Winter #9

Winter and I
Please Subscribe to read the full chapter
Matapos ang nangyari kanina sa pag-gawa ng tent naging tahimik na si Karina. Pansin ko rin na hindi nya ako masyadong tinitignan o kinakausap.   Gabi na at napag-pasyahan ni Lia na tipunin ang lahat para sa isang bonfire. Nakapabilog kaming lahat. Katabi ko magkabilaan sina Giselle at Ning na kanina pa ako kinu-kulit kung anong nangyari at ganun nalang katahimik ang grupo nila Karina.   Inasar pa ako ni Ning na baka malapit na raw katapusan ko kaya ako nakakaranas ng ganito. Bwisit talaga parang di kaibigan.   Throughout the bonfire nag-enjoy ang karamihan. Tumugtog kasi si Bruno yung kaklase naming magaling kumanta. May dala pala syang guitara. Nakijamming na yung iba maging si Lia at Ryujin. Si Yeji naman ay busy lang sa pagpapanatili ng apoy. Si Karina naman parang may kung anong iniisip. Nakatitig lang sya sa kawalan habang sobrang seryoso ng mukha. Di ko naman maiwasang mapatitig dito.   Iba kasi talaga ang aura ni Karina kapag tahimik sya at seryoso.   Ano lang...ang..   Ang ganda nya lang.   "Hoy!" mabilis naman akong nag-iwas ng tingin.   "Ano?!" sigaw ko. Maka hoy kasi wagas parang wala kaming pinagsamahan as amo and utusan.   "Wala." sabi nya tapos yumuko.   Ano yun?   Maya-maya pa ay tumayo sya at lumapit banda sa'kin.   "Ba't ka nandito?" masungit na tanong ko. Feeling ko bumabalik na naman yung bwisit na side nya. Ang bilis naman nyang manahimik. Diba pwedeng ganun nalang sya lagi?   "Pake mo." masungit din na sagot nya.   Kainis talaga ugali nito. Ewan ko ba kung ba't ko natatagalan kausap to? Ba't kahit nakaka-inis sya nage-enjoy parin ako kahit papano na kausap sya. Ang gulo ko na.   "Winter." nagulat naman ako sa nagsalita sa left side ko.   Si Yeji.   "H-hi." nahihiyang bati ko.   Narinig ko naman ang malakas na scoffed ni Karina kaya tinignan ko sya ng masama.   Nag-iwas lang sya ng tingin at may kung anong binubulong na di ko marinig dahil sa ingay ng iba.   "Kids!"   Tawag ni Mam Vergara.   Mabilis naman kaming nagtipon sa harap nya. Tinignan ko nang naka kunot ang noo si Karina na parang ewan na nakasunod sa'kin. Tapos ng tumigil ako tumigil din sya at kontentong nakatayo sa likuran ko. Parang walang pake sa tingin ko sa kanya.   Ano na naman kaya trip nito?   "Since maaga pa tayo bukas para sa mga activities na gagawin. Magsitulog na ang lahat."   Akala ko kung anong sasabihin ni Ma'am. Papatulugin lang pala kami.   Nagsi-alisan na ang lahat. Maging sila Ning ay mabilis na nag goodnight sa'kin. Inaantok na rin daw talaga sila.   Palinga-linga ako sa paligid. Jusko kami nalang ni Karina ang naiwan dito sa labas.   Ano ba naman to? Paano ako makakatulog?   Pano kung maisipan ni Karina na wakasan na ang aking life habang natutulog ako?   Dire-diretso lang sya papasok ng tent kaya naman wala na din akong nagawa kundi ang sumunod.   Pagpasok ko nakahiga na agad sya.   "Hoy tumayo ka muna dyan." sabi ko.   Talagang sa gitna kasi talaga sya humiga. Balak nya ba akong patulugin sa pinaka sulok ng tent?!   "Bakit na naman?!" sigaw nya.   Galit na naman to. Pinaglihi ba to sa galit?   "Usog ka nga." sabi ko. Ayokong sabayan yung init ng ulo nya. Pagod ako ay gusto kong matulog ng maayos.   "Tsk." tas umusog din naman sya.   Isasara ko na sana yung tent ng biglang sumulpot si Ning at Gi.   Anong kailangan ng mga to?   "Don't mind us. Chineck lang namin kung okay pa ba si Karina." sabi ni Gi tapos umalis din agad sila ni Ning na tumatawa.   Diba dapat ako ang icheck nila? Kung buhay pa ba ako? O buhay pa ba akong makakalabas sa tent na to?   Malapit ko na talagang isipin na baliw silang dalawa.   