SPECIAL — ikaw ang puso ko (dahil sa’yo, dumadanak ang dugo)

damdamin ko'y umaapaw.
Please Subscribe to read the full chapter

A/N: Kumusta?

 

Nagdaan na ang Bacc Mass at Graduation season pero gaya nga ng tawag nila dito sa UST, Solemn Investiture.

 

Nais kong batiin ang mga nagtapos at magtatapos ngayong taon pati na rin sa susunod na taon. Ipagpatuloy lang ang pagiging mahusay sapagkat ito pa lang ang tunay na simula. Para ‘to sa inyo.

 

Here’s a special chapter with Ayen and Miss Pharma once again but this time, with changes reinforced by time.

 

(Pagbati rin sa dahilan ng pagbugso ng pusong ito. Salamat sa araw-araw. Para sa’yo rin ito. Minamahal kita.)

 

Salamat sa pagbabasa.

 

Para sa patuloy na pag-alpas,

Kavi.

 

 

//

 

 

Panibagong taon na naman.

 

Well, technically hindi na naman bago ang taon dahil it’s been 6 months since the new year came.

 

3 years nang graduate si Irene. Matagal na rin siyang nagta-trabaho, 3 years din to be accurate. Nagtrabaho siya agad after graduation for two things: (1) para makatulong sa pamilya niya at (2) makakuha ng experience na required for the Architect Licensure Examination which she will be taking this year kaya naman todo-todo ang pagsusunog niya ng kilay ngayon. She’s very eager to get that RLA. Ang tagal niya na rin pinapangarap na maidugtong ito sa pangalan niya.

 

Kaya ngayon, at 12 am, patuloy pa rin siyang nag-aaral sa workspace ng kanyang condo. Recently niya lang nakuha ang place, wala pang isang taon at dahil nga sa pandemya, bumaba na rin ang rates ng pag renta kaya kinuha na niya. Kailangan niya rin ng utmost at undivided concentration for her review kaya tama lang na manirahan muna siya mag-isa at malayo sa family home niya na sagana sa ingay. ‘Yun nga lang, madalas niyang namimiss ang… mga bagay bagay.

 

Kagaya ng kapatid niya na bigla na lang papasok sa kwarto niya’t kukulitin siya on random nights para makipag-kwentuhan dahil madalas nang maging busy si Irene sa work at review niya to the point na she rarely has the time to socialize or go out to have fun with her friends. Wala naman siyang problema dito, gusto rin naman niyang maka-bonding ang nakababatang kapatid niya na ngayon ay nasa UST na rin as a freshie under the College of Tourism and Hospitality Management.

 

Speaking of friends, miss na miss na rin ni Irene ang mga constants niya. Walang iba kundi sina Wendy at Jongdae. Just like her, nagre-review din silang dalawa ngayon for the boards habang nagta-trabaho. Kaya halos hindi na rin sila nagkikita sa personal, madalas ay online na lang through discord calls to have study sessions and occasional kumustahans. Pero kahit ganun, never silang nagtampuhan. Never nag deteriorate ‘yung level of friendship nilang tatlo dahil naiintindihan nila ang sitwasyon ng bawat isa. Kayod muna ngayon para sa pangarap at kinabukasan. Pagkatapos, tsaka na sila magwawalwal nang malala at walang inaalala dahil by then, hopefully and she prays so dearly, registered at licensed architects na silang tatlo. Sama-sama silang nagsisikap mula noon hanggang ngayon. Sana, sama-sama rin nilang makakamit ang tagumpay. Call that tropa goals.

 

Masaya si Irene dahil even after almost 8 years since the three of them first met, became blockmates, and eventually, best of friends, they’ve been inseparable. Her heart feels full because of this.

 

Almost.

 

Dahil ang pinaka-namimiss niya sa lahat ay ang natatanging tao na pumupuno sa puso niya.

 

Seulgi.

 

4 years na siyang graduate from the Faculty of Pharmacy. Registered Pharmacist na rin. 4 years na rin since she entered the Faculty of Medicine and Surgery at ngayon, ga-graduate na siya ulit.

 

Ang bilis talaga ng panahon.

 

Biglang nauhaw si Irene at the thought.

 

Tinanggal niya ang salamin niya, tinupi ito, at saka nilapag sa kanyang mesa. Napalingon siya sa orasan situated above a bookshelf from IKEA. Malapit na palang mag ala una. Irene had an internal debate whether she would go to bed now or not. Marami pa siyang kailangan aralin. Napalingon naman siya ngayon sa mga Manila paper containing architectural key points to remember na nakadikit sa bawat sulok at stretch ng mga pader ng workspace niya. Lalo tuloy siyang nauhaw.

