ilaw, ika'y pinakilala (mata ko ay nasilaw sa iyong ganda)

damdamin ko'y umaapaw.
Please Subscribe to read the full chapter

Balik-tanaw muna.

 

 

Wednesday nights are quite memorable.

 

At the time, naka-break si Irene from working on her plates for 4 hours straight. She set a strict reminder for herself na alas diyes na lang siya ulit gagawa. Sumasakit na kasi ang kanang kamay niya sa kakaguhit pati ang pwet niya sa sobrang tagal na niyang nakaupo. At siyempre, pati ang likod niya. Bata pa naman siya, pero bakit yung sakit ng likod niya parang pang sisenta anyos na?

 

Napagdesisyunan ni Irene na lumbas muna ng kwarto niya para tumambay sa sofa ng dorm kahit sandali lang. Pagkalabas niya ng pinto, agad siyang binati ng ka-dorm niya na nagrereview sa dining table habang umiinom ng kape. Bumagsak na si Irene sa sofa upang mahiga at bumuntong hininga.

 

“Pagod?” Nangangamustang tanong ng ka-dorm niya who momentarily lifted her head from her readings.

 

“Sobra.” Garalgal na sagot ni Irene habang nakasiksik ang mukha niya sa isa sa mga throw pillow. Dinig niya ang paglapag ng tasa sa glass na dining table.

 

“Pahinga ka muna, Ayen. Masama rin ‘yung maghapon kang nakaupo.”

 

Maliit ang ngiting bumunga sa mga labi ni Irene, “Oo nga eh, mamaya na lang ako gagawa ulit… mga 10 siguro. Pero ikaw rin, ‘no! Maghapon ka na ata diyan, ‘di pa ba sumasakit likod mo?”

 

“I took a break na earlier. Kailangan kong itodo ‘tong review ko, malapit na kasi prelims namin eh.”

 

Aba, ang sisipag talaga ng mga taga Faculty of Pharmacy. Very persistent. Parang ‘yung isang kilala ni Irene.

 

“Hmm, sige. Galingan mo ah pero ‘wag mo masyadong isagad.”

 

“Noted with thanks.”

 

Binuksan na lang ni Irene ang Instagram niya para magpalipas ng oras. Nilike niya ang post from her friends at orgs na nag po-promote ng kanya-kanya nilang events. Matic ‘Add To Story’ ang ibang promotional posts from her orgs which are Fotomasino and Arkitrato para ma-boost ang engagement at audience. Minsan, ‘di na rin sigurado si Irene kung BS Architecture ba siya or BS Org. Pero ‘di na rin naman mahalaga ‘yan, she can perfectly balance the two kasi. ‘Yan ang #AyenMagalingNaBading.

 

She was in the middle of browsing through Artidote’s feed nang biglang may nag-text sa kanya.

 

chul

Seulgi: pst!

 

Seulgi: :D

 

Ayen: oh bakit

 

Ayen: ano yang ngiting yan ha

 

Seulgi: mcdo tayo, sa carpark lang

 

Ayen: at this hour?? Malapit nang mag lights out sa uste ah

 

Seulgi: May isang oras pa kaya hehe tara na Ayen

 

Seulgi: :D

 

Ayen: tomorrow morning na lang >>:(

 

Seulgi: dito na ko outside your dorm

 

Seulgi: *sent a photo*

 

 

Mabilis na bumangon si Irene mula sa kanyang pagkakahiga dahil sa gulat. Sa picture kasi, kita na nasa tapat nga lang ng building ni Irene si Seulgi, naghihintay, at naka peace sign habang nakangiti.

 

 

Tanginang ngiti ‘yan.

 

 

Ayen: GAGO

 

Seulgi: ano tara?

 

Ayen: Gago wala akong bra!!!

 

Seulgi: edi mag bra ka ?

 

Ayen: loko nasa laundromat pa kasi

 

Seulgi: okay lang I don’t mind

 

Seulgi: mag hoodie ka na lang para di halata

 

Seulgi: ;D #RichMindsetBa

 

Ayen: gago k ano ba kasing gagawin sa mcdo

 

Seulgi: mag cha-chinese garter

 

Seulgi: syempre kakain ayen ano ba

 

Ayen: malay ko ba!!!

 

Seulgi: HAHAHSDH bilisan mo na diyan ang hangin dito

 

Ayen: libre mo ba?

 

Seulgi: oo basta ikaw

 

Ayen: bilisan lang natin ah, gagawa pa ko ulit ng plates by 10 pm

 

Seulgi: mabilis lang to promsz!

