Unang Paglubog ng Araw: Kaizel's

Flowers and Sunsets
Please Subscribe to read the full chapter

 

Lunch was over and I was about to go to my room when Mommy Kaifer called me. 

 

"Anak, favor naman. Can you give this to Justin? Baka kasi hindi pa kumakain yun eh." I stared at her in disbelief and hurriedly shook my head.

 

 Ayaw ko ngang makita yung babaeng yun. Hayaan niyo siyang magutom diyan.

 

"Please?" 

 

"Mommy naman eh, sabi kong ayaw kong lumapit dun."

 

"Ngayon lang naman. I'm currently on a phone call eh, hindi ko naman 'to pwedeng idrop. Mabilis lang naman, ibibigay mo lang yung food then go home na."

 

"Wala ba siyang kamay para pumunta dito?"

 

"I still don't have her phone number kaya hindi ko siya macontact. And for sure she's still tired dahil sa byahe niya."

 

"Kaizel, please?"

 

Wala na akong magagawa. Parang ang inconsiderate ko naman kung hindi ako papayag lalo na't Mommy Kaifer's busy today.

 

Kinuha ko yung tupperware sa kamay niya.

 

"Thank you."

 

I just nodded and smiled back saka umalis.

 

Hindi ko alam bakit ako nagkakaganito. 

 

I know this isn't right. 

 

Yung mainis sa taong hindi ko pa naman lubos na nakikilala but who could blame me. 

 

Yung mommy niya yung dahilan kung bakit hanggang ngayon bagsak ang confidence level ni Mommy Kaifer. 

 

Lalo na ngayon wala na si Mom Zal para icomfort siya.

 

Natanim ko na sa utak ko na katulad siya ng mommy niya. 

 

Alam kong hindi na magbabago yun.

 

Kasalukuyan na akong nasa tapat ng pinto ng bahay ni Justin.

 

Inayos ko muna ang aking sarili, para naman hindi mahalata ang inis ko at pagkatapos ay kinatok na ang pintuan.

 

Ilang minuto na akong kumakatok pero wala paring sumasagot.

 

Nagsimula ng kumulo ang dugo ko.

 

Kinatok ko ulit ang pintuan niya hanggang sa lumakas na ito ng lumakas pero wala pa ring sumasagot.

 

This girl is really testing my patience. 

 

Kapag talaga hindi niya pa binuksan 'tong pinto hahayaan ko nalang siyang magutom mag isa.

 

Isa pang katok at salamat naman ay binuksan na ng babaeng ito ang pintuan niya.

 

In front of me stood a figure of a girl inches taller than me and she's looking at me with furrowed eyebrows that made me fuel in anger.

 

Siya pa may ganang magalit eh ako yung pinaghintay niya dito sa labas. Ang init init pa naman.

 

"I hate you." Nakita ko naman na biglang nagbago ang ekspresyon niya. Nagulat dahil sa sinabi ko.

 

Tinignan niya lamang ako nang parang walang kabuhay buhay at bumalik na sa loob ng bahay niya.

 

Leaving me alone here in front of her door.

 

Mas lalo akong nagalit dahil dun.

 

"Pareho kayo ng mommy mo. Ang sama ng ugali niyong dalawa." That made her stop in her trance and turn around to look at me.

 

Blangko pa rin ang ekspresyon niya pero mahahalata na naapektuhan siya dahil sa sinabi ko.

 

Ngayon ko lang napagtanto na medyo sobra na yung mga salitang nabanggit ko pero wala na akong magagawa.

 

Magalit man siya sa akin wala akong pakialam.

 

Galit rin naman ako sa kanya.

 

Unti unti siyang lumalapit sa akin habang ako'y nakatayo lang dito sa pwesto ko.

 

Nandito na siya sa harapan ko at tinitigan ako nang maigi na siya namang nagpaiwas ng aking tingin.

 

She's very intimidating. Siya lang yung taong kayang pakabahin ako ng ganito.

 

Hindi nagtagal at nagsalita siya.

 

"What did you say?" Ang lamig ng pagkaka sabi niya sa mga salitang yun. 

 

I'm kind of intimidated, I won't deny that pero hindi ko pinahalata. 

 

Nanatili lang akong nakatayo habang tumitingin na rin ng masama sa kanya.

 

"Sabi ko, kasing sama mo yung mommy mo." Ulit ko.

 

Bigla naman akong kinabahan dahil nag iba na ang timpla ng mukha niya. Sobrang halata na galit siya.

 

"Who even are you to say those kinds of things to me?"

 

"Kaizel Villaflor, Mommy Kaifer's daughter." 

 

"Ngayong kilala mo na ako pwede ko na bang sabihin na ang pangit ng ugali mo?" Ubod na tapang kong sambit kahit na medyo kinakabahan na ako.

 

Kapag sinampal ako nito tatanggapin ko na lang. Alam ko namang deserve ko yun dahil sa mga pinagsasabi ko ngayon pero bahala na.

