buo ang loob ko sa'yo (ganito ako kasigurado)

damdamin ko'y umaapaw.
Please Subscribe to read the full chapter

It’s that time of the academic year again kung saan punong-puno ng tao at sobrang busy na naman sa Plaza Mayor. Recruitment 101 na kasi or R101 for short. Dito, pwedeng mag-apply ang mga Tomasino, freshie man on hindi, sa gusto nilang mga organization. Maraming booths ang nakakalat sa tapat ng Main Building kaya marami rin ang mga paikot-ikot at nalilito kung ano bang org ang pipiliin nila.

 

Pagtapak ni Irene sa Plaza Mayor, para siyang nakarating sa palengke dahil sa kaliwa’t kanang mga sigaw ng panghihikayat tulad ng;

 

Sali na kayo sa Musikat!

 

Halina’t sumali na sa Teatro Tomasino!

 

Join the UST Yellow Jackets!

 

At marami pang iba.

 

Sari-sari rin ang mga nakakalat na recruiters; may band trio na tumutugtog sa harap ng Musikat booth, may mga nagtataas naman ng banner na may logo ng Annyeong Tomasino at naglalakad pa around Plaza Mayor, at sa gilid ng mga mata ni Irene, kita niya ang paborito niyang recruiter na hindi naman magpapahuli sa paghahakot ng freshies at bagong members.

 

Naka black org shirt ng Thomasian Film Society si Seulgi Kang from Pharma habang fini-film ang scenario sa paligid niya gamit ang isang Super 8 camera. As usual, nakatali ang buhok niya habang ang salamin niya naman ay itinaas niya hanggang sa ibabaw ng ulo niya para hindi ito humarang sa viewfinder ng camera. Tirik na tirik ang araw pero ang bango at presko pa rin tignan ni Seulgi. Hay, anong klaseng tubig ba ang ginagamit ng mga taga Pharma tuwing naliligo sila?

 

“Ayen! Iwagayway mo naman ‘tong bandera ng Foto oh! Para maraming pumila sa’tin, bili!”

 

Lumingon si Irene sa pinagmulan ng boses at nakita si Jackson na inaabot sa kanya ang flag ng Fotomasino sa tapat ng booth nila. Isa rin kasi siya sa mga heads na naka-assign for the recruitment of new members. Naka org shirt siya gaya ni Irene pero ‘di tulad ni Seulgi, pawis na pawis na si Jackson at paulit-ulit na pinupunasan ang sentido niya.

 

“Sige,” Kinuha ni Irene ang bandera mula kay Jackson, “Pahinga ka muna tsaka uminom ka ng tubig. Grabe na ‘yung tulo ng pawis mo oh,” Sabi ni Irene with genuine concern as a friend and an orgmate. Tomasinong Tomasino talaga siya dahil lagi niyang naisasapuso ang isa sa tatlong core values ng kanyang unibersidad which is Compassion.

 

“Thanks, Ayen. Palamig lang ako ng konti tapos ako na ulit diyan.” Pumasok muna si Jackson sa maliit na booth ng Fotomasino at naupo sa isang foldable chair bago paypayan ang sarili.

 

Binuka naman ni Irene ang banderang binigay sa kanya before standing straight and taking a deep breath to proudly shout, “Join Foto!!!”

 

Sa lakas ng boses niya (at sa ganda niyang yan) maraming estudyante ang napalingon sa direksyon niya at mayroon agad iba na nagtungo sa booth nila to know more about their organization. Ang lakas talaga ng hatak ni Irene, kaya naman siya ang pinipiling head recruiter for Fotomasino yearly.

 

Sinamahan din siya ng isa pa niyang orgmate na si Joy from Journalism sa pag po-promote ng org nila. Nang sabay nilang sinigaw ang, “Join Foto!” lalong dinumog ng mga Tomasino ang booth nila na ikinatuwa naman ni Jackson at Jinyoung na nababantay sa loob. Mukhang marami-rami silang mare-recruit this year.

 

Mula ulit sa gilid ng mga mata ni Irene, nakita niyang may papalapit sa kanya naka kulay itim. At pagka-lingon niya, isang Super 8 camera na ang nakatutok sa kanyang mukha. Tinangka niyang takpan ang lenses nito ngunit mabilis itong nailagan ng may hawak.

