Pangalawang Paglubog ng Araw: Kaizel's

Flowers and Sunsets
Please Subscribe to read the full chapter

We were currently in the kitchen eating out breakfast when I heard a knocking sound coming from the door. 

 

Mommy Kiafer was about to stand up but I stopped her.

 

"Ako na lang po yung magbubukas ng pinto." Tumango siya at ngumiti. 

 

Tumayo na ako at pumunta na sa pinto. Hindi pa rin tumitigil sa pagkatok yung nasa labas kaya't medyo naiirita na ako.

 

"Oo na, sandali lang!" Sigaw ko na siya namang kinatahamik noong nasa labas.

 

Bago ko buksan ang pinto ay sinilip ko muna sa bintana kung sino ang kumakatok.

 

It's Justin. 

 

It's time to be childish again. 

 

Kagaya ng kahapon, hinayaan ko lang siyang kumatok. Palakas na ng palakas yung katok niya na para bang masisira na niya yung pintuan namin.

 

"Kaizel, open the door." Pumunta siya sa bintana at tinignan ako. 

 

Ayan na naman yung mata niyang nanunusok. Alisin ko yan eh.

 

I sticked out my tongue to na siya namang kinaliit ng mata niya lalo.

 

Umalis na siya sa bintana at akala ko ay uuwi na siya pero hindi pa pala.

 

Pumunta siya sa pintuan at binuksan itong mag isa nang hindi nagpapaalam. 

 

Hindi ko siya napigilan at nagtuloy tuloy na siya sa pagpasok hanggang sa makita niya si Mommy sa kitchen.

 

Bwisit, naisahan ako dun ah.

 

Sumunod na ako sa kanya at padabog na naglakad. Nakarating na ako sa kitchen at nakitang nakaupo na katabi ni Mommy si Justin.

 

Ang kapal ng mukha, inagawan pa ako ng pwesto.

 

"Mommy, tignan mo yang babaeng yan oh. Pumasok nang hindi nagpapaalam." Umiling naman ang ulo ni Justin at nagpatuloy na sa pagkuha ng kanin at ulam. 

 

"Ako ang nagpapasok sa kanya Kaizel, I texted her kanina na sumabay ng kumain sa atin." Nakita ko namang nagpipigil ng tawa si Justin nang marinig yung sinabi ni Mommy.

 

Halatang nangiinsulto.

 

Pinandilatan ko naman siya ng mata at umupo na sa pwesto na katapat ng kay Mommy.

 

Tumahimik na lamang ako at kumain na.

 

Naunang natapos si Mommy at pumunta muna sa kwarto niya.

 

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin kaming kumaing dalawa ni Justin demonyo at kukunin ko na sana yung pitsel at yung isang baso na hindi pa nagagamit para uminom nang maunahan niya ako. 

 

Wala naman akong nagawa at pinaubaya yun sa kanya kahit na nauuhaw na ako.

 

Halatang nambi bwisit siya dahil binagalan niya yung pagkuha ng tubig habang ako ay nakatingin lang ng masama sa kanya.

 

Nakatingin lang ako sa kanya na punuin ang baso na akala ko ay para sa kanya ngunit nabigla na lang ako ng binigay niya ito sa'kin.

 

"Water, you seem very thirsty. Kanina ka pa nakatingin." Inabot niya yung baso sa akin na tinitigan ko lang.

 

"Anong gagawin ko dito?"

 

"Pukpok mo sa ulo mo."

 

"Ginagago mo ba ako?"

 

"Of course it's for you to drink. Ang bobo."

 

"Tangina mo."

 

"Here, drink it." Nilagay niya sa palad ko yung baso na siya namang kinuha ko. Mahirap na baka mabasag pa dahil sa kaartehan ko 

 

Nagdalawang isip pa ako kung iinumin ko o ano kasi baka may ginawa siyang masama sa baso pero sa huli ininom ko na rin. 

