KTAP #2 (fin.)

Kapag Tumibok Ang Puso
Please Subscribe to read the full chapter

IMAGE LINK

_ _ _

 

 

 

When our last and final day started, I made sure to make every second of it count.

 

 

So I focused more sa pakikipag bonding sa mga bata. I played with them while Winter's helping adults.

 

 

Parang lahat nalang ang dali daling gumaan ang loob sa kanya. Maybe because may mapang asar siyang nature, and as I said she has this light aura.

 

 

Kaya gustong gusto na ata siya ng mga locals dito. Even si Ms. Sunny ay tuwang tuwa na rin kay Winter.

 

 

I'm standing beside the table of prizes habang pinapanood sila Doc Yoona, Winter, and Jungwoo na makipag-laro ng trip to Jerusalem with the adults dahil kakatapos lang ng mga bata.

 

 

I couldn't stop laughing dahil napaka competitive ni Winter tignan. Kahit na alam kong magpapatalo siya, because ipapanalo niya yung locals.

 

 

"Winter! Igiling mo!" Sigaw ni Ms. Sunny.

 

 

Kahit pa pigilan kong matawa sa itsura niya by biting my lower lip eh hindi talaga kaya.

 

 

She dance so much like a tita.

 

 

Napalingon naman ako nang makarinig ako ng shutter sound sa gilid.

 

 

Si Ningning pinicturan ako. “Akala ko ba nagrereklamo ka dahil puro ako yung pictures?” taas kilay kong tanong sa kanya.

 

 

“Ang ganda kasi ng ngiti mo habang pinapanood si Winter doc, pwedeng gawing model ng dental clinic natin.” Natatawang sagot niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Akala ko talaga makakaligtas na ako.

 

 

Kaso habang nagbibigay ako ng prize sa mga participants ng trip to Jerusalem biglang nagsalita si Winter sa mic.

 

 

"Ay parang may nakakalimutan tayo."

 

 

The moment she held the mic kinabahan na agad ako.

 

 

Kunyari wala akong alam at sinisikap ko talagang iwasan yung tingin niya.

 

 

"Doktora may nakakalimutan ka ata."

 

 

I played dumb.

 

 

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

 

 

"Omg! May pa dance sample pala dapat si doc!" Sigaw ni Ningning.

 

 

You little ...

 

 

Napapikit nalang ako.

 

 

Dahil wala na. Kumalat na agad ang balita.

 

 

Everyone's cheering for me.

 

 

At heto na nga at tinutulak tulak na ako ni Doc Yeri.

 

 

"Dentista pride!" Yuna cheered.

 

 

"Doc pakitaan mo ng kaldag!" Sigaw ni Jungwoo.

 

 

Sinamaan ko lang ng tingin si Winter, she's enjoying this so much.

 

 

Nakita ko pang inaaya niyang i-hype ako ng mga taong kasama namin ngayon dito.

 

 

"I'll dance if kasama si Ning."

 

 

"Hoy ba't nadamay ako bigla!?" Reklamo ni Ningning.

 

 

Ikaw may kasalanan nito kahapon.

 

 

"Ikaw nagkwento na dancer ako nung college!"

 

 

"Mareng Ningning gora na! It's your time to shine!" Sigaw ni Winter. "Ay ang ganda oh!"

 

 

Mukhang effective naman ang mga pinagsasabi ni Winter kay Ningning dahil nag hair flip pa ito habang papalapit saakin.

 

 

"Mapilit kayo, sige friend anong sasayawin natin?" Tanong niya.

 

 

"Ewan ko, ikaw naman maraming alam."

 

 

Ngumisi naman siya agad.

 

 

Okay ako nalang pala dapat nag-decide.

 

 

"Ning ayusin mo yung pipiliin mo." Pagbabanta ko.

 

 

I swear...if it's one of those tikto—

 

 

 

 

 

 

 

"DJ! Play Swalla!"

 

 

At para namang automatic na nagsigawan ang lahat.

 

 

I could only cover my face because of embarrassment.

 

 

Check up lang ang pinunta ko dito.

 

 

Not a dance contest!?

 

 

"Let's go Luningning Manoban!"

 

 

"Go doktora!!"

 

"Huwag masyadong galingan, baka ma-impress si Winter!"

 

 

Bahala na!

 

 

Inisip ko nalang na walang nanonood.

 

 

Bringing back that Katarina Yu in college.

