pag-ibig ko'y umaapaw.

damdamin ko'y umaapaw.
Please Subscribe to read the full chapter

Mga sapatos na nakahanay sa may pintuan, alak sa mesa, malakas na tawanan. Pamilyar na sila sa eksenang ganito. In fact, isa nga ito sa mga paborito nilang ganap.

 

Tapos na ang finals week.

 

Sa wakas.

 

Tapos na rin ang first sem. Ang po-problemahin na lang nila ngayon ay ang resulta ng paghihirap nila. Ang mga marka at grado na ipapakita sa araw ng Pasko. Oo, sa Pasko. Hindi rin alam ng mag t-tropa kung anong trip ng UST at kailangang sa Pasko pa talaga ipapakita ang mga grado nila. Napaka garang regalo naman nito, Papa Benavides. Kaya naman, ayan ang dinadada ng bunganga ni Jongdae ngayon sa sala ng dorm ni Irene.

 

“Tangina talaga!” Malakas na sabi ni Jongdae pagkatapos niyang inumin ang pinapa-ikot na shot, “Isipin mo, magbubukas ka na nga lang ng regalo at kakain ng noche buena tapos eepal pa ‘yang myUSTe portal na ‘yan sa to-do list mo. Pota. Naalala ko bigla: Last year, naiyak ako nung nakita ko ‘yung grade ko sa calculus kasi gago, tres! Nung tinanong ako nung nanay ko kung bakit ako umiiyak, sabi ko masaya lang ako kasi ramdam na ramdam ko ang Christmas spirit. Naniwala naman si teh!”

 

Kasabay ng pag-inom ni Jongdae sa baso niya ang halakhakan ng mga kasama niyang sina Irene, Kyungsoo, at Wendy. Nakaupo ang magka-kaibigan sa sahig at pinalilibutan ang coffee table kung nasaan ang lahat ng mga alak at chichirya. May paghampas pa sa balikat ni Jongdae si Irene dahil sa sobrang tuwa habang ngiting ngiti namang sinandal ni Wendy ang sintido niya sa leeg ni Kyungsoo na nakasandal sa sofa habang inaakbayan ang kanyang nililigawan. Hindi sigurado si Irene kung bakit namumula ang La Sallistang si Kyungsoo – dahil ba sa alak, o sa magandang dalagang laman ng bisig niya?

 

At si Miss Pharma? Padating pa lang dahil siya na ang nag volunteer na bumili ng pulutan sa baba.

 

“Sa Christmas talaga?” Tanong ni Kyungsoo in between his laughs.

 

“Oo, beh. Ganun ang bonding dito sa España.” Sagot ni Jongdae.

 

Umiling ng kaunti si Kyungsoo, “Grabe. That’s so… horrid.”

 

Pumalakpak si Jongdae, “I know right! It’s so horrid!” Baklang bakla niyang ginaya si Kyungsoo, may kasama pang hair flip kahit maigsi naman ang buhok niya. Muling napatawa ang grupo dahil dito, lalo na si Kyungsoo na talagang tuwang tuwa sa kanya.

 

“Ang mahalaga, Paskuhan na next week.” Komento ni Wendy nang humina na ang kanilang mga halakhak.

 

“Korique. At ang mas mahalga pa diyan…” Tumayo muna si Jongdae bago muling nag shot. Nang ibaba niya ang shot glass sa mesa, matinis niyang sinabi: “May paskuhan date na ‘ko!”

 

Kasabay niyang tumili si Irene at Wendy, pero sa totoo lang, mas matinis at mas tunog babae pa siya sa dalawa niyang kaibigan. Malawak lang na nakangiti si Kyungsoo habang pinagmamasdan ang tatlong magkakaibigan.

 

“Bakla ka! ‘Di mo pa nakukuwento kung sino!” Kinurot ni Irene ang tagiliran ni Jongdae na nagdulot sa kanya na biglang mapaupo.

 

“Eto na nga kasi, baks!” Umayos ng upo si Jongdae before he cleared his throat, “Si Oh from Eng.” Malawak siyang ngumiti bago kinuha ang boteng malapit nang maubos, “Sorry, Jack and Daniel, may bago na ‘kong bebe.” Hinalikan ni Jongdae ang bote.

