ng kilay, ang ganda naman mag-sungit! Kiss ko to eh. 


 

"Why? Lalandiin mo ko?"


 

Tumukod naman ako sa may table para mag-lean papalapit sa kanya. "Wanna go out with me?.." kinindatan ko rin siya.


 

Ang isa sa mga goal ko rin talaga sa mission ay ang landiin ulit ang asawa ko. Ngayon ko nalang ulit siya masosolo hehe.


 

Mukha namang sinasakyan lang ni Rina ang trip ko dahil hinarap niya na ako ngayon. Nilagay niya rin sa gilid ng tenga ko yung mga humaharang na strands ng buhok ko.


 

Habang nakatitig ako sa kanya, hindi pa rin talaga nagbabago. Ang bilis bilis pa rin ng tibok ng puso ko para sayo, Rina.


 

Ginayuma talaga siguro ako nito…gayumahin ko na rin kaya siya pabalik? Charot lang. 


 

"May anak na po ako…" sagot niya.


 

"Eh yung asawa mo miss? I actually don't mind kung may anak ka man, I'll embrace all of you even everything that follows." Sagot ko naman at immersed na immersed na ngayon sa trip ko.


 

Nakita ko pang napangiti saglit si Rina pero bumalik na ulit sa acting niya.


 

"Asawa ko?...ah yung palagi akong tinutulugan tuwing 'bebetime' at always about laruan at baby clothes ang gustong usapan?" 


 

Ayyy…


 

Napatikom agad ako dun ah. Bakit parang may hinanakit? Nagtatanong lang naman ako…


 

"Omg…sinetch itey?" Pag-mamaang maangan ko.


 

"Yeah…I wonder who?" She answered while giving me a criminal offensive side eye. 


 

"Love…let me explain…" 


 

Muntik pa atang mamuti mata ni Rina dahil sa irap na sinagot niya sakin.


 

I deserve an explanation misis ko! Ay mali. I deserve to give an explanation!


 

"Che. Take this creature away from me, nanggugulo." Utos niya kay Yuna na mukhang aliw na ali

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
winchimelon
We have a star!!! Thank you po sa lahat ng nagbasa aaaa ily<3

Link of Win's sketchbook is on Special Chap #2!

Comments

You must be logged in to comment
Hiccups_ #1
It's been a while, kaya re-read agruagru
Enterusername_here
#2
Re-read kasi namiss ko sila
Trumfeet #3
Chapter 9: TOR PAKISSS PUCHA NMN IH‼️😫
whtvrlisa #4
babalik at babalikan pa rin talaga ‘tong fic na to. sobrang ganda ng pagkasulat.
ryujinie__
687 streak #5
Chapter 5: 🤍🤍🤍🤍🤍🤍🤍
idkwhatnametouse #6
break na po kathniel
tobykaiii
#7
Chapter 2: AKONG KELEGGGGGGGGGGGGGGGGGGG
Jillian_ #8
Chapter 2: Teka lang, I'm too emotional for this chapter dahil naluluha pa ako while nagbabasa T^T huhu ang gandaaaaa
iamdevinnn_
#9
nanood cant help falling in love sibs ko kanina kaya im gonna reread namiss ko sila doktora at artist bigla 🥹