 

 

But bolder.

 

 

So this is what you want Winter?

 

 

Then I'll make sure you'll get to watch properly.

 

 

Nung tumugtog na yung music nagsimula na kaming sumayaw ni Ningning.

 

 

I can hear the cheers, lalo na't game na game itong kasama ko.

 

 

But just before the exciting part starts, you know the twerking.

 

 

I walked towards Winter's direction.

 

 

Kitang kita ko sa mukha niya ang gulat.

 

 

Instead of twerking...may mas maganda akong idea.

 

 

I smirked.

 

 

I can see her gulping. You asked for this, Winter.

 

 

 

 

 

So I wrapped my arms around her neck.

 

 

And I started swaying my hips, like the dance move sa kantang illusion by aespa.

 

 

Halos mabaliw na ata sila ate Jisoo at Seulgi kakasigaw sa gilid ni Winter.

 

 

Mabilis ko lang naman ginawa yon, I then tapped her nose pagkalayo ko sabay kindat.

 

 

Mic drop.

 

 

Ate and left no crumbs.

 

 

Inaya pa ako ni Ningning mag-bow after niyang magpaka-ending fairy raw. Para talagang ewan.

 

 

"Ano na Win? Di ka na makagalaw diyan?"

 

 

"Parang nahihilo ata ako." May pa hawak hawak pa ngayon sa noo si Winter at pakunyaring nanghihina ang tuhod.

 

 

"Himlay siya eh."

 

 

After matapos ng munting pa dance battle, nadamay kasi lahat sa pag sayaw. Pati yung mga bata ata ay pinatulan ni Ningning sa dance battle.

 

 

Yung teacher naman na si Isa at itong si Yuna ay nag sample pa nung sikat sa tiktok na bigboy by sza na dance challenge.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nung kumalma na sila lahat ay hinayaan na naming lagyan kami ng mga bata nung colored powders. For memories raw sa white shirt namin na may nakatatak na Bringing Sunshine sa harap.

 

 

Ito na siguro yung isa sa mga pinaka masayang moments in my life.

 

 

And I would never trade this experience for anything. I'm glad that I became part of this small mission.

 

 

I enjoyed every minute and second I spent here.

 

 

Maybe a little bit more special... because of this silly girl.

 

 

Naghahabulan na ang lahat, yung iba kasi pati mukha ay meron nang colored powder. Si Ningning ang naging target ng team ko, ayun mukha nang pink na white lady.

 

 

Sila ate Seulgi naman mukhang sisiw na pink na ngayon.

 

 

We used pink powder btw.

 

 

Magtatago na sana ako kaso biglang may pumigil sa braso ko.

 

 

"Hello doc!!!" Masiglang bati ni Winter sabay hawak sa dalawang pisngi ko.

 

 

Sabi na eh! May powder tong kamay niya!

 

 

She rubbed it on my cheeks, imbis na iwas na iwas ako sa team ko!

 

 

"Winter!"

 

 

"Ang cute ng blush on mo doc!" Ang lakas pa ng tawa niya kaya binato ko din siya ng powder.

 

 

"Ah ganon? Come here you little..."

 

 

Tatakbo pa sana siya pero I immediately caught her. I made sure na ipahid sa magkabilang pisngi niya pati noo yung powder.

 

 

"Oo na oo na! Panalo ka na!" Natatawang sigaw niya at tinatapik ang kamay ko.

 

 

Akala mo ha.

 

 

Para tuloy kaming mga tig one peso na color pink na sisiw when we entered the van. Sa van na kami ng team sumakay ni Ning since nabawasan na yung gamit na nakalagay.

 

 

Sabi kasi ni Ms. Sunny na sumaglit muna kami sa Sungkilaw falls before going home.  Malapit lang daw kasi dito at maaga pa naman. Everyone agreed naman immediately, since a lot of us wants to explore more of this city.

 

 

Buti nalang I was wearing maong shorts partnered with our shirt na puti pa kanina but pink na ngayon because of the powder, I also clamped my hair into a messy bun para hindi sagabal. Kaya hindi ako mahihirapan mabasa if ever tatawid nanaman kami sa mga bato.

 

 

I don't have plans na maligo, maghihilamos lang siguro ako para maalis yung pinagpapahid ni Winter na powder.

