Winter #6

Winter and I
Please Subscribe to read the full chapter
    "Anong drama yan? Diba ako dapat mag-drama dito kasi hindi sya sa'kin napunta?!" nakasimangot na sabi ni Ning.   Hindi pa kami nakakaalis ng room kasi natatakot talaga akong pumunta sa room ng section 1.   "Ang swerte mo talagang bakla matititigan mo na naman si Karina."   "Baliw ka! Pano ko titigan yun eh baka nga mawalan ako ng mata bago ko pa sya matignan." sabi ko.   Sinubsob ko yung mukha ko sa desk. Bakit naman kasi sa lahat ng student na meron ang section 1 bakit kay Karina pa?!   "Okay na naman kayo diba? Anong kinakatakot mo dyan?" tanong ni Gi. Ito magaling lang tong magsalita porket di kasama sa one on one session.   "Okay na nga kami pero kasi! Sobrang bipolar ng babaeng yun baka imbes na mag-aral, magsabunutan lang kami eh." napabuntong hininga nalang ako.   Mukhang mas lalo akong maiiwan sa bottom list eh.   "Wag ka ng mag-isip ng kung ano dyan. Tumayo ka na at kailangan na nating pumunta sa room nila." sabi ni Ning sabay tayo mula sa seat nya.   "Gusto ko ng masampal si Chenle. Subukan nya lang talagang lait-laitin ako!" nanggi-gigil na sabi nito.   Tumayo na kami at naglakad palabas ng room. Pinabaunan lang kami ni Gi ng isang goodluck.   Malapit na kami sa pinto ng room nila Karina ng huminto ako. Ngayon lang kasi sya pumasok sa isip ko.   SINO ANG NAKABUNOT SA NAME NI YEJI MY LABS?   Hinatak nalang ako ni Ning kasi hindi parin talaga ako gumagalaw.   "Winter!" si Lia agad ang bumati sa'min pagkapasok namin sa room.   "Hi Lia. Si Ningning nga pala bestfriend ko." nag hi naman sa kanya si Ning na parang na starstruck yata sa ganda ni Lia.   "Sige punta na kayo sa partner nyo." nakangiting sabi nya.   Nagpaalam narin sya samin dahil may aasikasuhin daw silang mga member ng student council.   Natuwa naman ako ng konti kasi ibig sabihin kasama nya si Yeji. Ibig sabihin walang nakabunot sa name nya.   "Puntahan ko na si Chenle na mukhang inaantay na yung palad kong dumapo sa pisngi nya." paalam ni Ning at naglakad na nga palapit sa upuan ni Chenle.   Ako naman eh huminga muna ng malalim at nagdasal ng taimtim bago hanapin kung saan man naka-upo si Karina.   Ayon nga sya. Naka-upo sa bandang dulo ng room. Sa totoo lang ang ganda ganda ni Karina kapag ganyan sya. Tahimik at naka-upo lang sa tabi. Sana ganyan nalang sya lagi.   Lumapit na ako sa kanya.   Napansin nya naman ako. Talagang di nya man lang finilter yung pagka-asiwa sa mukha nya.   "Ang malas ko naman." sabi nya.   Tinignan ko lang sya ng masama bago umupo sa chair na provided para saming mga taga section 3.   "Let's start with English." bored na sabi nya.   Ano ba naman yan start agad. Wala man lang warm up.   "Wala ka manlang bang pa motivation dyan? Di pa ako ready." sabi ko.   Tumalim naman yung tingin nya sa'kin.   "Babatuhin ulit kita ng bola kapag hindi ka magseryoso sa session na to. Enough na bang motivation yan?"   Napasimangot naman ako sa kanya. Kainis talaga ugali nito.   "Fine. Sige na nga go na."   "Let's start with the basic. Name the 8 parts of speech."   Kumunot ang noo ko. Tinuro ba to? Nasabi ba to sa'min ni Ma'am?   "P-parts of speech?" paninigurado ko.   Tumaas lang yung isang kilay nya. Napalunok naman ako. Kabado ako mga bente.   "Ah.."   Okay hinga malalim.   Natatandaan ko na.   "N-noun, p-pronoun tapos..verb, adverb..." tinignan ko muna sya. Grabe namang tingin yan parang bawal magka-mali.   Hindi ko na talaga matandaan yung iba.   "Pwede bang apat lang muna next time na yung apat na natira hehehe."   Napalunok talaga ako nang bongga nung tinaas nya yung kanang kamay nya at sinuklay yung buhok nya. Tapos umayos sya ng upo paharap sa'kin tapos masama akong t
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjdumpx #1
WINJI 😮😮😮😮😮😮
ASDRFV #2
welcome back!! one of the first fanfic i have read
oofiee 1043 streak #3
Chapter 9: ok nireread ko lang... medj bully si karina pero i still feel sad na sa future chaps karina will feel unwelcomed enough to consider leaving (iirc)
yujiverse
#4
Chapter 25: Binasa ko ‘to for winji pero hng winrina…
lovebreaks #5
author, where's the update po?? 😭
stillintoyu
193 streak #6
Chapter 25: UMAMIN KA NA KASE RINA
lovebreaks #7
Chapter 25: ackksjdjksk nakumpirma mo na winter ha. pero lagot aalis si karina 😩
taytaysbetty
#8
Chapter 25: Oh, ang cute ng chapter na 'to ngayon... tapos biglang angst naman later on kasi aalis na si Karina. 😥

Tsaka ANONG MUNTIK MO NANG MAKALIMUTAN?! 😭
lokonaba
#9
Chapter 25: HAHHHHA KAKATAMPO YUNG LAST LINE OTOR OO chos
oofiee 1043 streak #10
Chapter 25: ayan alam m na, pero aalis na sya jk