XI.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

Kitang kita ang pagdami ng mukbangers sa labas. 

 

 

 

Madali kaming nakabalik sa loob ng S&R. Sinabi ni Ate Taeyeon kina Ate Irene ang nangyari bago may inabot kay Ate Seulgi at Ate Wendy. Dalawang handguns. Nahanap daw niya sa vault ng shop na pinanggalingan namin.

 

 

 

Sabi na nga ba eh. Akyat-bahay talaga ang kapatid ko.

 

 

 

Proud na proud pa yata siya sa hawak niya ngayon. Baseball bat. Pinanghampas niya pa nga 'yan kanina sa fuse box ng shop para tumigil ang alarm. Nakalimutan yata ng kapatid ko na pwede namang i-off sa loob ng fuse box. Masyado siyang in-character kanina.

 

 

 

Nagkakaumpugan at nagkakatulakan na ang mukbang nation sa labas. Hindi ko alam kung gaano kakapal ang glass na nagsisilbing last line of defense namin. Baka kapag dumami pa sila, malaki ang chance na mabasag nila. 

 

 

 

Hindi kalayuan si Ryujin at Lia sa akin. Nakaakbay si Lia kay Ryujin habang may tennis racket namang hawak si Ryujin sa kabukang kamay. 

 

 

 

"Karina, 'wag kang humiwalay kay Ate Irene." Bilin ko sa katabi ko. Bumitaw ako kay Karina pero nahawakan niya ang braso ko bago pa ako makalayo. 

 

 

 

"Where are you going?" Halata sa boses niya ang pagkataranta. 

 

 

 

"Kina Ryujin. Hindi niya kakayanin na akayin si Lia mag-isa kapag- alam mo na." Hindi ko na tinuloy. Baka mamaya sabihin pa nila na mina-manifest ko pa. 

 

 

 

"I'll go with you, Winter." 

 

 

 

Pero bago pa kami makahakbang, dumating sa harap namin ang mga kapatid namin.

 

 

 

Inabot ni Ate Irene ang kaaabot ni Ate Taeyeon kanina na handgun kay Ate Seulgi. Siguro binigay sa kanya ito ng jowa niya. "Take this, Rina."

 

 

 

"What about you, ate?"

 

 

 

"Then you better stay close to me. Winter-" Humarap sa akin si Ate Irene. "-sa akin muna si Rina, okay?"

 

 

 

"Ate!"

 

 

 

Ha? Bakit sa akin pinapaalam?

 

 

 

Napakaway na lang ako kay Karina habang hila-hila siya ng ate niya. Hindi ko alam kung sira ba talaga ang humor ko, pero kahit na sa ganitong sitwasyon, natatawa ako. Paano ba naman kasi? Sa tangkad ni Karina, kinakaladkad lang siya ng ate niyang- maganda rin.

 

 

 

"Win." Siniko ako ng kapatid ko na bitbit si Zero.

 

 

 

"Kakaladkarin mo rin ba ako?"

 

 

 

Nilahad niya ang palad niya sa harap ko. "Akin na 'yang messenger bag mo."

 

 

 

At bakit? 

 

 

 

"Dali na, Win. Wala ng oras. Alam natin pareho na hindi tatagal 'yang pa-glass wall ng S&R. Limited na lang ang mga establishments na may matitibay na materyales."

 

 

 

"Eh anong kinalaman ng bag ko sa karupukan ng harang, aber?"

 

 

 

"Ate!"

 

 

 

Sabay kaming napalingon sa boses ni Ryujin. May tinuro siya sa kapatid niya. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya. 

 

 

 

Shems.

 

 

 

'Yung glass, may mga cracks na!

 

 

 

"Oh ayan!" Inabot ko ang bag ko kay ate. Bawas bigat na rin sa akin. Salamat na lang siguro at nag-volunteer siyang buhatin-

 

 

 

"Hoy! Bakit mo tinapon 'yung laman?!"

 

 

 

Nag-peace sign lang ang kapatid ko bago niya nilagay si Zero sa loob ng bag.

 

 

 

'Yung snacks ko-

 

 

 

Pero napalingon ulit ako sa harap naming lahat.

 

 

 

Kitang kita ko ang unti-unting pagkalat ng mga cracks sa salamin habang nagtutulakan ang mga mukbangers sa kabilang side ng salamin.

 

 

 

Wala akong oras para panoorin at hintayin na mabasag ng tuluyan ang nag-iisang harang namin. Tumakbo ako sa kabilang side ni Lia at inalalayan siya sa bewang. Rinig ko na ang pagtatalo ng magkapatid. Pinapapunta ni Ryujin si Ate Seulgi kay Ate Irene at Karina na nakatayo sa 'di kalayuan. Mukhang hindi makapag-decide si Ate Seulgi.

 

 

 

"Patulong!"

 

 

 

Napalingon ako sa likod. Si Ate Wendy- may bitbit na dalawang fire extinguishers. Nakasunod sa kaniya si Giselle na may bitbit din.

