Pangatlong Paglubog ng Araw: Kaizel's

Flowers and Sunsets
Please Subscribe to read the full chapter

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Reimonyo papunta sa grocery store malapit sa tinitirhan namin. 

 

Napagpasyahan ko na lang na dito bumili kaysa lumayo pa. Tutal kumpleto naman yung mga binebenta nila dun sa store. 

 

Nakasunod lang siya sa likod ko habang naglalakad kami papunta sa grocery store.

 

Pansin kong maraming tumitingin sa akin habang naglalakad.

 

Palagi namang ganito kapag lumalabas ako. Sobrang balot na nga akong manamit pero hindi pa rin nila ako tinitigilan. Minsan nga tinatawag pa ako ng kung ano ano pero hindi ko na lang pinapansin. Kahit sobrang uncomfortable na sa pakiramdam.

 

Naramdaman kong lumakad nang mabilis papunta sa tabi ko si Reimonyo at tinakpan ako dun sa mga lalaking mukhang manok na ayaw akong tigilan. 

 

Lumingon ako sa kung nasaan siya at nakitang tinitignan niya ng masama yung mga lalaki na siya namang nagpatigil sa kanila sa pag catcall sa akin. 

 

"Do you know them?" Umiling naman ako sa kanya. Tumango siya at nagsalita ulit.

 

"Is this your first time having an encounter like this with them?" Umiling ulit ako.

 

Palagi silang ganyan pag lalabas ako. Kapag pupunta sa flower shop and sa grocery store. Kahit nga noong kasama ko sila Vien hindi pa rin sila tumitigil. Kaya nga nakakapagtaka na napatigil sila ni Justin.

 

Natakot rin siguro sila sa nakakatakot na titig ni Reimonyo.

 

"Kapag lalabas ka, call me. I won't let you walk alone. Baka kung ano pa yung gawin nila sa'yo."

 

"Kahit naman kasama kita wala namang magbabago. Parehas tayong babae okay, wala tayong binatbat sa kanila."

 

"It's much safer kapag meron kang kasama. Huwag ka ng aangal."

 

"Odi wow, kahit naman hindi ako sumang ayos gagawin mo pa rin yung gusto mo."

 

"I'm glad that you already know." Tinarayan ko siya at nag focus na lang sa paglalakad.

 

Ilang minuto ay tinignan ko ulit siya. Tagaktak ang pawis na tumutulo sa noo niya siguro dahil sa init na dala ng araw. Dagdag pa yung attire niya ngayon, ang init init naka long sleeves na naman siya. 

 

"Hoy, hindi ka ba naiinitan? Nasa pilipinas tayo wala sa ibang bansa. Ang init init naka long sleeves ka."

 

"Why do you care?" Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin.

 

"Ang init init tapos ganyan suot mo."

 

"Why? Concerned ka?"

 

"Ewan ko sayo, ang hirap mong kausap." Inalis ko na yung tingin ko sa kanya at humarap na ulit sa dinadaanan. Narinig ko namang tumawa si Reimonyo dahil dun.

 

Tumahimik na naman at patuloy na lang kaming naglakad.

 

Ganun pa rin yung pwesto namin, si Justin nasa left side ko. Siya yung nasa side kung saan malapit dumadaan yung mga sasakyan habang ako naman nasa right side niya. 

 

Papalapit na kami sa store at may nakikita akong tumitingin sa side namin, or specifically kay Reimonyo.

 

This time puro babae naman. 

 

Baka nawewierdohan sa suot ni Reimonyo. Or baka hindi. 

 

For sure nagagandahan/nagagwapuhan sila dito sa katabi ko ngayon.

 

The thought of that made me annoyed. I don't know why. 

 

Thinking that there must be other people admiring Justin doesn't suit right with me.

 

Hindi ko alam.

 

Baka guni guni ko lang yun. 

 

Baka nga.

 

Bakit naman ako maiinis kung may magkakagusto sa kanyang iba.

 

Anong pake ko dun.

 

Wala namang masama kung magkagusto sila kasi maganda naman talaga siya. May part na gwapo rin. 

 

Pero hindi ko type.

 

Wala akong pake kung magkagusto yung iba sa kanya basta ako never akong magkakagusto dun.

 

Ano bang pinagsasasabi ko.

 

My thoughts got interrupted when Reimonyo snapped her fingers in front of me.

 

"What are you thinking?"

 

I just shook my head and walked towards the store. She then followed my steps afterwards, her pace getting faster so that she could catch up with me.