 

 

 

 

 

 

 

 

_ _ _

Sungkilaw Falls, Dipolog City

 

 

 

When we arrived at Sungkilaw falls, ofcourse naging challenge agad ang papunta doon.

 

 

Automatic na ata ito si Winter because nasa gilid ko na siya agad nung papunta na kami sa falls.

 

 

Pero.

 

 

Ewan ko rin. Bigla nalang akong may na-feel na something I can’t explain.

 

 

May kailangan kaming tawirin na body of water, hanggang bewang lang naman yung taas pero since may iilang volunteers na hindi maliligo ay papatapakin nalang kami sa parang raft.

 

 

Yung tumutulong ay sila Jaemin, dalawang pulis, at ewan ko bakit si Winter yung nasa bandang hulihan, eh ang liit liit niya.

 

 

And.

 

 

Hindi rin pala maliligo yung dalawa sa mga teachers. I already know sino yung isa, the Minju girl and yung isa na di ako familiar.

 

 

Well... papalapit na siya sa bandang huli. Kailangan lang siya i-guide ni Winter papunta sa end at pababa ng raft.

 

 

But need ba talagang kapit na kapit? It's not even shaking.

 

 

Nung pababa konti nalang ay magpabuhat siya ng pa bridal style kay Winter.

 

 

Kapit na kapit eh.

 

 

Para namang lava itong tinatawid namin.

 

 

Si Ningning halatang halata yung pagpipigil ng tawa habang pinapanood kong mangyari yon.

 

 

"Doc ikalma mo, may usok ka na sa ilong oh." Natatawang asar niya.

 

 

Sabi pa niya konti nalang ay liparin ko na yung dalawa at hatakin palayo yung teacher.

 

 

Yung isa rin kasi diyan, patawa tawa pa.

 

 

Gustong gusto?

 

 

Bakit kasi kailangan pang siya yung tumanggap sa hulihan.

 

 

Sinasadya niya to eh. Baka mamaya tumulong siya kasi alam niya di rin maliligo yung teacher.

 

 

Talaga lang Winter ha? Feel ko nagagandahan siya dun eh. Pasok ba sa type Winter? Right in front of my...shades!

 

 

Akala di ako nanonood because I'm wearing shades.

 

 

Huwag na huwag mo kong mahawak hawakan mamaya pagdating ko diyan. I'll ask for others to help me.

 

 

 

 

 

 

Medyo madali lang naman palang magbalanse sa raft, nung nakatungtong na ako ay hindi ako nagstruggle unlike sa mga ‘nauna’.

 

 

I thought na kayang kaya ko na to mag isa hanghang hulihan. Tinutulak tulak nalang kasi nila yung raft at di ko na kailangan humawak.

 

 

But .

 

 

It's because of the current!

 

 

Hindi ko kasi tinanggap yung kamay ni Winter kaya napataas yung kilay niya.

 

 

 

 

 

 

"Bakit ayaw mong tanggapin?" takang tanong niya.

 

 

"Just push it, I can handle myself." Sagot ko without any emotion. Di ko rin siya tinignan dahil sa unahan ako nakatitig.

 

 

Mas lalo lang napataas ang kilay niya.

 

 

Takang taka siya ngayon.

 

 

"Ayaw ka hawakan ma'am." Natatawang sabi ni kuya pulis.

 

 

Tama po kayo.

 

 

Mas lalo lang tulay siya nagmukhang amused habang nakatitig sakin.

 

 

"Bakit ayaw mo kong hawakan?"

 

 

"Just push the raft, Winter." Medyo nakakangawit palang magbalance.

 

 

"Bakit nga muna."

 

 

"I can handle myself."

 

 

Bigla naman siyang nag kibit balikat.

 

 

"Mukhang kaya mo naman ata. Sabi mo you can handle yourself eh." Sagot niya at nag kibit balikat pa.

 

 

Napapikit nalang ako at tinitigan si Jungwoo.

 

 

"Jungwoo help me."

 

 

"Sorry doc, di ako maliligo eh last ko nang brief to ngayon." Sagot niya kaya pinalo agad siya ni Yuna.

 

 

"Kailangan i-announce!?"

 

 

Sinamaan ko nalang ng tingin si Winter na inaasar pa ako by making small waves with her hands, sinasadya niyang ipunta sakin.

 

 

"Can't you just push the damn raft?"

 

 

"Sabi mo kaya mo na, ayaw mo nga kong hawakan eh."

