| To-do List

Heavy Blue
Please Subscribe to read the full chapter

“Oh, Blade. Wala munang training ng isang buwan tapos itong mga biniling gamot, palagi mong inumin.” Sambit ni Lopez na naglalapag ng mga ni-resetang gamot sa ibabaw ng lamesa dito sa kwarto ko. 

 

Kaka-uwi lang namin matapos kaming ihatid ni Chaewon at Yujin. May mga klase pa kasi ang dalawang ‘yon at may trabaho pa mamayang gabi. 

 

Bihira kong aminin sa sarili ko ‘to pero malaki ang pasasalamat ko dahil nandyan sila para sa’kin. Pero hindi naman na dapat nila ako inasikaso dahil kaya ko naman.

 

Walang halong pagiging arogante ‘yan. Ayoko lang maging pabigat pa sa kanila. Alam ko naman na may kanya-kanya kaming problema na hinaharap sa buhay.

 

“Sino naglinis ng kwarto ko?” Tanong ko kay Lopez. 

 

Ang inaasahan ko kasing sasalubong sa’kin ay ang magulong estado ng kwarto ko na kagaya nung iniwan ko ito. Ngunit hindi. Walang bakas ng dugo at kahit anong tanda ng nangyari sa akin nito lang nakaraan. 

 

“Ah. Nilinis ni Rei nung nasa ospital ka pa. Ang dami rin kasing dugo.” 

 

Nagkibit balikat lang ako at humiga na sa kama. Nag-iba rin ang mismong kutson ko at mayroon na rin palang aircon sa loob. Ang gastos naman yata ng paglilinis ni Rei?

 

“Sino nagkabit ng aircon? Bago rin ‘tong kutson oh. Magkano nagastos niyo? Akin na, babayaran ko.” 

 

May sapat na ipon naman ako para ipambayad sa kanila. Medyo malaki-laki na rin ang ipon ko na hindi ko rin talaga ginagastos dahil may kailangan akong gawin na matagal ko nang pinag-iipunan.

 

“H-Hindi na. Hayaan mo na! ‘Di naman ‘yan ganon ka-mahal.” Aligagang sagot sa akin ni Lopez. Parang may hindi siya sinasabi dahil sa kinikilos niya. 

 

Masyadong suspicious ang galawan nitong si Lopez.

 

“Alis na ako ha, Blade. Maraming tao ngayon sa pound eh.” 

 

Bago pa man ako makapagsalita ay malakas niya nang isinara ang pinto ng kwarto ko. Madiin na pumukit na lang ako at sumandal sa headboard ng kama. Inabot ko rin ang remote ng bagong aircon para i-on ito.

 

Wala rin naman akong gagawin kaya matutulog na lang siguro ako.

 

Nakukuha ko na ang tulog ko nang biglang nag vibrate ang cellphone ko na nasa tabi ng unan. Inis na binuksan ko ito. Sino naman ba kasi ang magtetext sa’kin ng ganitong oras? Konti lang naman ang mga may alam ng number ko.

 

09xxxxxxxxx: Do you like your room? It’s the least I can do for your speedy recovery.

 

Ha? Akala ko ba sila Rei ang gumastos para dito.

 

09xxxxxxxxx: Ouch, on read. 

 

Malamang. Hindi ko nga siya kilala ‘di ba? Alangan naman mag reply ako. 

 

09xxxxxxxxx: This is Karina Barrera, btw ;)

 

Ah.

 

Siya ang nagpaayos ng kwarto ko?! Sabi na nga ba’t may tinatago si Lopez sa akin eh. Ano bang problema nitong si Karina at masyado siyang may pakialam sa buhay ko.

 

Blade: Magkano ginastos mo? Ibabalik ko. 

 

Uulitin ko. Ayokong magkaroon ng utang na loob kahit kanino.

 

09xxxxxxxxx: You don’t have to, silly! Save my number na lang as payment 😚

 

Tsk. Ang hilig niya naman sa pouty pouty na emoji.

