Special Chapter #2

Kapag Tumibok Ang Puso
Please Subscribe to read the full chapter

"Of all the places I could be, I just want to be here with you."

 

-Evelyn Quan Wang

_ _ _

 

 

 

May gusto lang akong ireklamo for the first time.

 

 

Si Rina.

 

 

Scammer!

 

 

Alalang-alala ko pa dati na sinabi kong mas straight pa siya sa metal ruler.

 

 

Yung as in mas attracted sa ano.

 

 

Pero jusko!

 

 

Mas matic pa kung lumingon kapag may ‘pretty girl’ na dumaan!

 

 

Tapos ito pa, nung nanood kami ng Hospital Playlist, bet niya yung neurosurgeon si Professor Chae. Well ako rin naman—tsaka yung surgical resident na si Dr. Jang Gyeoul, kapangalan ko pa.

 

 

 

 

 

 

 

 

Scenario 1:

 

 

Nasa department store kami ngayon ni Rina para maghanap ng magandang decors sa sala namin. Feeling ko talaga unti-unti na akong nagiging tita ngayong pamilyadong tao na ako, kasi pati yung mga condiments ay mas bet ko na i-collect.

 

 

 

Napag-usapan na nga rin pala namin ni Rina na baka bumili kami ng pusa, kaso mas gusto ko ng tuta…kaya nagkaroon pa ata kami ng simpleng debate regarding that. In the end, both nalang ang bibilhin namin.

 

 

Tapos eto pa, umabot pala sa clinic nila Rina yung topic na yan. Ayun, todo chat sakin to si Ningning na mag-alaga nalang daw kami ng butiki, eh takot na takot nga ko dun amp! Pati tuko hindi ko kayang tignan, alagaan pa kaya!?

 

 

 

 

 

 

 

 

“Uhm…hello…are you that Dentist from tiktok?”

 

 

Sabay pa kaming napalingon ng misis ko sa biglang nagsalita dito sa gilid.

 

 

“Hi??Yes I guess?” unsure na sagot ni Rina.

 

 

“I recognized you from afar kasi, we watched your tiktok sa office and naging crush ka na namin ng mga ka-officemates ko. I’m Yeji nga pala, malapit lang building namin sa clinic niyo actually.”

 

 

Naubo naman ako sa gedli na kunyari ay patingin tingin lang ng fake plants at pots.

 

 

May nararamdaman akong kakaiba…sabi pa nga ni Ed Caluag. Pretty si ate, kitang kita ko agad yung sparkles sa mata nitong asawa ko. Talaga lang ha? Sa harap ng ipanagbubunti—keme lang.

 

 

Ito pa pala! Hindi ko kinakaya ang mga binabalita sakin ng asawa ko.

 

 

Bigla nalang daw sumikat yung tiktok page ng clinic nila nung napilit siya nila Ningning at Yuna na sumayaw nung Rover daw ata yun. Tapos kinaumagahan non shuta! Nakita ko na siya sa morning news!

 

 

Sabi pa niya na-invite daw siya na mag-guest doctor sa Salamat Doc para mag-bigay ng dentist advice.

 

 

Non-showbiz wifey era ko na ata.

 

 

“Ah yes, I think I saw you already dun sa may nagtitinda ng mango shake.” Sagot ni Rina kaya pasimple akong sumulyap sa kanila.

 

 

“Yeah kami nga yun, but we’re too shy to approach you. Is it okay to ask for a selca?”

 

 

“I don’t mind.”

 

 

“Baka gusto niyong picturan ko kayo?” suggestion ko, nakita ko pa yung saglit na pag-taas ng kilay ni Rina pero di ko nalang siya pinansin. Inabot na kasi nung Yeji yung cellphone niya after nila mag-selca ng mga tatlong beses.

 

 

Kaya heto ako ngayon, pinipicturan silang dalawa. Nginitian ko naman si Yeji nung nagpasalamat siya pagbalik ko sa cp niya.

 

 

“Thank you, love.” Ani ni Rina kaya napataas na din pasimple yung kilay ko.

 

 

Mukhang nagulat pa ata si ate mo Yeji kasi nagpalipat-lipat yung tingin niya saming dalawa.

 

 

“Oh my God…you two are?”

 

 

“Yes, I’m married already. Wife ko nga pala.”

 

 

Ilabas ang red carpet.

 

 

Rarampa ako!

 

 

 

 

 

 

 

Scenario 2:

 

 

 

Nasa Uniqlo kaming dalawa ni Rina ngayon dahil need niya ng blouse, saktong bibili na rin ako ng bagong flannel, monthly tradition ko na siguro to.

 

 

Pa-tingin tingin lang ako sa mga nakahanger na damit habang nasa gilid si Rina, nang biglang may dumaan sa harap namin na babae. In fairness kay ate, mabango siya kasi kahit naka-mask ako naaamoy ko yung pabango niya.

