KTAP #1

Kapag Tumibok Ang Puso
Please Subscribe to read the full chapter

Kapag Tumibok Ang Puso

 

_ _ _

 

 

 

 

First of all.

 

 

What the freak!?

 

 

Alam niyo, isa lang naman akong hamak na...walang direksyon sa buhay at pa hanap hanap lang ng raket na arti—I don’t even know kung dapat ba akong tawagin bilang artist. Basta ano I’m good with my hands—ay parang ang bastos pakinggan, pero you get the point.

 

 

Ako yung tipong sabit sabit lang ganon.

 

 

Pero...

 

 

Akalain niyo yun…kasal na pala ako!?

 

 

Hindi ko rin nga inexpect na may possibility palang ikasal ako. Wala naman kasi akong plano mag-asawa, or even maghanap.

 

 

Jowa nga hirap na hirap na kong mag-hanap, asawa pa kaya? Tsaka ang hirap na nga humanap ng jowa kung straight ka, pano nalang kaya akong bading.

 

 

Yung gulat ko! Para akong natatae na ewan na hindi ko rin maipaliwanag kung tae ba to o naduduwal lang ako.

 

 

Ganito kasi yon.

 

 

Last week.

 

 

Nakatanggap ako ng message mula sa unknown number, hindi ko kilala. Unknown nga eh.

 

 

 

 

 

Unknown number:

Is this Winter Legaspi?

 

 

 

Tapos siyempre ako tinanong ko kung sino.

 

 

 

Me:

Who you?

Unknown Number:

This is the secretary of Mayor Yu.

 

 

 

 

Pagkakita ko nung text nagtaka ako kung bakit bigla akong tinext ng kompadre ni lolo na si Mayor Yu. Siya ang current mayor ng city namin, alam kong busy ang mga mayor so imagine getting a text from him. Baka mamaya may kung anong pakay sa akin, ang dami ko nang naisip dahil assuming ako.

 

 

And nga pala, dating Mayor ang lolo ko na ngayon ay nasa heaven na, rest in peace po sayo lo. Siya kasi ang kumupkop saamin ni ate nang mawala sila mama at papa.

 

 

Skl.

 

 

The more you know.

 

 

Kaya hindi rin siguro ganon ako na shucks, may gulat pero limited naman yung expectations ko since I already know him since then. Nung mga panahong nabubuhay pa si lolo.

 

 

 

 

 

Me:

Bakit po?

Unknown Number:

The Mayor wants to invite you for a dinner.

Sent a location

Me:

Baka scam kayo?

Unknown Number:

Sent a photo

Is this enough proof?

 

 

 

 

Hala nag-send na nga ng pa-selfie with Mayor.

 

 

Mukha namang legit, sige go.

 

 

Madali naman kasi akong kausap, tsaka yung location eh yung lugar kung saan nakatira yung mga mayayaman.

 

 

Kaya ayun nung gabi din na yun ay pinuntahan ko na. Free dinner rin yun noh.

 

 

 

 

 

 

_ _ _

Flashback to that dinner

 

 

 

 

 

Kakatapos lang ng raket ko kasama si ate Seulgi at Jisoo, may mag-oopen kasing pizza place at kami yung napili na artists for their wall designs.

 

 

Nakikisali lang naman ako sa nakuha nilang studio, ginawa nila ito for mural purposes. Dito kasi nilalagay yung mga gamit at yung ibang equipments na gagamitin for design or art purposes. Minsan ay tumatanggap rin kasi si ate Jisoo ng mga nagre-request na magpatattoo sakanya. Nag iipon pa raw kasi siya for her soon to have tattoo shop, so dito nalang muna sa studio yung mga pa-tattoo sessions niya.

 

 

Si ate Seul naman mas into graphic design, kaya mostly sakanya talaga dumadaan yung clients. Patulong tulong lang ako sa kanya, dahil may knowledge naman ako sa digital art. Wala naman kasi akong permanent medium na ginagamit, I explore all sorts of art. Parang yung saying lang na…”jack of all trades master of none, but is better than master of one.”

 

 

Oh ayan grabe lang yung TMI. In short tamang sabit lang talaga ako sa mga kasama ko at walang maayos na plano sa buhay.

 

 

Go with the flow ayon nga sa popular sayings. Hindi naman siguro obvious na mahilig ako sa sayings, pero ganun talaga, kadalasan inaapply ko siya in real life. And no joke, it’s kinda effective na healthy ang mindset.

 

 

May degree naman ako, kaso… Hindi talaga kasi para saakin ang corporate life. So when I had the chance, nag resign na ako. Pero ilang debate rin against myself ang pinagdaanan ko bago ko ipasa yung resignation letter.

 

 

But in the end I said it. Bahala na si batman.

 

 

I want to be my own boss keme.

 

 

 

 

 

 

 

"Wow...ang laki..."

 

 

Habang chinichika ko kayo saaking mga pa-TMI ay nakarating na nga pala ako sa harapan ng mansion ng mga Yu.

 

 

I was greeted with a very Victorian style mansion. I always find infrastructures, buildings, or houses na naiiba yung style amongst other houses na katabi nito amazing.

 

 

Halos wala itong kapitbahay since magkakalayo ang pagitan ng houses from one another. Napapaisip ako minsan kung hindi ba nalulungkot yung mga tao dito dahil ang lalayo.

 

 

As someone who almost went for architecture, ang cool lang na makakita ng ganoon na mga style sa Philippines. Common kasi dito sa country natin na modern yung style mostly, and to see a house na pang European is very rare. Ang yaman siguro talaga ng may-ari nito because materials would cost a lot.

 

 

Mapapasabi ka nalang na out of my league ang nagmamay-ari nito.

 

 

Yung tipong tatanungin mo ng...what do you do for a living?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Ms. Winter Legaspi?" Bungad ng isang babae na mukhang isa sa mga nagt-trabaho rito sa mansion.

 

 

"Opo, that’s me."

 

 

"This way miss." The lady lead the way kaya sinundan ko lang siya.

 

 

Akala ko ay wala nang mas ikaka-bongga itong mansion. I was amazed by the exterior but dang...talk about the interior and all these fancy looking paintings, vases, and chandeliers. May carpet pa.