 

Kukuha na sana ako ng cart para paglagyanan ng mga bibilhin nang unahan niya ako.

 

Nag agawan pa kami kung sino yung maghahawak ng cart na natigil rin dahil sa mga bulungan na naririnig namin.

 

"Ang cute nila."

 

"Sana all."

 

"Magbebreak rin kayo."

 

"Ay taken na pala si Ateng naka long sleeves, sayang."

 

Dahil dun hinayaan ko ng kunin ni Reimonyo yung cart at hinanap kung saan nanggaling yung mga bulungan na yun. 

 

Nang makita nilang nahuli ko sila ay bigla silang tumigil sa pagbubulungan at dumiretso na sa paglalakad.

 

Mga chismosa nga naman oh. Kung ano anong pinag iisip.

 

"What are you looking at?" Tinignan ko si Reimonyo na nagsalita sa gilid ko.

 

"Bwisit yung mga babae kanina, akala nila girlfriend mo ako." Natawa naman si Reimonyo.

 

"That's absurd, you're not even my type." Nainis naman ako dahil dun.

 

Sa ganda kong 'to, hindi niya ako magiging type? Sino ba siya?

 

"Wow, hindi rin kita type no. Ang pangit mo lang."

 

"I didn't ask."

 

"Ang kapal ng mukha mo, sa ganda kong 'to choosy ka pa. Ang rami kayang nagkakagusto sa akin." Natawa naman siya at naglakad na papunta sa meat section na siya namang sinundan ko.

 

"O baka naman bulag yung mata mo?"

 

"O baka straight ka?" Mas lalo siyang tumawa dahil dun.

 

Ayan na naman siya sa tawa niya, sabing ayaw ko siyang nakikitang tumatawa eh.

 

"Buhok ko lang yung straight, not me."

 

"Buti naman."

 

"Pero bakit hindi mo ako type? Maganda naman ako diba? Bakit?" Tumingin naman siya sa akin na may nakakalokong ngiti.

 

"Why are you getting angry na you're not my type? Naiinggit ka ba?"

 

"Ang kapal ng mukha mo!" Napalakas ata yung sigaw ko dahil may tumingin sa direksiyon namin.

 

"Why? Totoo naman, that's what your questions sounds like."

 

"Hindi no, nagtataka lang ako na yung isang katulad mo aayawan lang ang isang katulad ko." Napailing na lang siya ng dahil doon.

 

"If I say that you're my type, you're going to have your peace of mind na?" Hindi ako sumagot.

 

"Fine, you're my type Childish. You're beautiful, kind of funny, very well mannered kahit na medyo isip bata, family centered, matalino. Yep, exactly my type." Nakatingin siya sa akin habang sinasabi yun na siya namang nagpainit sa aking mukha.

 

Bakit parang ang hina ata ng aircon.

 

Hindi naman ako nakasagot at nag iwas ng tingin sa kanya.

 

Bwisit, bakit ko pa kasi siya pinilit na sabihin yun.

 

Narinig ko siyang tumawa at nagsalita ulit.

 

"Yan, are you okay na?" 

 

"Pumili ka na lang diyan." Tumawa na naman siya.

 

"Huwag kang tatawa, ang pangit mo." Hindi naman siya tumigil at mas nilakasan pa yung tawa niya.

 

Hindi ko na lang siya pinansin at tinulungan siya sa pagpili ng mga stocks niyang raw food.

 

Nagpunta kami sa ibang aisle para kumuha pa ng iba niyang stocks, at habang nandun ay tahimik lang kaming pareho.

 

Ramdam ko pa rin yung init sa mukha ko dahil sa sinabi niya kanina.

 

Bwisit, bakit ba ako nagkakaganito.

 

Bakit ba sobrang apektado ako dun sa sinabi niya.

 

I'm used to recieving compliments sa school naman ah, bakit iba nung nanggaling na sa kanya.

 

Nakakabwisit.

 

Siguro nainis lang ako talaga kasi ang sarcastic nung sinabi niya.

 

Pero why did I forced her to do that in the first place.

 

Am I really that affected noong sinabi niya na hindi niya ako type?

 

Ano bang pakialam ko.

 

Sino ba siya?

 

Nakakainis naman oh.

 

Tapos ng mamili ng stocks si Justin kaya't pumila na kami sa cashier para magbayad na.

 

Habang nasa pila kami ay nagpaalam muna si Reimonyo na may kukunin lang saglit.

 

Pumayag naman ako kasi akala ko babalik siya agad.

 

Kaso nagkakamali ako.