 

“Gago?” Parang hindi makapaniwala si Wendy sa narinig.

 

“Si Sehun?!” Gulat na tanong ni Irene, jaw hanging in the air. Excited at proud namang tumango si Jongdae.

 

“Weh, pa’no mo napasagot? Maraming chix ‘yon ah. Ginayuma mo ‘no?” Nang-aasar na tanong ni Wendy.

 

“Gaga, hindi!” Pabirong binato ni Jongdae si Wendy ng crumpled tissue. “Tinanong ko lang siya nung November tapos um-oo siya. Wala, ganda lang siguro.” Muling ng hairflip si Jongdae kahit kulang ang buhok na ifi-flip.

 

“Tangina, November pa lang? Iba ka talaga, paturo nga.” Sabi ni Irene.

 

Habang patuloy na nag-aasaran si Jongdae at Irene. Pinaliwanag at kinuwento naman ni Wendy kay Kyungsoo kung sino si Sehun at kung ano ang sitwasyon nilang dalawa ni Jongdae para hindi ma-out of place ang manliligaw niya. Hindi na kailangan itanong ni Jongdae kung sino ang magiging Paskuhan date ng dalawa niyang ka-tropa. Syempre, kay Wendy, si Kyungsoo; kay Irene naman, walang iba kundi ang suaveng si Miss Pharma. Teka. Natanong na ba nila ang isa’t isa?

 

“Kain na!” Tawag ng isang boses mula sa kusina kung nasa’n ang pintuan papasok sa dorm. Hindi na nila kailangan magtaka kung sino ang bagong dating dahil alam nilang si Seulgi ‘yon na may dala-dalang isang buong manok from 24 Chicken.

 

“Ayan na pala. Kukuha lang ako ng plato guys. Sandali lang.” Tumayo si Irene at tumungo sa kusina upang kunin ang mga paper plates na binili niya kaninang hapon lang.

 

“Ano, Kyungsoo, shot pa?” Alok ni Jongdae.

 

“Yes, please.” Hinawakan ni Kyungsoo ang baso using both of his hands bago ito binuhusan ng alak ni Jongdae.

 

Muling uminom si Wendy mula sa baso niya, “Jeidee, gawin mo nga ‘yung party trick mo.”

 

“Alin? ‘Yung pag chup– aray ko, gago!”

 

Mabilis na piningot ni Wendy ang tenga ni Jongdae bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin. Bahagya niyang sinamaan ng tingin ang kaibigan habang si Kyungsoo naman ay nagpipigil ng tawa sa tabi niya.

 

“Bakla ka talaga. ‘Yung kakantahin mo ‘yung Love Moves sa original key kasi.”

 

“Ay, oo! Sige. Kyungsoo, paabot nung mic please. Hehe.”

 

Sa kusina, busy ang dalawang super duper mega extreme friends na may something sa pag-aayos ng pulutan nilang barkada.

 

“Bumili na rin pala ako ng softdrinks. Baka pwedeng ipangtimpla mamaya.” Sabi ni Seulgi habang hinahanda ang mga kubyertos mula sa drawer.

 

“Thanks. Bayaran kita mamaya.” Nginitian ni Ayen si Miss Pharma habang sinusubukang abutin ang paper plates sa mataas cupboard.

 

“Sus, ‘wag na. Extra ambag ko na ‘to sa inyo.” Ilalabas na sana ni Seulgi ang pagkain nila mula sa plastic bag nang biglang ma-out of balance si Irene dahil sa pag talon niya para maabot ang paper plates.

 

Gladly, mabilis ang reflexes ni Miss Pharma (Naks, Spiderman ‘yan?) kaya agad niyang nasalo si Irene bago pa siya bumagsak sa sahig.

 

“Oh, dahan dahan.” Kalmado niyang sabi, “Okay ka lang?” Malambing ang boses ni Seulgi.

 

 

Hindi.

 

Physically, oo. Okay lang si Ayen. Pero emotionally? Hindi.