 

 

May iba pa akong namukhaan na painting from other famous local artists. The hobby I can't do, masyado akong hampaslupa to collect such expensive pieces.

 

 

Hanggang keychain lang ang kaya ko, or di kaya yung occasionally pagkain ko ng magnum at pagtatago ng popsicle stick nito.

 

 

Mga bente piraso palang siguro ang natatago ko in a span of one year.

 

 

 

 

 

 

 

"Winter ija, it's nice seeing you again." Bungad ni Mayor Yu saakin.

 

 

Ofcourse as a sign of respect ay nag-mano ako rito at binati pabalik. "Hello po mayor, kamusta po?"

 

 

"Heto at healthy living pa naman. Come and sit with me." Tumawa pa ito at inalok na ang upuan malapit sa kanyang tabi.

 

 

Nakaupo si Mayor sa gitna ng mahabang dining table, habang ako ay nakaupo sa upuan malapit sa tabi niya.

 

 

I'm guessing may isa pa siyang inaasahan na bisita base sa isa pang plato sa harap ko.

 

 

Pagka laki-laking table pero tatlo lang kaming kakain dito. Kayang kaya ata nitong paupuin ang bente ka-tao.

 

 

"Ikaw? How are you? Sorry I couldn't go to your lolo's death anniversary for the past two years. I had been busy, I was out of town."

 

 

"I'm okay lang naman po mayor, it's okay po we understand. Umuuwi naman po si ate tuwing death anniv."

 

 

"Ano nga palang pinagkakaabalahan mo ngayon? I happen to see your posts about the works you're doing. They look wonderful, I’m considering on commissioning you for a piece."

 

 

Napangiti naman ako. One thing I like the most is talking about how fun my work is right now. Well sometimes nakaka-burnout lalo na if may artblock but I still enjoy it.

 

 

We get to travel to places to search for blank walls where we can legally paint large murals or graffiti.

 

 

My favourite? It's when indigenous organizations invites us to their contests.

 

 

I just love brainstorming for one mural painting.

 

 

Ate Jisoo and ate Seul really wanted to emphatize with something they'll be dealing with. So they get on the field and experience the situation themselves. Siyempre kasama ako. They take pictures for brainstorming tapos il-lay nila lahat ng nakuhang pictures sa isang board to plan for the concept.

 

 

And, I get to tell a story through painting or sketching. Bonus nalang pag nagkaroon ako ng chance na through mural iexpress kasi sa isang pader ilalagay yon.

 

 

I'm not really good with words, wala atang romantic bone man lang sa katawan ko. That's why painting or art became the medium for me to express my thoughts.

 

 

I get to lay them there freely coming from the depths of my heart. Sila nalang siguro bahalang umintindi kung anong pinapahatid ng painting.

 

 

Maybe some other time, I'll try photography too. Kapag nakaipon na ako to buy a camera.

 

 

"I'm currently having fun with my field of work Mayor. We just got invited to paint for a school wall naman next." I said with proudness in my voice.

 

 

Mukha namang nagustuhan ni Mayor ang sagot ko dahil napangiti siya.

 

 

My lolo and the mayor were really close, I was the witness of their friendship tuwing sinasama ako ni lolo sa fishing sessions nilang dalawa noon.

 

 

Mas bet kasi ni lolo na mag fishing kaysa golf, iba raw yung joy kapag may nabibingwit kang isda. Bilang joiner edi nakahiligan ko rin ang hobby niya, di pa naman kasi ako busy masyado nung highschool.

 

 

"I'm glad you're doing well Winter, binilin ka pa naman ng lolo mo saakin. But I didn't get to even ask how you’re doing these past few months." The mayor said looking sorry for not being able to ask about me.

 

 

Nginitian ko lang naman siya, gets ko naman because may mga mas kailangan siyang asikasuhin kaysa sakin. Kaya ko naman na ang sarili ko, and I have my friends and ate's. "Siyempre po inuuna niyo yung taumbayan."

 

 

Maya maya naman ay dumating na ang mga helpers nila Mayor to serve the food. Natakam agad ako sa dami ng mga nilalagay sa harap namin.

 

 

Hindi na ata ako makakapag hintay pang lumamon! Cheret!

 

 

"You can eat ija, I think Claudine's going to be late, she said we can eat without her."

 

 

Claudine? Sino si Claudine? Baretto ba?

 

 

Bakit may artistang ininvite si Mayor?

 

 

Pero deadma nalang muna dahil gutom na ako.

 

 

Hindi na ako nahiyang kumuha nung calderetang nakahain sa harap ko dahil may pa cheese pa ito on top. Para namang may fiesta talaga dahil may chicken cordon bleu pa sa isa pang lalagyan.

 

 

Meron pa kong nakikitang salpicao at buttered shrimp, grabe dinaig yung catering! Shet! Heaven!

 

 

First bite thank you lord!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Dad, sorry I'm late,I got stuck sa traffic may small accident."

 

 

Natigilan naman ako sa paglamon nang may marinig na boses. Dumaan ito sa gilid ko at men!

 

 

Ang bango ng pabango niya! Like mabango talaga siya! Very head turner yung datingan.

 

 

Amoy na amoy ko from here kung gaano siya kabango kaya napapunas agad ako ng labi at napaayos.

 

 

Magmumukha akong dugyot nito sa harap niya eh...tamang baby cologne from avon lang kasi ang ginagamit ko.

 

 

Bumeso ito kay Mayor at nag-mano bago umupo saaking harapan.

 

 

"We just started eating, come and eat with us."

 

 

 

 

 

Medyo. Natulala. Ata. Ako.

 

 

So siya ba si Claudine?

 

 

"Winter this is my unica ija, Katarina Claudine Yu. I’m assuming medyo familiar na siya sayo, she helps sa mga barangay health missions." Pagpapakilala ni Mayor sa kanyang anak.

 

 

Pangalan palang, pang mayaman na.

 

 

Ito pala yung pinagkakaguluhan nila Ryujin na anak raw ni Mayor.

 

 

Familiar na ako sa kanya, nakikita ko na siya sa mga health missions sa baranggay.