 

 

Napapikit nalang ako at sinubukang lumuhod pero , muntik na kong mawala sa balanse.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Ano doktora? Kaya pa?"

 

 

.

 

 

Okay mahuhulog na ata ako.

 

 

Hindi ako maliligo!

 

 

Damn it!

 

 

"Fine! Help me!" I surrendered.

 

 

Bakas agad sa mukha niya ang pag-ngisi. She's surely taking her time dahil nahihirapan pa si Ningning mag balanse sa likuran ko. Pati yung dalawang pulis sa gitna kinailangan na siyang tulungan.

 

 

 

 

 

 

 

 

"Sabihin mo munang kailangan mo ako..."

 

 

She even had the time to joke around! Gusto pang gayahin yung linyahan sa movie nila Sarah at John Lloyd!

 

 

"Yih a very special love yarn!?" Asar ni Ms. Sunny, yes, nakiki asar na rin siya dahil close na sila ni Winter.

 

 

 

 

 

"No."

 

 

"Okay." Sinasadya niya talaga!

 

 

Gumawa ulit siya ng waves gamit ang kamay niya.

 

 

I can already feel myself falling.

 

 

Whatever!

 

 

Ayokong mabasa!

 

 

"Fine! I need you Winter! Now help me, mahuhulog na ko!"

 

 

“Ayy mahuhulog na nga raw kasi Win!”

 

 

Automatic naman ang paglapad ng ngiti niya.

 

 

Abot tenga na ata ito ngayon.

 

 

"On my way my queen!"

 

 

 

 

 

 

 

Kaso.

 

 

 

 

 

 

 

Habang papalapit siya ay bigla nalang siyang natalisod sa isang bato.

 

 

And this clumsy girl accidentally pushed my raft.

 

 

"Hala!"

 

 

So ayun.

 

 

Ang ending dahil nawalan ako ng balance nahulog ako sa raft.

 

 

Basang basa ako from head to toe!

 

 

"Winter!!! ka!!" I said at sobrang sama na ng tingin ko sa kanya.

 

 

"Oh ayan tanga! On my way my queen ka pa ah." Asar ni ate Seulgi sa kanya.

 

 

"Hindi ko sinadya! Sorry!" Yung itsura niya ngayon sobrang guilty while I'm still glaring at her.

 

 

"Hindi doktora halatang sadya eh!" Sigaw naman ni Ms. Sunny.

 

 

Umayos ako ng tayo at hinarap siya matapos makapag hilamos.

 

 

Papalapit na rin siya sakin pero bigla ata siyang natigilan.

 

 

Buti nalang di natanggal yung suot kong shades.

 

 

Pero kitang kita ko kung saan nakatingin yang mga matang yan, Winter.

 

 

"Shala doc! Pwedeng pwede gawing cover girl ng tanduay calendar! Body goals!" Sigaw ni Yuna.

 

 

Well, since basa ako edi dumikit yung tshirt sa katawan ko. Which I'm proud to flex in my swimsuit or bikini if may chance. Black pa naman na bra yung suot ko ngayon kaya kitang kita na.

 

 

Tulala ka ngayon Winter?

 

 

Tutulo na ata laway nito.

 

 

"Enjoying the view?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.

 

 

Napaiwas naman siya bigla at napaubo. Kita ang pamumula ng tenga niya.

 

 

She then walked towards me at nagulat ako when she slowly pulled me close.

 

 

"Bakit kasi hindi sports bra yung suot mo..."bulong niya.

 

 

Looks like she’s covering me using her body dahil nga basa yung suot ko.

 

 

"I already told you hindi nga kasi ako maliligo."

 

 

 

 

"AHHH!! pakshet!!!"

 

 

Napalingon nalang kami nang may marinig na splash.

 

 

Si Ningning.

 

 

Natumba.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

After ilang minutes ay nakapag settle down na rin naman kami. Napaligo nalang rin ako kanina, wala na eh, basa na ako.

 

 

Ngayon ay nakaupo nalang ako sa shed with Ningning dahil nagugutom na raw si bruha.

 

 

Pumayag nalang rin ako, yung iba ay naliligo pa at nagpipicture kaya kami palang dalawa dito.

 

 

Sa hindi malayong banda naman ay nahagip ng mata ko si Winter.

 

 

She's taking off her shirt muntik pa kong mabulunan dahil bigla bigla siyang naghuhubad.

