Winter #4

Winter and I
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

  "Beh naiinis na talaga ako sayo! Ba't laging ikaw nalang nakakasama ni Karina?!" hinampas hampas nya pa talaga ako.   Syempre chinika ko na naman sa kanila yung nangyari kahapon.   "Hoy, kung alam mo lang kung gaano kasama ang ugali nyang Karina mo. Kaka-kwento ko palang diba. Ang sakit nyang magsalita." sabi ko.   "Totoo naman yung sinabi sayo ni Karina." napatingin ako kay Giselle.   "Wow, team Karina na pala kayo ngayon." sarkastiko kong sabi.   Nagmake face lang sa'kin si Gi.   "Loser ka naman talaga. She's just stating your place. Bago ka lang naman nga sa kanila at wala ka pa sa lugar para maki-alam sa kung ano man ang nangyayari sa kanila." sabi nya pa.   Napasimangot ako.   "Truth hurts diba?" hinampas ko si Ning. Walang magandang dulot to.   "Alam ko naman yun. Ang sa'kin lang concern lang kasi ak--"   "Kahit na maging super concern ka pa it's not your place parin to step in. Diba sabi mo kontento ka na sa mga simpleng bagay lang? Then you shouldn't let yourself involved sa mga iba pang bagay." natahimik naman ako sa sinabi ni Gi.   Masyado na ba akong nawiwili at nakakalimutan ko ng dapat hangang tingin lang ako? Hangang paghanga lang sa malayo ang dapat na gawin ko?   "Sinasabi ko lang to kasi kaibigan mo ako Winter. Ikaw ang reality Winter at ang mga katulad nila Yeji ang ilusyon. Masasaktan ka lang kapag mas napalapit ka pa sa kanila."   Napabuntong hininga nalang ako.   Tama nga naman si Giselle.   "Class!"   Mabilis naman kaming nagsibalikan sa kanya kanya naming upuan ng pumasok si Sir Hugo.   "Diretso na kayo sa court para sa practicum nyo." pag-aanunsyo nito.   Ay practicum pala ngayon sa P.E.   Mabilis naman kaming nagsitayuan. Excited lang naman ang lahat kasi kalaban ng section namin ang section 1.   "Oh, ba't parang pati kayo excited?" tanong ko sa dalawa na parang mga ewan kong maka-ngiti.   "Kasi kalaban natin section nila Karina!" parang kinikilig na sabi ni Ning.   Tinignan ko naman si Gi.   "Oh, ikaw, ba't excited?"   "Kasi maglalaro si Ning. I'm excited to see kung paano nya saluhin yung bola gamit ang mukha."   At nagsimula na silang mag-away.   Napa-irap nalang ako habang nakasunod sa kanilang dalawa. Naka-angkla sa braso ko yung braso ni Gi. Habang si Ning naman ay nauna pang lumabas kesa sa class president namin.   Chineck ko nalang ulit kung nakatali ba ng maayos yung jacket sa waist ko. Ang iksi-iksi kasi ng P.E shorts namin.   Speaking of P.E uniforms. Excited na akong makita si Yeji my labs na nakasuot nito.   Aaaack!   Kinikilig na agad ako. I'm sure na sobrang ganda ni Yeji.   Nang makarating kami sa court naka pwesto na agad ang mga players ng Section 1. Di naman halatang prepared.   Hinahanap agad ng mga mata ko si Yeji my labs.   Naka-upo lang sya sa bleachers kasama si Lia. Hindi ba sya maglalaro? Sa bagay...ni hindi ko pa sya nakitang mag-participate every P.E activity.   Pinagmasdan ko silang dalawa. Sa totoo lang may chemistry sila. Bagay nga sila actually.   Para naman akong nalungkot. Totoo kaya yung kumakalat na chismis noon na...na may something sa kanila ni Lia.   "Hoy! Pwesto na." natigil naman ako sa pag-iisip ng may magsalita malapit sa'kin.   Nasan na sil--naka pwesto na agad ang magagaling kong friends. Ni hindi man lang ako sinabihan.   Napatingin ako sa players ng Section 1.   Wow.   Natigilan talaga ako ng makita ko si Karina sa kabilang bahagi ng court.   Sya na ang may y na katawan.   Oh my god!   Inamin ko bang y sya?   No!   I mean...oo maganda yung katawan nya. Yung P.E uniform namin masyadong nahulma yung body proportion nya.   WTF!   Sinabi ko bang nahulma? Sinampal ko mentally yung sarili ko. Nagiging makasalanan ako.   Nagtama yung mga mata naming dalawa at bigla nalang akong nakaramdam ng chills at matinding kaba.   