 

 

Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong doktora. Dentist to be specific, one time kasi ay sinamahan ko yung pamangkin ko na magpabunot ng ngipin.

 

 

Tapos ayun nakita ko siya sa isa sa mga tables na chinecheck yung ngipin ng isang bata. Kaso di ko siya masyadong natignan dahil maraming tao at ngawa nang ngawa yung pamangkin ko.

 

 

"Hi, just call me Kat or Rina." Nakangiting bati nito at nag abot pa ng kamay.

 

 

Ofcourse tinanggap ko agad. Sino ba naman ako para tanggihan?

 

 

Ang ganda pala talaga niya lalo na upclose, ang bango bango pa.

 

 

How to be you po?

 

 

"Hello, Rina. Winter nga pala."

 

 

"Nice name."

 

 

Mas maganda po yung pangalan mo parang ikaw—okay behave.

 

 

Let's live by our beliefs self.

 

 

Baka Winter "Di Titiklop" Legaspi to!

 

 

Pero maganda naman kasi talaga siya—teka ba't ba ko nagpapaliwanag!?

 

 

Hinayaan muna kami ni Mayor na lumafang bago niya kami biglain char not char. Yun ang nararamdaman ko, feel ko lang may pasabog.

 

 

Most of the time kasi tama ang mga kutob ko.

 

 

 

 

 

 

 

"So...to be honest with you two, the reason why both of you are here is because... Winter's lolo and I kind of had some spur of the moment decisions back then. Nakainom rin kami that time."

 

 

Ayan na nga ba ang sinasabi ko, nagsalita na ulit si Mayor.

 

 

"Just get straight to the point dad, I don't have all day. So what did you do this time?"

 

 

Grabe, even her voice sounds so expensive. Iba talaga ang aura ng mayayaman, yung masasabi mong laking yaman talaga because of how they present themselves.

 

 

Tapos straight English pa! I could never, mabubulol siguro ako emz!

 

 

Tsaka nagmamadali masyado naman si Doc…may lakad  yarn?

 

 

 

 

 

 

 

"Former Mayor Legaspi at that time... registered a marriage."

 

 

Okay nabanggit na si lolo. I'm guessing yan ang rason bakit ako nandito.

 

 

It has something to do with him. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

 

 

"Okay? So what?"

 

 

"And..."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Itong si Mayor mukhang nasa game show eh, gusto ata may pa element of surprise ang revelation.

 

 

Basta ako, tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang pinapapak yung cordon bleu.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Pangalan niyong dalawa yung nandon."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagka takot takot na ubo ang nailabas ko dahil nabulunan ako sa kinakain ko.

 

 

Anudaw?!

 

 

Hoay! Anong pangalan naming dalawa nalagay!?

 

 

"Po?" tanong ko at nagbabakasakaling mali lang ang pagkarinig ko sa kanya.

 

 

"What!?"

 

 

"Claudine calm down." Pagpapakalma nito sa anak dahil napataas ata ang tono ni Ms. Claudine, ang expensive talaga pakinggan ng pangalan niya.

 

 

"Dad naman, what will happen now? Do you know how serious this is?!"

 

 

Hala galit.

 

 

Ako dito speechless...wala akong masabi sa nalaman ko.

 

 

Kasal ako!?

 

 

Sa anak ni mayor!?

 

 

Na babae!?

 

 

What are the odds diba?

 

 

"I know honey, that's why I called both of you."

 

 

"I hired an attorney for this, but the problem is...mukhang kailangan niyo muna magsama for the meantime hangga't hindi pa naaayos yung problema. Don't worry Winter, I'll take care of your lawyer too."

 

 

Damn. Nahihilo ata ako sa mga pangyayari.

 

 

Wala akong alam pagdating sa mga dapat sundin na batas when it comes to marriage, lalong lalo na sa paghihiwalay!

 

 

This is information overload, kailangan ko atang kumain muna nitong buko pandan.

 

 

Bago pa man ako makasubo ay may bigla akong naalala sa tinutukoy na timeline ni mayor.

 

 

"Teka teka...so yung napirmahan ko po dati na akala ko ay autograph lang ay marriage contract?"

 

 

"I can't believe this. Bakit kasi hindi mo muna binasa!?" Pagalit na sabi ni Ms. Claudine.

 

 

Hala grabe? Bakit parang kasalanan ko (lang)?

 

 

Oo may kasalanan ako pero siya rin kaya!

 

 

Tsaka ba't ba G na G to, kala mo naman may sumpa ako at hindi asawable!

 

 

Cute naman ako ah? Sabi nila ate Jisoo at ate Seul! Pati si ate Taeyeon sabi mukha pa rin akong baby.

 

 

"Eh ikaw rin naman hindi nagbasa..."

 

 

"I was also drunk at the party that night. Ikaw yung sober or in the right mind, you should've read it atleast!" Mataas pa rin ang tono niya at bakas sa mukha nito ang stress.

 

 

Ganito ba ka big deal para sa kanya ang makasal sakin?

 

 

I mean we can handle this calmly, kailangan lang naman namin mag separate then that's all diba?

 

 

No need to make a fuss about it, we can even hide if she wants to. Hindi ko lang magets bakit jinez na jinez na siya sakin ngayon palang.

 

 

"For the record nakainom rin ako non, I was also tipsy ha."

 

 

"Girls calm down okay, it was my fault. I think Mr. Legaspi thought na lalaki ang anak ko, he said he just wanted to secure Winter's future."

 

 

"Mygod dad, sinong lalaki ang may pangalan na Katarina Claudine?"

 

 

"KC ang nasabi kong pangalan anak."

 

 

Akala siguro ni lolo Kevin Carl ang KC.

 

 

Pero...

 

 

Anak ng porkchop...hindi ko pala nasabi kay lolo na bading ako.

 

 

Lolo thanks for the concern...pero maganda ho ang hanap ko...so I guess... mission failed successfully ka po.

 

 

Maganda yung napili ni lolo na asawa eh. Masungit lang ata.

 

 

Ganyan siguro talaga kapag mayaman? Kaya pala may pagka intimidating aura siya pagdating.