 

 

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang naka sports bra naman pala kasi siya.

 

 

Napaubo ako kasi nakaharap siya sa gawi namin.

 

 

Wow.

 

 

Impressive, may abs.

 

 

Is she working out?

 

 

She combed her hair palikod, maikli lang naman ang gupit niya kaya nagmukha siyang maangas ngayon.

 

 

She's also wearing low waist maong short kaya kitang kita talaga yung abs niya.

 

 

My gaze can't seem to leave that part.

 

 

"Wow may pa pandesal." Ani ni Ning kaya natauhan ako.

 

 

Hindi ko napansin na papalapit na pala samin si Winter.

 

 

Napainom nalang ako agad ng tubig at umiwas ng tingin.

 

 

Maya maya ay nakaramdam ako ng towel sa mga balikat ko kaya napalingon ako sa likod.

 

 

Si Winter yung naglagay, she smiled at me at pasimpleng hinaplos ang balikat ko. "Sorry kanina, Rina. Hindi ko talaga sinasadya."

 

 

She sounds sincere...so I just smiled back at her. "It's okay, I have spare clothes pa naman."

 

 

May nilapag rin siyang flannel sa harap ko. "Peace offering, gamitin mo nalang yan baka lamigin ka."

 

 

 

 

 

 

"Winter ako rin nabasa, alagaan mo rin ako." Singit ni Ningning kaya naman napatawa siya agad pagtingin dito.

 

 

"Oh eto." Nilagyan niya rin ito sa shoulders ng towel na nakita niya sa gilid. "Sige magbibihis muna ko, bihis na rin kayo." Pagpapaalam niya at tinitigan muna ako bago umalis.

 

 

I just nodded at her before she left.

 

 

"Lord when is it my turn?! Gusto ko rin po maalagaan ng katulad ni Winter!" Madramang sabi ni Ningning at may pa tingala tingala at pagpikit pang nalalaman while clasping her hands together.

 

 

Napailing nalang ako sa pinagsasabi ni Ningning. Kinuha ko na rin yung flannel para makapag palit.

 

 

It smells so much like her. Amoy baby...

 

 

Hindi ko mapigilang mapangiti.

 

 

Why does she smell so much like a baby?

 

 

"Hay nako doc, kung ako sayo di ko na papakawalan yan. Just saying, kung ako lang naman." Ningning winked at me bago umalis.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

_ _ _

Yamagata Prefecture Trip | Winter’s POV

 

 

Three weeks lang ang naging preparation naming ni Rina para sa pagpunta sa Japan.

 

 

Apat na araw lang ang nakuha niyang leave. Kaya halos halungkatin ko yung mga pinapadalang winter clothes ni ate from London.

 

 

May mga iniwan kasi siya dito in case raw na gusto niya akong papuntahin don kahit for vacation lang.

 

 

Sagot raw ni Mayor lahat ng gagastusin from flight namin from CDO to MNL hanggang sa MNL to JPN. Pati ata hotel na tutuluyan namin ay sagot na rin niya.

 

 

Wala akong masyadong maalala sa naging flight dahil parang isang swoosh lang lahat papuntang Manila tapos Manila to Tokyo, Japan.

 

 

Nung papunta na kasi sa Japan eh magkahiwalay kami ni Rina dahil may individual room ata ang tawag dito. First class flight kasi kinuha ni mayor, kaya pagkatapos kong lumamon nakatulog nalang ako. Tapos pag-gising ko malapit na raw kami sabi nung Captain.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Welcome to Japan guys!" masiglang bati ni Giselle samin nung nakita niya na kami sa airport.

 

 

"Selle!! I miss you!!" sigaw ko pabalik at tumakbo pa sa kanya payakap. Medyo close kami dahil nga nakikita ko siya most of the time noon kasama yung lawyer ni lolo. "Kamusta ka na? Ang hirap mong hanapin ha, di ka kasi active sa socmed."

 

 

"Nagfocus kasi ako sa career ko, I'm finishing law school now. Na-delay kasi ako because of what happened sa plane nila ate." Sagot niya.

 

 

"Ah ate mo yung lawyer that time?" tanong ko.

 

 

"Yeah, kaya I took over everything she started."

 

 

"I'm so sorry for your loss..." sagot ko, nakakalungkot yung nangyari. She’s so strong.

 

 

Wala akong masyadong naging balita sa kanya after that, I think bumalik kasi sila ng family niya sa Pangasinan.

