| Losing Game

Heavy Blue
Please Subscribe to read the full chapter

May 2020

 

7:30 pm

 

“Kawawa naman siya. Saan na siya pupulutin nyan kung lilimasin ng banko ang lahat ng properties nila?” 

 

“Sabi sa mga balita, pusher daw kasi ang ama nyan kaya pinatay. Mabuti nga at nakaligtas siya.”

 

“Ang sabi-sabi sa amin, may naka-away raw na mayaman kaya pinapatay.”

 

“Ni-wala siyang kilalang kamag-anak dito sa pinas dahil nagtanan daw ang mga magulang niya dati.”

 

“Kaawa-awang bata talaga. Minalas sa magulang.”

 

Ilan lang yan sa mga bulungan na naririnig ni Blade sa mismong burol ng kanyang mga magulang sa loob ng munti nilang tahanan. 

 

Alam niyang maraming bagay siya pero ang pagiging malas sa magulang ay hindi isa doon. Hindi nila alam kung gaano siya minahal at inalagaan ng mga ito. 

 

Kinuyumos niya ang kanyang kamao upang pigilan ang sarili hanggang sa halos pagdudugo ng kanyang mga palad. Bilang respeto, kailangan niyang kimkimin ang emosyon upang mabigyan ng payapang burol ang mga magulang.

 

“Mga anteh! Inubos niyo na nga ang kape at biscuit, nagawa niyo pang pagchismisan ang patay!” Inis na sigaw ni Lopez sa mga tao na kasalukuyang nasa sala ng bahay ng kaibigan.

 

“Huy, Lopez, umupo ka nga.” Agresibong pagbulong ni Chaewon kay Lopez habang hinahatak nilang dalawa ni Yujin ang kaibigan paupo.

 

“Eh ang kakapal kasi eh.” Muling sambit ni Lopez habang inaalis ang kapit ng dalawang kaibigan sa kanya. “Hindi marunong rumespeto sa namatayan.”

 

“Aba’y sino ka bang bata ka? Ikaw ang magulo rito.” Sagot ng isang matandang babae na may hawak na kape. “Ganyan na ba kababastos ang mga kabataan ngayon?” 

 

Nanlaki ang mata ni Lopez dahil sa sinabi ng matanda, “Ako ang konsensya mo! Ako si satanas at susunduin na kita mamayang gabi!” 

 

Muntik nang kumawala ang hagalpak sa bibig ni Chaewon at Yujin. Mabuti na lang at napigilan nila ito. Mukhang nagalit ang matanda kaya nagdabog ito palabas ng bahay nila Blade.

 

Huminga ng malalim si Lopez, “Pasensya na, guys. Sumosobra na kasi.” 

 

Isang mabigat na hininga ang pinakawalan ni Blade.

 

Kung iisipin, napaka bastos ng mga taong ito na dumalaw lang sa bahay nila para pagchismisan ang mga magulang niyang namayapa na. Masakit sa loob ni Blade ang katotohanan na hindi kayang ipagtanggol ng mga magulang ang kanilang mga sarili. 

 

Mas lalong masakit sa loob niya dahil hindi niya rin sila magawang ipagtanggol sapagkat hindi niya rin alam ang katotohanan.

 

Pakiramdam niya ay tila ba’y iniwan siya sa isang malawak na lugar kung saan wala siyang maaninag at makapitan. Nangangapa sa kawalan habang naghahanap ng sagot sa isang libong katanungan na bumabagabag sa isipan niya.

 

‘Bakit sa kinadami-dami ng tao ay ang mga magulang niya pa?’

 

‘Kung hindi ba siya sumama sa mga kaibigan, nakagawa pa siya ng paraan para maligtas ang mama at papa niya?’

 

‘Bakit sila pinatay at sino ang gumawa nito?’

 

Pagkarami-raming bakit, ano, at paano ang nananatiling walang kasagutan at mukhang mananatili itong mga tanong sa loob ng mahabang panahon. 

 

Marahil nga ay mauna pa siyang mawala bago pa masagot ang lahat ng ito.

 

Bago muling bumalik ang kapayapaan sa isipan niya.

 

Lahat ng ingay na nagmumula sa bulungan, halakhakan, at sigawan ng mga tao sa loob ay para bang sumosobra na at hindi niya na kayang tiisin pa.

 

“Yujin, lalabas lang ako saglit. Maiwan ko muna kayo dito.” 

 

“Sige. Mag-ingat ka.”




 

“Ineng, magpapatay na kami ng ilaw.” Sambit ng may-ari ng tindahan na tinatambayan ng malungkot na si Blade.

 

Minabuti niyang tumayo na lang sa tapat ng tindahan, ang pakislap-kislap na liwanag galing sa poste ng ilaw ang natitirang gabay sa madilim niyang gabi. 

 

Sa kaliwang kamay niya, makikita ang kanina pa niyang pinaglalaruan na sigarilyo. Sa kanang kamay naman ay ang bagong biling lighter. Hindi naman talaga siya gumagamit nito ngunit ito lang ang naiisip niya na makatutulong sa kagustuhang makaramdam ng init sapagkat lumalamig na ang gabi.

 

Bukod pa rito, nais niya rin maibsan ang malamig na pakiramdam na pawang nakatanim na sa loob ng puso niya. 

 

Sunod sunod na ubo ang kumawala sa bibig nito mula sa unang pag higop ng usok sa bagong sindi na sigarilyo. Pinaulit-ulit niya lang ang paghipak hanggang sa makasanayan na ito ng katawan niya.

 

Hindi nagtagal ay naubos na ang isang stick. 

