Winter #11

Winter and I
Please Subscribe to read the full chapter
"WINTER!"   Malakas na sigaw ni Ning na tumatakbo pa palapit sa'min. Nakasunod lang sa kanya si Gi at iba pa naming kasama.   Agad akong niyakap nung dalawa. Si Karina naman ay sinalubong agad nila Lia.   "Pinag-alala mo kami nang sobra bruha ka!" sabi ni Ning.   Si Gi naman ay mahinang hinampas ako sa braso.   "Nag-alala talaga kami sayo."   Napangiti nalang ako sa kanilang dalawa at niyakap sila.   Nakita kami nila Glenn sa gubat. Tama nga si Karina. Buong boys pala ang naghanap sa'min sa loob. Mabuti nalang daw talaga at nakita kami nila Glenn dahil balak na raw sana ni Ma'am Vergara na mag-report dahil nga nawawala ang dalawang student nya.   "Sobrang worried talaga sayo si Ning kanina." sabi ni Gi.   Tinignan ko si Ning.   "Hoy hindi ah! Kay Karina kaya ako nag-aalala ng sobra." pagde-deny ni Ningning.   "Kunwari ka pa." natatawang sabi ko bago niyakap ulit silang dalawa.   Kinausap kami ni Ma'am Vergara after ng yakapan namin. Nagtanong lang naman si Ma'am kung okay lang ba kami at kung anong nangyari.   Dahil daw sa nangyari sa'min ni Karina hindi na raw mage-extend pa ang aming activities. Sinabihan na ni Ma'am Vergara ang lahat na uuwi na kami bukas ng tanghali.   Yung iba ay masaya yung iba naman ay nalulungkot. Parang kasalanan pa tuloy namin.   "Okay ka lang naman diba?"   Nagulat naman ako dahil bigla nalang nasa tabi ko si Yeji.   Tumango ako at tinignan kung nasaan ang grupo nya. Mukhang masayang nag-uusap sina Karina, Ryujin at Lia.   Di ko maiwasang mapatitig kay Karina. Nitong mga nakaraang araw feeling ko mas nagiging close ako sa kanya. Idagdag mo pa ang nangyari ngayong araw. Akala ko talaga nung una palagi nalang kaming mag-aaway kasi ayaw nya sa'kin at sobrang sama talaga ng ugali nya.   Pero ngayon mas komportable pa ako kapag sya ang kasama at nakaka-usap ko sa kanila.   "Mukhang okay na kayo ni Rina." nakangiting sabi nya. Nahihiyang nilihis ko naman ang tingin papunta sa kanya.   "Medyo." sabi ko.   Ngumiti ulit sya at hinawakan ang ulo ko.   "I'm glad you're safe." sabi nya bago umalis at pumunta kay Ma'am.   Kinagabihan nagtipon-tipon kaming lahat para lang mag kwentuhan about sa experiences namin dito at kung ano-ano ang mga natutunan namin sa retreat na ito.   Nakikitawa lang kami sa kwento ng iba habang ini-enjoy ang pagkain ng barbeque na ginawa ni Ryujin at Lia. Si Ningning yata naka ilang stick na. Kanina pa yan sinasaway ni Gi.   "Sige magsaksakan tayo dito ng barbeque stick." sabi ni Ning na pilit nilalayo yung barbeque kay Gi.   "Sige subukan mo ng di ka na maka-uwi." sagot naman sa kanya ni Giselle.   Mga lokaret talaga to. Pag-agawan ba naman ang barbeque.   "Hey, Winter." tawag ni Karina.   Binato nya sa'kin yung stick na hawak nya. Loko talaga to. Hindi nya ba alam na delikado ang ganyan?   "Loko-loko ka! Alam mong matulis yung stick." sabi ko.   Di nya naman pinansin ang reklamo ko at nilapitan lang ako tapos nilagay kamay nya sa ulo ko.   "Panget mo." sabi nya. Anong trip na naman nito? Talagang lumapit sya sa'kin para lang laitin ako?   "Yabang!"   "Nagugutom ako. Ikuha mo ako ng pagkain." utos nya.   "Kapal mo talaga. Ikaw nagugutom tapos ako uutusan mo!" inis na sabi ko. Hinawakan ko din yung kamay nya para alisin sa ulo ko kaya lang binabalik nya rin naman agad.   Bwisit talaga.   "Baka nakakalimutan mong utusan ka parin. Go, ikuha mo na ako."   Padabog na pumunta naman ako sa lamesa kung saan nakalagay yung mga pagkain. Nilingon ko pa ulit si Karina. Ngiti-ngiti lang ang bwisit.   Nilagyan ko lang nang nilagyan ng kung ano-ano tong paperplate tutal di naman ako ang kakain.   Patapos na ako sa pagkuha ng madako ang tingin ko sa may tabi ng ilog. Para naman agad akong nanlumo sa nakita ko.   Si Yeji at Lia.   Nakatayo silang dalawa malapit sa may ilog. Yung ulo ni Lia nakapatong sa balikat ni Yeji.   Bakit sila ganyan? Bakit ganun sila sa isa't-isa?   "Uy, Summer yung pagkain."   Mabilis na inalalayan ni Ryujin yung kamay ko. Muntik ko ng matapon ang mga pagkain.   "Okay ka lang ba?" tanong nya. Pero hindi ako makasagot kasi nakatingin padin ako kila Yeji kahit ang sakit na.   Ako kaya? Kailan kaya kami magiging ganyan ni Yeji?   Napaka assumera ko na ba kung hinihiling ko na sana maging ganyan din kami ni Yeji?   "Hey, may gusto ka ba kay Yeji?"   Wala na.   Nabitawan ko na yung hawak ko.   "Sabi ko na nga ba." sabi nya.   Hinila nya ako palayo sa iba at hinarap sa kanya.   "Gusto mo si Yeji?" ulit na tanong nya.   Napayuko ako at mahinang sumagot ng oo sa kanya. Alam ko namang safe na sabihin to sa kanya kasi mabait sya. Kahit na Summer sya ng Summer sa'kin nararamdaman kong mapagkakatiwalaan ko sya.   "Ikaw Ryujin," tinignan ko ulit sina Yeji bago ako tumingin sa mga mata ni Ryujin.   "Diba may something sainyo dati ni Lia. Gusto mo pa rin ba sya?" tanong ko. Hindi naman kaila sa lahat ma may something sa kanila ni Lia noon.   Mabilis nyang iniwasan ang mga mata ko.   "Special sya sa'kin." sagot nya.   So gusto nya parin si Lia?   "Anong nangyari?"   Malungkot na tinignan nya yung dalawa.   "We're not meant for each other."   Paano nya naman nasabi na hindi sila meant to be?   Tila nabasa nya ang i
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjdumpx #1
WINJI 😮😮😮😮😮😮
ASDRFV #2
welcome back!! one of the first fanfic i have read
oofiee 1043 streak #3
Chapter 9: ok nireread ko lang... medj bully si karina pero i still feel sad na sa future chaps karina will feel unwelcomed enough to consider leaving (iirc)
yujiverse
#4
Chapter 25: Binasa ko ‘to for winji pero hng winrina…
lovebreaks #5
author, where's the update po?? 😭
stillintoyu
193 streak #6
Chapter 25: UMAMIN KA NA KASE RINA
lovebreaks #7
Chapter 25: ackksjdjksk nakumpirma mo na winter ha. pero lagot aalis si karina 😩
taytaysbetty
#8
Chapter 25: Oh, ang cute ng chapter na 'to ngayon... tapos biglang angst naman later on kasi aalis na si Karina. 😥

Tsaka ANONG MUNTIK MO NANG MAKALIMUTAN?! 😭
lokonaba
#9
Chapter 25: HAHHHHA KAKATAMPO YUNG LAST LINE OTOR OO chos
oofiee 1043 streak #10
Chapter 25: ayan alam m na, pero aalis na sya jk