init, tinig at tamis sa araw-araw

damdamin ko'y umaapaw.
Please Subscribe to read the full chapter

Talaga namang magagaling ang mga Tomasino; sa pag-aaral, sa pakikipagsapalaran sa tunay na mundo, at syempre, sa pagrereklamo.

 

Pagrereklamo na hindi nauubos ang gawain; na palagi na lang mapanghi sa kanto ng Noval; na nakakatamad nang tumungo sa Beato building dahil napakalayo nito.

 

Pero para kay Irene, dalawa lang sa mga ito ang laging bukambibig niya.

 

Dahil siya lang naman ang nag-iisang Arki student from Beato na tatahakin ang daan patungong St. Raymund’s 30 minutes before her Architectural Design 5 class para lang masilayan ang paborito niyang TV Show talent.

 

“That’s it for today’s episode! Join us again next time as we unravel the hidden spots for absolutely mouthwatering but definitely affordable meals outside the four corners of UST. Once again, this has been Jaehyun Jung – and Lee Taeyong with your favorite food trip show, ‘eto ang Saan Tayo Kakain! We’ll see you guys next time!”

 

“Tapos na?” Pagtatanong ni Irene bago sulyapan ang kanyang relo. Kararating niya lang sa lobby ng St. Raymund’s at may natitira pa siyang approximately 28 minutes bago magsimula ang next class niya.

 

She can definitely make time.

 

Humindi naman ang kanyang kausap, “’Di pa. Sakto nga ‘yung dating mo eh. Show na nila ‘yung susunod.”

 

Napangiti si Irene, “Ayos lang pala ang timing ko. Thanks for waiting for me, Jackson.”

 

“Basta ikaw, Ayen.” Mabilis nalaglag ang ngisi ni Jackson nang may bigla siyang naalala, “Pero uy, wala ka bang klase?”

 

“May 27 minutes pa’ko.”

 

Bahagyang tumawa ang kaibigan at orgmate niya from legma, “Naks, keeping track of time. Sure kang ‘di ka male-late ah?”

 

Irene shook her head, “Around 12 minutes lang naman ‘yung bagong episode nila, sigurado akong may extra time pa ‘ko ‘pag balik ko sa Beato.”

 

3rd week of the month – isa lang ang ibig sabihin nito; premiere week na ng Tiger TV shows na kinagigiliwan ng maraming Tomasino. Dinadayo nila ang BGPOP o naman kaya ang lobby ng St. Raymund’s para lang makanood o magpalipas oras bago ang kanilang next class. Pero para kay Irene, isang palabas lang naman ang inaabangan niya dahil gusto niyang suportahan–at higit sa lahat ay masilayan–ang natatanging tao na nasa isip niya mag mula umaga hanggang gabi.

 

Napawi ang katahimikan sa kanilang paghihintay nang biglang mag vibrate ang phone niya.

 

 

COMMON ROOMERS

Jeidee mentioned you: @Ayen

 

Jeidee: SINO TONG NASA RAYMUNDS NA NAMAN 30 MINUTES BEFORE CLASS PARA MAGHANAP NG PAG-IBIG

 

Jeidee: I think bading #AyenBading

 

Wen: Ginagawa niyan sa raymund’s???

 

Wen: ay gagi premiere week nga pala ng ttv ngayon

 

Wen: anjan naman ba yung pag-ibig na hinahanap mo? ;)) @Ayen

 

Jeidee: bacclang two!!!! siguraduhin mong di ka late mamaya for AD5 ah

 

 

Napangiwi si Irene at mabilis na nag-type ng reply.

 

 

Ayen: tse

 

Ayen: tsaka sino naman nagsabi sa’yo na nasa Raymund’s ako? napaka chismoso mo talaga jongdae

 

Jeidee: weh kahit naman di mo sabihin alam na namin ni wen na nandiyan ka lang, eto naman parang others

 

Jeidee: Ayen gagawin ang lahat para kay #MissPharma oh gago bading talaga

 

Wen: #AyenBading

 

Ayen: asus pare-pareho lang naman tayo dito

 

Ayen: tsaka bakit naman ako maiinis eh totoo naman yan *bumukaka*

 

Jeidee: POTA

 

Wen: GAGO KA HAHASIAH

 

Wen: Pero anjan ba si Miss Pharma?

 

Ayen: wala ;( may klase yun ngayon kaya show niya lang talaga masisilayan ko, sobrang nakakalungkot charot

 

Ayen: maya na kayo mangulit aba start na ng show hihi

 

Ayen: catch u l8r mga bading!

