| Heartbeat

Heavy Blue
Please Subscribe to read the full chapter

Lahat ng tao ay may kinaiinisan, hindi ba? Yung mga bagay na sobrang nakakapagpakulo ng dugo mo o di kaya’y basta lang hindi mo gusto na ginagawa ng mga tao sa paligid. Personally, may tatlong bagay akong pinaka-kinaiinisan.

 

Unang una sa lahat ay ang magkaroon ng utang na loob sa kahit kanino. Siguro naman ay halata na ‘yon base sa mga kinikilos ko nitong mga nakaraang araw.

 

Pangalawa ay ang physical contact. Lalo na sa mga taong hindi ko naman kilala. Sobrang ironic lang dahil exposed ako sa pisikalan, at ito rin ang pinagkukunan ko ng pera.

 

Lastly.. at isa sa pinaka ayoko sa lahat ay ang maingay. Yung puro sigawan at tawanan. Wala namang nakakatawa at hindi naman dapat sumigaw pero maingay pa rin.

 

Ayoko rin na nasisigawan. Pwede naman kasing makipag-usap nang mahinahon.

 

Sa kasamaang palad, nararanasan ko ang pangatlong sinambit ko sa mismong oras na ito. 

 

“OMG! This is so nakakapagod.” Hinihingal na sigaw ng hindi ko kakilalang babae na nasa treadmill. 

 

“Malamang, Giselle! Magulat ka kung di ka napagod after mo gumamit nyan.” Gatong naman nung maliit na babae na parang medyo brown na blonde ang buhok.

 

Kanina pa sila nagpapalitan ng pambabara sa isa’t isa at tanging matinis na boses lamang nila ang naririnig ko simula pa kanina.

 

“Giselle and Ning, come here. Lopez bought us juice.” Isang babaeng mukhang pusa ang tumawag sa dalawang babae na kanina pa nagsisigawan.

 

Nakaupo ako ngayon sa isang monoblock sa loob ng pound. Inaasahan ko na ang sumalubong sa akin ay ang maasim na mga lalaki pero laking gulat ko nang makita ko si Karina na nagwowork-out.

 

May kasama siyang tatlong babae. Lahat sila ay sobrang iingay maliban na lang doon sa mukhang pusa.

 

Napag-alaman ko na sinara ni Lopez ang buong gym dahil hinire nila ito ng isang buong araw. Hindi maipagkakaila na mayaman talaga si Karina at ang group of friends niya.

 

“Juice?” Si Karina. Inabot niya rin ang isang baso ng juice na tinimpla ni Lopez. “They’re loud ‘no? Really sorry for that.” Mahinang humagikgik muna siya bago kumuha ng monoblock at tumabi sa’kin.

 

Isang linggo ang nakalipas mula nung mapaaway kami sa mga pusher dito sa lugar sa amin.

 

Simula noon ay hindi na tumigil si Karina sa kakatext at tawag. Hindi rin niya natupad ang sinabi niyang pupuntahan niya ako every other day dahil masyado raw siyang busy sa med school.  Hindi naman big deal sa’kin kung hindi niya ‘yon magawa. 

 

Pumunta pa rin naman siya nung isang araw para lang sabayan akong kumain ng dinner at asarin ako. Chineck niya rin kung nililinis ba nang maayos ang mga tahi sa katawan ko at kung amoy yosi daw ako.

 

Nirereplyan ko ang mga text niya at sumasagot naman ako sa mga tawag niya. Mas okay na ‘yon dahil alam kong hindi magdadalawang isip pumunta si Karina dito kapag hindi ako sumagot.

 

Ayoko na rin masyadong abalahin pa siya kaso nga lang ay mapilit talaga si Karina. Palibhasa’y mayaman siya at may sasakyan. 30 minutes lang ang byahe kaya mayabang magpabalik balik eh.

 

Tumikhim ako matapos uminom ng juice. Ang tabang naman nito. “Oo, maingay sila. Akala ko ikaw na pinaka maingay. Hindi pala.” 

 

Sasagot sana si Karina ngunit malakas na sumigaw ang isa sa mga kasama niya. Yung medyo blonde ang buhok.

 

“Rinaaaaa! Pakilala mo na kami sa bebe mo!”

 

Bebe mo? May boyfriend ba si Karina? 

 

Sige. Wala naman akong pakialam.

 

Magkaakbay na lumulundag lundag palapit sa amin ang dalawa niyang kaibigan. Nakasunod lang naman sa kanila yung mukhang pusa. Wala sa wisyong sumagi sa isip ko ang pagkakaibigan namin nila Lopez, Chaewon, at Yujin.

