| Are you there?

Heavy Blue
Please Subscribe to read the full chapter

The man threw a straight left, overextending himself in the process. Mali niya ‘yon. Inatras ko ang ulo ko, leaving a one inch gap sa pagitan ng kamao niya at mukha ko. Dahil nga nag-overextend siya, madaling naging open ang mukha nito.

 

Sinimulan ko ang atake sa mukha gamit ang isang counter left jab bago ini-angat lalo ang outside foot ko para mapunta sa mas superior at better na angle para sa susunod na suntok at mas mabawasan ang posibilidad na ma-counter ang combo ko.

 

Itinaas niya ang kaliwa niyang braso upang takpan ang mukha niya dahil sa jab na binitawan ko. Again, isa na namang pagkakamali sa parte niya. Yumuko ako para mapunta sa blind spot niya at agad bumitaw ng right straight diretso sa liver area. Ginamit ko rin ang right foot ko para mas lalong mailabas ang pwersa sa suntok.

 

His stomach felt it before his eyes could even see it. 

 

Sigurado ako.

 

He is hurt.

 

At kapag nasaktan ka sa sikmura, ang una mong gagawin ay bumaluktot o di kaya ay yumuko. Nang masigurado ko na ibinaba niya na ang guard niya sa katawan niya, agad kong binitawan ang isang left hook na tumama diretso sa panga. 

 

Nagkanda-leche leche na ang laban para sa kanya dahil malapit na sumuko ang mga binti nito. 

 

At tila ba’y hindi kuntento, binwelo ko pa ang kanang binti ko para sa isang classic headkick na nakapagpatulog sa kalaban. 

 

Ganito ko tinapos ang laban ko kahapon. 

 

Sinigurado ko na matatapos ang laban dahil sa striking ko dahil masyadong minamaliit ito ng mga tao. Ang kadalasang naririnig ko mula sa kanila ay sa jiu jitsu lang daw ako magaling at pagdating sa striking, titiklop ako.

 

Sana lang ay tumatak na sa kokote nila na hindi ako basta-basta matatalo kahit saang aspeto pa ng MMA ‘yan. I hope I made my statement clear. 

 

Magaling yata ang mga naging coach ko habang tumatanda. Si papa at papa ni Lopez. 

 

Tinanggap ko lang din naman ang laban na ‘to dahil ilang araw na ako kinukulit ni boss bee. Hindi pa ba sapat na ako na ang main event sa intercage ngayong december? Wala na rin namang isang buwan bago ang laban ko sa inter, pinilit pa akong lumaban dito sa cage.

 

Palibhasa, malaki ang mga taya at kita ng cage sa tuwing may laban ako. 

 

I scoffed. 

 

“Ayan, Blade. At least sure na tayo sa striking aspect at grappling.” Sambit ni Ryujin habang nirereplay ang video footage ng naging laban ko sa TV dito sa pound. 

 

Nakikinood din naman ang mga asungot na nagwoworkout dito na tuwang-tuwa dahil sa naging panalo ko.

 

Pansin ko nga na hindi na talaga bumalik yung mga basag ulo na drug lord at mga pusher dito sa lugar namin. Masyado yata silang tinakot ni Karina? 

 

Ang mga nagtetraining na lang dito sa pound ay yung mga matitinong mga lalaki na nagbabasakaling makapasok sa cage. Kahit na may iba pa rin na may sira yata ang ulo, mas matino naman sila kaysa sa mga adik na palaging namamalagi dito noon. 

 

“Blade, ‘wag ka munang malikot.” Si Karina. Oo, nandito rin siya ngayon para raw i-check kung kamusta ako pagkatapos ng laban ko kahapon.

 

Ni-hindi nga ako nagalusan. Tanging kamay ko lang at itong peklat sa mukha ang medyo nasariwa ulit ang sugat. Ganito naman lagi kada may laban ako kaya normal na lang sa’kin. 

 

Kasalukuyan niyang nililinis ang mga maliliit na sugat ko sa kamay. Nalagyan niya na rin ng bandage ang peklat ko sa kaliwang pisngi na hindi na talaga gumaling.

 

Sinabihan ko nga siya nung nakaraan na hindi niya naman kailangan pumunta dito lagi kasi nga baka busy siya sa med school. Alam ko naman na hindi madali at demanding din sa oras ang course niya. Kaso lang matigas talaga ang ulo.