 

I-sesave ko ba ang number niya? Hindi naman kami close ah. 

 

Hay! Bakit ba kasi nahanap niya pa ako sa daan eh. Edi sana hindi ko na ‘to iniisip ngayon. 

 

09xxxxxxxxx: Put “Karina ganda” as contact name ha. PLEASE REPLY RIN! You’re very masungit na nga kanina eh.

 

Napahawak ako sa sintido ko habang humihinga nang malalim. Ano ba ‘tong pinasok ko. 

 

Sige na. Ilalagay ko na lang siya sa contacts ko para matahimik na ang kaluluwa niya. 

 

New contact: Karina anying

 

Blade: Okay na. 

 

Wala pang isang minuto ay agad na siyang nagreply. Mukhang nakatambay lang siya sa conversation namin kanina pa.

 

Karina anying: Good! Now you can message me whenever you miss me.

 

[Seen]

 

Bahala siya dyan. Wala akong oras para makipaglokohan sa kanya. 

 

Somehow thankful din naman ako dahil niligtas ako ni Karina pero hanggang doon lang ‘yon. Kung magiging honest ako, ayoko na magkaroon ng kahit anong koneksyon sa kanya. 

 

I have nothing against her. Ayoko lang talaga na masanay sa presensya ng kahit sinong tao. Isa ‘yan sa mga aral na natutunan ko sa dalawampu’t isang taon kong buhay.

 

Bakit?

 

Para kapag dumating ang araw na umalis sila, hindi ako masasaktan at kakayanin kong mabuhay kahit mawala pa sila. 

 

Ang tatlong kaibigan ko na lang naman at si Rei ang mga natitirang malalapit na tao sa akin. Lahat sila ay kasama ko na bago pa ang pagkamatay ng mga magulang ko kaya’t talagang close ako sa kanila.

 

Simula naman nang mamatay si mama at papa, hindi na ako ulit nakipag kaibigan kahit kanino. Ganon din nung iniwan ako ng ex ko. Nakatatak na sa utak ko na mas mabuting panatilihing maliit ang circle ng mga tao sa buhay.

 

Iwas disappointments.

 

Iwas sa sakit. 

 

Siguro iniisip niyo na masyadong malayo ang utak ko at hindi ko pa nga sinusubukan, bakit ako nag-aassume kaagad.

 

Ang sagot ko lang naman dyan ay, “prevention is better than cure.”

 

At oo alam ko rin na hindi siya applicable sa lahat ng sitwasyon pero para sa’kin, mas mabuti nang ganyan. Wala pang nakakapagpabago sa isip ko at alam ko na walang kahit sino ang makakapagpabago dito.

 

Karina anying: Seen TT Pag hindi mo ako nireplyan, I’ll go there! I know your address sige ka hehe.

 

Gusto ko lang naman matulog pero ang kulit nitong si Karina. Kulang ba ‘to sa aruga? Wala ba siyang makausap? Kasi kung wala, bahala siya sa buhay niya. Ayoko ng kausap.

 

Blade: Edi pumunta ka. Matutulog ako, ang ingay mo. 

 

Imposibleng pumunta ‘yan dito. Mukhang anak mayaman si Karina at hindi niya masisikmura ang ambiance dito sa lugar namin. Idagdag mo pa ang nakakatakot na daanan at lansangan dito. Baka unang hinga niya pa lang ay magpasundo na siya agad sa magulang niya.

 

Kagaya ng sabi ko, kailangan matigas ang mukha mo para tumagal ka rito sa amin. Kung hindi, kawawa ka. Malaking tulong din na simula apat na taong gulang ako ay tinuturuan na ako ng papa ko ng mixed martial arts.

 

Nilagay ko sa silent ang phone ko at ipinatong ‘to sa lamesa malapit sa akin. Makakatulog na rin ako sa wakas. 

 

-

 

8:48 pm

 

*Loud knocks*

 

Nagtakip ako ng unan sa ulo dahil sa sunod sunod na katok na nanggagaling sa pintuan ko. 