 

 

"Habang ako, I actually don't mind kahit sino  anak. As long as that person will love you and take care of you. So I agreed, because I trust the Legaspis." Ani ni Mayor.

 

 

"But that doesn't mean na magkaka ugali sila dad."

 

 

Hala grabe naman si itong si Ms. Katarina Claudine, ayan full first name na.

 

 

Mukha ba akong bulakbol!?

 

 

Mukha lang akong badgirl dahil sa gupit at pormahan ko ngayon pero mabait to noh! Nagbibigay ako ng pagkain sa mga nakakasalubong kong walang makain sa daan hmp.

 

 

Binigay ko nga yung yum burger ko sa batang nanglilimos. Walang kagat yun ah!

 

 

"Uy mabait ako."

 

 

"I'll figure this out, but mukhang kailangan niyong gamitin yung biniling bahay ng lolo ni Winter. You both technically own it."

 

 

"I can't believe this. How will you unregister that contract? You know naman that Ethan's courting me. Plus this is Philippines, mahirap maghiwalay dito legally."

 

 

Again, wala akong alam sa mga ganito, takte kasi dapat talaga binabasa muna ang kung anong pipirmahan...pero jusko masyado akong stressed dahil nasa corporate world pa ako that time. Akala ko simpleng kung anong papeles lang dahil tiwala naman ako kay lolo.

 

 

Kala ko yung tungkol lang kila mama at papa at yung mga ari-arian na mapapasaamin ni ate.

 

 

Malay ko bang marriage contract na pala yung napirmahan ko.

 

 

And uy! Ethan raw... I'm guessing may boyfriend itong si Ms. Yu?

 

 

Kaya siguro ganon nalang yung inis niya because she has a boyfriend? Gets ko naman, ayoko rin naman maging kabet noh!

 

 

I'm never gonna tolerate any form of cheating!

 

 

The talk didn't end well, may nakasched pa kasing lakad si Ms. "Rina" (sabi niya ay yun nalang itawag ko sa kanya) with the guy named Ethan kaya umalis rin ito.

 

 

At mukhang galit pa ata sakin. Awit...gusto ko lang naman ng free dinner.

 

 

 

 

 

 

_ _ _

 

 

 

 

 

Mga after two days rin siguro matapos yung dinner na yun ay nakatanggap ako ng text, yet again from another unknown number.

 

 

Nagtataka na talaga ako kung sinong walangya ang nagbibigay ng number ko kahit kanino.

 

 

 

 

 

 

Unknown Number:

Is this Winter Legaspi?

 

 

Ano ba to, eto nanaman yung ganitong format ng text. Parehong pareho sa text nung secretary ni Mayor.

 

 

Me:

Sino po sila?

Unknown Number:

This is Katarina Yu

 

 

 

 

Oh shet si Ms. Yu slash Dra. Yu.

 

 

 

 

Me:

Bakit po?

Unknown Number:

Do you have time today?

Me:

I can make time for you.

 

 

 

 

 

Eme lang yan, just wanted to sound cool pero wala talaga akong ginagawa. Wala pa kasing client ngayon at planado naman na yung concept for our next raket.

 

 

Kaya heto ako at nakatunganga lang sa studio at pinagdidiskitahan yung electric guitar.

 

 

Ako pala dapat ang mahiya dahil siya yung mukhang busy saaming dalawa.

 

 

 

 

 

Unknown Number:

Great, meet me at this café.

Sent a location

3:00 PM, today

Me:

Okay po

 

 

 

 

 

 

 

 

So here I am. Sa Café De Maria.

 

 

Ngayon ko lang narealize na malapit lang pala ito sa neighborhood nila Mayor, kaya siguro dito niya pinili.

 

 

2:45 PM palang nandito na ako, sabi niya mali-late siya ng ilang minutes because may inaasikaso pa siya, sinabihan ko lang naman siya na she can take her time. I don’t mind waiting, I can handle myself well.

 

 

Actually matagal ko nang gusto pumunta rito sa café na to. Madalas ko kasing nakikita to sa Instagram tuwing nagb-browse ako. Ang ganda ng interior nitong café may pa chandelier, very classy yung aesthetic nila. Tapos minsan may pa buffet pa sila for brunch, maganda dito for romantic date nights.

 

 

Madami dami naman yung dala kong pera today kaya umorder na muna ako ng kape habang hinihintay si Ms. Yu slash Doc Yu, kaso napaubo nalang ako pagkakita ko sa menu prices. Sa lahat ng café bakit ba naman kasi dito pa napili ni non…okay lang naman kung sa foodcourt nalang kami mag-usap.

 

 

Kaso baka ayaw niya doon kasi maraming tao, dito kasi tahimik lang. Sige lang, I’ll treat this as a reward for myself.

 

 

Pasimple ko lang pinipicturan yung paligid, hindi naman kasi ako mahilig sa selfie. Medyo matagal tagal nga si Doc kaya inopen ko nalang muna yung sketching app sa cellphone ko. Sanay naman akong mag-digi art gamit ang daliri, so kung ano ano nalang dinodrawing ko to kill time.

 

 

Buti nalang hindi ko nakalimutan dalhin yung airpods kaya nakinig nalang rin muna ako ng music, isa lang gamit ko baka kasi hindi ko siya marinig.

 

 

Intro palang ng kanta damang dama ko na. Gustong gusto ko talaga yung simula ng kantang to kasi feeling ko inlove na inlove ako sa isang tao, kahit na wala naman akong minamahal ngayon.

 

 

(a/n: Insert BGM while reading: It Might Be You - Stephen Bishop)

 

 

 

 

 

“Time I’ve been passing time, watching trains go by…” pagsabay ko sa kanta.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

All of my life

Lying on the sand, watching seabirds fly

Wishing there would be

Someone waiting home for me

 

 

 

 

 

 

 

 

“Something's telling me it might be you… It's telling me it might be you…”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

At dahil konti nga lang ang tao rito ay narinig ko agad ang pagbukas ng pinto ng café. Nakita ko agad na siya na yun, dahil na rin siguro nakaharap ako sa full glass window ng café.

 

 

Cliché man pakinggan…pero totoo pala yung mga ganitong moments?