 

 

Dahil napansin niya kung gaano kalapit ang mga mukha nila sa isa’t isa at ang mga malakas na bisig na binalot siya sa isang ligtas na yakap. Nasa balikat ni Seulgi ang mga kamay niya habang ang mga kamay naman ni Miss Pharma ay nakabalot sa bewang ni Irene. Ramdam ni Irene ang init na nanggagaling sa mga palad ni Seulgi kahit medyo makapal ang suot niya. Mabilis umakyat ang init na ito sa kanyang mga pisnge at agad na bumunga ang matingkad na kulay na pula sa mga pisnge ni Irene.

 

Hindi siya maka imik. Heto na naman siya. #AyenBading.

 

“Ayen, may yelo pa ba tayo? Malapit na kasing–“ Napatigil si Jongdae sa kanyang pananalita nang makita ang dalawa niyang magkaibigan na tila ay balot na balot sa isa’t isa. Ngumisi si bakla at puta, sigurado si Irene na walang hanggan na naman siyang aasarin ni Jongdae nito.

 

“Mamaya na lang pala ako kukuha ng yelo. Sige na. Okay lang. Mag momol lang kayo diyan. Whoo! Todo na ‘to!” Bulong ni Jongdae at aba, ginaya pa nga niya ang idolo ni Irene na si Miss Rufa Mae.

 

Nang makaalis na si Jongdae, humiwalay na si Irene kay Seulgi. Namumula pa rin at sobrang nahihiya dahil sa pinagsasabi ng kaibigan niya. Si Seulgi naman, chill lang at nagpipigil ng tawa.

 

Pinulot niya ang nalaglag na pack ng paper plates sa sahig at inabot ito kay Irene.

 

“Sorry kay Jongdae ah, loko talaga ‘yung baklang ‘yun.” Nahihiyang sabi ni Irene nang kunin niya ang mga plato mula kay Seulgi.

 

Marahan lang tumawa si Seulgi, “Okay lang, Ayen. Sanay na ‘ko diyan kay, Jeidee.” She answered reassuringly.

 

Tuloy lang sila sa pag prep ng pagkain. Inayos ni Irene ang mga plato at sawsawan habang si Seulgi naman ay busy sa pag pares ng mga kubyertos at hakot ng yelo.

 

Nang matapos na sila and as they were about to bring the food to the table, saglit na tumigil si Seulgi.

 

“Seul?” Tanong ni Irene nung napansin niyang hindi gumagalaw ang kasama niya, “Bakit?”

 

“Ayen,” Bahagyang lumapit si Seulgi kay Irene, “May gusto sana akong itanong sa’yo.”

 

Tumango agad si Irene habang nakataas ang kanyang mga kilay, eager to hear what Seulgi was about to ask. “Ano ‘yun?”

 

May dinukot si Seulgi mula sa front pocket ng hoodie niya at inabot ‘to kay Irene. Postcard na may drawing ng T-Square at gamot sa harap. Sa palagay ni Irene, si Seulgi pa ang gumuhit ng cover dahil pamilyar siya sa art style nito.

 

Binuklat na ito ni Irene upang basahin.

 

 

Si Ned, may Bujoy.

Si Bogs, may Mae.

Si Popoy? May Basha.

Eh si Ayen? May Miss Pharma.

 

Sana.

 

(Hehe.)

 

- :D

 

 

‘Di mapigilan ni Irene na mapatawa (at kiligin, syempre) sa nabasa. Hindi niya na ito tinago dahil gusto niyang malaman ni Seulgi kung gaano siya napapasaya nito sa pamamagitan ng mga simpleng bagay.

 

Tinignan niya ang mga mata ni Seulgi habang nakangiti, “Nasa’n ‘yung tanong dito?”

 

 

This time, it was Seulgi’s turn to smile. “May I be your Paskuhan date?”

 

 

Ayan na naman. Ayan na ulit. ‘Yang ngiting nakakaloko ni Miss Pharma na sanhi ng matinding kilig ni Irene. It never fails to get her every time, it never fails din to give her the urge na tumili para lang ma-channel niya ang feelings niya. Pero bago ‘yun, kakagat muna si Irene. Bilang isang competitive na bading, hindi pwedeng hindi rin kikiligin si Seulgi.