 

Jeidee: Landi responsibly ayen tangina mo iba ka talaga pati schedule itinatabi mo para kay miss pharma

 

Wen: Beato Angelico: “Anak I think tama na yan”

 

 

Mabilis na ni-lock ni Irene ang phone niya at ibinulsa bago mag-focus sa screen ng wall-mounted na TV ng Raymund’s. Mabilis na nag-roll ang opening billboard ng paborito niyang ttv show at makalipas ang segundo, sa wakas, narito na rin ang pinaka-inaabangan niya.

 

“…at ako naman si Seulgi Kang. Halina’t samahan niyo kami sa aming pag balik-tanaw sa kung paano naitaguyod ang minamahal nating Unibersidad ng Santo Tomas. Ito ang… Tatak Tomasino!”

 

Kasabay ng pagngiti ni Seulgi sa kamera ang pagliwanag ng mga mata ni Irene, at unti-unti na ngang nabahiran ng kasiyahan ang buong pagkatao niya. Kung ganito ba naman kasi ang masisilayan niya 30 minutes before her Architectural Design class, hindi pa ba siya gaganahang magsipag at mag-aral?

 

At magkikita pa nga sila mamaya ni Seulgi Kang from Pharma – nako, baka grumaduate na si Irene nito nang wala sa oras.

 

Marahang siniko ni Jackson ang kanyang braso bilang pang-aasar dahil alam niyang kinikilig na ang kanyang kabigan. Irene simply rolled her eyes at the act pero hindi na niya tinago ang ngiti sa kanyang mga labi na patuloy lang na lumalawak. All thanks sa napakacute at napakagaling na host ng Tatak Tomasino.

 

Hay nako.

 

Hindi na tuloy siya makapaghintay na sumapit ang vacant period niya.  

 

 

 

 

//

 

 

 

 

COMMON ROOMERS

Jeidee: @Ayen teh ano na kala ko mag ma-mango graham shake pa tayo bat umalis ka na agad?

 

Jeidee: ayaw mo na ba samin >:( pasensya ka na talaga kung kami lang two

 

Wen: may iba na yang kaibigan sa faculty of pahrmacy kaya wag ka na magtaka

 

Wen: or should I say ka-IBIGAN #AyenBading

 

Ayen: Sencia n baby duties eh charmsz

 

Ayen: Salamat sa lunch !!! walang kupas dimsum treats <3 mag mango graham shake na kayong dalawa diyan, nandito lang naman ako sa lib

 

Jeidee: Taray! Diyan kayo mag b-bonding ni miss pharma? Anong aaralin niyo, pano magkaron ng label?  

 

Wen: AMPOTA HADKJGHA WALANG PRENO ANG BIBIG NI BAKLA

 

Ayen: mabulunan ka sana sa iinumin mo mamaya

 

Ayen: counted ba ang ‘testing the waters’ as label

 

Wen: kapag 1 month pa lang pwede pero pag 4 months na bawal

 

Wen: gago Ayen halos isang sem na rin yon ang bagal mo naman

 

Jeidee: Tamah!!! I think jowain mo nah shuta baka maunahan pa kita magkajowa st. thomas aquinas dinggin ang aking hiling pls pls

 

Jeidee: tsaka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iskoseul
Palagian ang alab ng pag-iibigan sa kahabaan ng España. <3

Comments

You must be logged in to comment
your_silent_reader #1
Chapter 7: Very feel good story nito. Ang subtle and super gaan sa feeling basahin. The kind of love na hihingin mo din talaga. Really love this one.
kreidz #2
Chapter 4: HMMMMMM SARAP KILIGIN SA RELASYON NG IBA
alexis_keithh
#3
Chapter 6: 🥹✊
kwinter
#4
Chapter 7: na iinspire ako mag pharma
loveinsoshi #5
Chapter 5: Luvvv
its_aaarrriii
46 streak #6
Chapter 7: AAAAAAAAHHHHHH 🥹🫶
xantheaverielle
#7
Chapter 7: MISSED THIS SO MUCH!!! SALAMAT PO SOBRA OTOR 🥹🫶
Hisseulgi_
#8
Chapter 7: SEE YOU SOOOON YAAAY
akosizig #9
Chapter 7: BFOSNFOWKFOSF MISS PHARMA AND AYEN!!! NAMISS KO KAYO!!!
Maatt_booii #10
Chapter 6: Hayysss..kainggit tong dalawang to eh 💜💜