 

 

"Matagal tagal na yun, I'm doing better now.” She smiled. Nung nakita naman niyang papalapit si Rina ay binati niya ito agad, nagbeso pa nga sila.

 

 

“Grabe mas gumanda ka! Blooming ka ngayon.”

 

 

True yan.

 

 

Natawa naman agad si Rina. “You’re prettier kaya!”

 

 

Nag-usap usap lang naman kami sandali tatlo habang papalabas.

 

 

Nakaready na rin pala yung taxi na sasakyan naming papunta sa shinkansen.

 

 

“Yung hotel niyo nga pala nasa Zao Onsen, sorry maliit lang kasi yung house namin doon hindi kayo kasya." She said.

 

 

"First time ko lang narinig yung lugar na yan, parang sa Sapporo rin ba yung snow?” tanong ko.

 

 

"Oo, grabe mag pile up yung snow dun. Although if spring I’d prefer Sapporo kasi maganda cherry blossoms dun.”

 

 

"I heard maraming onsen sa Yamagata prefecture?" tanong ni Rina.

 

 

"Yes! Actually dun yung hotel niyo. Since two days kayo dito right? Why don't you try going sa Zao Ski Resort, you have plenty of time naman. Then we can go sa Ginzan Onsen before umuwi sa Philippines, I promise di kayo magsisisi."

 

 

"Is that one of the inspirations ng Spirited away bath house?" tanong ulit ni Rina.

 

 

Oh the ghibli movie, naaalala kong nabanggit ni Rina na mahilig siya sa animation. Kaya nung nanonood pa kami ng series ay pinanood rin naman yan.

 

 

Kaya siguro mukha siyang excited pumunta sa Japan.

 

 

"Uhuh, the scenery there is so breathtaking." Sagot ni Giselle.

 

 

Mukha palang ni Rina alam kong gusto niyang puntahan kaya napangiti ako ng palihim.

 

 

"Alright, let's do that. Madali lang naman siguro natin mapapa-oo ang auntie mo." Sagot ko. “I’ll use my charms.”

 

 

“Baka mas lalong hindi payagan si Giselle.” Sabat naman ni Rina. Kala mo naman di effective charms ko, eh grabe nga epekto nito sa kanya. Chos.

 

 

Since kakaland pa nga lang namin ay ininvite muna kami ni Giselle na bumili ng pagkain bago mag-board sa shinkansen.

 

 

Siyempre tuwang tuwa ako dahil finally makakatikim na rin ako nung mga nakikita ko sa mukbang na Japanese snacks.

 

 

After buying, Giselle then guided us papasakay sa bullet train.

 

 

Nagpicture picture rin kami sa platform habang naghihintay kasi ang ganda tignan, dati sa anime ko lang to nakikita.

 

 

Pasimple ko ring pinicturan si Rina gamit ang phone ko.

 

 

Ang cute niya lang tignan habang balot na balot.

 

 

For someone na 167 cm yung height...she looks so smol.

 

 

She's fascinated sa snow na nahuhulog, buti nalang hawak hawak ko yung dalang film camera niya so I took the opportunity to capture it.

 

 

Pretty.

 

 

 

 

 

 

 

 

Magkatabi kami ni Karina ngayon habang nasa harap naman namin si Giselle.

 

 

Nag-uusap lang kami tungkol sa kung anong mga bagay, tamang kamustahan ng mga buhay ng isa't isa.

 

 

At hindi ko mapigilang ma-amaze sa scenery sa labas.

 

 

Nung mga unang minuto puro buildings pa yung nakikita ko but after siguro an hour eh unti-unti nang nawawala yung buildings.

 

 

Ngayon ang nakikita ko nalang ay snow covered lands and mountains.

 

 

Ang sarap atang tumalon doon. Ang lambot at fluffy tignan.

 

 

I’ll try that mamaya if may makita akong pile ng snow.

 

 

 

 

 

"So if mapapayag niyo si auntie, I think I'll have a week stay in the Philippines. Diretso hiwalay na kayo?" Tanong ni Giselle

 

 

Napatingin naman ako kay Rina, hindi ko kasi alam kung sino ba dapat ang sasagot saaming dalawa.

 

 

Siya kasi mas may alam sa mangyayaring process.

 

 

"Yes...ip-process yung papers after the hearing. Then that's it."