 

“Winter Alvarez.” 

 

Isang lalaki na nakasuot ng fedora at tuxedo ang tumawag sa atensyon ng nananahimik na si Blade. Sinubukan niyang aninagin ang itsura ng lalaki ngunit dahil sa madilim na paligid, nabigo ito.

 

“Sino ka?” Kunot-noong tanong ni Blade. 

 

Kataka-taka para sa kanya ang biglaang paglapit ng lalaki dahil base sa itsura at suot nito, mukhang galing ito sa pamilyang naka-aangat sa lipunan.

 

“I would just like to express my heartfelt condolences to you.” Sambit ng lalaki. Hindi naman nakalampas sa pandinig ni Blade ang pawang hindi makatotohanang pakikiramay nito. “I knew your father. You could say that we’re really close friends.” 

 

Hindi na lang pinansin ni Blade ang mahabang sinabi ng lalaki. Hindi niya rin naman alam ang tunay na pakay niyo sa kanya.

 

“Now that you’re all alone and since your father was a good friend of mine, I’d like to offer you a job.” 

 

Pumantig ang tenga ni Blade sa narinig. Trabaho?

 

Bagamat hindi siya pamilyar sa lalaki, may parte sa kanya na gustong patulan ang kung ano man ang sinasabi nito. Hindi niya rin naman maipagkakaila na nangangailangan siya ng trabaho sapagkat sa ngayon, hindi niya pa alam kung paano bubuhayin ang kanyang sarili.

 

“A-Anong trabaho?” Nag-aalangan na tanong nito.

 

“Your dad told me that you’re a great MMA fighter.” Saglit na huminto sa pagsasalita ang lalaki. “Would you like to enter the underground fighting?”

 

Underground fighting…

 

Hindi pamilyar si Blade sa kalakaran sa loob ng organisasyon ngunit may isang bagay na alam siya tungkol dito.

 

At ito ay ang pagiging ilegal nito.

 

“I will not pressure you into entering the underground fighting scene but I’m urging you to think about it.” Inabot ng lalaki ang isang calling card kay Blade. “It’s a good offer. You’ll get paid by doing something you’re good at.” 

 

Umalis ang lalaki at naiwang may malalim na iniisip si Blade. Tiningnan niya ang calling card na binigay ngunit walang pangalan na naka-indika rito.

 

Tanging ang pangalan lang ng organisasyon at ang numero na maaaring tawagan kung sakaling interesado siya. 

 

Underground Cage 09xxxxxxxxx

 

Hindi naman siguro masamang subukan ito.


 

-

 

Blade's pov.

 

Present time.

 

Tahimik na naglalakad lang ako pabalik sa pound matapos ihatid si Karina sa sasakyan niya. Nakita ko na naman ang naglalakihang bodyguards niya na napaka sama tumingin.

 

Maypagka malayo kasi ang pinarking-an nila dahil may pagka masikip ang daan papasok sa amin. Mahihirapan pa sila lumabas kung sakali.

 

Nakapagtataka na walang tao masyado dito sa lugar namin. Ipinagsawalang-bahala ko na lang kasi baka naman may mga kanya-kanya lang na ginagawa.

 

Sakto ay nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa. Panigurado ay si Karina ‘to. Hindi kasi siya pinayagan ng mga bodyguards niya magdrive.

 

Karina anying: Thanks for letting me stay the night.

Karina anying: I miss you already.

 

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang nagbabadyang ngiti. 

 

Hindi naman yata pwedeng mawala ang angas ko.

 

Blade: Ge.

 

Karina anying: So sungit.

Karina anying: It’s not that hard to say that you miss me too, yk ;)

 

Blade: Typing…

 

Natigilan ako sa pagtatype dahil naumpog ako sa dibdib ng lalaking humarang sa dinadaanan ko.

 

Tiningnan ko siya ng masama bago lagpasan.

 

Ang lawak lawak ng daan, bakit naman napili niyang humarang sa nilalakaran ko?

 

“Alvarez.” Natigilan ako sa paglalakad dahil sa tumawag sa apelyido ko. 

 

Madiin ko ring hinigpitan ang kapit sa cellphone na nasa kamay.

 

Sino ba ‘to? at bakit niya alam ang apelyido ko?

 

Dito sa lugar namin, Blade lang ang tawag sa’kin ng mga tao. Maging sa cage, walang nakakaalam sa apelyido ko dahil ang isinulat ko lang ay Blade.

 

Hindi ako komportable kapag tinatawag ako sa buong pangalan ko. Sila mama at papa lang ang tumatawag nito sa akin.

 

At ang ex ko.

 

Natutunan kong kamuhian ang mismong pangalan ko kaya’t ayokong tinatawag ako

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
hello! sorry po sa super late ud. katatapos lang ng finals week ng yellow skul. anw, sabi sa inyo eh! malakas guardian angel sa likod ni blade. and congrats sa mga nakahula kung sino si big boss! galing niyo.

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
533 streak #1
Chapter 13: Hello pooo
fanficethusiast #2
Chapter 13: balik ka na po
AshtridSy #3
Chapter 13: Miss you, balik ka na please.
yhielswift013
#4
Chapter 1: comeback na po 🥹
howdoyouknowmee
533 streak #5
Chapter 13: Miss youuu Blade
aesyeppi
#6
Chapter 13: asan ka na blade? mish u
_wintuhhh
#7
miss u blade,,,, inde q na kaya 💔
SonMyoui_Mina #8
Chapter 13: life update: miss na si blade :(((
soyiesows #9
Chapter 13: otor UPDATE PLEASE