Winter #5

Winter and I
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"WINTEEEER!!"   Malakas na sigaw ni ate sa labas ng kwarto ko.   Ano na naman kayang pakay nito at binubulabog ako.   Sabado ngayon and I need rest. Sa dami ng happenings nitong mga nakaraang araw. Una na dyan ang pagiging close namin ni Yeji my labs. Yes naman oo! Close na kaming dalawa, in my opinion syempre. Minsan kasi sumasabay ako sa kanila kapag recess. Kinakausap nya ako lagi. Tapos si Ryujin naman minsan ay bumabanat sa'kin ng kung ano-ano. Pinagti-tripan yata ako. Pero ang pinaka malaking happenings talaga ay ang pagiging okay namin ni Karina. Well not totally okay, pero at least hindi nya na ako binabato ng bola. Palagi nya lang akong tinatawag na loser, stupid, asungot at kung ano-ano pa. Bwisit yun.   Naiinip na yata si ate kasi di pa ako sumasagot kaya pumasok nalang sya ng kwarto ko.   "Ikaw na muna mamalengke." sabi nya.   "Bakit ako?" tanong ko.   Nilapitan nya naman ako at kinuha yung unan malapit sa'kin para lang talaga hampasin ako.   "Kasi hindi ako. Mamalengke ka na, palagi nalang ako ang namamalengke. Masyado ng expose kagandahan ko." nagma-magandang sabi nya.   "Ganda ka dyan. Ayoko ate, ikaw na. Tinatamad ako." pagdadahilan ko.   Hindi naman ako pinakingan ni ate at talagang hinila ako paalis ng kama.   "Maligo ka na. Nasa sala yung pera at listahan ng mga bibilhin."   Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at maglakad papuntang CR si ate naman ay nagtuloy-tuloy na sa pinto ng kwarto ko.   "Wag kang makikipag-harutan dun." pahabol nya pa bago isara yung pinto.   "Sino namang haharutin ko dun?!" sigaw ko.   Grabe talaga to si ate.   Pumasok nalang ako ng CR. Mabilis lang naman ang ginawa kong pagligo kasi nga sabado at palengke lang naman pupuntahan ko.   Kailangan ko na naman palang mag-linis ng kwarto mamaya. Baka makitulog na naman dito yung dalawang bruha.   Sabi kasi ni Gi aalis na naman yung parents nya. Mayaman din naman kasi yang si Gi. Palaging wala ang parents dahil sa mga meetings at business abroad kaya naman minsan inaaya nya si Ning na dito sa bahay matulog. Hindi kasi sya marunong mag-luto kaya everytime na wala ang parents nya dito sya sa bahay tumatambay at nakiki-kain.   Nagshorts at simpleng shirt lang ako tutal wala naman akong balak magtagal sa palengke.   Kinuha ko na yung listahan at pera. Naabutan kong nanunuod ng show si Mama sa sala. Si ate naman mukhang nasa kwarto nya. For sure nanunuod din yun ng kung ano-ano sa laptop nya.   Nagpaalam na ako kay Mama na aalis na. Sinabihan nya lang ako na mag-ingat at wag magtatagal. Grabe talaga sila, feeling ba nila lilibutin ko yung buong palengke?   Nagtricyle lang ako tutal di naman ganuon kalayo ang palengke sa'min.   Binaba lang ako ni Kuya malapit sa entrance kasi parang may komosyon yatang nagaganap dahil sa dami ng taong nagkukumpulan sa harap ng palengke.   Anong meron?   Dahil isa rin akong chismosa syempre nakisiksik din ako sa mga taong nanduon.   Oh pak! May naitulak pa akong nanay kasi ayaw akong pasingitin.   Wow my car.   Di lang basta car. Mamahaling car. Naligaw ba tong blue chevrolet camaro?   May nangyari bang banggaan? Naku, kawawa ang sino mang nakagasgas ng kotseng to.   Busy ako sa pagu-usisa at pakikinig sa chismis ng iba ng may bigla nalang kumalabit sa'kin.   "Wala din akong alam nakiki-chismis lang din ako." sabi ko. Pinipilit ko pang iangat ng mabuti ulo kasi di naman ako katangkaran. Ang tatangkad masyado ng nasa unahan di ko makita kung nasa loob ba yung may-ari ng kotse at kung ano ba talaga ang nangyari sa sasakyang to.   