 

Banayad ang pag ngisi ni Irene pero kitang kita ito ni Seulgi.

 

“Kahit ilan pa ang magtanong sa ‘kin.” Irene looked down as she took Seulgi’s hand in her own. The moment she looked up, kumikinang ang mga mata niya ng may ligaya at ng may pagmamahal.

 

 

“Ikaw lang ang pipiliin ko.”

 

 

 

 

//

 

 

 

 

“Oh, game na, game na kasi,” Iritang sabi ni Jongdae habang nakalabas ang kanyang kamao. Nagba-bato bato pik silang tatlo nina Ayen at Wen para mag desisyon kung saan sila kakain.

 

“Ulit ha. ‘Pag ako nanalo, sa Angkong tayo. ‘Pag si Wen, sa The One. ‘Pag ikaw naman Ayen, sa Dimsum Treats tayo. Sinasabi ko sa’yo, ‘pag nag-aya ka pang mag sb pagkatapos, mag-isa ka na lang. Game na. Bato-bato-pik!”

 

Bato ang taya ni Jongdae. Gunting naman ang kay Wendy. Bato rin ang naitaya ni Irene na kasalukuyang nakangisi.

 

Dahil kung mag-aya man siya magkape o kahit magpalamig man lang sa Starbucks sa Dapitan, alam niyang hindi siya mag-iisa. Nandiyan naman ang palaging nakaalalay, nakabantay, at naka-abang sa kanya. Walang iba kundi si Miss Pharma.


“Ulit tayo.” Mabilis na sabi ni Wendy nang makita ang naging resulta, gutom na rin kasi siya. “Isa pa, bato-bato-pik!”

 

At their second try, meron nang nagtagumpay. Papel na ang itinaya ni Jongdae, ganun din ang kay Wendy. Kay Irene? Gunting.

 

Mukhang bubusugin na naman sila ng Dimsum Treats ngayong hapon.

 

“Ayan sige, Dimsum Treats.” Sabi ni Jongdae. Napangiti naman si Irene sa kanyang pagkapanalo, hindi na talaga niya pinagsawaan ang all-time favorite niyang pork and quail egg siomai with yang chow na wala pang isang daan ang presyo.

 

Wala namang problema kay Wendy ang naging resulta. Kahit saan naman daw ay G siya.

 

“Matagal pa ba si Miss Pharma?” Tanong ni Wendy kay Irene.

 

“Lapit na raw. Siya na sunod.” Sagot ni Irene kay Wendy.

 

“Saan? Baka mamaya nag re-recit pa ‘yan ah.” Sabi ni Jongdae.

 

Currently, hinihintay ni Jongdae, Wendy, at Irene si Seulgi sa labas ng Main Building kung saan nagpapa-consult ng grades si Miss Pharma sa Pharmacology 2 subject niya. Nung sumunod kasi na araw pagkatapos nilang mag-inuman sa dorm ni Irene to kick-off the Paskuhan festivities, nag-email ang prof ni Seulgi, announcing na magkakaro’n sila ng grade consultation. Hindi naman required pumunta pero dahil ayaw makita ni Seulgi ang grade niya in one of her most dreaded subjects on Christmas day, pumunta na siya.

 

“’Di, bading. Nagpakita raw ng grades ‘yung prof niya sa pcol edi nagpaconsult siya.”

 

“Naks,” Komento ni Wendy, “DL si Seulgi ‘di ba?”

 

Napangiti si Irene sa tanong ni Wendy. Bukod kasi sa pagiging BS Org ni Seulgi, Dean’s Lister din siya. Minsan, hindi maiwasang mapaisip ni Irene kung paano na ma-manage ni Seulgi ang oras niya. Pagsamahin ba naman niya ang patong patong na org work at ang acads niya sa Pharma na sobrang hectic at challenging, sinong hindi ma de-drain diyan?

 

Idagdag pa pala natin diyan ang love life niya, or to put it in more accurate words, and landi life ni Seulgi kung saan unang una si Irene sa pila. Tangina, paano talaga?