 

 

Kung college pa siguro kami ni Rj or kung hindi pa ako taken baka sinundan ko na to ng tingin. Kaso committed na ako, tsaka wala naman akong hahanapin pang iba dahil nasa misis ko na lahat eh. Oo nagyayabang ako.

 

 

Kaya deadma nalang.

 

 

 

 

 

 

“She looks korean, pretty siya.”

 

 

Napalingon naman ako agad dito sa kasama ko na kagagaling palang ata sa pagtingin kay ate.

 

 

“Aba? You’re checking her out?” Nakataas na kilay na tanong ko.

 

 

Natawa lang naman siya at lumapit sakin. “No, mukha kasi siyang katulad nung mga nasa Pinterest.”

 

 

Feeling ko talaga mas malala pa yung kabadingan ni Rina compared sakin. She’s someone na hindi kasi nag-hohold back.

 

 

“You’re the prettiest.” Bulong niya.

 

 

He! Binola pa ko.

 

 

“Hindi naman ako nagseselos, pretty nga—aray! Bakit?!” Langya nangungurot!

 

 

“Ano? So ikaw yung tumingin?” mataray na tanong niya.

 

 

“Di ah! Di ko nga tinignan, nahagip lang ng mata ko yung sapatos niya.”

 

 

Pinanliitan niya naman ako ng mata kaya natawa nalang ako. Hindi ko naman talaga kasi tinignan. Ito talaga minsan yung asaran naming ni Rina, siya magsisimula na pretty raw tapos kapag nag-agree ako magseselos pero yung biro-birong selos lang naman.

 

 

Gusto lang magpalambing talaga ang dami pang alam ng misis ko.

 

 

“Ikaw lang naman titignan ko, kahit wala ka pang saplot.” Bulong ko sa kanya kaya nakaramdam ako ng marahang pagsiko.

 

 

“Talaga lang ha? Eh feeling ko gustong gusto mo yun.” Makahulugang sagot niya.

 

 

Ayyyy…

 

 

“Satin lang yun…pero kahit ano ka pa, sayong-sayo lang ako.” Malambing na sagot ko sa kanya.

 

 

“Kahit maging ipis ako?”

 

 

“Ang dugyot naman nun, pano kita hahalikan niyan? Masyado kang maliit.” sinamaan naman ako agad ng tingin nitong kasama ko. Totoo naman eh!

 

 

“So hindi mo ko mamahalin kapag naging ipis ako?”

 

 

“Depende, kapag biglaan ka nalang naging ipis habang asawa na kita edi mahal pa rin kita. Pero kapag yung first meet palang natin tapos ipis ka…I’ll find you in other universe nalang siguro.”

 

 

At isang malutong na hampas po ang nakuha ko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

_ _ _

Karina’s POV

 

 

Since were at the topic of pagseselos.

 

 

I remembered Winter and I talked about something like this. Sabi niya she’s not the type to get jealous easily. Not because wala siyang pake kung may lumapit man sakin, but because she trust me.

 

 

Well, I think wala naman talaga siyang dapat alalahanin because every second siya lang ang naiisip ko.

 

 

But, I think alam ko na paano mag-selos si Winter. Not that I want her to get jealous all the time, siguro dahil nga rare lang talaga ang ganitong situations kaya I find it…amusing.

 

 

Why is she so hot when jealous?

 

 

 

 

 

So, Winter and I went to Manila because of different reasons. I, will be attending a batch reunion habang si Winter naman ay nag-decide na sumama nalang rin sakin because may kailangan siyang bilhin na sa Manila lang meron.

 

 

I told Winter na siya nalang gumamit ng ni-rent naming car because siya yung may bibilhin, sabi niya tawagan ko nalang siya if kailangan ko na magpasundo.

 

 

And what happened is…

 

 

Ayun nga diba nasa reunion ako, I have this friend slash batchmate na si Yunjin who happened to like girls too and siya rin kasi yung parang naging ka-close ko noon. Papaalis na talaga dapat ako so I called Winter na, turns out around the area lang siya kaya she arrived early at umupo sa tabi ko.

 

 

So I introduced her, as my wife.

 

 

Kaya gulat na gulat yung mga classmates ko dati lalo na si Yunjin, hindi naman nila inexpect na may tendency ako.

 

 

 

 

 

“Oh wow, I didn’t expect you swing that way too, Rina. Kung alam ko lang I would’ve shoot my shot noon.” Ani ni Yunjin. I know it was a joke, pero it got out of hand nung gumatong yung iba. I was just laughing it off pero pasimple kong sinusulyapan si Winter na tahimik lang na umiinom at simpleng nakikingiti, mukhang ayaw niyang makisali because hindi naman malapit sa kanya yung mga kasama namin.

 

 

Nakaramdam na agad ako ng guilt. Lalo pa when Rachel added.

