Unang Paglubog ng Araw: Kaizel's

Flowers and Sunsets
Please Subscribe to read the full chapter

I woke up and checked the time on my phone.

 

5:30 pm it reads. 

 

Napasarap pala yung tulog ko.

 

Tumayo ako sa higaan at inayos ito bago lumabas ng kwarto. 

 

Lumingon lingon ako sa paligid para tingnan kung mayroon pang demonyong umaaligid at nakampante naman ako noong nakitang umalis na siya dito sa bahay.

 

Salamat, peace.

 

Pumunta muna ako sa banyo para magsipilyo at maghilamos.

 

Kailangan ko palang bumili ng bulaklak. Buti na lang hindi nag dire diretso yung tulog ko.

 

Pagkatapos sa banyo, tinignan ko kung nasaan si mommy at nung nakita ko siya binigyan ko siya ng halik sa pisngi at niyakap. Nagpaalam ako na may pupuntahan lang at pinayagan naman ako ni Mommy.

 

Nakasanayan ko na ito simula noong nawala si Mom Zal kaya't hindi na rin nagtatanong si Mommy kung saan ako pupunta kasi alam niya na sa flower shop lang naman yung route ko kapag aalis ako ng bahay.

 

Lumabas na ako ng bahay at tinapunan ng mabilis na tingin yung tinutuluyan nung demonyo.

 

Sobrang sarado naman nito, parang wala ng araw ang pumapasok. 

 

Ano bang pakialam ko. Gawin niya kung anong gusto niya, bahala siya diyang tumira sa dilim na parang bampirang takot sa liwanag.

 

Umalis na ako sa kinatatayuan ko at naglakad na papunta sa flower shop malapit sa bahay namin. 

 

Mga sampung minuto lang ang layo nito kaya't mabilis akong nakarating. 

 

Masasabi ko ring ito na ang naging exercise ko para kahit papaano ay nagagalaw ko naman yung katawan ko ngayong bakasyon. 

 

Nakarating na ako sa flower shop at buti na lang ay nakabukas pa rin ito. 

 

Tumambad naman sa akin ang mga nakahilerang bulaklak na naka arrange base sa kanilang mga types at kulay.

 

Nang makapasok ako, binati ako ni Dane. Siya yung anak ng talagang may ari ng flower shop. Naging close kami ngayong bakasyon lang dahil ngayon lang siya nagsimulang magtrabaho dito sa flower shop ng mommy niya. 

 

"Hoy Kaizel, bakit ngayon ka lang? Usually dumadating ka dito ng mga 4:00 pm ah." Napatigil siya sa ginagawa niya at pinuntahan ako.

 

"Kakagising ko lang eh. Umidlip ako saglit, napagod ako sa pakikipagtalo dun sa kapitbahay namin."

 

Si Dane yung isa sa mga pinag sasabihan ko ng mga ginagawa ko sa buhay maliban sa dalawa kong kaibigan na pumunta sa ibang lugar para magbakasyon.

 

Wala na kaming hiya sa isa't isa kaya't napag isipan kong sabihin sa kanya yung inis ko sa demonyong nakatira sa tapat ng bahay namin.

 

"Nakakabwisit kaya siya, ang kapal ng mukhang magpaawa kay Mommy eh isa rin naman siya sa may kasalanan kung bakit ako naiinis sa kanya."

 

"Ang gaga mo kasi. Kung ako ang sinabihan na kasing sama ko yung nanay ko ng hindi ko kilala malamang tatarayan rin kita."

 

"Siya kaya yung nauna. Hindi ko naman dapat sasabihin yun kung hindi dahil sa mga mata niyang nakakainsulto."

 

"Kahit na, mali pa rin yung ginawa mo."

 

"Parehas kayo ni Mommy, ayaw niyo akong kampihan."

 

"Gaga, paano ka namin kakampihan eh ikaw naman talaga yung mali."

 

"Nadala nga lang kasi ako ng galit dahil sa mata niya."

 

"Bakit mo kasi tinititigan yung mata niya. Ikaw ha, baka iba na yan." Kiniliti niya ako at tinapunan ng nakakalokong ngiti.

 

Ano na namang trip ng isang 'to.

 

"Ano bang pinagsasasabi mo."

 

"Sus, ganyan nagsimula yung mama at papa ko eh."

 

"Ano bang pake ko sa love story ni mama at papa mo ha. Ang sabi ko nabibwisit ako sa Justin na yun."

 

"Talaga bang bwisit lang?"

 

"Oo naman, ano pa ba?"

 

"Sus. Hintay ka lang ng ilang araw baka mag iba na yan."

 

"Mag iba ang alin?"

 

"Yang feelings mo."

 

"Ha?"

 

"Halaman."

 

"Bwisit ka, magtrabaho ka na nga lang diyan." Sinamaan ko siya ng tingin habang siya ay tumawa lang.