 

Sugo nga pala ng demonyo ang isang 'yun.

 

Ako na yung sunod sa pila hindi pa rin siya bumabalik.

 

Ang rami ng pinabili niya tapos hindi ko dala yung card ko. Siguradong kulang yung perang dala ko para dito sa groceries niya ngayon.

 

Lingon ako ng lingon hanggang sa tinawag na ako ng cashier. Pinapunch niya na yung mga binili ni Justin pero hindi pa rin bumabalik yung demonyo.

 

Gago, kinakabahan na ako.

 

Tumingin ulit ako sa likod at nakita ko si Justin. 

 

Hayop yan, snacks lang yung kinuha bakit ang tagal tagal pa.

 

Tinitignan ko na siya ng masama at sinesenyasan na pumunta na dito pero tinawanan lang ako.

 

Demonyo talaga.

 

Patapos na yung cashier pero naglalakad pa rin papunta dito si Reimonyo.

 

Hayop tinagalan pa.

 

"Ma'am, 5,075 lahat." Tawag sa akin ng cashier na hindi ko muna pinansin dahil busy ako sa pag sensyas kay Reimonyo.

 

"Ma'am, 5,075 pesos lahat." Hindi pa rin ako tumitingin.

 

"Ma'am kung hindi niyo pa 'to binayad magpapatawag na ako ng security." Dahil dun napatingin ako sa ateng cashier.

 

"Wait lang po, yung kasama ko po kasi yung may hawak ng pera." Sabi ko at tinignan ulit si Justin na ngayo'y papalapit na sa kinaroroonan ko.

 

"Huwag na kayong gumawa ng excuse." Magtatawag na sana siya ng guard nang makalapit na si Reimonyo at ibinigay sa cashier yung mga dagdag sa binili niya.

 

"Ito pa po." Tumingin naman sa kanya yung cashier.

 

"I'm with her." Sagot ni Justin at pinunch naman nung cashier yung bagong bili niya.

 

Nakita ko namang nagbago yung mukha nung cashier at nakangiting binigay yung resibo kay Reimonyo.

 

Bakit ang amo nito ngayon? Kanina nung ako yung kausap parang matapang na langgam.

 

"5,378 po lahat." Tawag nung cashier kay Reimonyo. 

 

Kinuha ni Reimonyo yung card niya at binigay na dun sa cashier.

 

Nang matapos ay tinignan ulit ni Ateng Cashier si Reimonyo habang nakangiti.

 

"Ma'am, ang gwapo niyo po." Tumingin lang naman sa kanya si Reimonyo ng walang buhay.

 

Mas malamig pa kaysa sa binigay niyang tingin sa akin nung una naming pagkikita.

 

"Where's my card?" Tanong ni Reimonyo na nakapalad yung kamay. 

 

Agad namang binigay ng cashier yung card niya. Natakot ata.

 

Bagay niya. Nagtatrabaho pero nagpapansin kay Reimonyo, hindi pwede yan.

 

"Thanks." Magalang na sambit ni Reimonyo kahit na halatang naiinis na siya sa cashier na nagpapansin sa kanya ngayon.

 

Akala namin tapos na pero nagsalita ulit si Ateng Cashier.

 

"Ah, ano po yung name niyo? Curious lang po, ang gandang gwapo niyo po kasi." Pabebeng tanong ni Ateng Cashier habang nagpapaganda kay Reimonyo. 

 

Halatang naiinis na si Reimonyo kay Ate at hindi siya sinagot pero hindi pa rin siya tinigilan ni Ate. 

 

Sakto at nakita kong papunta dito yung manager ng store kaya't tinawag ko ito at sinumbong si Ate Cashier.

 

"Ma'am." Nilapitan ko siya at nginitian niya naman ako.

 

"Yes, what can I do for you?"

 

"Yun po kasing cashier niyo nanlalandi ng customer, hindi po ba bawal yun?" Walang filter na sagot ko at tinuro kung nasaan sila Reimonyo.

 

Dali dali namang pumunta yung manager kay Ate Cashier at binawalan ito. 

 

Bagay niya, nakikipag flirt sa kahit kanino. Parang tanga.

 

Kinuha na namin yung mga pinamili namin at nakitang tinignan ako ng masama nung cashier. Inirapan ko na lang ito at kinuha na yung mga boxes na kailangan namin buhatin. Napagtanto nsmin na sobrang rami pala naming dadalhin kaya't imbis na maglakad ay nagtawag na lang kami ng tricycle.