 

 

“Ship pa naman namin kayo nung college, sayang nga lang si Renjun yung bet mo noon. Pero oo nga noh, baka nga kayo yung mag-end up if only you had your gay awakening nung college pa.”

 

 

“Oo nga Rina, I think for the girls ka talaga. Sayang, ship come true na sana namin kayo ni Yunjin.” Anne added na tumatawa pa.

 

 

I can see Winter’s jaw clenching, nasobraan na ata sa mga sinasabi ng batchmates ko. Kakaiba na rin yung mata niya, it wasn’t soft looking anymore.

 

 

 

 

 

 

“Cr lang ako, Rina.” Mahinang sabi ni Winter, she didn’t wait for me to answer at umalis na agad.

 

 

Okay I’m already getting uncomfortable. That was so out of line.

 

 

 

 

 

 

“Kahit naman siguro maaga ko yan nalaman, I still think na I would still end up marrying Winter.” Sagot ko na medyo may diin.

 

 

“I hope that you guys would respect my decision, I mean...my wife didn’t need to hear all of that.” She didn’t need to hear all of that. Hindi madaling magselos si Winter, she never once doubted me. Pero yung ganitong harap-harapan na? ako na mismo yung maiinis.

 

 

Hindi ko na sila hinintay pang mag-react at sinundan na sa CR si Winter.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Love…”

 

 

I saw her na kakatapos lang maghilamos, she then gave me a small smile. “Sana pala tinawagan mo nalang ako if tapos na kayo.” she said softly, almost whispering.

 

 

“I’m sorry, papatapos na kami so I called you…gusto ko rin ipakilala ka sakanila.”

 

 

Nagkaroon kami ng konting katahimikan after that. I was still gauging her reaction.

 

 

 

 

 

 

“I don’t know what to…say…”

 

 

“You don’t have to say anything, I’m really sorry that you heard all of that.” I hugged her, really tight. My Winter doesn’t deserve that…

 

 

“I’m sorry, medyo nagtampo ata ako because you weren’t saying anything so I was just laughing it off.” sagot niya.

 

 

“You don’t have anything to apologize for, I’m sorry I didn’t stop them sooner…are you mad at me?”

 

 

Umiling naman siya agad at hinarap ako. “Sandaling tampo lang yun, I’m okay now. Balik na tayo baka hinahanap ka na.” she smiled softly.

 

 

Ako naman yung umiling. “I’m done here, let’s go na.” hinila ko na siya paalis, ayoko na dito.

 

 

And I’m dying to kiss her.

 

 

 

 

 

 

 

 

On our way back nakasalubong namin si Yunjin, she apologized to Winter naman agad. And ofcourse, you all know my wife—she accepted it immediately. She’s just too good for them, kaya ako lang talaga ang karapat-dapat na mag-alaga kay Winter.

 

 

 “It’s my first time seeing that side of you.”

 

 

“What side?” takang tanong niya while driving.

 

 

“Feisty side, it’s like the look when you’re really serious and focused. But this time with a bit of anger…I kinda like it tbh.” I said while drawing circles sa tuhod ko.

 

 

I heard her chuckle “Mahilig ka pala sa badgirl misis ko.”

 

 

“I like them strict.” Pagbibiro ko.

 

 

“So pagseselosin mo ako araw-araw ganon?”

 

 

“Depends kung araw-araw akong in the mood.”  

 

 

“Ang aga aga pa doktora yan agad nasa isip mo.” Natatawang sagot niya at pasimpleng pinatong ang isang kamay sa thigh ko, oh lead me lord she’s slowly caressing them.

 

 

Napa-inhale ako nang todo.

 

 

“Will you punish me kapag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
winchimelon
We have a star!!! Thank you po sa lahat ng nagbasa aaaa ily<3

Link of Win's sketchbook is on Special Chap #2!

Comments

You must be logged in to comment
Hiccups_ #1
It's been a while, kaya re-read agruagru
Enterusername_here
#2
Re-read kasi namiss ko sila
Trumfeet #3
Chapter 9: TOR PAKISSS PUCHA NMN IH‼️😫
whtvrlisa #4
babalik at babalikan pa rin talaga ‘tong fic na to. sobrang ganda ng pagkasulat.
ryujinie__
683 streak #5
Chapter 5: 🤍🤍🤍🤍🤍🤍🤍
idkwhatnametouse #6
break na po kathniel
tobykaiii
#7
Chapter 2: AKONG KELEGGGGGGGGGGGGGGGGGGG
Jillian_ #8
Chapter 2: Teka lang, I'm too emotional for this chapter dahil naluluha pa ako while nagbabasa T^T huhu ang gandaaaaa
iamdevinnn_
#9
nanood cant help falling in love sibs ko kanina kaya im gonna reread namiss ko sila doktora at artist bigla 🥹