 

Nakita ko naman siyang tumayo at kumuha ng panibagong baso niya. Pagkatapos ay bumalik ulit siya sa kinauupuan niya at uminom ng tubig.

 

"Aren't you going to thank me?"

 

"Para saan?"

 

"Because I let you drink first?"

 

"Bobo ka ba? Bakit kita papasalamatan eh sa akin naman dapat yung baso na yun."

 

"It wasn't yours, you didn't put a name on it."

 

"Sa amin bahay 'to tanga. Odi technically akin rin yung mga gamit dito."

 

"Okay, you win." Tinaas niya yung kamay niya na parang nagsusurrender at tumawa.

 

Nakatitig lang ako sa kanya pagkatapos marinig yun. 

 

Bakit ganito yung nararamdaman ko.

 

Why is my heart beating so fast after hearing her laugh?

 

Bakit.

 

Bakit mas lalo siyang gumanda habang tumatawa.

 

I brushed off that thought when I realized what I have been saying.

 

Hindi, ang pangit niya.

 

Mukha siyang demonyo.

 

Sobrang nakakainis siya.

 

Guni guni ko lang yung nararamdaman ko ngayon.

 

"Ang pangit mong tumawa." Tumigil naman siya sa pagtawa at tinignan ako. Ngayon naningkit yung mata niya pero hindi dahil sa galit. Naningkit lang kasi nakangiti siya.

 

"I saw you staring at me while I was laughing. You're not good at lying."

 

"Napaka kapal ng mukha mo!"

 

"I was staring at you kasi napapangitan ako sa'yo."

 

"So you admit it, you were staring nga." Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

 

Hindi ako sanay, mas okay na pala yung seryoso siya.

 

Pakiramdam ko sasabog na yung puso ko sa lakas ng kabog.

 

"Hindi nga, ang kulit mo!"

 

"Wew." Tumahimik na naman yung paligid.

 

Lumipas ang isang minuto nang may nagsalita na naman.

 

"Sorry." Napatingin naman ako sa kanya noong narinig ko yun. 

 

I just stayed quiet, waiting for her to say what she was going to say.

 

"For yesterday." Tumango naman ako.

 

"Okay lang, it was my fault rin."

 

"Pero kung inaasahan mo na magsosorry ako, hindi. Hindi ako magsosorry kasi nabibwisit pa rin ako sa'yo." Tumawa naman siya dahil dun.

 

Bakit ba tawa ng tawa 'to ngayon. 

 

Ayaw ko siyang tumawa, gusto ko siyang magalit sa akin. Mas gusto kong mabwisit sa kanya para wala akong rason na magustuhan ang ugali niya.

 

"Anong tinatawa tawa mo diyan? Naiinis nga ako sa'yo oh, bawal kang tumawa."

 

"Wala lang. Kapag pinatulan kita it's like I'm having an argument with a child."

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
idkhtwags

https://youtu.be/dYRITmpFbJ4

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 13: huy huhueksjgskdhsjshs kinikilig ako gagi
yujjiman
#2
Chapter 13: HOY MGA BAACCLAAA
BleuHyacinthJ
#3
Chapter 13: Kinikinilig ako aaaccckkkk ang ganda mo daw acclang denial na kaizel!
Srryitzjstme #4
Chapter 12: Welcome backkkkk
Moonsun_daphyyy11 #5
Chapter 12: I missed this story hehe. Welcome back po, author! Thanm you for this update 💕
BleuHyacinthJ
#6
Chapter 12: Grabe buti naalala ko Pa nangyari sa last chap hahahaha miss ko na sila, salamat po sa ud! Welcome backkk
Jiminez #7
Namisssss ko tooooooo
Xxzakixx #8
Chapter 10: Ahhh srsly i love rina T_T
yujjiman
#9
Chapter 10: kinikilig ako aaacjkkskdhdjshdks
apple_taters
#10
Chapter 10: delikado na kayo grabeng kilig na yan