 

Kanina ko pa rin napapansin ang paminsan-minsan na pagsulyap sa’kin ng mga kaibigan ni Karina. Siguro ay kilala nila ako.

 

“Shut up, Ning.” Sambit ni Karina sa tabi ko. She cleared before speaking again, “Anyway, Blade these are my friends, Ning, Yeji, and Giselle. Kasama ko sila when I saw you laying sa kalsada.”

 

Oh.

 

Isa-isang pinakilala ni Karina ang mga kaibigan niya. Alam ko na ang mga pangalan nila at aaminin kong mukhang matitino naman sila. Siguro nga ay maingay lang talaga.

 

Si Ning yung maingay na blonde. Si Giselle yung maingay na dark haired. Si Yeji yung parang nanay na pusa.

 

“I’m glad you’re okay na.” Malawak ang ngiting batid ni Yeji. 

 

Sasagot na sana ako sa kanya kaso lang ay sumingit bigla ang dalawa pa niyang kasama.

 

“I know right! I really thought mamamatay ka.” Si Giselle.

 

“‘Di ba! Ngayong may bagong buhay ka na, feeling ko tuloy anak na kita. Ako nagsilang sa’yo, ganon!” Si Ning.

 

Malakas na umubo si Karina dahil sa pagka-samid niya sa juice na iniinom. Si Yeji naman ay mukhang hindi na makapagtimpi kay Ning at Giselle. 

 

“Oh my God.” Karina murmured. Si Giselle at Ning naman ay tatawa tawa lang sa tabi ni Yeji. 

 

Tuloy-tuloy lang na nagdadaldal si Giselle at Ning tungkol sa kung paano nila ako nakita sa daan. Nakikinig lang naman ako sa kanila dahil medyo interesado ako sa kung anong nangyari matapos nila akong makita.

 

Nakapagkwento naman na si Karina pero parang filtered kasi at kulang. Ngayon ko nga lang nalaman na pinunit niya pa ang t-shirt niya para patigilin ang dugo mula sa mga sugat ko that time. 

 

“ANYWAYS! Pipe ba si Blade?” Sambit ni Ning habang nakatingin sa’kin.

 

Bahagyang napangiti ako sa sinabi niya. Dahil ba tahimik ako inakala niyang pipe ako?

 

“God, Ning!” Nahihiyang saway ni Karina sa kaibigan niya. She looked at me apologetically. 

 

Hindi naman ako na-offend sa sinabi ni Ning. Sa katotohanan nga ay medyo natawa pa ako sa sinabi niya.

 

“Bakit ka galit?! Nagtatanong lang yung tao para sure.” Sagot ni Ning sa reaksyon ni Karina. 

 

“Hindi ako pipe.” Tipid na pasabi ko.

 

Dramatic na tinakpan ni Giselle at Ning ang bibig nila habang nakatingin sa’kin. Sobrang extra lang. 

 

“Marunong na magsalita ang baby ko.” Kunyareng nagpunas ng luha pa si Ning at kumapit sa braso ko.

 

“Anong baby ka dyan?” Pagsingit ni Karina while eyeing Ning’s hand na na nakakapit sa braso ko.

 

“Lagot!” 

 

“Ning, you better run.” 

 

“Baby as in anak kasi! Sabi ko kanina anak ko siya ‘di ba? My god! Hirap naman magjoke dito, kailangan i-explain.” 

 

Sa saglit na nakilala ko sila, nagkaroon pa ako ng bagong nanay.

 

“Anong baby baby? Si Ning at Blade?” Sakto naman ay lumapit si Lopez sa pwesto namin. “Bagay kayo.” 

 

Malakas na nagtawanan lang ang mga kaibigan ni Karina dahil kay Lopez. Hindi naman maipinta ang mukha ni Karina dito sa tabi ko. Kanina pa niya tinitingnan nang masama ang maingay na si Ning.

 

“What if tayo na lang, Blade?” Sambit ni Ning bago umakbay sa’kin. Alam ko namang nang-aasar lang ‘to kaya hinayaan ko na lang.

 

Hindi ko pala kaya.

 

Bukod sa malagkit na siya dahil sa pawis, kagaya nga ng sabi ko kanina, ayokong hinahawakan ako masyado.

 

Tatanggalin ko na sana ang braso ni Ning sa balikat ko ngunit naunahan ako ni Karina. Pabiglang itinulak niya ang braso ni Ning na nakapatong sa balikat ko. 

 

“Ay, may pagtanggal.” Si Ning. Hobby niya ba na asarin si Anying? 

 

“Mamaya ka sa’kin.” Sambit ni Karina. 

 

“Bakit ‘di pa ngayon?”

 

“Ah, gusto mo.”