 

 

 

"Ako na dito, Ryujin. Tulungan mo sila dun. Sa ating tatlo, ikaw ang may background sa paggamit ng fire extinguisher, 'di ba? Para naman magkaroon ng silbi ang pangingialam mo sa fire extinguishers sa school." Lumitaw si Ningning sa tabi ni Ryujin bago tinulak ang kaibigan namin para mapalitan niya sa pwesto. 

 

 

 

"Bakit ako? Ikaw kaya nagtawag ng mga 'yan?"

 

 

 

"Yung alarm kaya!"

 

 

 

"Mamaya na kayo mag-away! Tumulong ka na dun, Ryujin!" Sita ni Ate Taeyeon sa dalawa. Mukhang wala namang balak pumunta doon ang kapatid ko. Tingin siya ng tingin sa laman ng bag ko niya. 

 

 

 

Si Ate Wendy ang unang lumapit sa malapit ng mabasag na glass wall at sinimulang bugahan ng fire extinguisher. Sumunod din naman kaagad sina Ryujin, Giselle, at Ate Seulgi. 

 

 

 

Rinig ko pa rin ang mga kalampag sa salamin pero hindi ko na maaninag 'yung mga nasa labas. Dahil sa mist na galing sa mga fire extinguishers, nagkaroon ng parang cloudy effect ang salamin. In fairness, big brain ang nakaisip ng idea na 'yan. Parang sa Train to Busan lang ang peg. 

 

 

 

Pero hindi pa rin tumitigil ang kalabugan sa salamin. Alam ko na alam din nila na hindi tatagal ang nag-iisang harang namin. 

 

 

 

"Wala tayong choice. 'Yung fire exit nitong building-" Tinuro ni Ate Wendy ang direction ng pinto na may malaking EXIT sign. "-ang nag-iisa nating way para makalabas. Ate Taeyeon, I'm sorry, pero hindi na natin maaantay 'yung iba. Kailangan muna nating maging selfish at isipin ang welfare ng mga kasama natin dito ngayon."

 

 

 

Nakakainis naman kasi 'tong sitwasyon na 'to. Wala bang free day o rest day man lang 'yang mga nasa labas? Kahit isang araw lang na wala sila sa mood mangagat o manghabol. 

 

 

 

"Pero ate, paano kung on the way na sina Yeji? Paano kung makita nila 'yung sign sa labas tapos wala na tayo dito sa loob? Paano kung sumugod sila dito sa loob ng walang kaalam-alam na nakaalis na tayo?"

 

 

 

"Ryujin." Umiling na lang si Ate Seulgi sa kapatid. 

 

 

 

Hindi ko mabasa ang expressions sa mukha nina Ate Taeyeon at Ate Irene. Nakayuko si Lia, na ngayon ay fully ng nakasandal sa katawan ko.  Naramdaman ko naman sa kabilang kamay ko ang paghigpit ng hawak ni Karina. Si Ningning at Giselle ang nasa tabi ni Ryujin, na nakakuyom ang mga kamao. 

 

 

 

Dapat ang iniintindi lang namin ay kung papaano maghabol ng grades sa mga subjects namin, mag-attend sa mga parties, maging active sa clubs and other extra-curricular activities, o lumandi sa mga gusto naming landiin. 

 

 

 

Pero ngayon?

 

 

 

May opportunity to landi nga, wala namang oras para gawin dahil ang kailangan unahin ay kung paano kami hindi madadali ng mga mukbangers. Ni hindi pa nga namin alam kung paano nagsimula 'tong problema na 'to. 

 

 

 

"Irene?! Karina?! Taeyeon?! Winter?!"

 

 

 

Ate Tiffany?!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mabait pa rin siguro ang universe sa amin. 

 

 

 

Nasa loob kami ngayon ng isang mini bus na si Ate Sunny ang nagda-drive. 

 

 

 

Yes. 

 

 

 

Si Ate Sunny. 

 

 

 

Napakagaan lang sa pakiramdam na hindi katulad sa ibang movies na ilang buwan o taon ang tumagal bago nagkita-kita ulit ang mga characters. 

 

 

 

Sabagay, hindi naman talaga 'to isang movie. Kung nasa movie kami, sana ang dami naming weapons, o lagi kaming may access sa kahit anong klase ng paliguan (Gusto ko na mag-shower! Please!), o hindi sana nagrereklamo ngayon si Ningning kasi masakit ang puson. Buti na lang talaga at may mga nakuha kaming pads at tampons. Mga babae pa naman kaming lahat. 

 

 

 

Nililinisan ngayon ni Ate Irene ang sugat ni Lia habang nakikipagdaldalan ang biktima ni Zero kina Yeji, Ryujin, Ningning, Giselle, at Karina. Nakaupo lang naman ako malapit sa kanila kaya rinig na rinig ko sila. Kinukwento ngayon nina Ningning ang nangyari sa amin nung napahiwalay kami. Sa bandang harapan ng mini bus ay mukhang ganito rin ang ganap. Nagkukwentuhan sina Ate Taeyeon, Ate Tiffany, Ate Yuri, Ate Hyoyeon, at si Ate Sunny na nagda-drive. Sa bandang likod naman ng mini bus nagkukumpulan sina Ate Wendy, Ate Seulgi, Ate Joy, at Ate Yeri.

 

 

 

According kay Yeji, akala nila na katapu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