 

Gulat kayo no, oo marunong akong magtricycle. Tinuruan ako ni Mommy na magcommute kasi hindi ako marunong mag drive ng car. Tinatak niya sa utak ko na kahit mayaman kami ay kailangan ko pa ring matutunan yung mga yun kasi may mga times na magagamit ko rin yung knowledge na yun in the future.

 

Nandito kami sa loob ng tricycle nagsiksikan kasama ang mga pinamili namin. 

 

Ilang minutong katahimikan nang magsalita si Reimonyo.

 

"Thanks." Hindi ko siya sinagot.

 

Naiinis pa rin ako kasi iniwan niya ako kasama yung maarteng cashier na yun. 

 

Kinabahan ako saglit, akala ko magtatawag na talaga siya ng guard para isumbong ako.

 

"Ang tapang mo kanina. Calling their manager para magsumbong." Natatawang sambit niya. Tinignan ko siya ng masama dahil dun.

 

"Hey sorry, I was just messing with you earlier. I won't leave you there alone. May kinuha lang talaga ako."

 

"Muntik ng magpatawag ng security yung Ateng Cashier kanina. Wala akong dalang enough cash saka card, paano ko babayaran yung binili mo?"

 

"Sorry, kaya nga I hurriedly ran to you when I saw the cashier calling the security."

 

"Are you mad?" 

 

"Kailan ba ako hindi naging galit sayo?"

 

"I apologized na for what I did 3 days ago. You still haven't forgiven me?" 

 

"Hindi na kita mapapatawad."

 

"Why?"

 

"Basta."

 

Nagpakawala lang siya ng buntong hininga dahil dun.

 

Nagiguilty ako pero wala. Buo na yung isip ko.

 

Sabi ko nga kahit kailan hinding hindi na mawawala yung galit ko sa kanya. May nagawa man siya o wala, galit pa rin ako sa kanya. Hindi na magbabago yun.

 

Tahimik na naman kami nang may bigla akong maalala.

 

"Okay ka lang?" 

 

"Hmm?" Takang tanong niya.

 

"Yung kanina, did that girl made you uncomfortable?"

 

"Medyo but it's fine. She haven't gotten any information about me because of what you did." Tumango naman ako.

 

Buti naman.

 

Galit ako, kaaway ko siya, pero hindi ko pa rin hahayaan na may mangyaring masama sa kanya. 

 

Hindi naman ako ganoon kasama. .

 

And isa pa, for sure ganun rin naman siya sa akin. She'll protect me pa rin kahit na hindi niya pa ako lubos kilala at kaaway lang ang turing namin sa isa't isa.

 

Ginagaya ko lang siya.

 

Binilin rin siya sa akin ni mommy. Hindi ko gustong sawayin yung utos niya.

 

"That's good. Dapat kasi marunong kang lumaban. Kung wala siguro ako kanina baka nagdedate na kayo nung babaeng yun ngayon." Natawa siya dahil dun.

 

"Sabi kong huwag kang tatawa." Hindi na naman siya nakinig at nagpatuloy lang sa pagtawa.

 

"Tawa tawa ka diyan eh totoo naman. Wala ka nga atang balak na iturn down si ate kahit na halatang bwisit ka na."

 

"I wasn't repsonding kaya. That's enough siguro to make her shut up."

 

"Minsan kailangan mo pa ring konprontahin, hindi sapat yung tingin lang."

 

"Okay. As if you're not like me kanina. You're not defending yourself from those guys who are calling you names either."

 

"Iba kasi yun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
idkhtwags

https://youtu.be/dYRITmpFbJ4

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 13: huy huhueksjgskdhsjshs kinikilig ako gagi
yujjiman
#2
Chapter 13: HOY MGA BAACCLAAA
BleuHyacinthJ
#3
Chapter 13: Kinikinilig ako aaaccckkkk ang ganda mo daw acclang denial na kaizel!
Srryitzjstme #4
Chapter 12: Welcome backkkkk
Moonsun_daphyyy11 #5
Chapter 12: I missed this story hehe. Welcome back po, author! Thanm you for this update 💕
BleuHyacinthJ
#6
Chapter 12: Grabe buti naalala ko Pa nangyari sa last chap hahahaha miss ko na sila, salamat po sa ud! Welcome backkk
Jiminez #7
Namisssss ko tooooooo
Xxzakixx #8
Chapter 10: Ahhh srsly i love rina T_T
yujjiman
#9
Chapter 10: kinikilig ako aaacjkkskdhdjshdks
apple_taters
#10
Chapter 10: delikado na kayo grabeng kilig na yan