| when the party’s over

Heavy Blue
Please Subscribe to read the full chapter

Sa halos tatlong taon na nakatira ako dito sa pound, ngayon lang yata ako naging sobrang interesado sa kisame ng kwarto ko.

 

Nakahiga ako ngayon sa kama at mariing nakatitig sa wala. Ilang linggo ko nang hindi alam ang gagawin kaya’t umabot ako sa ganito. 

 

Na-differentiate ko na rin ang iba’t ibang mga butiki na dumadaan dito sa kisame. Nabigyan ko na nga ng pangalan ang tatlo sa kanila.

 

Si Panying, Tanying, at Manying. 

 

Si Panying yung dark green, si Tanying yung medyo maputi, habang si Manying naman ay yung maliit na butiki. Siguro pamilya sila dahil lagi silang magkakasama. Sana lahat magkakasama.

 

Pati buhay ng butiki binibigyan ko na ng meaning at nalulungkot na ako.

 

Lahat na lang ng naiisip ko at nakikita, related kay Anying. Nakakasama naman ng loob ‘to.

 

All in all, hayop na yan, hanggang kailan ba ako magiging malungkot?

 

Sa isang iglap, biglang dito ko na lang tinuon ang pansin ko. 

 

Ano ‘to? Pader?

 

Kahit nga ang sahig ng kwarto, tinititigan ko na rin.

 

Dalawang linggo na akong ganito. Ni-hindi ako lumalabas ng pound.

 

Training sa umaga, titig sa kung saan, kain, titig ulit sa kahit ano, tulog, repeat. Ganito ang naging routine ko matapos ang pagpapaalam ko kay Karina.

 

Sa totoo lang, hindi ko inakala na masyado akong maaapektuhan sa pagpapaalam ko sa kanya. Subalit ito ako ngayon, dalawang linggo na ang nakalilipas ngunit parang bago pa rin sa akin ang lahat.

 

Sa tuwing pipikit ako, si Karina ang naiisip ko. Kahit nga habang gising at nagwoworkout, siya pa rin ang tumatakbo sa isipan ko.

 

Bakit ba ganito ang epekto niya sa’kin? Okay naman ba siya? Naiisip niya rin kaya ako? 

 

I shrugged off the thought. Walang magandang maidudulot kung masyado pa akong magdedwell sa unfortunate na nangyari sa pagitan namin. 

 

Ganon talaga ang buhay. Minsan masaya, minsan malungkot.

 

Sa kasamaang palad, palagi yata akong malungkot at sobrang bihira ang pagiging masaya. 

 

It’s safe to say na miss ko na ang presensya ni Karina. Bakit ko pa i-dedeny ‘di ba?

 

Lilipas din ‘to at magiging okay na ulit ang lahat.

 

Tama.

 

Bukod sa nangyari sa amin ni Karina, may isa pang pagbabago sa buhay ko nitong mga nakaraang araw.

 

“Ate Bladeeee! Gising naaa! Miss ka na raw ni ate.” Isang malakas na sigaw mula sa labas ng kwarto ko ang umalingawngaw.

 

Ayan na naman ang anak ni aling Joan.

 

Isang linggo na kasi ang nakakalipas noong umalis si Lopez dito sa pound dahil may mahalaga siyang agenda sa buhay. Maging si Rei ay wala dito dahil sinama siya ni Lopez kaya ang anak ni aling Joan na si Eunchae ang nagbabantay dito sa pound.

 

Matalik na kaibigan pala kasi ito ni Rei at kaclose rin ni Lopez si aling Joan.

 

Bakit umalis si Ryujin at Rei?

 

Ganito kasi ang nangyari.


 

-


 

Flashback (One week ago) 

 

Nakatambay lang ako dito sa benchpress habang nagpupunas ng pawis, matapos kong magbuhat ng weights. Kapansin-pansin ang aligagang pag-ikot ni Lopez sa loob ng pound habang agresibong nagtatype sa cellphone niya.

 

Ano kaya ang problema nito?

 

“Huy, Lopez, problema mo?” Pagtawag ko sa atensyon niya. Medyo matagal na rin kasi siyang pabalik-balik dito sa loob. Pati nga ang mga maaasim na lalaki dito ay napapatingin na sa kalikutan niya.

 

“Baliw na si boss Lopez ah.” Pagsingit naman ni Wonho na tumatakbo sa treadmill.

 

“Manahimik ka, Wonho.” Kinagat ni Lopez ang labi at ginulo ang buhok niya dahil sa frustration, “Blade, halika nga muna sa likod.”