 

At naghabulan na nga ang dalawa sa loob ng pound habang si Yeji at Giselle naman ay patawa-tawa lang. Hindi mapagkakaila na sobrang chaotic ng pagkakaibigan nila. Kaya naman pala nakakatagpo ng taong nasa bingit ng kamatayan sa kalsada eh.

 

“Don’t mind them. Normal lang sa kanila ‘yan.” Si Yeji. Akala ko hindi na siya magsasalita eh. “How about we hangout later?” 

 

“Uy tara g! Sama namin yung dalawa pa naming kaibigan.” Lopez answered enthusiastically. Sa aming magkakaibigan, siya talaga at si Chaewon ang pinaka mahilig sa mga gala gala.

 

“Pass.” Hindi sa pagiging KJ pero may dapat kasi akong puntahan mamaya.

 

Nagmessage kasi si boss bee sa akin kahapon. Mayroon daw siyang mahalagang sasabihin sa’kin at hindi ko naman siya maayawan dahil sobrang laki na ng kinakaltas niya sa kuha ko tuwing nananalo. 

 

“Bakit ‘yon?” Pagtatanong ni Lopez. Hindi ko pa nga pala sinasabi sa kanya na cinontact ako ni boss bee.

 

“Sa cage.” Blankong sagot ko. 

 

Mabilis na naintindihan ni Lopez ang pinaparating ko pero kagaya ko, mukhang hindi niya rin alam ang dahilan sa biglang pagpapatawag sa’kin ni boss bee.

 

“Sunod ka na lang after. Does that work?” Tanong ni Giselle.

 

“Ah-Eh, hindi ko alam. Dadalhin ko naman motor ko kaya bahala na.” 

 

Tumango lang si Giselle at Yeji. “Oki! Sana makasunod ka. Malulungkot si Karina kapag wala ka ‘don.”

 

Speaking of Karina.

 

“Tama na kasi, Karina! Hindi na nga! Baby mo lang, baby mo lang!” Hinihingal na sigaw ni Ning. Si Karina naman ay may hawak hawak na tambo at akmang hahampasin na ang kaibigan.

 

Parang mga bata. 

 

“Nasaan na tapang mo ha?” Pang-aasar ni Karina sa kaibigan. 

 

“That’s enough.” Natatawang sambit ni Yeji. “Karina halika na dito. Aalis pala si Blade.” 

 

“I’ll change my clothes lang.” Si Giselle.

 

“Ako rin!” Sabay na sambit ni Yeji at Ning.

 

“Wait. Doon na kayo sa kwarto ko magpalit. Hindi maganda ang cr dito sa pound.” Pag-aaya ni Lopez. Totoong hindi kagandahan ang cr dito dahil na rin siguro sa puro lalaki ang gumagamit nito.

 

Nagpaalam sila sa’kin kaya naiwan kaming dalawa dito ni Karina sa pound.

 

Nagmamadaling lumapit si Karina sa tabi ko, “Where are you going?” 

 

Pawis na pawis naman ‘to.

 

Inabot ko sa kanya ang towel na hawak ko. Hindi ko pa naman ginagamit kaya malinis ‘to. “Magpunas ka ng pawis mo.”

 

“T-Thanks.” Bahagyang naglapat pa ang kamay namin nang kunin niya ang towel muka sa’kin. Hinayaan ko lang muna siyang magpunas ng pawis at inabutan ko na rin siya ng bottled water. 

 

Mas pinawisan pa yata siya dahil sa habulan nila Ning kaysa sa pagwowork-out niya kanina.

 

“Anyway, saan ka pala pupunta?” Pagtatanong niya matapos uminom ng tubig. 

 

“Basta.” Maikling sagot ko. Hindi ko gustong malaman ni Karina kung s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
hello! sorry po sa super late ud. katatapos lang ng finals week ng yellow skul. anw, sabi sa inyo eh! malakas guardian angel sa likod ni blade. and congrats sa mga nakahula kung sino si big boss! galing niyo.

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
521 streak #1
Chapter 13: Hello pooo
fanficethusiast #2
Chapter 13: balik ka na po
AshtridSy #3
Chapter 13: Miss you, balik ka na please.
yhielswift013
24 streak #4
Chapter 1: comeback na po 🥹
howdoyouknowmee
521 streak #5
Chapter 13: Miss youuu Blade
aesyeppi
#6
Chapter 13: asan ka na blade? mish u
_wintuhhh
#7
miss u blade,,,, inde q na kaya 💔
SonMyoui_Mina #8
Chapter 13: life update: miss na si blade :(((
soyiesows #9
Chapter 13: otor UPDATE PLEASE