 

 

Ewan ko ba kung dahil sa ambiance ng café ito, pero ang ganda ng pagpasok ni Ms. Yu ngayon.

 

 

Sumakto pa ata yung pinapakinggan kong kanta sa grand entrance niya, for a moment akala ko ay nasa loob ako ng isang romance movie.

 

 

Tapos ito yung first meet namin, na matutulala ako.

 

 

Unti-unting mahuhulog kahit na i-deny ko pa.

 

 

Pero hindi naman pala kami yung endgame sa huli.

 

 

 

 

 

 

Something's telling me it might be you

It's telling me it might be you

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Charot nakaplano na agad eh.

 

 

Ang lakas kasi ng dating niya, dagdag mo pa yung magandang lighting. Maganda yung interior ng café, as I said classy ito.

 

 

Pero mas lalo lang naging elegant simula nung dumating siya, she really has this demure aura.

 

 

 

Alam mong fit na fit siya sa ganitong ambiance dahil don, pati yung suot niya na alam kong ito naman talaga ang sinuot niya for work purposes ay bumagay sa café. Papasa siguro siyang ulzzang, simpleng highwaisted trousers at blouse with a gold wristwatch on her left wrist lang naman ang suot niya pero wow.

 

 

Nakalimutan ko ata paano huminga.

 

 

Mapapasabi talaga akong she’s someone who works as a professional, bagay na bagay sa kanya yung profession niya. Parang nahiya tuloy ako sa suot kong jeans at cardigan, Ms. Yu akala ko ba casual casual lang tayo dito?

 

 

 

 

 

 

 

 

“Sorry natagalan, did you wait long?”

 

 

Kay tagal kitang hinintay. Joke!

 

 

Tinanggal ko na agad yung airpods ko sa isang tenga at binati siya ng ngiti.

 

 

“Hindi naman. Kani-kanina lang rin ako nakarating.” 30 minutes more or less ata akong nakatambay dito, pero kasalanan ko naman dahil masyado atang napaaga ang dating ko.

 

 

She settled down in front of me at kinuha na yung menu, inabutan niya rin ako nito kaya nagtataka akong tinanggap. “Order what you want, I’ll pay.”

 

 

Shemz, libre.

 

 

“Sure ka? Pwede naman tayong maghati.” Oo hati lang kami, di ko pa kasi afford na librehin siya right now, next time nalang kung meron pa. Baka ubos yung allowance ko neto.

 

 

“No it’s fine, ako naman nag-invite sayo dito.”

 

 

Okay, madali naman akong kausap. Hindi naman ako pabebe ‘pag may manlilibre.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

When we finished ordering ay medyo naging awkward ata bigla ang paligid.

 

 

Wala kasing nagsasalita saming dalawa, nakakahiya namang titigan siya kaya pasimple ko nalang tinitigan yung view sa may glass window.

 

 

Pero mukhang wala pa rin talaga siyang balak magsalita.

 

 

Ano ba Doktora…dapat ikaw nagfi-first move sating dalawa kasi ikaw yung may social skills satin!

 

 

Kaso wala.

 

 

Ako nalang nag initiate ng usapan. Maling topic pa ata ang na-open ko, pero atleast ako na nag-first move samin!

 

 

 

 

 

 

 

"So uhm...kaninong apelyido yung dadalhin? Yung akin ba or yung sayo? Pero feel ko yung sayo yung dadalhin dahil akala nga ni lolo lalaki ka kaya siguro Winter Yu—"

 

 

"Walang dadalhin na apelyido Winter. You stay as Winter Legaspi, while I stay as Katarina Yu." Sagot niya.

 

 

Ang serious naman nito.

 

 

"Okay, copy. So bakit mo gusto makipagkita?"

 

 

Nakita ko namang nag-clear muna siya ng lalamunan at umayos ng upo bago ako titigan. "We need to talk about our situation."

 

 

"Mhm." I nodded.

 

 

"I need your full cooperation, Ms. Legaspi."

 

 

"Alam mo Ms. Yu or Dra. Yu depends on how you want me to address you. Saakin, wala ka namang dapat problemahin. Madali naman akong kausap, tsaka kung anong gusto mo ay susundin ko ang magkamali ay pipinguti—joke lang."

 

 

"I'm not here to joke with you." Seryosong sagot niya kaya napaubo ako.

 

 

Okay seryoso dapat Winter.

 

 

"Oo na, susundin ko kung anong gusto mo. You can set the do's and don'ts, and I'll gladly obey your majesty."

 

 

“Simple lang naman ang gusto ko, I don’t want anyone finding out about this. If you want to tell other people then go ahead, but make sure that those people are your closest friends.”

 

 

“Noted po miss.”

 

 

“You can drop the honorifics, don’t call me miss.”

 

 

“Ano ba gusto mo? Misis ko?”

 

 

Napaubo naman bigla itong si misis ko—

 

 

“Rina. Call me Rina lang…ghosh.”

 

 

Okay, Rina. “Sige, ano pa?”

 

 

“Laging mong icheck cellphone mo, kailangan palagi kitang makakausap in case na may kailangan pirmahan o gawin.”

 

 

“Oh…clingy.”

 

 

“May sinasabi ka?”

 

 

“Ah wala, sabi ko go on lang.”

 

 

“You’ll cooperate sa lahat ng plano ko without buts.”

 

 

“Okay, may idadagdag ka pa ba? Rina?”

 

 

“Wala pa for now, though baka meron if something happens. So? Are we good here?”

 

 

“Yes po madam.”

 

 

“Great. Tapos ang usapan—Oh, I forgot…are you single?”

 

 

Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya, bakit kailangan malaman? Anong relevance nito sa study?

 

 

“Single and ready to mingle. Bakit?”

 

 

“Maybe we could use someone as your boyfriend to break the marriage…do you want me to set you up with someone?”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Okay.

 

 

Hindi ako prepared doon, hindi ako agad nakasagot.

 

 

Nagkaroon tuloy ng katahimikan, bakit ba kasi wala pang customers masyado…

 

 

Mukhang hinihintay rin ata ni Rina ang sagot ko kaya napabuntong hininga nalang ako at tinitigan siya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Rina, I like girls.”