 

“Bukas ‘yan, Lopez!” 

 

Maya maya pa ay narinig ko na ang marahan na pag bukas ng pintuan ko. Nanatili akong nakatalukbong ng kumot dahil ayoko pa masinagan ng ilaw. 

 

“Ingay mo naman, Lopez.” Pagrereklamo ko. Ayoko pa naman sa lahat ay yung ginugulo ang oras ko mag-isa.

 

“I’m not Lopez kaya.” 

 

Mabilis na tinanggal ko ang kumot at unan sa mukha ko dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali sa hula ko.. Sumilip ako sa pigurang nakatayo kalapit ng pintuan… At hindi nga ako nagkakamali. 

 

Nandito si Anying.

 

“Hi, Blade!” Masiglang bati niya sa’kin bago sumalampak sa dulo ng kama ko.

 

Bigla-biglang umuupo sa kama ng may kama? 

 

“Bakit ka nandito?” Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi ko naman alam na tototohanin niya ang sinabi ko. Paano naman siya nakarating dito mag-isa? Ang delikado ng daan ah.

 

“Aray ha! Wala man lang bang ‘hi, Karina’ muna?” She sulked. May panguso nguso pa siya.

 

“Wala. Bakit ka nga nandito?” Pagtatanong ko ulit. Bakit hindi na lang kasi siya sumagot para matapos na ‘di ba?

 

“Pumayag ka kaya!” Malakas na sigaw niya pabalik. Bakit ba ang dami niya laging energy sa katawan?

 

“Hindi ko naman alam na tototohanin mo.” Inis na tinakpan ko ang tenga ko dahil ang lakas lang ng boses niya. 

 

“Well, now I’m here and guess what..” Tumingin siya sa’kin na parang hinihintay na manghula ako. 

 

“Guess mo mukha mo.” 

 

“You’re no fun!” She sighed bago itinaas ang isang paper bag. “I brought dinner for us.” Nakangiting sambit niya habang fineflex ang hawak.

 

Ang lawak lang ng ngiti niya. Masaya siya sa ganito? Ni-hindi ko nga siya kinakausap nang maayos. Baka mababaw lang talaga kaligayahan niya. Ah, bahala siya. Bakit ko ba iniisip?!

 

“Magkano? Bayaran ko.” Again, ayoko ng utang ng loob.

 

“Blade.. isa pang makarinig ako ng ‘magkano? babayaran ko’.” Pagbabanta niya sa akin. Ginaya niya pa ang mababa at walang emosyon na tono ng boses ko.

 

“Anong gagawin mo?” Panghahamon ko sa kanya. Tiningnan ko rin siya sa mga mata niya, trying to intimidate her.

 

Pero ngumisi lang siya. 

 

Hindi ba siya naiintimidate sa’kin? Well, that’s a first.

 

“Anong gagawin ko?” Tanong niya pabalik habang nakatingin din sa mga mata ko at nakangisi.

 

“Oo.” Tipid na sagot ko. Hindi naman ako magpapatalo sa mga titigan na ‘yan. Ayokong

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
hello! sorry po sa super late ud. katatapos lang ng finals week ng yellow skul. anw, sabi sa inyo eh! malakas guardian angel sa likod ni blade. and congrats sa mga nakahula kung sino si big boss! galing niyo.

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
529 streak #1
Chapter 13: Hello pooo
fanficethusiast #2
Chapter 13: balik ka na po
AshtridSy #3
Chapter 13: Miss you, balik ka na please.
yhielswift013
29 streak #4
Chapter 1: comeback na po 🥹
howdoyouknowmee
529 streak #5
Chapter 13: Miss youuu Blade
aesyeppi
#6
Chapter 13: asan ka na blade? mish u
_wintuhhh
#7
miss u blade,,,, inde q na kaya 💔
SonMyoui_Mina #8
Chapter 13: life update: miss na si blade :(((
soyiesows #9
Chapter 13: otor UPDATE PLEASE