 

Kaya ayon, sa huli, nagdala na lang siya ng mga ibang gamit niya dito para raw makakapag-aral pa rin siya kapag naisipan niyang puntahan ako.

 

May nakapaskil pa na ‘Karina’s corner’ sa kwarto ko at bumili pa siya ng sariling table at study lamp. Ang sikip na lalo sa kwarto ko.

 

Hindi ko rin naman makita yung point kasi kapag nandito siya, hindi naman namin mapigilan na.. Alam niyo na.. Basta ayon. Kung hindi kami nagmemake out, for sure nagcucuddle lang kami at nagkekwentuhan. 

 

Oo, wala pang nangyayari sa amin ni Karina kahit pa sobrang touchy na namin sa isa’t isa. Kahit naman mukhang agresibo ako at walang pamigil, mataas pa rin ang respeto ko sa kanya. Hindi ko rin gusto na baka iniisip niya na ganon lang ang habol ko.

 

Kasi hindi.

 

Sigurado ako sa nararamdaman ko kay Karina. Halos dalawang linggo na rin nung inamin ko ‘to sa sarili ko. Hindi naman siguro masama na maging honest sa sarili kahit papaano. 

 

Marahang nilingon ko siya na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko sa kanan. Seryoso siya sa paglilinis ng mga sugat ko sa kamay. Pansin ko rin sa kanya na hindi niya pinapanood ang mga replay ng laban ko.

 

Hindi naman na ako nagtataka kasi sinabi niya na rin sa akin na hindi niya kayang makita na nakikipag bugbugan ako. Tinawanan ko lang siya sa sinabi niya pero sa loob loob ko, alam ko na nag-aalala lang siya.

 

“Your left hand naman.” Senyas ni Karina matapos niyang linisin ang right hand ko. Hindi niya nga man lang ako tinitingnan sa mukha.

 

Hindi ko kasi nasabi sa kanya na may laban ako kahapon. Medyo may tampo siya sa’kin ngayon dahil kay Ning niya pa raw nalaman. Sinabi kasi ni Yujin kay Ning dahil mukhang may something na nga ang dalawa naming kaibigan.

 

Hindi naman sa nakalimutan ko sabihin sa kanya. Ayoko lang siguro na mag-alala pa siya at baka kasi pumunta pa siya sa cage. Hindi maganda ang kapaligiran doon at dahil na rin sa nagbanta sa kanya, hindi ko gustong malapit siya sa lugar na ‘yon.

 

“Rina.”

 

Hindi niya pa rin ako pinansin at nanatiling nakatutok sa ginagawa niya.

 

“Uy, Rina.” 

 

Still no answer.

 

Kinabig ko ang bewang niya para mas malapit siya sa’kin kaya mabilis niya akong nilingon. “What?” Nakakunot ang noo niya. Pasensya na pero ang cute niya kahit na may tampo siya.

 

Agad akong nagnakaw ng mabilis na halik sa pisngi niya. Nginitian ko rin siya bago tumingin ulit padiretso sa harap para makinig sa sinasabi ni Lopez.

 

“Tsk.” Umirap pa si Karina sa akin dahil sa ginawa ko pero halata sa kanya ang pagkagulat.

 

Hindi rin naman nakalampas sa’kin ang pagpipigil ni Karina na mangiti. Kunyari na lang hindi ko nakita.

 

“Medyo kailangan lang natin mag focus pa sa striking lalo na sa dodging at countering kasi doon magaling si Chris Davis.” Pagpapatuloy ni Lopez.

 

Ilang araw na rin namin pinapanood ang ilang clips ng mga laban ni Davis at masasabi ko nga na striking ang comfort zone niya. Mukhang malakas ang mga bitaw nito dahil sa dami ng one punch knockout highlights sa buong career niya.

 

“Hindi ba dapat magfocus pa ako lalo sa grappling dahil mahihirapan siya sa striking kapag nasa ground na ang laban.” Sagot ko kay Lopez.

 

Totoo naman. Mataas ang fighting IQ ko kaya aware ako na sa grappling mahina ang karamihan sa mga fighter na nageexcel sa striking. Kaya nga gusto nila lagi ang stand up fighting at umiiwas sila sa grappling.

 

“Tama ka naman, pero kailangan muna natin siyang palambutin habang nakatayo para kapag nasa lapag na ang laban, hindi ka na mahihirapan sa submission attempt mo.” 