 

Pareho lang kaming naiinis sa isa't isa, pasensya na lang kung nasaktan siya.

 

"How did you know my mother?"

 

"Wala ka ng pake dun, basta ang alam ko masama yung nanay mo."

 

"You're being childish right now, you know that?" 

 

Ako childish? 

 

Totoo naman, pero syempre nainis pa rin ako nung sinabi niya yun.

 

"Ano bang pake mo kung childish ako? Palibhasa hindi mo kasi alam kung paano sinaktan nung nanay mo si mommy Kaifer ko."

 

"How did you know? Were you there when that happened?"

 

"Wala."

 

"Ayts."

 

"Ayts mo mukha mo."

 

Iniling niya ang kanyang ulo at tumalikod sa akin. Akmang iiwanan niya na naman akong mag isa nang pigilan ko siya.

 

"Huwag mo akong talikuran hoy."

 

"You've been hating me for the reason that I didn't even do and then you'll expect me to approach you nicely?"

 

"I hate you."

 

"Same."

 

Maglalakad na sana ulit siya palayo pero pinigilan ko siya gamit ang isang kamay ko, habang ang isa ay hawak ang tupperware na ibibigay ko dapat sa kanya.

 

Bigla naman siyang humarap na kinagulat ko kaya nabitawan ko yung tupperware na hawak hawak ko kanina pa.

 

"."

 

"Bwisit ka talaga. Pinapakulo mo yung dugo ko!"

 

"Bibigyan ka lang sana ng pagkain nagagalit ka pa!"

 

"What?!"

 

"What mo mukha mo!"

 

"You're so ing hard to talk to!"

 

"Ikaw nakakabwisit yang mukha mo!"

 

"Isip bata!"

 

"Demonyo!" Pinagpag ko yung kanin na natapos sa damit ko dahil sa kagagawan niya at saka tinapunan ulit siya ng masamang tingin.

 

"Bahala kang magutom diyan, bwisit yan."

 

Pagalit na sambit ko at umuwi na. 

 

Wala na rin siyang ibang sinabi at padabog rin na pumasok sa bahay niya.

 

Nakakainis, nasayang tuloy yung luto ni Mommy. Nadumihan pa yung damit ko, hayop talaga. Sabi ko na hindi ko dapat makaharap yung babaeng yun kasi baka magkaroon ng giyera.

 

Sa totoo lang mayroon part sakin na nag eexpect na iba siya sa version na nasa utak ko pero hindi pala. 

 

Tama nga yung kutob ko. Mas lalala yung nararamdaman kong galit sa oras na nakasalamuha ko yung Justin na yun. 

 

I'm now here inside our house.

 

Padabog akong pumunta sa kwarto ko nang mapansin ko si Mommy Kaifer, holding a picture of Mom Zal on her hands. 

 

Malungkot na naman siya. She always do that kapag may mga nag ooccupy na hindi magandang bagay sa utak niya. 

 

Dati, si Mom Zal yung palaging nandiyan para saluhin yung mga luha niya. Mom Zal's always there to comfort her, para makalimutan ang mga trauma niya from the past.

 

Pero noong nawala si Mom, madalas ko ng naririnig yung paghikbi ni Mommy Kaifer pag gabi. May times rin na nadadasnan ko siya sa kwarto niyo na umiiyak habang tulog. Binabanggit yung mga masasakit na bagay na ginawa sa kanya ng ibang tao from the past. 

 

I don't know what to do to comfort her. Ang kaya ko lang gawin ay ang panoorin siya at magalit sa mga taong nagsabi sa kanya ng mga masasamang salita before. Childish man kung iisipin, hindi nila ako masisisi. Mommy ko yung sinaktan nila, hindi ko sila mapapataw

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
idkhtwags

https://youtu.be/dYRITmpFbJ4

Comments

You must be logged in to comment
kwinminjeong
#1
Chapter 13: huy huhueksjgskdhsjshs kinikilig ako gagi
yujjiman
#2
Chapter 13: HOY MGA BAACCLAAA
BleuHyacinthJ
#3
Chapter 13: Kinikinilig ako aaaccckkkk ang ganda mo daw acclang denial na kaizel!
Srryitzjstme #4
Chapter 12: Welcome backkkkk
Moonsun_daphyyy11 #5
Chapter 12: I missed this story hehe. Welcome back po, author! Thanm you for this update 💕
BleuHyacinthJ
#6
Chapter 12: Grabe buti naalala ko Pa nangyari sa last chap hahahaha miss ko na sila, salamat po sa ud! Welcome backkk
Jiminez #7
Namisssss ko tooooooo
Xxzakixx #8
Chapter 10: Ahhh srsly i love rina T_T
yujjiman
#9
Chapter 10: kinikilig ako aaacjkkskdhdjshdks
apple_taters
#10
Chapter 10: delikado na kayo grabeng kilig na yan