 

Pero ayun si Seulgi, napagsasabay pa rin ang org work at acads, at talaga namang nag e-excel siya in both fields. Naks. Ayan ang sana all. Isa rin ‘yan sa mga dahilan kung bakit hulog na hulog si Irene sa kanya. Magandang personality, magandang mukha, magandang academic at university performance. Oh, saan ka pa? Literal na nakay Miss Pharma na ang lahat.

 

Except for a label on her relationship with Irene na konting kembot na lang ay lalayag na nang tuluyan. 

 

“Oo,” Proud na sagot ni Irene. Tumango lang si Wendy in response.

 

Ilang minuto pa ang nagdaan bago nakarinig ang tatlong magkakaibigan ng isang masayang boses na muntikan nang mag echo sa loob ng Main Building at gisingin ang mga natutulog na multo dito.

 

Nang sumulyap si Irene sa entrance ng pinakalumang gusali sa unibersidad, nakita niya si Seulgi na tumatakbo papunta sa kanya habang malawak na nakangiti. Nagmukha siyang bata sa playground na magpapalagay ng pulbo sa kanyang tagabantay at hindi maiwasang mapatawa ni Irene sa analogy na ito.

 

“Ayen!” Masayang tawag ni Seulgi habang tumatakbo sa Plaza Mayor. Himala at hindi pa nadadapa si Seulgi kahit nakatakong siya.

 

“Mukhang naka uno ‘to ah.” Komento ni Jongdae habang nakangisi.

 

Hindi na nakasagot si Irene. Dahil bago pa man niya mabuksan ang bibig niya, she’s already being lifted off the ground at iniikot habang nakakulong sa mahigpit at mainit na bisig ni Seulgi na ngiting ngiti pa rin. Mahinang napatili si Irene sa gulat at kilig.

 

“Pasado!” Masayang sambit ni Seulgi habang akap akap si Irene.

 

Mula sa gilid, tahimik pero masayang pinapanood ni Wendy at Jongdae ang dalawa. Siguradong mang-aasar na naman ang dalawang ‘to, lalo na ang baklang si Jongdae, pagkatapos ibaba ni Seulgi si Irene.

 

Nakangisi pa rin si Jongdae noong sinigaw niya ang katagang, “Taray! Best wishes po!” at tawang tawa naman si Wendy sa tabi niya.

 

Hindi na naman nakasagot si Irene. Bukod kasi sa mga brasong malambing na nakabalot sa katawan niya, distracted din siya dahil sa nagbabagang kilig na binigyang init ang dibdib, mga tenga, at ang mga pisnge niya. In the last few seconds na akap akap siya ni Seulgi, walang ibang masabi si Irene kundi sobrang salamat talaga, UST hug culture.

 

Through it all, Irene is overcome with the urge na halikan ang pisnge ni Seulgi that’s literally right next to her face.

 

 

Loko! Ang sabi UST hug culture, hindi UST kiss culture.

 

 

Pero mamaya na lang siguro. Kapag hinatid siya ni Seulgi sa dorm niya. Ang swerte talaga ng mokong dahil pababaunan pa siya ng goodbye kiss pag-uwi niya.

 

Nang maibaba na ni Seulgi si Irene, pareho na silang nakangiti habang paulit ulit ang sambit ni Irene sa mga salitang congrats, ang galing galing mo, at sabi ko sa’yo kaya mo ‘yan eh. Paulit-ulit na nag thank you si Seulgi.

 

Hindi pa rin nawawala ang init na dumadaloy sa buong katawan ni Irene, dahil nakapulupot pa rin ang isang braso ni Seulgi sa bewang niya at ang isang kamay naman ni Irene ay nakapatong sa balikat ni Seulgi. Nagtama ang kanilang mga mata, at wala nang ibang naisip si Irene kundi ang katotohanang hulog na hulog (o down bad sa mga salita ni Wendy) na talaga siya sa kaharap niya ngayon.

 

Natigil ang pagtitinginan nilang dalawa nang biglang nagsalita si Wendy.