 

Irene ran a hand through her messy hair to fix it bago siya tumayo para pumunta na sa kusina. Binuksan niya ang maliit na ref at hinigit ang pitsel na naglalaman ng malamig na tubig. As she poured a glass for herself, sinandal niya ang kanyang bewang sa kitchen island at hinayaan ang sarili na huminga nang maaliwalas. Muling nagbalik ang internal debate ni Irene, tulog o kayod pa?

 

Natigil lang ito nang bumagsak ang mga mata ni Irene sa gilid ng munting ref kung saan sari-saring mga litrato at dokumento ang nakadikit gamit ang mga makukulay na magnet. May bill ng tubig at kuryente, postcards, kupas na polaroids, at grad pics ng kanyang mga kaibigan. Pero ang pinaka-nangibabaw para kay Irene ay ang photobooth strips kung saan kasama niya si Seulgi. Ang sweet sweet nilang tignan sa bawat kuha, muntik nang mangisay si Irene dahil sa kilig at lamig ng iniinom niya. Paborito niya ang ikaapat na kuha – the one where she’s kissing Seulgi on the cheek with closed eyes at ngiting ngiti naman ang kasama niya na halos hindi na rin makita ang kanyang mga mata.

 

Medyo kumirot ang puso ni Irene. Namiss niya tuloy lalo si Seulgi. Ang tagal na rin kasi mula nung huling beses na nagkita sila.

 

Instead of sulking, tinungga na ni Irene ang baso ng tubig at nilagay ito sa lababo. Mamayang umaga na lang niya huhugasan ito.

 

Bumalik na siya sa kanyang workspace at nang makaupo na siya, naabot niya na rin ang final verdict ng kanyang internal debate: konting kayod pa.

 

Hinablot ni Irene ang yellow highlighter niya, muling sinuot ang kanyang salamin, at tsaka isa-isang binuklat ang kanyang review index cards. Sige na, Irene. Konting kayod pa.

 

 

“Kaya pa?”

 

 

At ayan na nga.

 

Ang nag-iisang boses na inaasahan niya.

 

Binaba ni Irene ang highlighter niya sa drafting table and for the first time that night, she slouched in her seat. Pagka-ikot niya sa kanyang ergonomic chair, nakita niya si Seulgi na nakabihis in her type A uniform na isusuot niya rin mamayang hapon for her baccalaureate mass. Nakasandal siya sa pinto with folded arms and a sweet, tight-lipped smile.

 

Irene let her eyes scan the woman before her bago niya ginaya ang ngiti sa kanyang mukha.

 

“Excited ‘yan?” Nagbibiro niyang tanong.

 

“Medyo.” Sagot ni Seulgi bago niya nilapitan ang girlfriend. Irene met her halfway with open arms kaya ito sila ngayon, magkayakap sa gitna ng madilim na silid with Irene’s forehead resting on Seulgi’s tummy.

 

“Pagod na ata ang architect ko.” Rinig ang ngiti sa boses ni Seulgi na ngayon ay hinahaplos na ang ulo ni Irene at bahagyang inaayos ang kanyang buhok. She slowly cradled Irene’s face and lifted her chin para magtagpo ang mga mata nila, “Pahinga na tayo? Anong oras na rin. I’ll help you fix your stuff.”

 

Muntik nang maluha si Irene. The thing is, ngayon na lang ulit sila nagkita ni Seulgi after a few weeks kaya miss na miss niya pa rin ang kanyang iniirog kahit na magkasama na sila ngayon. At ang rason ng hindi nila pagkikita? Clerkship ni Seulgi at, as usual, and non-stop review ni Irene for the licensure exam. Kaya naman, pareho silang kulang sa tulog at nabubuhay sa kape. Biro pa nga ni Seulgi nung isang araw na magkausap sila sa telepono, siguro raw ay mas maganda kung maglagay sila ng IV drip na kape para mas marami silang magawa at aral sa isang buong araw. Tawang tawa naman si Irene.

 

Kahit na consistent ang updates nila sa isa’t isa, nag-aalala pa rin si Irene because of the lengthy amount of time that they spent apart. Even if they thoroughly understand the situation of one another, she still feels sorry for being physically absent dahil alam niya sa sarili niyang she could have taken better care of Seulgi kung hindi lang siya hawak sa leeg ng pagrereview niya.