 

“Gagi, ‘di sa ‘kin ‘to.” Mabilis na sabi ni Seulgi na bahagyang tumawa at inilayo ang camera mula kay Irene. Now that she’s up close, nakita na ni Irene ang details ng outfit niya; naka tuck-in ang org shirt ni Seulgi sa black slacks that she partnered with a prim leather belt of the same color; may kwintas siya na tinago niya sa ilalim ng shirt niya at dalawang singsing sa kanang kamay, ang isa nasa hinlalaki habang ang isa pa’y nasa gitna niyang daliri; at aba, naka Doc Martens boots pa nga si Miss Pharma. Hindi na baleng mainit ang panahon, ang mahalaga, suave pa rin ang itsura niya kahit nagbabaga ang init ng araw.

 

“Are you interested in joining Fotomasino po?” Irene asked in full-recruiter mode na para bang hindi sila super duper mega extreme friends na may something.

 

“Thank you pero bawal na akong sumali ng bagong org eh. Tatlo na kasi ang organizations ko.” Seulgi showed her an apologetic smile, “Gusto ko lang kumustahin ang partner organization namin. Mukhang marami kayong na-recruit ngayon ah. Ang galing!” Puri niya sabay sulyap sa humahabang pila sa booth ng Fotomasino. Napangiti naman siya sa nakita,

 

“Ay, that’s all thanks to Ayen. Siya kasi ang main attraction dito sa Foto, charot!” Pagbibiro ni Joy with matching hampas sa balikat ni Irene na tinawanan naman ni Seulgi.      

 

“Oh, I agree.” Seulgi commented and then smirked. Inunahan na niya si Irene na mukhang sasapakin si Joy dahil natripan na naman siyang asarin nito. Pero in general, si Irene naman talaga ang paborito asarin ng mga kaibigan at orgmates niya. Thankfully, hindi naman siya madaling mapikon. (Nga ba?)

 

Tumaas ang mga kilay ni Joy sa narinig, kasabay nito ang pagbuka ng kanyang bibig dahil seryoso ba sila? Kailangan ba talagang sa harap niya maglalandian ang orgmate niyang si Ayen at si Miss Pharma? Still, tumingin siya kay Irene na may mapangasar na ngiti.

 

“Joy! Paki-distribute naman nitong flyers natin sa freshies!” Biglang tawag ni Jinyoung habang winawagayway ang medyo makapal na stack ng matitingkad na flyers.

 

“On it!” Agad na sagot ni Joy. She excused herself bago makipagsiksikan sa pila sa tapat ng booth nila para makuha na yung flyers kay Jinyoung.

 

Naiwan namang magkatapat ang dalawang (inhale) super duper mega extreme friends na may something. (exhale)

 

“How can I help you?” Pagtatanong muli ni Irene in full-recruiter mode. Nagtataka siya kung ano pa ang pakay nitong si Seulgi sa pagpunta niya sa booth ng Fotomasino kung bawal na pala siyang sumali ng bagong org.

 

Ayan na naman yung nakakalokong ngisi niya, “Pwede pa po bang pumila?”

 

“’Di ba sabi mo tatlo na ang org mo? Bawal na.” Irene dropped the formalities at tinaasan na si Seulgi ng isang mataray na kilay.

 

Mahina namang tumawa si Miss Pharma, “Alam ko. Pero sa’yo, pwede pa bang pumila?”

 

Hindi agad sumagot si Irene. Nasa likod lang nila ang statue ni Benavides. Sa lakas bumanat ni Seulgi ngayon, baka biglang magkatawang tao ang rebulto nito at bumaba mula sa kinatatayuan niya para lang sabihin sa kanilang dalawa na: “Anak, ‘wag kayo maglandian dito.”

 

Kahit malapit nang sumabog ang dibdib ni Irene sa kilig, she didn’t let her competitive get swooned.

 

Binawian niya si Seulgi nang may nakakaloko ring ngisi sa mga labi niya, “’Di mo na kailangan pumila. Matagal na kitang pinili.”

 

Right after Irene dropped her words, bigla silang nakarinig ng napakalakas na boses. Sigurado silang napukaw nito ang atensyon ng buong student body na nasa Plaza Mayor (Baka nga sa carpark din eh.) At sigurado rin si Irene na kilalang-kilala niya ang may-ari ng boses na ito.

 

“HALINA’T SUMALI SA TEATRO TOMASINO!!!”

 

Pagkalingon ni Irene at Seulgi, nakita nila si Jongdae at Wendy na nakangiti habang ipinaparada ang bandera ng org nila. Sinong Tomasino pa ba ang parang nakalunok ng isang buong audio set sa sobrang lakas ng boses niya kundi ang baklang bakla na tropa at block mate ni Irene na si Jongdae? Naalala tuloy ni Irene ‘yung panahong kinanta ni Jongdae ang ‘Love Moves in Mysterious Ways’ ni Nina in its original key nung nag-videoke silang tatlo nina Wendy sa Rock Band Studio in Noval. Doon pa lang, alam na agad ni Irene na matinik talaga ang boses ng tropa niya.