 

 

Parehas naman kaming napatango ni Giselle, pero ramdam ko ang mga tingin niya saakin.

 

 

Ayoko muna isipin yung tungkol sa bagay na yan.

 

 

Susulit sulitin ko na tong 2 days and 1 night trip naming sa Japan.

 

 

This might be the last time na…mag-asawa kami.

 

 

 

 

 

 

 

"Sayang naman, bakit hindi niyo nalang totohanin?" Pabirong sabi niya kaya nanlaki agad ang mga mata ko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"May naghihintay na kay doktora." I answered nung hindi makasagot si Rina.

 

 

"Ohh, too bad. Nung pinapirma ko kayo I thought you too had a thing already. Akala ko ikaw yung tinutukoy ni Karina na jowa niya that time."

 

 

"It was an ex from dental school pa." sagot naman ni Rina.

 

 

"Ito kasi si Winter hindi pala kwento ng lovelife niya, kung di ka pa lasing non di ko pa malalamang bading ka."

 

 

"Eh wala namang kakwento-kwento sa lovelife ko noon. Hindi humantong sa long term relationships.”

 

 

"Really?" gulat na tanong ni Rina.

 

 

"Ay gulat na gulat? Mahirap kapag tago lang eh.”

 

 

"How? As in hindi talaga nagtagal?”

 

 

"Closeted gay po ako nung college, natatakot akong sabihin kay lolo eh. Tapos dahil dun, 2 months na ata yung pinaka matagal. Yung isa nanlalamig bigla, yun pala hindi kaya yung long term. Yung isa naman hanggang friends lang pala talaga ang kayang ibigay. Kaya hindi na ko naghanap ulit after the last two, I stayed single simula 3rd year college. Isipin mo nalang yung gulat ko nang malamang kasal ako sayo.” Natatawang sagot ko.

 

 

"Diretso misis, Win. Wala nang girlfriend girlfriend." Sagot naman ni Gi.

 

 

 

 

 

 

 

_ _ _

Zao Onsen  

 

 

After the train ride, diretso kami sa bus papuntang Zao Onsen, then doon may sumundo saaming hotel van.

 

 

Nakanganga lang ata ako buong biyahe habang tinitignan yung scenery mula sa window. Ang saya saya palang makakita ng snow in person, last time nakakita ako ng snow eh nung nagbakasyon kami sa South Korea ni ate Taeyeon.

 

 

Pagdating naming sa hotel gandang-ganda lang ako kasi sobrang kakaiba niya from the usual hotel na nakikita ko.

 

 

Sakaiya Morino Hotel yung pangalan and we’re staying in this traditional Japanese ryokan. Kami lang dalawa ni Rina dahil malapit lang naman daw yung house nila Giselle dito.

 

 

Ito na ata ang una, at mukhang huling beses na rin na magkatabi kami ni Rina.

 

 

“Pahinga muna kayo, mamaya nalang natin kausapin si auntie.” Suggestion ni Giselle kaya nag-agree naman kami agad ni Rina.

 

 

When Giselle left, inaya ako ni Rina na i-check yung mga onsen. Hindi pa raw naman daw kasi siya pagod, buong flight kaming natulog dalawa eh.

 

 

“Wow…kumukulo.” Manghang sabi ko pagkakita ng onsen dito sa hotel.

 

 

“Hot spring nga eh.” Umiiling na sagot niya.

 

 

Napilit ako ni Rina na i-try yung hot spring, kinabahan pa ako kasi hindi ko alam kung maghuhubad ba ako…like parehas kaming maliligo ng walang saplot ganern?

 

 

Pero sabi niya na paa lang naman daw muna yung idi-dip naming kaya nakahinga ako agad ng maluwag.

 

 

“Mapapayag kaya natin?” tanong ko sa kanya nung nakaupo na kaming dalawa.

 

 

“You said you’ll use your charms.”

 

 

“Pero what if hindi pumayag?”

 

 

“Papayag yon Winter.”

 

 

Tumango nalang ako.

 

 

Ayoko rin naman kasing mauwi kami sa divorce, kaya I’m also hoping na pumayag yung aunt ni Selle.

 

 

 

 

 

“Anong gagawin mo after natin maghiwalay?” I asked.

 

 

“Hmm…I’ll probably be taking the examination na. Then if it’s a success, I’ll be an orthodontist.” She answered.