Baliw din may ari neto. Dalhin ba naman sa ganitong lugar ang sasakyan nya.   "Ano ba?! Sa iba ka makipagsiksikan. Di ko ibibigay pwesto ko!" sabi ko pa kasi kinalabit ulit ako.   Kalabit nang kalabit to di nalang nakichismis din.   Tuluyan na akong nainis kasi sunod-sunod na yung pagkulbit sa'kin.   Ready na sana akong magsalita ng di mabuti kaso pagharap ko shet..anong ginagawa ng isang Yeji Alcantara sa lugar na ganito?!   "Sabi ko na nga ba ikaw yan, Winter." nakangiting bati nya.   "Anong ginagawa mo dito?!" medyo napataas boses ko.   Nakangiti parin sya.   "I was looking for a place sana na pwede akong makabili ng apple. Napadpad ako rito." nilibot nya pa ang paningin sa paligid.   "It's nice here. Look, nabili ko to sa murang halaga." proud na sabi nya habang ipinapakita sa'kin ang plastic bag na hawak nya.   Juskoo para lang sa apple.   "Diba may malapit sainyong supermarket? Ba't dito ka pa napunta?" tanong ko.   "I want to experience something like this eh." sabi nya tapos ngumiti.   Iba ka talaga Yeji.   "Mamimili ka ba rito? Can I come with you? Gusto kong matuto pano mamili rito."   Pano naman ako makatanggi nyan. Yung mga mata nya.   "S-sure ka? Matao rito, maingay, magulo..." sabi ko.   Mabilis ang ginawa nyang pag-tango.   "It's fine! Kasama naman kita."   Wala na. Hulog na hulog na naman ako sa kanya.   Feel ko na namumula yung pisngi ko kaya tinignan ko nalang yung kumpul ng mga tao.   "Nga pala sayo yang kotse?" tinuro ko yung blue chevrolet camaro. Ganda talaga ng kotse.   Tumango naman sya tas nag pout. Syempre automatic na nagwala mga internal organs ko.   "Bawal bang mag park dyan? Kanina pa ako di makapasok ng car kasi ang daming tao." sabi nya.   "Pwede naman. Hindi lang kasi sanay ang mga taga rito makakita ng ganyan ka gandang kotse rito." sabi ko naman sa kanya. Mukhang nakahinga naman sya ng maluwag. Akala nya talaga siguro illegal parking na yung nagawa nya.   "But it's not that pretty. Hindi kasi ako magaling sa pagpili ng car. Si Rina ang magaling pagdating sa car." sabi nya habang nakatingin sa pwesto ng kotse nya.   Na curious naman tuloy ako. Ano kayang kotse ni Karina?   "Let's go?"   Napatingin naman ako sa hawak nyang plastic.   "Ilagay muna natin yan sa kotse mo. Tapos lakad na tayo."   Masayang tumango naman sya.   Second date na namin to.   Yes. Kapag si Yeji date agad tawag ko sa ganito. Excited na ako. I'm sure magiging masaya tong palengke session
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjdumpx #1
WINJI 😮😮😮😮😮😮
ASDRFV #2
welcome back!! one of the first fanfic i have read
oofiee 1043 streak #3
Chapter 9: ok nireread ko lang... medj bully si karina pero i still feel sad na sa future chaps karina will feel unwelcomed enough to consider leaving (iirc)
yujiverse
#4
Chapter 25: Binasa ko ‘to for winji pero hng winrina…
lovebreaks #5
author, where's the update po?? 😭
stillintoyu
193 streak #6
Chapter 25: UMAMIN KA NA KASE RINA
lovebreaks #7
Chapter 25: ackksjdjksk nakumpirma mo na winter ha. pero lagot aalis si karina 😩
taytaysbetty
#8
Chapter 25: Oh, ang cute ng chapter na 'to ngayon... tapos biglang angst naman later on kasi aalis na si Karina. 😥

Tsaka ANONG MUNTIK MO NANG MAKALIMUTAN?! 😭
lokonaba
#9
Chapter 25: HAHHHHA KAKATAMPO YUNG LAST LINE OTOR OO chos
oofiee 1043 streak #10
Chapter 25: ayan alam m na, pero aalis na sya jk