 

“Ay, nandun lang po ‘yung Santisimo Rosario Parish. Sa altar na lang po kayo mag kiss.”

 

For the third time, hindi na naman nakasagot si Irene.

 

Dahil baklang bakla na humalakhak si Jongdae habang siya naman ay pulang pula na sa pinaghalong kilig at hiya. Nagnakaw siya ng tingin kay Seulgi at nakita itong tumatawa na lang din, pero Irene saw the faintest shade of pink on her round cheeks na talaga namang nakakagigil.

 

“Tsaka na lang ‘yan. Hali nga kayong dalawa dito.” Hinila ni Seulgi si Wendy at Jongdae at nag group hug silang apat. Parte na ‘to ng kultura ng unibersidad nila — na nagyayakapan as a way to express happiness or sadness; as a way to say congratulations or thank you or I appreciate you. Anything that words can’t fully explain or express, they wrap it in a warm, heartfelt hug, and sa tingin ni Irene, wala nang mas wholesome pang kultura, practice, o tradisyon na maikukumpara sa hug culture ng UST.

 

Tumungo na silang apat sa Dimsum Treats pagkatapos. Tinanong ni Irene si Seulgi kung okay lang ba na doon sila kakain dahil nalaman niyang doon na rin pala nag tanghalian si Seulgi kanina. Wala namang problema kay Seulgi. Nilibre pa nga niya ang tatlo dahil pasado siya sa Pharmacology. Kaya after nilang kumain ng main course, may dumating pang dalawang serving ng sharksfin siomai sa mesa nila. Desert ‘yan, ang sabi ni Seulgi na tinawanan ng tatlong mag to-tropa. Wagas naman ang pasasalamat nina Irene, Wendy, at Jongdae.

 

Non-stop ang kuwentuhan nilang apat throughout the whole meal. Mostly about Paskuhan at Agape ang topic, kasama na diyan ang pagbabalik tanaw nila sa Paskuhan festivities noong mga nakaraang taon, pangbabash sa ulam sa Agape, at pagbabahagi ng excitement nila para sa line up ng bands na tutugtog ngayong taon.

 

Pagkatapos nilang kumain, tumungo na ang magkakaibigan sa kanya-kanya nilang mga dorm bukod kay Wendy na kikitain daw si Kyungsoo sa may bandang Taft. Muling niyakap ni Jongdae si Irene at Seulgi bago siya umuwi sa dorm niya sa España. Pasasalamat niya na rin ‘yon sa dalawang mag-super duper mega extreme friends na may something dahil talaga namang pinasaya nila (at ni Wendy) ang buong maghapon niya. Biniro pa nga niya si Seulgi na nadagdagan daw siya ng pogi points dahil nanlibre siya ng siomai.

 

Wala ‘yon, sagot ni Seulgi bago niya sinabihan si Jongdae na mag-ingat habang nakangiti. Through it all, tahimik lang na nagpipigil ng tawa si Irene.

 

Napansin lang ito ni Seulgi by the time na nakaalis na si Jongdae at inihahatid na niya si Irene sa kanyang dorm.

 

“Ang cute naman ng ngiti natin. Anong meron?” Nakatitig lang si Seulgi sa kanyang kasama habang patuloy silang naglalakad.

 

“Natatawa lang ako kay Jongdae,” Direct na sagot ni Irene, mabuti naman at hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa like she usually does. Tumingin siya sa mga mata ni Seulgi at ngumisi, “May kaagaw na ata ako sa’yo.”

 

“Sows,” Seulgi scoffed bago siya tumingin sa malayo. Ilang segundo rin ng katahimikan ang lumipas bago siya sumagot. But within those brief seconds, napansin ni Irene na nakangisi na rin pala ang loko. Halatang babanat na naman ‘tong si Miss Pharma.

 

 

“Ayen, by now I think it’s important for you to know na sa’yo lang naman ako.”

 

 

Hindi nagkamali si Irene sa kanyang hinala.

 

Loko talaga kung magpakilig ‘tong si Seulgi. Akala mo iba ang tinuturo sa kanya sa Faculty of Pharmacy. 