Sinara ko na yung tent at nahiga na sa pwesto ko. Sobrang lapad talaga ng space sa pagitan namin ni Karina. Ayokong mamatay sa loob ng tent na to noh.   Tumikhim ako.   "Karina..." mahinang tawag ko.   Pumihit ako paharap sa kanya. Nakatalikod naman sya sa'kin.   "Ano?" parang nayayamot na tanong nya.   "Di mo na ba ako utusan?" tanong ko.   Di naman sya sumagot agad. Hindi ko alam kung tulog na ba sya o ano? Magsasalita pa sana ako ulit ng sumagot na sya.   "Hindi mo na ba gusto si Yeji?" mahinang tanong nya. Ang lalim din ng boses nya.   "G—gusto pa." sabi ko.   "Eh di utusan parin kita."   Napairap naman ako sa sagot nya. Bwisit talaga to. Tumikhim ulit ako.   "Ano...Karina ga-galit ka ba?"   Tumahimik naman ulit sya.   Tulog na ba?   Ba't ganito? Feeling ko affected na affected ako kapag naiinis sya sa'kin. Parang ako pa yung nababahala kahit na alam kong wala naman akong ginagawa sa kanya.   "Hindi mo ba talaga ako kayang maging kai—hindi mo ba talaga ako kayang i-tolerate?"   Ano ba naman yan. Kinakabahan ako dito tapos mukhang tulog na tong kinakausap ko.   Tumalikod na din ako sa kanya.   "Kung hindi kita kayang i-tolerate you wouldn't be sleeping here right now. Hindi mo sana ako nakaka-usap."   I don't know pero napa ngiti nalang ako sa sinabi nya.   "Ayoko lang kasi na ganito tayo...gusto ko lang naman na sana okay tayo."   "Don't think too much. Okay naman tayo." naramdaman ko yung pag-galaw sa side nya. Humarap ba sya sa'kin?   "Just keep doing what you're doing. Hindi naman ako nagre-reklamo sa ginagawa mo. Siguro hindi lang talaga ako sanay."   Tuluyan na akong napangiti sa sinabi nya.   "And Winter..."   "Hmm?" tinawag nya ulit ako sa pangalan ko.   "I'm sorry...for being like—kung nasusungitan at nasisigawan man kita."   Suddenly nawala bigla ang antok ko. Nagulat ako sa sinabi nya.   Si Karina Rodriguez nagso-sorry?!   Pinihit ko ulit ang sarili ko paharap sa side nya pero nakatalikod na sya sa'kin. Gusto kong magsalita pero di ko alam ang dapat sabihin.   Ewan.   Kinikilig ba ako?   "Winter..."   Tawag nya ulit kaya naman napalakas yung response ko ng konti. Nagulat kasi ako. Ilang beses ba akong gugulatin ni Karina?   "Matulog kang mabuti."   Totoo ba talaga ang mga to? Nagiging mabait na sa'kin si Karina?   "Matulog kang mabuti para may energy ka bukas sa mga gagawin mo for me. You're still my utusan don't forget that. Goodnight."   Mabilis akong napasimangot. Akala ko pa naman nagiging mabait na sya. Pero okay na to siguro. I can sense improvement sa relationship namin ni Karina.   Hindi romantically ah!   "Winter.."   Kumunot naman ang noo ko. Ano ba?! Balak nya ba akong tawagin magdamag? Ano na naman sasabihin nya?   "Ano na naman? Wala ka bang balak sabihin na lahat ng gusto mong sabihin? Kasi inaantok na ako." sabi ko.   "Please be patient...cause i—i want you to be my friend too."              
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjdumpx #1
WINJI 😮😮😮😮😮😮
ASDRFV #2
welcome back!! one of the first fanfic i have read
oofiee 1043 streak #3
Chapter 9: ok nireread ko lang... medj bully si karina pero i still feel sad na sa future chaps karina will feel unwelcomed enough to consider leaving (iirc)
yujiverse
#4
Chapter 25: Binasa ko ‘to for winji pero hng winrina…
lovebreaks #5
author, where's the update po?? 😭
stillintoyu
193 streak #6
Chapter 25: UMAMIN KA NA KASE RINA
lovebreaks #7
Chapter 25: ackksjdjksk nakumpirma mo na winter ha. pero lagot aalis si karina 😩
taytaysbetty
#8
Chapter 25: Oh, ang cute ng chapter na 'to ngayon... tapos biglang angst naman later on kasi aalis na si Karina. 😥

Tsaka ANONG MUNTIK MO NANG MAKALIMUTAN?! 😭
lokonaba
#9
Chapter 25: HAHHHHA KAKATAMPO YUNG LAST LINE OTOR OO chos
oofiee 1043 streak #10
Chapter 25: ayan alam m na, pero aalis na sya jk