 

Tinaasan ko siya ng kilay, pawang nagtatanong kung anong meron. Bihira mo kasing makikita na hindi kalmado itong kaibigan ko kaya’t nakakapanibago lang.

 

“May sasabihin akong mahalaga.” Tipid na dagdag niya.

 

“Sa kwarto mo?” Tanong ko.

 

“Oo.” 

 

Tumango na lang ako at naglakad papunta mga kwarto, “Saglit lang, may kukunin lang ako sa kwarto ko.” Pagpapaalam ko kay Lopez na nasa tapat na ng kwarto niya.

 

“Sige, sige. Take your time.”

 

Nagpalit ako ng pantaas bago dumiretso sa kwarto ni Lopez. Kinuha ko rin ang cellphone ko. May huling message sa akin si Karina at hindi ko pa rin ito binabasa kahit na ilang araw na ang nakalilipas.

 

Natatakot ako na baka pag binasa ko ito, hindi ko mapigilan ang sarili ko na sumagot sa kanya.

 

Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumakbo ulit pabalik kay Karina.

 

Muling ipagsasawalang-bahala ko na lang ito. Kumbaga, hanggang thoughts lang at wala naman akong gagawin para mapunta ako sa sitwasyon kung saan mapupush ako na kausapin ulit si Karina.

 

Makapunta na nga lang kay Lopez. Kung ano-ano na naman ang naiisip ko.

 

*Door knocks*

 

“Lopez, papasok na ako.” Pagpapaalam ko bago marahang binuksan ang pintuan ng kwarto niya.

 

Sumalubong sa akin ang kaibigan ko na nag-iimpake ng mga damit at pawang namumula rin ang mga mata. Sigurado akong umiyak ‘to. 

 

“Oh, Blade.” Kalmadong bati ni Lopez. Marahil ay sinusubukan niyang hindi mahalata ang panginginig ng boses niya. “Umupo ka muna.” Ngumuso siya sa desk chair na malapit sa kama.

 

Dumiretso ako sa upuan at sumandal, “Anong meron at nag-iimpake ka? Umiyak ka ‘no?” 

 

May hula naman na ako sa kung ano ang nangyari pero ayokong magsalita ng tapos. Hindi rin naman ako sigurado kaya minabuti ko na lang na magtanong muna.

 

“Uuwi muna ako sa probinsya kahit isang linggo lang. Isasama ko si Rei.” Tuloy-tuloy na sambit ni Lopez. 

 

“Bakit biglaan? May nangyari?” Pag-uusisa ko. 

 

“A-Ah, kasi..” At tuluyan nang tumulo ang luha sa mata niya. Agad niya itong pinunasan at huminga nang malalim, “Wala na si papa. Sasamahan lang namin saglit si mama doon.” 

 

Tama nga ang hinala ko.

 

Kagaya namin ni Lopez, matalik na magkaibigan ang mga tatay namin. Si papa at ang papa niya ay mahilig din sa martial arts. Pareho sa dynamics namin, si papa ang madalas na lumalaban noong hayskul sila, habang ang papa naman ni Lopez ay mahilig sa pagtuturo ng MMA. 

 

Sa pagkakaalam ko, naging hobby na lang nila ito noong tumanda na sila dahil nakahanap sila ng trabaho bilang janitor sa isang ospital sa main city. 

 

Oo, parehong janitor ang mga tatay namin kaya masasabi kong hanggang sa huli ay matalik na magkaibigan sila.

 

Bakit nasa probinsya ang tatay at nanay ni Lopez habang siya ang kumakayod para mabuhay sila ni Rei dito sa siyudad?

 

Isang buwan kasi matapos ang pagkamatay ng mga magulang ko, may mga hindi pa rin nakikilalang mga lalaki ang nagtangka sa buhay ng papa ni Lopez.

 

Naging kritikal ang lagay nito sa ospital. Sa huli, hindi na naisalba ang kaliwang binti ng tatay niya na naging dahilan ng pagkalumpo nito.

 

Nang dahil nga dito, hindi na kaya pang magtrabaho ng papa ni Lopez kaya’t ibinigay nila ang natitirang ipon nila sa anak upang makapag-patayo ito ng sariling gym. 

 

Mas pinili rin nila na tumira sa probinsya dahil mas mababa ang cost of living doon kaysa dito sa siyudad. Syempre, nandon na rin ang takot na baka maulit ang nangyari sa papa ni Lopez at muling manganib ang buhay nito.