 

 

Nakita ko ang sabay na pagtaas ng kilay niya, yes, tama ka ng naririnig.

 

 

Pati ako hindi ko rin inexpect na into girls ako nung first year college.

 

 

 

 

 

 

“Oh…” simpleng sagot niya.

 

 

“Feel ko ang dapat mong sinasabi is…don’t fall in love with me.” Biro lang naman yan, ganyan kasi yung mga napapanood ko or nababasa sa mga tropes na arranged marriage at fake dating.

 

 

Pero…hindi naman kasi kami arranged…hindi rin naman to fake dating…so ano kami?

 

 

Accidentally married? May ganon bang trope? Or ito ba yung forced proximity?

 

 

Ewan ko basta kasal kami ngayon.

 

 

 

 

 

 

“Right…don’t…”

 

 

“Again, Madali lang naman akong kausap. Sabi ko sayo eh, wala kang kailangang problemahin pagdating sakin.” confident kong sagot.

 

 

“Ako naman magtatanong. May boyfriend ka na ba?”

 

 

“Wala pa, but I have a suitor. 3 months na niya akong nililigawan.”

 

 

Ah, nanliligaw palang naman pala.

 

 

Okay that’s good dahil hindi tayo third party!

 

 

“So papunta na kayo sa exciting part?” dagdag ko.

 

 

“What?”

 

 

Hindi niya ata na-gets. Feeling ko hindi tumitingin ng memes to si Doktora.

 

 

“Sasagutin mo na ba?” paglilinaw ko.

 

 

Hindi agad siya nakasagot, parang nag-isip pa.

 

 

 

 

 

 

 

 

“Maybe…hindi naman ako nagmamadali. Marami pa akong kailangan isipin, but I guess maybe I’ll say yes. Kaya ko nga inaayos tong gulo, because I know he’ll be asking me soon.”

 

 

“Tatlong buwan palang naman, yung iba nga umaabot ng isang taon bago sagutin.”

 

 

“He understands it too, busy rin naman siya because of their business. Parehas lang kaming busy.”

 

 

Damn, CEO pa ata ang manliligaw neto.

 

 

Kaya ba gusto mo na akong hiwalayan misis ko? Kasi wala akong laban?

 

 

Alam ko kaya ka niyang ipa-billboard…pero kaya ka ba niyang ipa-mural painting?

 

 

Hindi!

 

 

Biro lang, kung ano ano nalang iniisip Winter!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Uhm Rina, genuine question."

 

 

"What?"

 

 

"Tabi ba tayo matulog?"

 

 

Huy genuine yan ha, hindi ako nakikipag-joke time.

 

 

Baka kasi bigla siyang umuwi sa bahay tapos iisang kwarto lang meron doon.

 

 

Or di kaya maling kwarto mapasukan ko.

 

 

 

 

 

"You can keep the house to yourself. I have my condo."

 

 

Oh.

 

 

So hindi pala kami magkasama.

 

 

Okay lang, masosolo ko yung bahay.

 

 

"Ah...so hindi ka uuwi sakin. Noted po."

 

 

 

 

 

 

 

_ _ _

Present

 

 

 

 

So that's what happened.

 

 

Going back now, sa present.

 

 

Nasa studio na ako nila ate Jisoo at ate Seul, parang may hangover pa ata ako sa nangyari last week.

 

 

"Mga ate, may sasabihin ako."

 

 

"Ano yun bebe Wintot?" tanong ni ate Jisoo.

 

 

Buti nalang nandito silang dalawa ni ate Seul, may inaayos na commissioned painting.

 

 

Sakanila ko lang naman sasabihin yung sitwasyon, tiwala naman akong hindi nila ipagkakalat to noh.

 

 

Pero mukhang kailangan ko muna itago sa mga kaibigan ko ang tungkol sa kasal chuchuever na ito.

 

 

Isang linggo rin yung nakalipas at hindi na kami nakapag-usap muli ni Rina slash Dra. Yu.

 

 

"Huwag kayong mabibigla." Kalmadong sabi ko.

 

 

"Omyghad! Buntis ka!?" madramang tanong ni ate Seulgi.

 

 

Napapikit naman ako agad.

 

 

"Hindi! Kakasabi ko palang na huwag mabibigla eh!"

 

 

"Sorry nadala lang sa emosyon."

 

 

"Wait pero kung di ka buntis...Omyghad! May jowa ka na!? Sino yan!?" tanong niya ulit.

 

 

Napabuntong hininga nalang ako. Mas matindi pa sa jowa mga ate.

 

 

"Wala akong jowa."

 

 

 

 

 

 

 

 

"Pero asawa meron."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"HA!?" sabay nilang sigaw kaya napatakip nalang ako ng tenga.

 

 

Kita mo to…kakasabi ko lang huwag mabibigla.

 

 

"You heard it right."

 

 

"Teka panong nagka asawa ka!?" gulong tanong naman ni ate Jisoo.

 

 

"Hoy aba ikaw bata ka! Ipakilala mo yan samin! Tsaka ba't asawa agad Wintot!?" dagdag pa ni ate Seul.

 

 

"Patapusin niyo muna kasi ako. Ganito kasi yun..."

 

 

Kinwento ko lang naman sakanila lahat ng details ng pangyayari. Pati sa kinain ko kinwento ko rin, sila rin nag insist na don't leave out any detail eh.

 

 

Pati siguro yung nakatabi ko sa jeep pauwi sinama ko rin.

 

 

 

 

 

 

"Basta ako chill lang."

 

 

"Chill lang kasi okay lang sakanya na kasal sa anak ng mayor." Pabirong sabi ni ate Jisoo.

 

 

"Chix ba? Sino ba misis mo? Buti naman at babae, dahil kung lalaki nako di ako papayag." Ani naman ni ate Seul. Mukhang interested pa ito, nabubuhay agad dugo nito pagdating sa chix eh.

 

 

Pero agree ako, gagstik buti nalang talaga babae yun kasi magwewelga talaga ako kung sa talong ako nakasal.

 

 

Walang wala talaga akong balak kahit pa kami nalang ang matirang tao dito sa mundo. Tatalon nalang ako sa bangin ganon.