 

Seulgi: :D tara na gusto ko na ng nuggsz

 

Ayen: eto na shuta buti nadala ko hoodie ko

 

 

Nang mabilis na bumango si Irene mula sa sofa, nagtaka naman ang ka-dorm niya.

 

“Oh, akala ko magpapahinga ka muna?”

 

“Lalabas lang ako real quick. Babalik ako agad!” Sagot ni Irene bago i-lock ang pinto ng kwarto niya upang magbihis.

 

Narinig niya ang mga salitang ‘Ingat ka!’ pagkapasok niya. She pulled a pair of grey sweatpants from her closet kasama ang isang black UST hoodie, that she got during her freshman year, bago niya mabilis na isinuot ang mga ito. Ayaw niya kasing maghintay nang matagal si Seulgi sa labas.

 

Isa, dalawa, tatlong hawi sa buhok niya, nagpaalam na si Irene sa ka-dorm niya at bumaba na sa lobby. Pagkalabas niya ng pintuan, nakita niya agad ang mokong. Just like her, naka hoodie rin si Seulgi habang nagmamasid sa kapaligiran ng Noval.

 

She will never let anyone see it, kaya mabilis na ngumiti si Irene sa kanyang sarili bago tawagin ang kaibigan niya.

 

“Oh game, saan ang food trip?”

 

Humarap si Seulgi sa kanya at agad na bumunga ang isang malawak na ngiti sa mga labi niya, “McDo lang. Do you want to eat some place else?”

 

Ngumuso si Irene, “McDo na lang. Kailangan ko rin makabalik before 10.” Nagsimula na silang maglakad patungo sa Noval gate ng USTe. Bahagyang magtatama ang mga balikat nila sa kanilang paglalakad pero they don’t seem to mind. Nilagay ni Irene ang kanyang mga kamay sa loob ng front pocket ng hoodie niya dahil sa lamig habang si Seulgi naman ay pa-sway sway lang kasabay ang simoy ng hangin.

 

“Ilang plates pa ‘yung kailangan mong gawin?” Tanong ni Seulgi.

 

“Last na ‘yung gagawin ko mamaya,” Sagot ni Irene, “Buti na lang pala nag-aya ka mag-McDo. Kailangan ko rin ng kape eh.”

 

Tinaasan siya ng kilay ni Seulgi, “Akala ko ba ayaw mo sa kape?”

 

Irene simply shrugged, “Arki will force you to do things you don’t usually like just to survive. For example, mag calculus.”

 

Napatawa ang kasama niya sa narinig, “Nag ganun ka rin naman nung high school ah?”

 

“Well, may mga bagay na hindi dapat pang matagalan,” Sumimangot si Irene. Tuloy lang ang paglalakad nila hanggang sa nakapasok na sila sa Noval gate. Agad na bumunga sa kanila ang ilang mga estudyante na nag j-jogging around the field at along the drive.

 

Medyo malayo pa ang kanilang lalakarin para marating ang McDo sa carpark kaya tuloy lang ang pag-initiate ni Irene ng small talk, pati na rin si Seulgi, just to avoid the silence. (Which they don’t really mind. Gusto lang talaga nilang kausapin ang isa’t isa.)

 

Bukas ang lahat ng ilaw sa campus, buti naman. Hindi gaano nakakatakot ang atmosphere ng USTe n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iskoseul
Palagian ang alab ng pag-iibigan sa kahabaan ng España. <3

Comments

You must be logged in to comment
your_silent_reader #1
Chapter 7: Very feel good story nito. Ang subtle and super gaan sa feeling basahin. The kind of love na hihingin mo din talaga. Really love this one.
kreidz #2
Chapter 4: HMMMMMM SARAP KILIGIN SA RELASYON NG IBA
alexis_keithh
#3
Chapter 6: 🥹✊
kwinter
#4
Chapter 7: na iinspire ako mag pharma
loveinsoshi #5
Chapter 5: Luvvv
its_aaarrriii
46 streak #6
Chapter 7: AAAAAAAAHHHHHH 🥹🫶
xantheaverielle
#7
Chapter 7: MISSED THIS SO MUCH!!! SALAMAT PO SOBRA OTOR 🥹🫶
Hisseulgi_
#8
Chapter 7: SEE YOU SOOOON YAAAY
akosizig #9
Chapter 7: BFOSNFOWKFOSF MISS PHARMA AND AYEN!!! NAMISS KO KAYO!!!
Maatt_booii #10
Chapter 6: Hayysss..kainggit tong dalawang to eh 💜💜