 

“Sorry, Lopez. May tito rest in peace.” Pahiwatig ko sa kanya. 

 

Banayad na ngumiti si Lopez bago muling nagpunas ng luha, “Salamat, Blade. Oras na talaga siguro ni papa.” She paused. “At least hindi na siya nahihirapan.” 

 

Aware ako na simula nung nalumpo ang papa ni Lopez ay nawalan na ito ng gana mabuhay. Tila ba’y kinuha mula sa kanya ang pinaka mahalagang bagay para sa kanya dahil nga sa hilig nito sa martial arts.

 

“Isasara ba muna ‘tong pound?” Tanong ko.

 

Tutal wala rin si Rei, walang mag-aasikaso dito dahil busy rin ako sa pagpabalik-balik sa gym at cage dahil sa training at biglaang meeting tungkol sa inter-cage.

 

“Ayan pala ang gusto kong sabihin, may nakausap ako na pwedeng magbantay dito at maglilinis ng tahi mo.” Sambit ni Lopez. “Alam ko naman na hindi mo aasikasuhin yan kapag wala ako.” She clicked her tongue and glared at me.

 

“Ha? Sino?” Kunot noong tanong ko. May ibang maglilinis ng mga tahi ko?

 

“Yung mga anak ni aling Joan.” Ngumiti pa ‘to. “Si Eunchae kasi tumigil pala sa pag-aaral tapos si Yunjin, tanda mo ba siya? Pupunta siya dito tuwing hapon o gabi para linisin ‘yang sugat mo.” 

 

Si Yunjin? Clark? Yung nursing student?

 

“Bakit si Yunjin? Taga main city pa ‘yon ah. Abala pa, Lopez.” Ayaw ko naman maging pabigat pa lalo na’t hindi naman kami close ni Yunjin.

 

Kung iisipin, hindi madali ang magpabalik-balik sa main city at dito sa lugar namin gayong delikado ang dadaanan.

 

“Huwag kang mag-alala, kay aling Joan siya tumutuloy nitong mga nakaraang araw dahil namiss niya raw ang mama niya.” Sagot ni Lopez. “Kung hindi mo cinut-off si Karina sa buhay mo edi sana siya ang pupunta dito.” Mahinang bulong nito. Akala niya siguro hindi ko maririnig.

 

Masamang tiningnan ko siya at sumimangot. Hindi ko kinwento kahit kanino ang nangyari sa amin ni Karina kaya marahil ay kay Karina niya ito nalaman.

 

“Manahimik ka na.” Maikling sambit ko.

 

“Nursing student ‘yon, huwag kang mag-alala nasa mabuting kamay ka kahit hindi na med student ang mag-aalaga sa’yo.” Nakangising pang-aasar pa nito.

 

“Lopez.” 



 

End of flashback


 

-


 

8:30 am

 

Isinuot ko ang dryfit sando at leggings ko bilang paghahanda sa daily workout routine na dalawang linggo ko na ginagawa. 

 

“Good morning, ate!” Salubong sa akin ni Eunchae na nakikipagdaldalan kay Wonho.

 

“Morning, Blade!” Masiglang bati rin ni Wonho na tinanguan ko lang. “Hinihintay ka ni Ms. Pretty oh.” Nakangising sambit nito bago bumaling sa may pintuan ng pound.

 

Si Yunjin.

 

Bakit ang aga niya ngayon? Hindi rin siya nakasuot ng uniform. Siguro wala siyang pasok.

 

May dala-dala itong med kit at taho. 

 

“Good morning, Gillette.” Nakangiting bati niya sa akin bago inabot ang taho na hawak-hawak. “Oh, pustahan hindi ka na naman nag almusal.”

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
hello! sorry po sa super late ud. katatapos lang ng finals week ng yellow skul. anw, sabi sa inyo eh! malakas guardian angel sa likod ni blade. and congrats sa mga nakahula kung sino si big boss! galing niyo.

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
Chapter 13: Hello pooo
fanficethusiast #2
Chapter 13: balik ka na po
AshtridSy #3
Chapter 13: Miss you, balik ka na please.
yhielswift013
#4
Chapter 1: comeback na po 🥹
howdoyouknowmee
538 streak #5
Chapter 13: Miss youuu Blade
aesyeppi
#6
Chapter 13: asan ka na blade? mish u
_wintuhhh
#7
miss u blade,,,, inde q na kaya 💔
SonMyoui_Mina #8
Chapter 13: life update: miss na si blade :(((
soyiesows #9
Chapter 13: otor UPDATE PLEASE