 

“I’m sorry.” Muli niyang idinantay ang noo niya sa tiyan ng girlfriend.

 

“Hm? Saan naman galing ‘yan?” Malambing na tanong ni Seulgi.

 

“Kasi,” Irene sniffled softly, “I feel… parang guilty? Ang tagal nating ‘di nagkita. Mas naalagaan sana kita kung hindi ko nilulunod ‘yung sarili ko sa pag r-review. Tsaka…” Hinabol ni Irene ang kanyang hininga, “I’m sorry lalo for the times na halos ‘di tayo nag-uusap sa sobrang busy natin. I’ll make it up to you, promise.”

 

Dumaan ang panandaliang katahimikan bago naramdaman ni Irene ang dahan-dahang pagluhod ni Seulgi. Itinaas niya ang kanyang mga mata and she was now at eye-level with her girlfriend na malambing at paulit-ulit na tinutulak ang buhok ni Irene sa likod ng kanyang tenga. Pinupunasan din ni Seulgi ang mga mumunting luha na tumutulo sa mga mata ni Irene habang malambing din na nakangiti.

 

“Ayen,” Marahang tawag ni Seulgi sa pangalan niya, “Mahal,” Tawag muli ni Seulgi at sa wakas, tumingin na rin si Irene sa kanyang mga mata. “Walang may kasalanan.” Lumawak ng kaunti ang ngiti ni Seulgi. Pinagdikit niya ang kanilang mga noo, “Hindi natin kasalanan.” Tsaka niya tinaas ang kanyang mga labi upang hagkan ang noo ni Irene.

 

“Pareho tayong may pangarap. Big ones. Kaya naiintindihan ko, believe me, I understand fully the sacrifices we have to make para makamit sila. Kasama na diyan ‘yung hindi natin pag-uusap minsan pati ‘yung mga araw na good morning, good night, at mahal kita lang ang nasasabi natin sa isa’t isa pagkatapos ng hectic na maghapon. Lahat sila, naiintindihan ko. Walang problema sa ‘kin. The time we spent apart never created a gap between my heart and yours. Naglapit nga sila lalo eh.” Parang nagbibiro ang dating ni Seulgi dahil sa munti niyang pagtawa pero seryoso siya. Seryosong seryoso dahil si Irene ang katapat at tinutukoy niya.

 

“Mahal, please ‘wag mong isipin and ‘wag kang ma-guilty na hindi mo ‘ko naalagaan enough during my clerkship. Alam kong you had to focus on the boards, lalo na ngayon kasi malapit na siya. Busog na ‘ko sa pagmamahal mo sa bawat pagpapaalala mo sa ’kin na kumain ako, to stay hydrated, na lagi akong maghugas ng kamay, na mahal mo ‘ko. Lalo na sa tuwing magpapadala ka ng lunch or dinner. Solved na solved na ‘ko, Ayen. You have no idea how much each good morning or good night completes my day, lalo na sa tuwing dudugtungan mo na mahal mo ‘ko. Alagang alaga mo nga ako eh.” Seulgi scanned Irene’s face with much intent and adoration. Alam niyang her biggest mission ngayon is to reassure her girlfriend.

 

“You’re going to be Architect Irene Bae in a few months, and I’ll have an MD next to my name hopefully by next year. By then, I won’t be thinking about the time we spent apart kasi I will be thinking about us and how we finally made it to the finish line because we take care of and make each other want to do better at the end of each day through the big and little things, and Ayen,” Muling ngumiti si Seulgi, “I don’t think you realize na hindi ako mag b-baccalaureate mass mamaya at g-graduate next week kung hindi mo ‘ko sinamahan in the past 4 years. Hindi naman importante sa ‘kin na hindi consistent ‘yung pagkikita or pag-uusap natin lately. Ang mahalaga sa ‘kin is that you sticked around; you stayed despite everything being so hectic and repetitive; you kept me in mind every single day, and believe me when I tell you that I’ve done the same, Ayen, in every minute and every second. Hindi lang these past few months, but the past 4 years kahit nung nababaliw pa ‘ko dahil sa lintek na biochem na ‘yan.” Magkasamang tumawa ang dalawang mag-irog.