She smirked!   Ngumisi sya mga beh. At aaminin ko ang ho--gunshot!   Umiwas agad ako ng tingin at lumapit sa pwesto ni Gi kung saan malayo sa sight nya.   Maglalaro sya. Jusko pano nalang kong ako ang maging target nya kasi galit sya sa'kin? Tapos di lang ako sa court mapalabas kundi sa earth mismo? Ang lakas kaya nyang bumato. Varsity yan eh.   Nagsimula na nga ang game.   Dodgeball.   Masyado kaming distracted. Bukod sa ang ganda nila Karina at Ryujin. Yung tili ni Ningning everytime papunta sa kanya ang bola grabe.   Malapit na nga kaming matalo. Jusko kanina pa lagas na lagas ang team namin. Pano ba naman si Karina at Ryujin nakakatakot umasinta.   Speaking of asinta.   Nanalangin na ako sa lahat ng Santo. Ilayo nyo po ako sa kademonyohang nasa utak ngayon ni Karina.   Ayoko ko yung tingin nya sa'kin habang hawak-hawak nya yung bola at nilalaro-laro ito.   Naka-survive na ako ng ganito katagal. Grabeng effort ng pag-iwas pinag-gagawa ko.   Pero natatakot talaga ako lalo't si Karina ang may hawak ng bola.   Yung bolang gamit pa naman ay yung puting bola na gamit sa volleyball.   Nanlaki ng bongga ang mga mata ko ng tinaaas nya na yung kamay nya.   Gumalaw-galaw na ako syempre. Di baleng mag-mukha akong engot wag lang akong madala sa clinic.   Bwisit ako nga ang target ni gaga.   Sobrang bilis ng pangyayari. Nakita ko nalang yung bola sa harap ko. Pano nya naibato agad yun?   Nahihilo ako bwisit.   "Winter?!"   Kaninong boses yun?   Natumba yata ako.   "Karina gago yung ginawa mo!" si Ryujin ba yun?   "Rina sumosobra ka na." parang boses yun ni Lia.   Ang dami na ng boses na naririnig ko. Nahihilo ako lalo.   Naramdaman ko nalang ang sarili ko na umaangat mula sa malamig na semento ng court.   Kinukuha na ba ako ng langit?   "Tabi!"   Pinilit ko talagang tignan yung nagsalita.   "Stay still."   "Y-yeji?"   "Yes, it's me."   Okay pwede na ako mawalan ng malay.                     Ang sakit ng ulo ko.   Nasaan ba ako? Diba nasa court kami?   "Hey wag ka muna masyadong gumalaw." nawala naman yung sakit na nararamdaman ko ng marinig ko ang boses nya.   Binato nga pala ako ng walang hiyang Karina na yun.   "Pabalik na siguro yung friends mo at si Lia." sabi nya.   Pinilit ko namang bumangon. Kaagad naman syang lumapit sa'kin at tinulungan ako from my struggle.   "San sila pumunta?"   "Canteen. Your friend Giselle kasi sinabi na baka gutom ka pag nagising ka na." mahinang tumango ako sa sinabi nya.   "Ba't ka pala nandito at si Lia? Diba may klase kayo?" tanong ko.   Nag-aalala ako baka kasi naabala ko sila.   "We're excused. By the way, I'm sorry sa ginawa ni Rina."   Nakaramdam naman ako lalo ng inis. Ba't ba iba nalang lagi ang nagso-sorry para sa kanya?   "Hindi naman ikaw ang may kasalanan kaya di ka dapat ang nagso-sorry." inis na sabi ko.   "I know but I just feel obliged kasi kaibigan ko si Rina and may nagawa sya sayong di maganda." sabi nya.   Bumukas naman
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjdumpx #1
WINJI 😮😮😮😮😮😮
ASDRFV #2
welcome back!! one of the first fanfic i have read
oofiee 1043 streak #3
Chapter 9: ok nireread ko lang... medj bully si karina pero i still feel sad na sa future chaps karina will feel unwelcomed enough to consider leaving (iirc)
yujiverse
#4
Chapter 25: Binasa ko ‘to for winji pero hng winrina…
lovebreaks #5
author, where's the update po?? 😭
stillintoyu
193 streak #6
Chapter 25: UMAMIN KA NA KASE RINA
lovebreaks #7
Chapter 25: ackksjdjksk nakumpirma mo na winter ha. pero lagot aalis si karina 😩
taytaysbetty
#8
Chapter 25: Oh, ang cute ng chapter na 'to ngayon... tapos biglang angst naman later on kasi aalis na si Karina. 😥

Tsaka ANONG MUNTIK MO NANG MAKALIMUTAN?! 😭
lokonaba
#9
Chapter 25: HAHHHHA KAKATAMPO YUNG LAST LINE OTOR OO chos
oofiee 1043 streak #10
Chapter 25: ayan alam m na, pero aalis na sya jk