 

May point. Tumango na lang ako sa nais ipahiwatig ni Lopez. Tiwala naman ako sa mga desisyon niya dahil nakuha niya ang mga ito sa papa niya na isang magaling na coach noong kabataan nila ng papa ko.

 

Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit sila nagquit sa MMA at mas piniling pumasok bilang janitor.

 

Either way, pareho namang marangal na trabaho kaya hindi ko na lang iisipin. Baka mas mataas ang sweldo bilang janitor kaysa sa pagiging MMA fighter at coach? 

 

Siguro nga.

 

“Oh, sige na. Magpahinga ka na muna. Balik tayo sa training sa isang araw.” Dagdag ni Lopez bago inayos ang ginamit na tv.

 

Bumalik na rin ang mga tao dito sa mga ginagawa nila. Nanatili kaming nakaupo ni Karina sa maliit na sofa na bagong bili ni Lopez para dito sa pound. 

 

Kakausapin ko sana si Karina pero busy siya sa cellphone niya. Hindi ko sinasadyang makita ang messages pero nabasa ko ang pinaka recent.

 

Jeno: Oki! I’ll see you later :) 

Karina: I’m going na. 

 

Siya yung sinasabi ni Giselle na naka-car se– … Nilinaw naman ni Karina na hindi totoo ‘yon at imbento lang ni Giselle. Naniniwala ako sa kanya pero parang may iba akong nararamdaman kapag namemention ang pangalan ni Jeno.

 

Gusto ko siyang sapakin. Si Jeno.

 

Tumayo na lang ako at nagdire-diretso papunta sa kusina. Kakain na lang ako kaysa mabasa pa ang usapan nilang dalawa. See you later? Edi magkikita sila? Pfft.

 

Kumuha ako ng plato at mangkok bago nagbukas ng San Marino na maanghang. Naglagay rin ako ng isang cup ng kanin bago sumalampak sa upuan at kumain.

 

“Hey.” Si Karina. 

 

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi siya pinansin. Ayokong makapagsalita ng hindi maganda dahil alam ko kung gaano ako kadali matangay ng emosyon ko.

 

“Blade, are you ignoring me?” Pagtatanong niya. 

 

“Hindi.” Maikling sagot ko bago sumubo ulit ng kanin. Minamadali ko na ang pagkain para makapasok na sa kwarto. Gusto ko na matulog.

 

Sigurado ako na hindi siya nakumbinsi sa sinabi ko. 

 

“Ako yung nagtatampo kanina tapos ikaw naman ngayon? Why? What happened?” Sunod-sunod na tanong niya.

 

Hindi ko siya tinitingnan sa mata dahil naiirita ako. Naiirita ako dahil hindi naman ako dapat mag-inarte kung makikipagkita siya sa ibang tao.

 

Hindi naman kasi kami.

 

Uminom ako ng tubig and cleared my throat, “Aalis ka na ba? Sige na. Ingat ka.” Mabilis akong tumayo. Iniwan ko na rin muna ang pinagkainan ko sa lababo. Mamaya ko na lang huhugasan. 

 

“Did you.. nakita mo ba yung messages namin ni Jeno? It’s not what you think.” She sighed. “We’re meeting up for a group study. May iba kaming kasama.” 

 

Ah, group study.

 

Group study pero dalawa lang silang nag-uusap.

 

Ah, bahala na sila. Ayoko na isipin.

 

“Baka hinihintay ka na. Go na, inaantok din ako.” Sagot ko. Nilampasan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
hello! sorry po sa super late ud. katatapos lang ng finals week ng yellow skul. anw, sabi sa inyo eh! malakas guardian angel sa likod ni blade. and congrats sa mga nakahula kung sino si big boss! galing niyo.

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
529 streak #1
Chapter 13: Hello pooo
fanficethusiast #2
Chapter 13: balik ka na po
AshtridSy #3
Chapter 13: Miss you, balik ka na please.
yhielswift013
29 streak #4
Chapter 1: comeback na po 🥹
howdoyouknowmee
529 streak #5
Chapter 13: Miss youuu Blade
aesyeppi
#6
Chapter 13: asan ka na blade? mish u
_wintuhhh
#7
miss u blade,,,, inde q na kaya 💔
SonMyoui_Mina #8
Chapter 13: life update: miss na si blade :(((
soyiesows #9
Chapter 13: otor UPDATE PLEASE