Winter #7

Winter and I
Please Subscribe to read the full chapter
Hindi naman ako na orient na ganito pala ang definition ni Karina ng pagiging friends. Nagulat pa ako nung una sa sinabi nyang "Let's be friends." Tapos ito pala yung minimean nya. Kainis!       Kinuha nya yung number ko kahapon after ng session. Nagtaka pa ako nung una kasi ano namang magagawa nya sa number ko, diba?       Tapos na realize ko nalang yung purpose nung paghingi nya kaninang umaga. Sobrang aga syang nag-text mga beh!       Pumunta raw ako ng maaga sa court ng school or else. Sa or else talaga ako natatakot eh.       So ayun nga maaga akong pumunta ng school. Si ate nagtaka talaga kanina paglabas ko ng kwarto. Tinanong pa kung masama ba raw pakiramdam ko. Bwisit talaga si Karina.       Tapos pagdating ko sa court ng school ginawa akong water girl ng bwisit. May practice pala sila kaya nya ako pinapunta.       "Ganyan lang ba ang kaya mong gawin sa friend mo?" nakataas yung isang kilay nya habang tinitignan ako.       Binaba ko naman yung water bottle na hawak ko at kinuha yung panyo na nakasabit sa leeg nya. Tapos ako na yung nagpunas ng pawis nya. Mukhang nainis lang sya sa ginawa ko kasi namula yung leeg at mukha nya tas tinulak pa ako palayo. Bwisit talaga.       Nang magsimula na sila for another set sinabihan nya akong i-cheer ko raw sya.       "Wow! Ang galing!"       "Woooooh!"       Pinagsisigaw ko with matching palakpak pa.       Halatang nage-enjoy si bruha. Kung hindi mo lang talaga alam na may gusto ako kay Yeji hindi ka makakatikim ng ganito sa'kin.       Pagpasok ko kaninang first period tinanong ako nila Ning ba't daw pawis na pawis ako. Syempre nai-kwento ko na naman sa kanila yung about kay Karina.       Hinablot lang naman ni Ning ang buhok ko. Mahina lang naman.       "Mang-aagaw ka talaga beh!" sabi nya.       "Sige palit tayo bilis. Ikaw magpaalila kay Karina."                               Recess.       Hindi ako nakapag-recess kasi inutusan nya akong bumili ng kung ano-ano sa loob ng anim na beses. Ang pawis ko nun grabe kasi nasa field sya eh ang layo-layo ng field sa canteen!       Tapos ngayong uwian.       "Win sabay ka na ba sa'min?" tanong ni Gi habang inaayos yung bag nya.       "Una nalang kayo. Tinawagan ako ni Karina. Puntahan ko raw sya sa court." walang ganang sabi ko.       Naubos na talaga energy ko kanina pa.       Napabuntong hininga si Gi at tinapik ang balikat ko.       "Kita nalang tayo tomorrow. Text mo kami kapag naka-uwi ka na." sabi nya.       "Winter gusto mo samahan kita pwede akong substitute mo--Aray! Sandali lang Giselle!" hindi na nakapagsalita pa si Ning ng tuloy-tuloy lang syang hinatak ni Giselle palabas ng room.       Inaayos ko na yung gamit ko ng nag-vibrate ulit cellphone ko.       'Bilisan mong pumunta rito or else!'       Ayan na naman yang or else na yan bwisit talaga.       "Nakakainis ka Karina!" sigaw ko bago ako tumakbo papuntang court.       "Para kang tuta. Ba't hingal na hingal ka?" tanong nya ng makarating ako sa harap nya.       Prenteng naka-upo sya sa bleacher nitong court at hawak-hawak yung bolang ginagamit nila tuwing practice.       "Sabi mo bilisan ko." sagot ko.       "K, ayusin mo pala mga yan. Binilin kasi sa'kin ni Captain na ayusin ang mga gamit namin bago umuwi." tinuro nya yung mga nagkalat nyang gamit at ilang bola na nagkalat sa semento.       "Seryoso ka ba?! Ikaw naman pala inutusan ba't ako pinapagawa mo?" naiirita ako. Talagang tinawagan nya ako para lang sa ganito?       "Mukha bang hindi? Ayusin mo na bilis!"       Malalim yung pinakawalan kong buntong hininga. Nang-iinis talaga sya.       Lumapit na ako dun sa may nagkalat nyang gamit at nagsimulang mag-ligpit. Sya naman ay naka-upo lang at nilalaro-laro yung bolang hawak nya.       Kainis talaga sya.       Pinasok ko lang ng pinasok mga gamit nya sa loob nitong bag nya. Bahala sya.       Tahimik lang kaming dalawa habang ginagawa ko yung utos nya tas minsan ginugulo nya ako.       "Winter tignan mo!" tawag nya. Tinignan ko naman yung ginagawa nya.       Paulit-ulit nya lang naman tinotoss yung bola tapos sasaluhin. Yung volleyball style ng pagsalo.       "Galing!" tapos malakas pa yung palakpak ko.       Parang ewan din tong si Karina eh.       Ngiti ngiti lang sya habang nagpa-practice ng tossing.       Napatitig naman ako sa kanya.       "Alam mo Karina dapat lagi ka lang naka-ngiti. Ganda mo kaya."       Hindi ko mabasa yung reaksyon nya ng tumingin sya sa'kin. Sobrang seryoso kasi ng mukha nya.       "Ayoko." yan lang yung sinagot nya matapos ang ilang segundo.       Napairap nalang ako.       "Mas bagay nga sayo yung nakangiti eh." bulong ko nalang tas pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko.       Matapos kong ilagay yung last ball sa bleacher ay tinignan ko na yung oras sa relo ko.       7 pm na!       Lagot ako kila ate!       "Karina.." tawag ko.       Nakalean sya sa bleacher tapos naka pikit ang mga mata.       "Ano?" tanong nya habang nakapikit padin.       Himala di sya sumigaw.       I cleared my throat.       "P-pwede na ba akong umuwi?" tanong ko.       Bumukas naman agad ang mga mata nya at tinignan ako ng masama.       "Bawal pa."       Eh?       "Kantahan mo muna ako." sabi nya.       Nanlaki naman ang mga mata ko sa utos nya.       "P-pero Karina baka umulan."       Mas sumama yung tingin nya.      
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjdumpx #1
WINJI 😮😮😮😮😮😮
ASDRFV #2
welcome back!! one of the first fanfic i have read
oofiee 1043 streak #3
Chapter 9: ok nireread ko lang... medj bully si karina pero i still feel sad na sa future chaps karina will feel unwelcomed enough to consider leaving (iirc)
yujiverse
#4
Chapter 25: Binasa ko ‘to for winji pero hng winrina…
lovebreaks #5
author, where's the update po?? 😭
stillintoyu
193 streak #6
Chapter 25: UMAMIN KA NA KASE RINA
lovebreaks #7
Chapter 25: ackksjdjksk nakumpirma mo na winter ha. pero lagot aalis si karina 😩
taytaysbetty
#8
Chapter 25: Oh, ang cute ng chapter na 'to ngayon... tapos biglang angst naman later on kasi aalis na si Karina. 😥

Tsaka ANONG MUNTIK MO NANG MAKALIMUTAN?! 😭
lokonaba
#9
Chapter 25: HAHHHHA KAKATAMPO YUNG LAST LINE OTOR OO chos
oofiee 1043 streak #10
Chapter 25: ayan alam m na, pero aalis na sya jk