 

 

Hindi ma-channel ni Irene ang kilig niya. Dahil kapag ginawa niya ‘yun, baka marindi ang lahat ng tao, daga, at ipis sa kanto ng Noval sa sobrang lakas ng tili niya. Ito ang dahilan kung bakit walang humpay ang pag gamit nina Jongdae at Wendy sa paborito nilang hashtag, #AyenBading. Kaya naman, wala na siyang nagawa kundi idaan na lang muna sa isang malawak at bading na bading na ngiti ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya tuloy bibigay na ang cheekbones niya sa sobrang lawak nito.

 

Wala na rin siyang naisagot, kasi her actions spoke for herself. Kasabay ng pag ngiti ni Irene ang pagsandal niya ng kanyang sintido sa balikat ni Seulgi habang ang mga kamay naman niya a binabalot na ang mga sarili nila sa braso ng kanyang kasama. Tuloy lang ang kanilang paglalakad. Lalong lang lumiwanag ang bawat espasyo at sulok ng Noval sa hapong iyon dahil sa matamis na ngiti ng dalawa. Dahil na rin ito sa pag-iibigang tuluyang nabubuo, tumatagal, at umiinit sa bawat segundo na magkasama sila.

 

Nang makatapak na sila sa entrance ng dorm building ni Irene, matamis ang naging pamamaalam nila sa isa’t isa. Ngunit kahit pagkatapos nilang sambitin ang mga salitang “Ingat ka,” walang gumalaw para umalis ni isa sa kanila. Hindi pa magawang pumasok ni Irene dahil hindi pa umaalis si Seulgi at hindi rin naman makaalis si Seulgi dahil hindi pa pumapasok si Irene. Pakiramdam tuloy nila, hinuhusgahan na sila ng sikyo na nagbabantay sa tabi. Anuna mga teh?

 

“May kailangan ka pa ba?” Tanong ni Irene na may kaunting kunot sa noo.

 

“Wala naman.” Sagot ni Seulgi, mga kamay ay nasa bulsa habang malawak na nakangiti. Loko, hindi na natanggal ‘yang ngiting ‘yan mula nung lumabas siya ng Main Building.

 

Sinubukan ulit ni Irene, “Baka may nakalimutan ka?”

 

Umiling si Seulgi, “Wala rin.”

 

Nagtaka na si Irene. Ano naman kaya ang gusto nito ni Miss Pharma?

 

Tinaasan ni Irene ng kilay ang kausap, “Eh, ba’t ‘di ka pa umaalis?” Hindi mataray ang kanyang tono, para ngang natatawa pa siya.

 

Nagkibit balikat si Seulgi, “Wala lang. Sinisigurado ko lang na you’ll get in safely.”

 

Napangiti ang Archi student, “Tatlong yapak na lang ang layo ko sa pintuan. Sigurado naman akong ‘di na ‘ko mapapahamak niyan.”

 

Muling nagk

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iskoseul
Palagian ang alab ng pag-iibigan sa kahabaan ng España. <3

Comments

You must be logged in to comment
your_silent_reader #1
Chapter 7: Very feel good story nito. Ang subtle and super gaan sa feeling basahin. The kind of love na hihingin mo din talaga. Really love this one.
kreidz #2
Chapter 4: HMMMMMM SARAP KILIGIN SA RELASYON NG IBA
alexis_keithh
#3
Chapter 6: 🥹✊
kwinter
#4
Chapter 7: na iinspire ako mag pharma
loveinsoshi #5
Chapter 5: Luvvv
its_aaarrriii
45 streak #6
Chapter 7: AAAAAAAAHHHHHH 🥹🫶
xantheaverielle
#7
Chapter 7: MISSED THIS SO MUCH!!! SALAMAT PO SOBRA OTOR 🥹🫶
Hisseulgi_
#8
Chapter 7: SEE YOU SOOOON YAAAY
akosizig #9
Chapter 7: BFOSNFOWKFOSF MISS PHARMA AND AYEN!!! NAMISS KO KAYO!!!
Maatt_booii #10
Chapter 6: Hayysss..kainggit tong dalawang to eh 💜💜