 

Pagkatapos noon ay bumalik na siya sa ginagawa niya at inayos yung mga bulaklak na ibibigay ko kay Mommy.

 

"Yung usual order mo diba?" Tumango naman ako at bumalik naman siya sa pag aayos ng bulaklak.

 

Nang matapos siya ipinakita niya sa akin yung bulaklak at parehas na kaming pumunta sa cashier para magbayad.

 

Forget-me-not yung flowers na palagi kong binibili para kay Mommy. Bukod sa maganda ito, ito yung ibinilin sa akin ni Mom Zal na ibigay kay Mommy Kaifer araw araw noong nararamdaman niya ng malapit na siyang mawala. 

 

Simula noon hindi na ako pumalya sa pagbibigay ng bulaklak kay Mommy kagaya ng ginagawa ni Mom Zal before. 

 

Nasa kalagitnaan ng pagbibilang si Dane nang may narinig kaming mga yabag na papasok dito sa flower shop. 

 

Nakita ko namang napairap si Dane nang makita kung sino yung papalapit. 

 

Mukhang kilala ko na kung sino 'to. Isa lang naman yung taong kayang magpagalit kay Dane.

 

"Good Afternoon, Dane." Bati ng lalaki mula sa likod. Hinarap ko kung sino yun at wala ng iba kung hindi si Kris.

 

Sabi ko nga ba.

 

Bumalik naman yung tingin ko kay Dane pagkatapos kong malaman kung sino ang tumawag at nakita ko siyang nakayuko lang. Halatang hindi siya komportable.

 

Naramdaman kong papalapit na si Kris at bahagya akong tinulak para makaharap niya si Dane. Napaka bastos talaga.

 

Ngayon ko lang nakitang may hawak hawak pala siyang bulaklak. Naglabas siya ng pitaka at binayaran ang bulaklak kay Dane. Pagkatapos nun binigay niya ang binili niyang bulaklak sa kaibigan ko na siya namang tinanggap ni Dane.

 

Nagdadalawang isip siya kung tatanggapin niya o hindi pero alam niyang hindi siya titigilan ni Kris kaya't tinanggap niya na lang.

 

Pilit na kinakausap ni Kris si Dane kahit na halata namang ayaw siya nitong kausap.

 

Napaka tigas talaga ng bungo nitong Kris na 'to, ilang beses na ngang binasted nagpatuloy pa rin sa panliligaw. 

 

Ilang beses ng pinamukha sa kanya ni Dane na hindi siya nagkakagusto sa lalaki pero hindi pa rin tumigil 'tong isang 'to. Akala niya kinagwapo niya yung ginagawa niya.

 

Kapag talaga umuwi na si Vien dito makikita niya yung hinahanap niya. 

 

Si Vien yung babae kong kaibigan simula pagkabata na nanliligaw kay Dane. Halata rin namang gusto rin siya ni Dane kaya't hindi na siya nag aapproach pa ng ibang manliligaw.

 

Ilang beses ng sinabi ni Dane kay Kris na nililigawan na siya ni Vien pero hindi pa rin natigil si Kris. Pinipilit niya pa rin ang gusto niya. Wala naman akong magawa kasi kahit anong taboy ko kay Kris ayaw pa rin niyang tigilan si Dane. 

 

Halos dito ako namamalagi sa flower shop nila Dane para na rin mabantayan siya. Baka kasi kung anong gawin ng lalaking 'to kay Dane pag naiwan siyang mag isa. 

 

Mahirap na, lalo na't lubos na mayaman si Kris kaysa kay Dane. Kaya niyang gawin ang lahat para lang makuha ang gusto niya. 

 

Pinapanalangin ko na lang na bumalik na ulit sila Vien di

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
idkhtwags

https://youtu.be/dYRITmpFbJ4

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 13: huy huhueksjgskdhsjshs kinikilig ako gagi
yujjiman
#2
Chapter 13: HOY MGA BAACCLAAA
BleuHyacinthJ
#3
Chapter 13: Kinikinilig ako aaaccckkkk ang ganda mo daw acclang denial na kaizel!
Srryitzjstme #4
Chapter 12: Welcome backkkkk
Moonsun_daphyyy11 #5
Chapter 12: I missed this story hehe. Welcome back po, author! Thanm you for this update 💕
BleuHyacinthJ
#6
Chapter 12: Grabe buti naalala ko Pa nangyari sa last chap hahahaha miss ko na sila, salamat po sa ud! Welcome backkk
Jiminez #7
Namisssss ko tooooooo
Xxzakixx #8
Chapter 10: Ahhh srsly i love rina T_T
yujjiman
#9
Chapter 10: kinikilig ako aaacjkkskdhdjshdks
apple_taters
#10
Chapter 10: delikado na kayo grabeng kilig na yan