 

“Seryoso ako, Ayen,” Mariin ang pagtitig ni Seulgi sa mga mata ng kanyang iniibig, “It’s you who makes me want to do better every day. Thank you for always taking care of me even if you’re unaware of it sometimes. Focus ka lang sa boards mo. I’ll help you get by along the way. Nandito lang naman ako sa likod mo palagi, hm? Naaalala mo pa ba ‘yung sinabi mo sa ‘kin sa harap ni Benavides nung naging tayo na?” Hinagkan naman ni Seulgi ngayon ang pisnge ni Irene at nung bahagya siyang lumayo, parang sasabog na ang dibdib ni Irene.

 

“Basta tayong dalawa sa huli.” Wika ni Irene habang namumugto ang kanyang mga mata.

 

Lumawak ang ngiti ni Seulgi. Maligaya siya dahil naaalala pa ni Irene ang isa sa pinaka-importanteng mga kataga na narinig niya sa buong buhay niya.

 

“Mahal na mahal kita. Lagi’t lagi.” Bulong ni Seulgi.

 

Wala nang ibang nasabi at nagawa si Irene kundi hagkan na ang mga labi ni Seulgi. Lalo niyang naramdaman ang bawat bugso at buhos ng pag-ibig sa ilalim ng kanyang balat, sa kamay na mayumi siyang hinihila papalapit, sa mga labing hahanap-hanapin niya pagkatapos ng bawat nakakapagod na araw, at sa init na walang sawa siyang yayakapin at kukupkupin.

 

When they pulled away, nanatiling magkadikit ang kanilang mga noo. Pagkabukas ng kanilang mga mata, tinunton ni Irene ang balangkas ng mukha ni Seulgi at marahan siyang napangiti sa sarili nang maramdaman niya ang mga labi ni Seulgi sa dulo ng kanyang mga daliri. Ramdam niya ang pag-ibig na tunay, hindi na mababawi, at palagian. Para na talagang sasabog ang puso sa loob ng kanyang dibdib.

 

“Tsk…” Unti-unting bumunga ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Irene, “Ikaw, gagraduate ka na lang, magpapaiyak ka pa. Baka lumobo mga mata ko mamaya pagkagising natin.”

 

Napatawa si Seulgi, “Tulog na tayo para hindi na talaga sila lumobo.”

 

Hinagkan ni Irene si Seulgi ng isa pang beses bago sila tumayo at nag-ayos na para matulog. Hapon pa naman ang baccalaureate mass ni Seulgi mamaya pero pareho nila gustong gumising ng umaga so they can make up for lost time in the morning. It’s something they’ll always do, make time for each other no matter the situation or circumstance.

 

Magpapalit na sana si Seulgi out of her type A uniform and into some pajamas nang hawakan ni Irene ang kanyang mga kamay. Siya na ang nagtanggal ng mga butones ng uniporme ni Seulgi. Kahit dahan-dahan ang kanyang pagtanggal, napansin ni Seulgi na parang masigasig na ginagawa ni Irene ito.

 

“Sinuot mo pa ‘to,” Tuloy lang ang pagtanggal niya sa mga butones, “tatanggalin ko rin naman.”

 

Tila nagulat si Seulgi sa mga salita ni Irene. Pero was she one to easily let her defenses down? Hindi. Kaya naman, sinakyan niya ang trip nito.

 

“Akala ko ba ayaw mong lumobo ‘yung mga mata mo kaya matutulog na tayo?” Nakangising tanong ni Seulgi, “Mapupuyat ata tayo sa gusto mong gawin.”

 

Napahinto si Irene sa kanyang ginagawa. “Ayaw mo?” Nakangisi niya ring tanong.

 

Kumagat muli si Seulgi. “Alin?” Tinaas niya ang kanyang kilay.

 

Umarangkada muli ang mga daliri ni Irene sa pagtanggal ng mga butones ni Seulgi. Ang kaibahan lang, kasabay na nito ang muling paghagkan niya kay Seulgi nang mas mariin at mas malalim, ‘yung tipong pinaparating sa kanilang dalawa na may ibang patutunguhan ang kanilang ginagawa.

 

Sa wakas, tapos na si Irene sa pagtanggal ng bawat butones, at bukas na ang pantaas na uniporme ni Seulgi. Humiwalay na siya.

 

“Ayaw mo?” Pag-uulit ni Irene pero ngayon, mas malalim na ang kanyang boses.

 

Lumawak lalo ang ngisi sa mukha ni Seulgi, “Gusto.”

 

Hindi na kailangan ni Seulgi na magsalita pa para ipagpatuloy ni Irene ang kanyang ginagawa. Isa pang halik ang binigay niya sa mga labi ni Seulgi bago siya nag-iwan ng tila ay namamasong mga halik sa kanyang panga, likod ng tenga, at leeg. Naglakbay naman ang mga kamay ni Irene sa balikat ni Seulgi upang tanggalin na ang uniporme niya na nakasabit dito.

