Winter #1

Winter and I
Please Subscribe to read the full chapter
                                *************               Kung may gusto man akong baguhin sa mundo...uunahin kong alisin ang pagpapagawa ng assignment sa mga estudyante!       Nakatayo na naman kasi ako dito sa labas ng classroom at kanina ko pa nakikita ang mga bruhilda kong kaibigan na tawa nang tawa kapag nasusulyapan ako.       Ang sarap talagang awayin minsan ni Ma'am Lupin. Hindi ko naman sinasadyang maiwan ang assignment ko sa bahay. She didn't let me explain. The moment na narinig nya yung pagsabi ko na naiwan ko yung assignment ko sumigaw agad sya.       'MS. RIVERA! TAYO SA LABAS!'       Mga 10 minutes palang naman akong nakatayo rito.       Pero!       Sobrang tagal na agad nun for me. Parang ilang dekada na akong naghirap.       Kaya aaliwin ko nalang muna ang aking sarili.       Sakto, P.E time ng section 1. Ang section ni my labs Yeji.       Yeji Alcantara ang no. 1 sa school pagdating sa academics at ang no. 1 din pagdating sa puso ko.       Nasa court sila ngayon which is nasa tapat lang nitong classroom namin.       Kitang-kita ko sya!       Wala syang ginagawa. Naka-upo lang pero ang ganda-ganda nya parin.       Napasimangot ako ng makita ko yung isa nyang kaibigan. Si Karina yung KSP sa kanila. Yung pinaka asungot. Yung napakamaldita. Sya yung ayaw ko sa grupo nila. Pano ba namang nahaluan ng isang masamang elemento ang grupo nila my labs?       Inalis ko nalang ang tingin ko kay Karina. Ayokong masira ang buong araw ko dahil lang sa kanya. Tinignan ko nalang ulit si Yeji na tahimik lang na naka-upo sa bleacher at nakatingin sa mga pinaggagawa ng mga classmate nya.       Aliw na aliw lang ako sa pagtingin sa my labs ko ng may napansin akong babae na tumatakbo mula sa side ng court at lumiko papunta sa hallway at papunta na sa pwesto ko.       Ba't natakbo to? Alam namang bawal tumakbo s hallway pag oras ng klase. Papagalitan ko to.       Huminto yung babae sa harap ko at shocks lang.       Si Lia Locsin!       "Ugh..hi?"       Bumilog ang mga mata ko.       Sa'kin ba sya nag hi? Napatingin ako sa paligid. Baka kasi may ibang tao. Pero wala akong makita.       Omg. Sa'kin ba talaga sya nag hi?       "Are you okay?"       Napatakip na ako ng bibig. Kinakausap nya nga talaga ako.       "Gusto ko lang sanang magpatulong, okay lang ba?" kinakabahang tanong nya.       Mabilis akong napatango sa kanya. Kaibigan sya ni Yeji my labs kaya syempre responsibilidad kong tulungan sya.       She sighed in relief.       "Thank you!" sabi nya at ngumiti pa nang pagkalawak-lawak.       "Late na kasi ako sa class namin, which is yung P.E dyan sa may court. I was hoping if you can help me na magsabi ng excuse ko kay Sir?" nag-aalalang tanong nya habang nakatingin sa court kung nasaan ang section nila.       Para yun lang? Nag-aalala na sya? Ako nga ilang beses na late at nag cutting, di naman ako ganito. Pero syempre bawal tayong mag-taray kasi friend sya ni my labs.       "Excuse letter ba? Don't worry magaling ako sa mga yan!" confident na sabi ko.       Mahina syang tumawa. "Hindi excuse letter. Oh, by the way bakit nasa labas ka ng class nyo?" tanong nya.       Sumilip pa sya sa loob ng classroom namin.       "Hehehehe pinalabas ako ni Ma'am kasi naiwan ko assignment ko." nahihiyang sabi ko.       Syempre kaibigan to ni my labs. Baka ma kwento nya to kay my labs. Ano nalang ang iisipin sa'kin ni Yeji?       Iisipin? Kala mo naman talaga may pake sa'kin. Di nga ako kilala eh.       "Ganito pala sabihin natin kay Sir Hugo." sabi ko para maiba yung topic.       Sinenyasan ko syang lumapit sa'kin. Binulong ko yung excuse na sasabihin namin. Para naman syang batang tumatango lang.       "You think maniniwala talaga sa'tin si Sir kapag sinabi mo yun?" tanong nya.       Nag-chest out pa ako at tinap yung dibdib ko.       "Trust me!"       "You're cute. Let's be friends." pinisil nya pa yung magkabilang pisngi ko.       "Hala totoo? Weh? Baka joke time to ah, tas ako naisipan mong i-prank. Ang sakit Lia." tuloy-tuloy ko ng sabi.       Tumawa lang naman sya. As in tawang-tawa sya.       Okay, ako yata happiness nya.       "Nakakatuwa ka talaga. Kilala mo na pala ako. Gusto talaga kitang maging kaibigan. Para kang si Rina." nakangiting sabi nya.       Mabilis naman nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya.       "Ba't mo naman ako tinulad sa masama mong kaibigan. No offense ha, pero masama talaga yang isa nyong kaibigan." nakalimutan ko ng i-filter ang bibig ko.       "I admit may masungit minsan si Rina but she's not bad. I think yun yung charm nya." sabi nya.       Kunwaring nasuka naman ako sa sinabi nya.       "Minsan? Araw-araw kaya. Tsaka Charm?! Charm ba yung kayabangan at kasungitan nya? Lalo na yung pagiging immature nya?! Grabe, grabe."       Actually wala pa akong close encounter kay Karina. Hindi pa naman nagtatagpo ang landas naming dalawa, sana wag talaga. Nakikita ko lang sya everyday sa campus na lagi nalang may kaaway at pinag-uusapan din ng iba yung tungkol sa kayabangan nya. Simpleng bagay lang kasi big deal na para sa kanya. Like kunwari mabangga mo lang sya magagalit na yan sayo at buong school year ka nyang aawayin. Yan yung kwento ng ibang mga estudyante na nakatikim na ng pambubully galing sa kanya.       "You're really funny. Pero totoo, Rina's not bad as you think she is."       Wala sa loob na tumango nalang ako. Baka makarating pa to sa Karinang yun. Ayokong makatanggap everyday ng irap at kasungitan galing sa kanya.       "Wait hindi mo pa sinasabi name mo. What's your name?"       "Winter." nakangiting sagot ko.       "Okay Winter, from now on mag-kaibigan na tayo. Don't ignore me ha lalo na kapag babatiin kita kapag makikita kita around campus." nakangiting sabi nya.       Umiling naman ako ng todo.       "Baka nga ako yung snobin mo eh. Sikat kaya kayo!"       "Why would I do that? And we're not popular Winter. Anyways help me later okay? Hihintayin kita sa court mamayang recess." todo ngiti naman ako sa kanya.       "Sure!"       "Great. See you there nalang ah. I have to go na kasi. You know, club meetings." sabi nya.       Ay oo nga pala. Member sya ng iba't-ibang clubs. Music, Theater, Art kahit yung bagong tayong Political club. Sya na yata ang nagsisilbing example ng beauty and brains.       Tumakbo na sya pero tumigil ulit para lang kumaway sa'kin. Ngiti-ngiting kumaway din naman ako pabalik sa kanya.                                               "Totoo nga!" sigaw ko.       Kanina pa kasi ako nags-share ng moment ko kanina with Lia sa dalawa kong kaibigan pero ayaw akong paniwalaan ng mga bruha.       "Hindi ka ba nag-breakfast sainyo kanina? Sinabi mo dapat sa'kin Winter. Nadalhan sana kita ng pansit." pang-aasar ni Ningning.       "Oh kalma Winter. Mag-aaway na naman kayo. Ikaw naman kasi Winter masyadong fictional kinu-kwento mo? Kailan ka pa na-addict sa kdrama?" tanong ni Giselle.       "Kinausap nga kasi ako ni Lia kanina. The Lia Locsin!" sabi ko.       "Ewan ko sayo Wintot. Wala ka na naman sa wisyo."       Bago pa ako makatayo para hampasin si Ning nahawakan na agad ako ni Giselle.       "Mamaya na kayo magsabong. Recess na kumain na muna tayo."       Hala recess na pala! Bigla akong napatayo.       "Oh, excited makarating sa canteen?" tanong ni Ning.       Inirapan ko sya.       "Text nyo nalang ako mga beh." sabi ko.       "Saan?"       "Sa calculator N
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjdumpx #1
WINJI 😮😮😮😮😮😮
ASDRFV #2
welcome back!! one of the first fanfic i have read
oofiee 1043 streak #3
Chapter 9: ok nireread ko lang... medj bully si karina pero i still feel sad na sa future chaps karina will feel unwelcomed enough to consider leaving (iirc)
yujiverse
#4
Chapter 25: Binasa ko ‘to for winji pero hng winrina…
lovebreaks #5
author, where's the update po?? 😭
stillintoyu
193 streak #6
Chapter 25: UMAMIN KA NA KASE RINA
lovebreaks #7
Chapter 25: ackksjdjksk nakumpirma mo na winter ha. pero lagot aalis si karina 😩
taytaysbetty
#8
Chapter 25: Oh, ang cute ng chapter na 'to ngayon... tapos biglang angst naman later on kasi aalis na si Karina. 😥

Tsaka ANONG MUNTIK MO NANG MAKALIMUTAN?! 😭
lokonaba
#9
Chapter 25: HAHHHHA KAKATAMPO YUNG LAST LINE OTOR OO chos
oofiee 1043 streak #10
Chapter 25: ayan alam m na, pero aalis na sya jk