 

 

"Yung dentista, the one na nagle-lead ng oral care missions sa mga baranggay at public schools."

 

 

"Gago yung magandang dentista ba? Yung napag usapan natin last week lang?" Tanong ni ate Seul.

 

 

"Bingo."

 

 

"The Katarina Claudine Yu!?" Gulat naman na tanong ni Ate Jisoo. "Gagi ka! Jackpot! Kaso...diba rinig kong may manliligaw yon?"

 

 

"Oo, balak na nga atang sagutin kaya gusto niyang walang makakaalam." Sagot ko.

 

 

Si koya mo Ethan Lee na both lawyers ang parents, at minamanage ang kanilang family business.

 

 

Di ko pa nakikita sino yang manliligaw na yan pero tiyak akong mukhang intimidating.

 

 

"Awch, pain, pighati."

 

 

"Gusto na nga ata makipag hiwalay eh, hinahayaan ko nalang sa kung anong balak niya." Dagdag ko.

 

 

Nagmukha tuloy akong hindi asawable! Hmp, it'll be her loss.

 

 

Ako lang naman ang sinayang niya. Cheret!

 

 

"Bakit papayag ka agad makipag hiwalay, paano pag mahal mo?" tanong ni ate Jisoo.

 

 

"Puta mahal na agad? Hindi noh! Eh mas straight pa yon sa metal ruler."

 

 

"Pasok na pasok sa type mo, Win. Maganda, maalaga, matangkad, matalino, at ano pa ba...y—joke lang!" Binato ko agad ng tsinelas bago pa man matapos ang sasabihin nito ni ate Seulgi.

 

 

Hindi naman kasi ako nagbabase sa katawan at pisikal na anyo!

 

 

"Oh eh pano na yan? Ano na balak mo?" naka recover na ata silang dalawa sa pang-aasar saakin at naging seryoso na ang tono.

 

 

Actually, wala akong balak dahil si Rina na ang bahala doon.

 

 

Go with the flow lang. Eh wala naman akong magagawa, literal.

 

 

Wala nga kong ka-alam alam sa mga process na mangyayari.

 

 

"Titirhan ko yung biniling bahay ni lolo, sayang din yun. Mukhang di naman yon uuwi sa bahay kaya masosolo ko."

 

 

"Nako Win, ingatan ang puso. Mahirap mahulog pag alam mong hindi ka sasaluhin." Ani ni ate Jisoo.

 

 

"Hindi nga. Hindi ako madaling tumiklop. Tsaka di ko naman siguro yon makakasama noh, for sure palagi yun may date kasama manliligaw niya."

 

 

 

 

 

 

_ _ _

 

 

 

 

Mali. Mali ang akala kong hindi siya pupunta sa bahay.

 

 

Nagulat nalang ako isang araw na biglang may pumasok sa front door.

 

 

Jusko! Naka-face mask pa ako tapos bigla siyang dumating!

 

 

Nagkagulatan tuloy kami.

 

 

Ang dahilan raw pala kaya bigla siyang dumating eh biglaan nalang daw pinarenovate ng papa niyang si Mayor Yu ang kanyang condo.

 

 

Hindi rin siya na-informed, ayan tuloy napa-impake ng wala sa oras ang doktora niyo.

 

 

Buti nalang dalawa yung kwarto sa bahay, kinabahan ako slight kung makakasama ko siya sa iisang kwarto.

 

 

Magulo ako matulog eh…baka bigla niya kong bunutan ng ngipin kapag nainis siya.

 

 

So ayun, mga 3 days na rin kaming nagsasama dito sa bahay.

 

 

Kakabalik ko lang ngayon galing sa studio, may dala dala akong canvas na 18x24 kaya medyo mahirap hirap siyang bitbitin habang nagmo-motor. Nalaman na nga pala ni ate Taeyeon yung tungkol sa mga nangyari, alam niya na ring dito na ako tumutuloy ngayon sa bahay kaya pinabilhan niya ako ng sariling motor para raw hindi na ako mahirapan mag-commute.

 

 

May license naman ako, pinakuha kasi ako nila ate Seul para raw ako na bahalang mag-deliver ng mga commissioned artworks nila kung busy sila masyado.

 

 

Pagpasok ko ay naabutan ko si Rina na nasa sala, tutok na tutok sa laptop niya at may sinusulat pa sa iPad.

 

 

Gabing gabi na, mukhang kanina pa siya nandito dahil late akong nakauwi. Medyo busy kasi sa studio, may winowork on kaming animation from a client.

 

 

Kumain na ba to?

 

 

Kape lang from starbucks ang nakikita ko sa coffee table.

 

 

Nilapag ko muna sa may gilid yung canvas at dahan dahang naglakad papunta sa kusina.

 

 

Mukhang hindi pa nga kumakain.

 

 

Bago ako magluto ay nagpalit na muna ako ng damit, mabilisan lang naman yung gagawin ko.

 

 

Dahil nga gabi na, sandwich nalang ang ginawa ko para sa kanya. Pero yung nakakabusog na sandwich, marunong naman akong magluto.

 

 

Dahan dahan kong nilapag sa gilid niya ang sandwich at apple juice. Hindi na kape dahil mukhang nakarami na siya.

 

 

 

 

 

 

 

 

“Kumain ka muna doc.”

 

 

Napatingin naman siya sakin at medyo nagulat pa dahil sa nilapag ko.

 

 

“Sorry, di kita napansin.”

 

 

“Busy na busy ah.”

 

 

“Yeah, exam review stuff for specialization.”

 

 

“Anong kukunin mong specialty?”

 

 

“Orthodontist.”

 

 

“I know you’ll do great. Baka misis ko yan? Kumain ka muna para may lakas kang bumunot ng ngipin doktora.”

 

 

“Ewan ko sayo.”

 

 

The next days naman naabutan ko siyang nakakatulugan na yung reviewers niya. Suot suot niya pa yung specs at nakaawang konti ang bibig.

 

 

I had to take a picture, it was an epic sight.

 

 

Dahan dahan ko lang tinanggal yung specs niya at kinumutan siya sa sofa. Ang hirap kasi niyang gisingin, ang sarap sarap na ata ng tulog.

