III.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

"So, what's the plan?"

 

 

 

Nag-check ako ng phone ko. 11:47 PM.

 

 

 

Wala pang follow-up calls o kahit isang text man lang si ate. Tawagan ko na kaya?

 

 

 

"Gutom pa ako. Hindi sapat, lalo na sa amin ni Winter." Reklamo ni Ryujin na sinakop na ang sofa.

 

 

 

"Eh 'di inamin mo rin na PG talaga kayong dalawa." Sabi ni Ning na ngayon ay nakahiga na sa bed, katabi ni Giselle at Lia. 

 

 

 

Si Pres. Sungit Pres. Karina at Yeji na ang nakaupo ngayon sa dining area. Mukhang seryoso nga ang pinag-uusapan ng dalawa eh. Sabi na lang sa amin ni Lia kanina na hayaan muna sila, since sila naman daw ang madalas talagang magplano ng bagay-bagay sa group nila, unless kapag tungkol sa parties. Si Giselle naman ang nasusunod.

 

 

 

Ako naman? 

 

 

 

Nakasandal lang ako dito sa countertop. Tama naman si Ryujin. Sa aming tatlo, kaming dalawa ang malakas talagang kumain. Siguro ay dahil na rin sa mga extracurricular activities namin. 

 

 

 

Ako na member ng Performing Arts Club tapos Kendo classes every 6:00 PM to 8:00 PM sa bahay, habang si Ryujin, VP na nga ng SSC, member pa ng volleyball team ng school. 

 

 

 

Okay.

 

 

 

Nagugutom pa rin talaga ako.

 

 

 

Hindi sapat 'yung kinain namin kaninang tig-isang Lemon Square at tig-isang water bottle.

 

 

 

"Can we just sleep muna for tonight?" Suggestion ni Giselle na humikab nanaman.

 

 

 

Siguro dahil sa nakatulog ako kanina, wala akong nararamdamang antok. 

 

 

 

O dahil ngayon, nagsi-sink in na kung gaano kaseryoso ang sitwasyon namin. 

 

 

 

Nagbibiro pa sina Ningning kanina na hindi nila kailangan problemahin ang midterm exams dahil sa ganap ngayon. Gumatong pa ako na hindi ko na kailangan maghabol sa Law 5 at kabahan tuwing makakakita ng bwisit na mga index cards ni Attorney.

 

 

 

Pero ngayon?

 

 

 

Siguro nga nasa tiyan talaga ang utak ko katulad ng laging dinadada sa akin ni Ate Taeyeon. 

 

 

 

"Let's just get our remaining stuff next door, then we can sleep."

 

 

 

"We can't, Lia." 

 

 

 

Ang seryoso talaga ni Pres. Karina. Bilang lang 'ata sa isang kamay ang alam niyang emotions. 

 

 

 

"And why not? Madali lang naman tayong nakapunta dito. Clear ang hallway."

 

 

 

Si Yeji na ang humarap kay Lia. "Earlier, yes. But have you checked the hallway now?"

 

 

 

Napatingin kaming lahat sa door. Ako ang pinakamalapit since after ng kitchen ng unit na 'to, exit na.

 

 

 

Lumapit ako sa door. May peephole naman eh.

 

 

 

Sa mga horror movies, madalas nakakakita sila ng mukha o matang nakatitig din sa peephole.

 

 

 

Syempre isa ako sa mga sumisigaw sa mga ganu'ng scenes.

 

 

 

Pero ngayon-

 

 

 

Lord. Jesus. God. Mama Mary. Saint Joseph. Saint Agnes. Saint Francis. Sino pang saints ang pwedeng tawagin? 

 

 

 

Hindi naman ako duwag. Magugulatin lang?

 

 

 

Okay. Tamang gaslight lang sa sarili.

 

 

 

Lumingon ako sandali sa mga kasama ko pero bakit walang pumipigil sa akin? Mga mukha pang nage-expect na iche-check ko talaga. 

 

 

 

Bakit nga ba ako puwesto dito?

 

 

 

Ah, oo. Syempre. 

 

 

 

Nakakahiyang sumiksik sa bed. Nakakahiya kay Ryujin sumiksik sa sofa, at mas lalong nakakahiyang makiupo kasama sina Pres. Karina. 

 

 

 

Okay, Winter. 

 

 

 

Sisilip ka lang. 

 

 

 

Wala namang masamang mangyayari. 

 

 

 

Hindi nila kayang sundutin o dukutin ang mga mata ko.

 

 

 

Dahan-dahan akong sumilip. May liwanag akong naaaninag. Siguro 'yung mga ilaw sa hallway. Hindi naman nawala ang kuryente eh. 

 

 

 

"Wala akong makitang tao o kahit na sino. Wala rin akong maaninag na gumagalaw." Tahimik kong sinabi. Mahirap ng lakasan ang boses. Baka may ibang makarinig.

 

 

 

Bubuksan ko sana 'yung pinto para lalong makasiguro pero may malamig na kamay na pumigil sa akin na kinagulat ko.

 

 

 

"Pres-"

 

 

 

"Don't." Bulong niya sa akin. "We still don't know what's out there."

 

 

 

Hindi ko alam kung bakit ako nanginginig. 

 

 

 

Sa takot ba dahil sa sinabi ni Pres. Karina?

 

 

 

O dahil sa sobrang lapit niya sa akin?

 

 

 

Amoy strawberry. Taga-Benguet ba siya? 

 

 

 

Okay, sorry. Misconception blah blah blah.

 

 

 

Uy, teka.

 

 

 

"May bagang ka!"

 

 

 

"What?" 

 

 

 

Nanlaki ang mga mata ko. 

 

 

 

Napayuko ako at dali-daling pumunta kay Ryujin.

 

 

 

"Huy! Nakahiga kaya ako-" Pero pinandilatan ko 'agad siya.

 

 

 

"Okay, gets. May katangahan ka nanamang nagawa." Natatawang sabi ni Ryujin bago umupo.

 

 

 

Nag-curl lang ako sa gilid ng sofa, yakap-yakap ang mga tuhod ko. Nakakahiya!

 

 

 

"Ryu." Mabilis akong sumiksik sa kaibigan ko habang busy pa rin na nag-uusap 'yung iba. Ayaw ko namang tumingin kay Pres. Karina. "Uy, kumukulo pa rin tiyan ko."

 

 

 

Nilapat ng kaibigan ko ang palad niya sa ulo ko. Hindi ko na tinanggal. Nasanay na rin ako sa kanila ni Ningning na parang ginagawa akong aso bata. Kung tutuusin nga, ako ang pinakamatanda sa amin.

 

 

 

"Hindi ka nag-iisa, kaibigan."

 

 

 

Napatingin ako sa gilid ko. 'Yung sliding door papuntang balcony.

 

 

 

"Ryu, paabot nga ng bag ko."

 

 

 

"Bakit? May pagkain ka?"

 

 

 

Pinandilatan ko siya. "Wala. Iabot mo na. Kukunin ko lang 'yung emergency flashlight na bigay sa akin ni Ate Taeyeon."

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