Pangatlong Paglubog ng Araw: Kaizel's
Flowers and SunsetsPanibagong araw na naman and kasabay ko na namang nagbebreakfast ang demonyo na kapitbahay namin.
Magisa lang kami dito sa bahay dahil maagang umalis si Mommy para mag work.
Tahimik lang kaming kumakain, magkatapat kami sa isa't isa kaya't kitang kita ko kung paano siya kumain.
Ang sophisticated pa rin kakain na nga lang. Mukhang pinalaking may table manners kasi ang linis niyang kumain. Tapos ang daya kasi kahit medyo malaki yung portion na kinakain niya hindi siya tumataba.
Napatingin naman siya sa direksyon ko at dali dali akong nag focus sa pagkain ko.
Nauli na naman.
Baka lumaki na naman ang ulo nito.
"Don't look, baka matunaw ako."
"Ang kapal mo, Demonyo."
"Wew."
"Wew mo mukha mo."
Tumahimik na naman.
"Childish, what will you do after we eat?"
"Huwag mo nga akong tawaging Childish."
"You don't want me to call you by your first name kaya yan na lang. Or mas prefer mo yung Isip bata. Just pick."
"Demonyo ka."
"I'm letting you call me by that nickname. So dapat pwede rin kitang tawaging isip bata."
"Odi wow demonyo."
"Wew isip bata."
Tumahimik na naman.
Wala pa kaming ayos na usapan, ni hindi ko nga nasagot yung tanong niya.
Para kaming mga tanga.
"Now, answer my question."
"Sino ka ba para sagutin ko?"
"Justin Rei. Now answer my question."
"Pilosopo."
"I got it from you, now answer my question."
"Bakit ka ba curious ha?"
"I'm just asking, sagutin mo na lang. Ang dami mo pang sinasabi."
"Putangina mo."
"Ayts. Just answer it." Inirapan ko naman siya.
"Wala, I'll stay here lang."
"Alone?"
"Oo, sanay na naman ako." Tumango lang siya.
Nang matapos na kaming kumain ay niligpit na namin yung mga pinggan at nilagay sa lababo.
Nagtinginan naman kami kung sino ang maghuhugas nun.
"Ikaw maghugas, bahay niyo yan."
"Gago dapat ikaw, nakikikain ka na nga lang dito."
"I was the one who cleaned the dishes kahapon, ikaw naman ngayon."
"Wow, ikaw kaya yung nagprisinta kahapon tas sa akin mo isisisi."
"Nahiya ako kay tita kahapon kaya ako na yung naglinis."
"So sinasabi mong hindi ka nahihiya sa akin." Hindi siya sumagot at umalis na sa kitchen.
"Demonyo ka talaga!!" Sigaw ko at hinugas na yung pinagkainan namin.
Parang anghel kung makatulong kahapon, pakitang tao lang pala.
Natapos na ako sa paghuhugas at dumiretso sa sala.
Hindi pa rin pala umaalis 'tong demonyo na'to dito. Ang kapal pa ng mukha na humiga sa sofa, akala mo sa kanya yung bahay.
"Childish, open the tv. Let's watch some movies." Panguutos niya sa akin. Napataas naman ang kilay ko doon.
Napaka kapal talaga ng mukha, inuutusan pa ako.
"Wala ka bang tv sa inyo ha? Umuwi ka na!"
"Mas malaki tv niyo dito, open it already."
"Bakit ka ba nagstay dito, noong nakaraang araw umuuwi ka na after nating kumain."
"Wala lang."
"Wala naman pala eh. Umalis ka na, nagsasawa na ako sa mukha mo!" Pinapaalis ko siya sa sofa pero nanatiili lang siyang nakahiga.
"I don't want to. Now, buksan mo na yung tv."
"Umalis ka na, sa inyo ka na lang manood."
"Buksan mo na yung tv."
"Umalis ka na."
"Ayaw."
"Kakaladkarin kitang palabas."
"Sige, kung kaya mo."
"Ang kulit mo naman eh."
"Why are you pushing me away? Sabi naman ni Tita pwede akong mag stay dito whenever I want."
"Bakit ba gusto mong mag stay? Kahapon naman hindi ka nag stay eh."
"Siyempre Tita's here with you."
"Ha?"
"Hatdog."
"Tangina mo. Bakit nga?"
"Sabi ni Tita kahapon na bantayan ka. Kaya nandito ako."
Ah.
"You don't need to. Okay lang naman ako."
Tinitigan niya ako nang mabuti at agad naman akong umiwas. Nakakalula yung mga mata niya.
"Wala kang magagawa. Buksan mo na yung tv bilis, nood tayo."
Ang kulit talaga.
Wala na akong nagawa kung hindi sundin ang utos niya.
Nang nakabukas na yung tv ay bigla siyang umupo para magbigay ng space sa akin.
Umupo ako sa tabi niya at pumili na ng movie na papanoorin.
Ilang beses kong balak umalis pero pinipigilan niya ako. Siguro nakwento na sa kanya ni mommy ang ginagawa ko kapag nag iisa ako sa bahay.
Sa totoo lang I'm thankful kay Jus
Comments