 

 

Kaya siguro naging routine ko nalang rin na paglutuan siya, I’ll leave a note nalang sa lamesa if ever hindi ko siya maaabutan sa sala na umuwi dahil nasa garahe ako probably painting.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Thank you for the food again. Nakakarami na ata ako ng utang sayo.”

 

 

Napalingon naman ako nang biglang may nagsalita sa likod. Tinigil ko na rin muna ang pag-paint at nilagay sa tubig ang brushes.

 

 

Ang dungis ko pa ata tignan dahil puro paint na yung suot kong apron.

 

 

“Not gonna review tonight?”

 

 

“I finished reviewing kanina when I had a free time sa clinic. I’ll probably rest tonight.”

 

 

Tumango naman ako at sumandal sandali sa poster dito sa garahe. “So, may request ka bang dinner bukas?”

 

 

“Aren’t you busy?” ngumuso naman siya sa gilid ko, yung painting ata ang tinutukoy.

 

 

“I have a week pa naman to finish it. I have all day to work on it.” Sagot ko so she just nodded, mukhang nag-iisip na rin siya ng gusto niyang kainin bukas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“I miss…bicol express.”

 

 

“Then bicol express it is.”

 

 

Akala ko ay aalis na siya after telling me what she wants kaya umayos na ako ng tayo, pero naglakad pa siya papalapit sa work in progress kong painting.

 

 

“What are you working on btw?” she asked.

 

 

“A commissioned piece from a client, first personal client ko this year. Wedding portrait siya na full body.”

 

 

I was also surprised na ako yung na-contact na gumawa ng portrait na to, usually kasi kay ate Seul talaga dumadaan tapos papipiliin namin kaninong art style yung swak sa panlasa nila.

 

 

Hindi naman kasi ako ganoon ka-active magpost ng works ko sa social media.

 

 

“Must be nice to have your wedding portrait painted.”

 

 

“Gusto mo rin?” pabirong tanong ko sakanya kaya hinarap niya ako.

 

 

“Are you going to paint me?” she asked habang nakataas ang isang kilay saakin.

 

 

“Oo, ito nga pala rates ko, 15 pesos per square inch—just kidding.” Pabiro kong sagot sa kanya kaya binigyan niya ako ng palo at sinamaan ng tingin.

 

 

Medyo masakit pala manghampas si Rina.

 

 

Muntik lang naman lumipad yung nahampas kong braso.

 

 

 

 

 

 

 

 

Pero hindi niya naman na kailangan hilingin yon.

 

 

I was actually…sketching her kapag wala akong magawa.

 

 

Minsan yung mga moments lang na naaalala ko.

 

 

Like nung time na she’s reviewing habang ako ay nanonood ng The Hows Of Us sa Netflix. Hindi pa pala niya napanood yun jusko, kaya ayun si Doktora inis na inis kay Primo.

 

 

Damang dama niya siguro yung galit dahil parehas silang reviewing for examinations ni George. And yes, I agree with her! Pakshet ka Primo!

 

 

She was so focused watching habang magkasalubong pa ang kilay, my brain immediately captured the sight.

 

 

Masyadong ginalit ni Primo ang misis ko.

 

 

Another one was when she’s busy reading probably a book for Orthodontics, she’s wearing her specs again at nakabun pa ang buhok.

 

 

There’s just something kapag nakakakita ako ng taong seryoso sa studies nila. I always find it amazing how they’re so sure of what they want, alam nila anong ginagawa nila.

 

 

She’s so hardworking and dedicated sa career na pinili niya, and I’m sure she’s bound to achieve greater things in life. Most of us tends to do it for money, though I understand naman why. Mahirap na kasi ang buhay ngayon. But with Rina, I know she’s not doing it for the money. I know she’s doing it because she loves kung ano man ang ginagawa niya ngayon it’s her passion.

 

 

Im not making something like a grand painting, just some sketches here and there. Most of the time candid yung angles at hindi sa lahat ng pagkakataon nakikita yung mukha niya sa sketch. Ang lakas lang maka-mysterious ganon.

 

 

Ewan ko, whenever I sketch naiisip ko nalang bigla si Rina. She became the subject that I think of everytime my pencil touches the paper.

 

 

Because she makes something that is plain…suddenly full of life.

 

 

I know it’s a simple sketch, pero parang naging storage na rin siya ng mga moments na tumatak sa isip ko. Na kapag tinititigan ko, ako lang yung makaka-gets kung anong ibig sabihin non.

 

 

But since I plan on giving her this, kung magkakaroon lang naman ako ng lakas ng loob ha. I put some short notes to indicate anong scene ito or kung kailan itong naka reference.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Alam mo doc, hindi pwedeng two time. Are you gonna review or watch?” tanong ko sa kanya dahil ako ata ang nahihirapan for her. “Pwede naman akong sa iPad nalang manood if I’m bothering you.”

 

 

Nakita ko namang sinamaan niya ako ng tingin dahil nga I paused yung pinapanoo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
winchimelon
We have a star!!! Thank you po sa lahat ng nagbasa aaaa ily<3

Link of Win's sketchbook is on Special Chap #2!

Comments

You must be logged in to comment
Enterusername_here
21 streak #1
Re-read kasi namiss ko sila
Trumfeet #2
Chapter 9: TOR PAKISSS PUCHA NMN IH‼️😫
whtvrlisa #3
babalik at babalikan pa rin talaga ‘tong fic na to. sobrang ganda ng pagkasulat.
ryujinie__
676 streak #4
Chapter 5: 🤍🤍🤍🤍🤍🤍🤍
idkwhatnametouse #5
break na po kathniel
tobykaiii
#6
Chapter 2: AKONG KELEGGGGGGGGGGGGGGGGGGG
Jillian_ #7
Chapter 2: Teka lang, I'm too emotional for this chapter dahil naluluha pa ako while nagbabasa T^T huhu ang gandaaaaa
iamdevinnn_
#8
nanood cant help falling in love sibs ko kanina kaya im gonna reread namiss ko sila doktora at artist bigla 🥹
ryejisuult #9
Chapter 9: lord when po 🥹