Winter #3

Winter and I
Please Subscribe to read the full chapter
            Hindi pwede to. Masyado ng ini-invade ni Karina ang utak ko. I need my daily dose of Yeji my labs.   Speaking of Yeji my labs. Ano kayang ginagawa nya ngayon? Alam nyo ba? Syempre hindi pa. Pero yun nga, alam nyo ba? Yung binigay nyang ice cream kahapon para sa noo ko. Itinabi ko syang mabuti sa ref. Yun ang kauna-unahang bagay na natanggap ko mula sa kanya kaya dapat lang na i-preserve ko.   "Alam mo Winter lumalabas na talaga yang pagiging malandi mo." sabi ni Ning.   Vacant namin ngayon kasi naisipan ni Ma'am Valdez na wag pumasok. Inutusan nya lang yung isang student nya from her advisory class para mag-announce samin.   "Hindi ako malandi gaga." sabi ko.   "Anong hindi?! Ikaw ha, napapadalas na yang bonding nyo ni Karina tuwing hapon. Sinasabi ko sayo Winter.."   Inirapan ko naman sya kasi napaka OA nya at napaka ewan ng mga sinasabi nya.   "Bonding ka dyan! Nagkataon lang talagang bigla nalang syang sumusulpot kung nasaan ako. Tsaka," tinap ko yung dibdib ko. "Kay Yeji lang ako noh! At hindi ko gugustuhin yang pantasya mo no! Ang panget ng ugali."   Hinampas lang ako ni bruha.   "Paalala lang Winter, wag masyadong ilusyonada baka masaktan." walang prenong sabi ni Giselle.   Aray ha! Mas nakakasakit kaya yung sinabi nya.   "Ilang taon na naman akong nagpapantasya kay Yeji, nasaktan ba ako? Tsaka alam ko naman ang limit ko Gi." sagot ko sa kanya.   "Nakalimutan ko may pagka delulu ka nga pala."   Mahinang pinalo ko naman yung braso nya.   "Grabe ka naman sa delulu." sabi ko. Ipinatong ko yung mga kamay ko sa ibabaw ng desk ko.   "Pero at least diba? Hangang assume lang ako. Hindi ko naman tinataasan mga pag-assume ko. Malaman ko lang na kahit papano natitignan nya ako, makita o maka-usap ko lang sya, kontento na ako. Wala naman akong hinahangad na mas malaki pa. Alam ko parin naman ang kung ano ang totoo at ilusyon lang." mahabang litanya ko.   Napansin ko ang pananahimik nila kaya naman napatingin ako sa kanila. Seryosong nakatingin lang sila sa'kin kaya naman naasiwa ako bigla.   "Anong tingin yan?" tanong ko.   Nginitian lang ako ng mga gaga. Parang mga ngiting aso ang mga bruha.   "Bahala nga kayo dyan. Punta muna akong canteen." sabi ko. Tumayo ako mula sa upuan ko at binuksan yung bag ko para kunin yung wallet ko.   "Aga pa gutom ka agad?" nakangiting aso parin si Giselle habang tinatanong ako.   Bwisit to.   "Sa gutom ako eh. Dyan muna kayo." hindi ko na inintindi pa yung mapanuksong mga titig nila at diretsong lumabas na ako ng room.   Habang naglalakad ako nagawi ang tingin ko sa botanical garden. Napukaw ang atensyon ko ng isang batang parang umiiyak.   Lumiko ako papuntang garden para tignan kong umiiyak ba talaga yung bata.   Gagi umiiyak nga.   Mabilis akong lumapit dito.   "Anong problema?" tanong ko.   Umangat naman ang tingin nya sa'kin.   Aw, ang cute pa naman nya.   Nakatingin lang sya sa'kin habang humihikbi. I leveled myself sa kanya at tinanong sya ulit.   "M-my ribbon...i-it's ruined." sabi nya tas umiyak ulit.   Gara naman englishera si baby.   Tinignan ko naman yung sinasabi nyang ribbon. Yung nasa uniform nya. Hindi na ito naka-ayos.   "Shhh..it's okay. Aayusin na ni ate." malambing na sabi ko.   Inabot ko yung ribbon sa uniform nya at inayos ang pagkaka-kabit nito sa uniform nya.   Nagpunas naman sya ng mga luha nya at tinignan yung inayos kong ribbon. Tapos tumingin sya sa'kin.   "Thank you ate." sabi nya.   Hinawakan ko yung ulo nya at marahang ginulo yung buhok nya.   "Ano name mo?"   "Jinni po." she cutely said.   "Ba't ka nandito sa school namin? At sino kasama mo?"   "I'm waiting for my a--"   "Jinni!"   Sabay kaming napalingon ni Jinni. Bumilog na naman ang mga mata ko.   "Ate Yeji!" masiglang sigaw ni Jinni at masayang tumayo sa kina-uupuan nya.   Lumapit naman sa'min sai Yeji.   Ngumiti sya sa'kin.   "Winter, right?" sabi nya.   Grabe natatandaan nya talaga name ko.   Tumango lang ako. Kasi sabi ko nga diba, when it comes to Yeji. Hindi ako makapagsalita.   "You know her Ate?" curious na tanong ni Jinni kay Yeji.   Ngumiti sa kanya si Yeji at hinawakan ang kamay nya.   "Strangely, yes."   Kilala nya raw ako mga teh!   Grabe na to. Si Yeji Alcantara kilala ako.   "After Lia introduced you sa'min, parang palagi na kitang nakikita." sabi nya.   "K-kasi makalat a-ako sa campus hahaha-ha." parang ang awkward ng pagkakatawa ko bwisit.   "You're cute."   Loading...   Processing..   Wait, what?!   Napakurap-kurap nalang ako kasi hindi ko alam ang dapat kong i-react. Yung mga internal organs ko nagwawala na sa loob.   Cute raw ako
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjdumpx #1
WINJI 😮😮😮😮😮😮
ASDRFV #2
welcome back!! one of the first fanfic i have read
oofiee 1043 streak #3
Chapter 9: ok nireread ko lang... medj bully si karina pero i still feel sad na sa future chaps karina will feel unwelcomed enough to consider leaving (iirc)
yujiverse
#4
Chapter 25: Binasa ko ‘to for winji pero hng winrina…
lovebreaks #5
author, where's the update po?? 😭
stillintoyu
193 streak #6
Chapter 25: UMAMIN KA NA KASE RINA
lovebreaks #7
Chapter 25: ackksjdjksk nakumpirma mo na winter ha. pero lagot aalis si karina 😩
taytaysbetty
#8
Chapter 25: Oh, ang cute ng chapter na 'to ngayon... tapos biglang angst naman later on kasi aalis na si Karina. 😥

Tsaka ANONG MUNTIK MO NANG MAKALIMUTAN?! 😭
lokonaba
#9
Chapter 25: HAHHHHA KAKATAMPO YUNG LAST LINE OTOR OO chos
oofiee 1043 streak #10
Chapter 25: ayan alam m na, pero aalis na sya jk