 

“Oh, ‘wag mong gusutin. Isusuot ko ‘yan mamaya.” Natatawang banta ni Seulgi habang mahigpit niyang hawak ang bewang ng iniirog dahil ramdam na niya ang pagkasabik ni Irene.

 

“Pa-plantsahin ko na lang.” Sabi na lang ni Irene bago siya bumalik sa paghalik sa mga labi ni Seulgi at tuluyang ipinulupot ang kanyang mga kamay sa batok ng iniirog. Sa pagbagsak nila sa kama habang mahinang humahagikgik, pareho na nilang alam na tatagal at hahaba pa ang kanilang gabi.

 

Ala una y media na nang matapos sila.

 

Si Seulgi, nakahiga lang sa kanyang harapan at patuloy na hinhingal kahit nabigyan na siya ni Irene ng tubig. Mukha man siyang pagod na pagod, super satisfied naman siya.

 

Si Irene naman, tahimik lang na nakatingin kay Seulgi, may ngisi pa rin sa mga labi at medyo magulo ang buhok. May mumunti rin siyang mga kalmot sa kanyang likod na namumula, katulad ng mayroon si Seulgi. Gayunpaman, walang kupas ang ganda ni Irene kahit medyo balot siya sa pawis at pagod. Medyo natatawa pa nga si Seulgi sa ngisi niya. Tila ba parang proud na proud siya sa kanyang ginawa.

 

“Tubig pa, mahal?” Alok ni Irene. Hinawi niya ang buhok ni Seulgi na unti-unting natatakpan ang kanyang mukha at tinulak ito sa likod ng kanyang tenga. Nakita na niya sa wakas nang mas maayos ang kanyang minamahal.

 

“I’m okay. Thank you.” Sabi niya through a breathy chuckle. Hindi siya gumagalaw mula sa kanyang pwesto; ulo sa unan, harapan sa malambot na mattress, mga mata’y pinagmamasdan ang mukha at pigura ng iniirog. Para bang muli niyang hinahawakan ang katawan ni Irene gamit ang kanyang mga mata sa parehas na paraan na ginawa ng kanyang mga kamay kanina: mainit, dahan-dahan, tuloy-tuloy, at sigurado. Parang malapit nang matunaw si Irene sa kanyang pwesto dahil sa pagtitig ni Seulgi.

 

Dumulas ngayon ang palad ni Irene patungo sa pisnge ni Seulgi, hinlalaki paulit-ulit na dinadama ang kanyang balat.

 

“You okay?” Mabining tanong ni Irene.

 

“I am.” Pagtitiyak ni Seulgi. “I just feel like na parang lumulutang ako.”

 

Umalingawngaw ang nakahuhumaling na hagikgik ni Irene sa kwarto. “Magaling ba?” Kalahating nang-aasar at kalahating seryosong tanong niya.

 

Syempre naman, alam na ni Seulgi ang sagot.

 

“Sobra.” Bahagyang umusog si Seulgi sa tabi ni Irene at muli siyang hinila papalapit sa loob ng kanyang mga bisig.

 

Tsaka hinagkan ni Seulgi ang ilan sa mga nunal ni Irene; sa tuktok ng kanyang ulo, sa kanang parte ng kanyang noo, sa dulo ng kanyang kilay, sa ibaba ng kanyang kanang mata, sa kanyang pisnge, kanang balikat, kanang braso, at dibdib. Lahat ito bago niya muling hinagkan ang labi ng iniirog. Pang-ilan na ito sa buong magdamag na magkasama sila ngayong gabi.

 

“Nung sinabi mo sa ‘kin kanina na you’ll make it up to me,” Marahang hinahawakan ni Seulgi ang ulo ni Irene, hinlalaki’y hinahaplos ang labi ng iniirog, “Hindi ko inakalang ngayong gabi agad.”

 

Mahinang napatawa si Irene, “Hindi pa naman ito ‘yun.” She reveled in the feeling of Seulgi’s arms around her bare body, “May naiisip na ‘kong mga lugar na pwede nating puntahan for our dates  pero tell me pa rin where you wanna go.”

 

“Hindi naman mahalaga sa ‘kin kung sa’n tayo pupunta.” Ngayon, si Seulgi naman ang humahawi sa buhok ni Irene, “Basta kasama kita.”