 

Tuloy lang sa pagsigaw si Jongdae kaya tuloy lang din ang paglingon ng mga Tomasino sa kanya. Napaisip tuloy si Irene kung hindi ba naririndi si Wendy bilang katabi lang siya nito. 

 

Bumalik ang atensyon ni Irene kay Seulgi nang napansin niyang bahagyang dumilim ang paligid niya. Yun pala, pinayungan na siya nito.

 

Taray, si Basha ba ‘yan from One More Chance?

 

“Ayen, oh,” Mahinang sambit ni Seulgi habang inaabutan si Irene ng bote ng tubig na malamig-lamig pa, “Inom ka muna, alam kong naiinitan ka na rin.” She smiled right after and made sure na maigi niyang napapayungan ang kasama niya.

 

“Thank you,” Tinanggap ni Irene ang bote ng tubig at agad na ininuman nang hindi ito nilalapat sa mga labi niya. Pagkatapos niya kasing uminom, inalok niya rin si Seulgi pero she respectfully declined the offer kasi okay pa naman daw siya.

 

“Hindi ka ba papagalitan ng seniors mo dahil nandito ka?” Tanong ni Irene.

 

Umiling si Seulgi, “Maghahakot din naman ako ng freshies mamaya. I just wanted to see you first.”

 

Oh, ayan na naman siya. Ramdam ni Irene na tinitignan na sila ni Benavides mula sa pedestal niya, isang banat na lang talaga ni Seulgi at baka tuluyan nang bumaba ang rebulto niya para lapitan silang dalawa.

 

“Lakas mo ata bumanat ngayon, boss.” Ito ang tanging nasabi ni Irene. Pero deep inside, gusto niya rin naman. Konti na lang at gagamitin niya na rin ang #AyenBading sa sarili niya. Thankfully, nagre-recruit pa rin sina Jongdae at Wendy, meaning hindi na muna nila malalapitan si Irene para asarin just like they always do sa tuwing magkasama silang dalawa ni Seulgi.

 

Minsan, hindi na rin alam ni Irene ang isasagot niya sa mga ganitong banat ni Seulgi. Kaya pansamantala niyang isinasantabi ang pagiging competitive niya at hinahayaan na ang sarili na kiligin nang sobra. Besides, ang ngiti rin naman ni Seulgi na dulot ng reaksyon niya sa mga banat nito ang isa sa mga bumubuo ng araw ni Irene.

 

“Uh, ate?”

 

Dahan-dahan nilang nilingon ang pinanggalingan ng malumanay na boses at nakakita ng dalawang babaeng estudyante na naka Type A uniform ng AB. Parehong nakadirekta ang tingin nila kay Seulgi, at mukhang freshie pa sila pareho.

 

 “Kayo po ba si Ate Seulgi from TFS and Pharma?” Tanong ng isa sa kanila.

 

Mabilis na ngumiti si Seulgi para magpakilala kasi as an upperclassman, dapat mabait siya sa mga freshie. Naks, talagang isinapuso na ang Thomasian Core Values. Pero hindi lang naman taglay ni Seulgi ang 3Cs which are Competence, Compassion, at Commitment. May pang-apat pa at ayun ang fact na Com-mahal mahal rin siya according to Irene Bae from 3AR3.

 

Oh gago, sa puntong ‘to baka nakababa na si Benavides sa pedestal niya.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iskoseul
Palagian ang alab ng pag-iibigan sa kahabaan ng España. <3

Comments

You must be logged in to comment
your_silent_reader #1
Chapter 7: Very feel good story nito. Ang subtle and super gaan sa feeling basahin. The kind of love na hihingin mo din talaga. Really love this one.
kreidz #2
Chapter 4: HMMMMMM SARAP KILIGIN SA RELASYON NG IBA
alexis_keithh
#3
Chapter 6: 🥹✊
kwinter
#4
Chapter 7: na iinspire ako mag pharma
loveinsoshi #5
Chapter 5: Luvvv
its_aaarrriii
46 streak #6
Chapter 7: AAAAAAAAHHHHHH 🥹🫶
xantheaverielle
#7
Chapter 7: MISSED THIS SO MUCH!!! SALAMAT PO SOBRA OTOR 🥹🫶
Hisseulgi_
#8
Chapter 7: SEE YOU SOOOON YAAAY
akosizig #9
Chapter 7: BFOSNFOWKFOSF MISS PHARMA AND AYEN!!! NAMISS KO KAYO!!!
Maatt_booii #10
Chapter 6: Hayysss..kainggit tong dalawang to eh 💜💜