 

 

Napangiti naman ako, alam kong kayang kaya ni Rina makuha yung pinaghihirapan niya.

 

 

Meron kasi siyang something na if she wants it, she’ll get it. Through hardwork yan ha.

 

 

Kaya deserve niya naman yun, I’ll be supporting her kahit na wala nang kami. I’ll be one of her proudest fans if ever.

 

 

 

 

 

“How about you? Anong gagawin mo?” she asked.

 

 

Napaisip naman ako.

 

 

Right.

 

 

Ano nga bang gagawin ko after?

 

 

“Honestly, I’m not sure. Hindi ko rin talaga alam saan ako patungo simula nung nag-resign ako. I’m just enjoying what I have at the moment.”

 

 

Hindi ko alam kung may i-aachieve pa ba ako.

 

 

I might try some new hobbies, pero kung something grand na ang usapan…then I’m not sure.

 

 

I’ll probably continue helping occasionally.

 

 

But you know what I think?

 

 

I think that everything would be better…if she’s there.

 

 

But I don’t want to demand something from her. It just doesn’t sit well with me.

 

 

So even if I’m someone who follows their heart, I won’t ask for anything na mahihirapan siyang sagutin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

The talk with Giselle’s aunt was successful.

 

 

Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib, but at the same time mahapdi.

 

 

Like the feeling after makuha yung salubsob.

 

 

Pero it’s not the time for that. Inalis ko muna sa isip ko yan, I have to make the best out of these last moments.

 

 

“So…where do you two want to go?” tanong ni Giselle habang naglalakad kami sa daan na punong puno ng piled up snow.

 

 

“How about Zao Ski Resort? Then let’s ride the ropeway nalang.” Sagot ni Rina.

 

 

So we’re here! Zao Ski Resort, and grabe puting puti yung paligid!

 

 

Ang dami ring nag-snowboarding at ski. Gusto ko rin i-try yan if ever may chance.

 

 

Feeling ko ay isa ako sa mga sangkap ng halo halo dahil sa snow.

 

 

Grabe yung lamig!

 

 

“Ano Win? Ba’t parang lamig na lamig ka na diyan?” natatawang tanong ni Giselle.

 

 

“Hindi ah, ang init nga actually.”

 

 

“Mas malamig pa sa taas. Get ready.”

 

 

Shemz.

 

 

Nung makasakay na kami ni Giselle at Rina sa ropeway ay mas lalo lang akong na-amaze.

 

 

“Cute niyo tignan parang mga marshmallow.” Natatawang sabi ni Giselle habang nakatitig samin. Siya kasi yung nakaupo sa harap.

 

 

“Picturan ko kayo dali!”

 

 

Napatingin naman ako kay Rina na nakangiti lang, payag naman ata siya kasi siya na yung tumango.

 

 

Siyempre payag na rin ako.

 

 

So we both smiled at the camera habang pinipicturan kami ni Giselle.

 

 

For memories raw.

 

 

Habang papataas nang papataas mas lalong nagiging makapal yung snow.

 

 

Para akong nasa Frozen…

 

 

Wala na kami halos makita…

 

 

Tapos papalamig pa lalo ng papalamig.

 

 

Grabe para talaga siyang yung mga nasa Disney movies or yung mga snowy lands sa video games.

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
winchimelon
We have a star!!! Thank you po sa lahat ng nagbasa aaaa ily<3

Link of Win's sketchbook is on Special Chap #2!

Comments

You must be logged in to comment
Hiccups_ #1
It's been a while, kaya re-read agruagru
Enterusername_here
22 streak #2
Re-read kasi namiss ko sila
Trumfeet #3
Chapter 9: TOR PAKISSS PUCHA NMN IH‼️😫
whtvrlisa #4
babalik at babalikan pa rin talaga ‘tong fic na to. sobrang ganda ng pagkasulat.
ryujinie__
681 streak #5
Chapter 5: 🤍🤍🤍🤍🤍🤍🤍
idkwhatnametouse #6
break na po kathniel
tobykaiii
#7
Chapter 2: AKONG KELEGGGGGGGGGGGGGGGGGGG
Jillian_ #8
Chapter 2: Teka lang, I'm too emotional for this chapter dahil naluluha pa ako while nagbabasa T^T huhu ang gandaaaaa
iamdevinnn_
#9
nanood cant help falling in love sibs ko kanina kaya im gonna reread namiss ko sila doktora at artist bigla 🥹