 

“Weh? Sino ka diyan?” Pang-aasar ni Irene at nahiga naman si Seulgi sa kanyang likod kasama ang isang palabirong buntong hininga. Agad namang pum’westo si Irene sa ilalim ng braso ni Seulgi, ulo’y nakapatong sa kanyang dibdib and like a reflex action, pinulupot ni Seulgi ang kanyang braso sa balikat ni Irene.

 

“Basta’t makasama ka, ako’y nakauwi na~ ayan ba ‘yun?” Tuloy lang si Irene sa kanyang malambing na pang-aasar.

 

Seulgi let out a chuckle, “Exactly.” Wika niya sa sintido ni Irene na binigyan niya ng halik. Napapikit si Irene dahil dito.

 

“Antok ka na ba?” Biglang tanong ni Irene habang nakayakap sa kanyang katabi.

 

“Hm, hindi pa.” Umiling si Seulgi, “Ikaw ba?”

 

“Hindi pa rin.”

 

“Oki. What do you wanna do?”

 

Bumangon ng kaunti si Irene mula sa kanyang pagkakahiga upang harapin si Seulgi. Ang kanyang iniirog naman ay patuloy na hinahawi at pinaglalaruan ang kanyang buhok.

 

“Can I draw on your back?” Tanong ni Irene.

 

“Hindi ba hahawa ‘yung ink mo sa sheets?”

 

“Patutuyuin naman natin.” Nakangiting sumagot si Irene.

 

“Okay.” Wala nang pag-aalinlangan na sagot ni Seulgi. Humiwalay siya ng kaunti kay Irene para hawiin ang kanyang buhok at muling humiga sa kanyang harapan para ipresenta ang kanyang likod sa iniirog. Wala siyang kahit anong saplot bukod sa kumot na bumabalot sa kanyang katawan mula sa bewang hanggang paa kaya presko ang kanyang pakiramdam.

 

Naghanda naman si Irene by getting off the bed and wearing an oversized button up shirt na kinuha niya lang basta sa aparador. Damit pa pala ni Seulgi ang naisuot niya. It’s one of the many shirts na iniiwan niya on purpose before sakaling doon siya patulugin ni Irene. Pagkatapos, lumabas siya ng kwarto para kuhanin ang body marker mula sa workspace niya. Pagkabalik ni Irene, agad siyang sumiping sa kama at lumapit kay Seulgi.

 

Nilapit niya ang kanyang mga labi sa tenga ng iniirog bago niya ibinulong, “Can you sit up for me for a while, mahal?”

 

Mabilis na sumunod ni Seulgi. Bumangon siya para umupo, dahilan ng pagdulas ng kumot mula sa kanyang katawan sa kama. 

 

Hinawi ni Irene ang kanyang buhok at nirolyo pataas, forming it into a bun. Tsaka niya itinali ang buhok ni Seulgi at nang-aasar na pinindot ang malaki niyang nunal sa likod.

 

“Dingdong.” Humahagikgik na tukso ni Irene bago niya binigyan ng halik ang parte ng likod na ito ni Seulgi at ang kanyang batok. Napatawa naman ang kanyang iniirog. Lagi kasi itong ginagawa ni Irene kahit pa nakadamit siya. 

 

Lumingon si Seulgi sa kanyang gilid upang harapin si Irene, “Thank you.” Pasasal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iskoseul
Palagian ang alab ng pag-iibigan sa kahabaan ng España. <3

Comments

You must be logged in to comment
your_silent_reader #1
Chapter 7: Very feel good story nito. Ang subtle and super gaan sa feeling basahin. The kind of love na hihingin mo din talaga. Really love this one.
kreidz #2
Chapter 4: HMMMMMM SARAP KILIGIN SA RELASYON NG IBA
alexis_keithh
#3
Chapter 6: 🥹✊
kwinter
#4
Chapter 7: na iinspire ako mag pharma
loveinsoshi #5
Chapter 5: Luvvv
its_aaarrriii
45 streak #6
Chapter 7: AAAAAAAAHHHHHH 🥹🫶
xantheaverielle
#7
Chapter 7: MISSED THIS SO MUCH!!! SALAMAT PO SOBRA OTOR 🥹🫶
Hisseulgi_
#8
Chapter 7: SEE YOU SOOOON YAAAY
akosizig #9
Chapter 7: BFOSNFOWKFOSF MISS PHARMA AND AYEN!!! NAMISS KO KAYO!!!
Maatt_booii #10
Chapter 6: Hayysss..kainggit tong dalawang to eh 💜💜