Pang-apat na Paglubog ng Araw: Kaizel's
Flowers and SunsetsIsang oras na kami sa ganitong posisyon, ako nakaupo na nanonood ng tv habang yung demonyo ay nasa lap ko, natutulog. Itinigil ko na rin ang pagpipilit sa kanya na umalis sa pagkakahiga sa lap ko kasi nga wala na rin namang use at saka mukhang puyat talaga siya, kawawa naman kung gigisingin ko pa.
Tiniis ko nalang yung bigat ng ulo niya kahit na may urge akong kumuha ng isa pang unan at idiin ito sa mukha niya para hindi na siya makahinga.
I also tried my best to not stare at her while she's asleep. It's not that I like staring at her.
Hindi nga ba talaga, Kaizel?
Hindi.
Hindi ko siya gustong titigan. Hinding hindi ko talaga gustong titigan yung maganda niyang mukha, yung mahaba niyang pilik mata, yung matangos niyang ilong, yung labi niyang sobrang pula, hindi ko talaga yun gustong titigan.
Hindi talaga.
Kaya nga naka focus na lang ang tingin ko dito sa film na 'to kasi nga ayaw kong dumako yung tingin ko sa nakakasuka niyang mukha. Oo yun nga, nasa film talaga yung attention ko all this time. Oo nasa film.
So manonood na ako ng film. Tama manonood ng film.
Ayun nga, I tried to focus on watching the film when I felt Reimonyo's head moving on my lap. Tinignan ko ang paggalaw ng kanyang ulo at hindi inaasahan ang biglang pagdilat ng kanyang mata.
Medyo malapit ang mukha ko sa kanya kaya't ako ang una niyang nakita pagkamulat pa lamang niya ng kanyang mata at yun ang dahilan kung bakit siya dali daling umalis sa pagkakahiga sa lap ko.
"Sorry sorry sorry." Sabi niya habang bina bow yung head niya.
"Pangit mo." Inirapan ko siya at tumayo na sa kinauupuan ko at nag stretch.
Ang sakit ng katawan ko bwisit.
"Okay ka lang?" Tumingin ako sa kanya at tinignan siya ng masama.
"Sa tingin mo okay lang ako? Sa bigat ba naman niyang ulo mo na nasa lap ko for more than an hour paano ako magiging okay nun?" Nabibwisit na sabi ko habang patuloy pa rin sa apg stretch ng katawan.
Hindi ako oa, sobrang sakit talaga ng katawan ko dahil sa pagkakahiga niya kanina. Ang bigat niya kaya!
"Sorry sorry, I'll make it up to you na lang." Pagkatapos sabihin yun ay tumayo siya at pumunta na sa kitchen.
Nagtaka naman ako sa inakto niya at sinundan siya sa paglalakad papuntang kusina.
"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya habang siya ay tumitingin ng kung ano sa ref namin.
"Magchechess." Binatukan ko naman siya dahil dun na ikinatawa niya lang.
"Gago ka ba? Nagtatanong ako ng maayos tapos namimilosopo ka na naman."
"What am I going to do sa kitchen? Malamang I'll cook." Umalis na siya sa harap ng ref na may dala dalang ingredients.
"Pwede naman pa lang sagutin namimilosopo ka pa."
"As if you're not like this when I'm asking you a question."
"Sumasagot ka pa talaga?"
"Why are your head so hot na naman ba?" Hindi pa rin siya tumitingin sakin at nagcyt na ng mga ingredients na gagamitin niya to cook.
Ang kapal ng mukha niyang itanong yun. Parang walang nagawang kasalanan ah.
"Wow, ang lakas mo namang magtanong niyan eh natulog ka lang naman ng ilang oras sa lap ko without my consent. Tapos magtataka ka kung bakit nabibwisit ako sayo ngayon?"
"Kaya nga I said that I'll make it up to you diba?"
"Ano bang ginagawa mo ha?"
"Nagluluto nga."
"Para saan?"
"Para satin."
"Para?"
"Kainin."
"Ang galing mo talagang kausap no?"
"What?"
"Nakakabwisit ka."
"I know, I know." Pagsang ayon niya na lamang at bumalik na sa ginagawa niya.
Hindi na ako nagsalita ulit dahil wala na ako sa mood para makipag argue dahil sa sakit na nararamdaman ng katawan ko. Aalis na sana ako para mahiga ngunit pinigilan niya na naman ako.
"Stay here. Huwag kang papasok sa room mo." Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod dahil wala na rin naman akong kapana panalo sa kanya.
Ang sakit talaga ng katawan ko nakakainis.
Nanatili ako nakaupo dito sa kitchen habang nagluluto si Reimonyo. Hanggang sa matapos siyang magluto ay nakahawak lang ako sa binti ko habang ngumingiwi dahil ang sakit talaga.
Natapos na siya at inihanda na yung niluto niya para sa tanghalian namin.
Adobo, yung favorite ko. Nagluto siya ng favorite ko para mag apologize kaso hindi ko ma appreciate dahil nga sa hapdi na nararamdaman ko sa binti ko.
Nakaupo na kami, magkaharap kami ngayon at parehas na tahimik lang. Naramdaman ko na naman ang hapdi sa binti ko na dahilan para mapasigaw ako sa sakit.
Nagawi naman ang tingin ni Reimonyo sakin at halata ang concern sa mukha nito.
"What happened?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain kahit na gustong gusto ng humiwalay ng binti ko sa katawan ko.
"Hey?"
"Don't talk to me. Ikaw may dahilan kung bakit ang sakit ng binti ko tapos ngayon ka kaawaan mo akong ganyan?"
"Sorry. I didn't mean to."
"Mukha mo!" Sabi ko at tinapos na ang pagkain at pag inom ng tubig. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga.
"Hey."
"Huwag mo nakong intindihin! I'll be fine. Gusto ko lang magpahinga." At tuluyan ng umupo sa higaan ko. At pagkatapos ng ilang minuto ay natulog na rin.
Bwisit na yan, hindi ko magawang magalit sa kanya kasi ang sarap ng lasa nung adobong niluto niya.
Makatulog na nga lang.
-
Pagkatapos ng hindi ko alam na oras ay bumangon na ako mula sa aking pagkakahiga. Nag unat ako ng mga kamay at mga paa.
Mabuti naman ay hindi na masakit ang mga binti ko. Tulog lang pala ang nagpapagaling dito, buti na lang pinayagan na ako ni Reimonyo kanina.
Si Reimonyo. Ano kayang ginawa niya after
Comments