pagkagising, panaginip ang dumalaw

damdamin ko'y umaapaw.
Please Subscribe to read the full chapter

Marami nang napagdaanan ang Unibersidad ng Santo Tomas since na-establish ito more than 400 years ago. From being a university located originally sa Intramuros noong 16th century, to being an internment camp noong panahon ng World War II, at ngayon na bumabagyo, matic na nagiging waterpark/resort ang oldest catholic university in the Philippines and Asia. Oh ‘di ba, very versatile.

 

Mula nung gabing hinatid ni Seulgi si Irene sa dorm niya sa Noval, hindi na tumila ang malakas na ulan at mabilis nang nag-accumulate ang baha. Buti na lang nakabalik agad si Seulgi sa sarili niyang dorm bago pa tuluyang tumaas ang tubig.

 

Syempre, suspended ang klase sa buong university which gave Irene, Wendy, at Jongdae a sense of relief dahil they can use this time para gawin ang sarili nilang plates at bawasan ang kanilang backlogs. Ganyan talaga, kahit bumabagyo, gagawa pa rin ng reqs. Buti na lang hindi sila nawalan ng kuryente kahit napakalakas ng ulan.

 

Honestly, Irene is fine with the rain and flood. Ang hindi niya lang kayang tiisin ay ang malakas nag pagkulog at pagkidlat, na hindi pa rin tumitigil, dahil matindi ang takot niya dito.

 

At sa kinamalas-malasan nga naman, mag-isa pa siya sa dorm. Umuwi na pala kasi ang ka-dorm niya the day before at tsaka lang nabasa ni Irene ang text nito na maiiwan muna siya mag-isa for the rest of the weekend.

 

Nang kumidlat ulit nang malakas, hinigpitan ni Irene ang kapit niya sa kumot na nakabalot sa kanyang katawan habang nakahiga siya sa maliit niyang kama. She decided to check her twitter feed instead para hindi na siya masyadong matakot.

 

Isang tweet mula kay Jongdae ang bumungad sa kanya as soon as she opened the app and she felt relieved to know na online ang isa sa mga ka-tropa niya.

 

 

Jdee @jongsteadee

Welcome sa Tigers’ Island Resort!!! Langoy na habang may tubig pa!!!

pic.twitter.com/4YEnbAD1n6

 

 

Natawa si Irene sa caption at pinindot ang attached picture. Agad niyang nakita ang view ng UST field mula sa dorm ni Jongdae sa España. Nagmukha na itong lawa sa taas ng tubig, lunod na rin ang Lovers’ Lane at Main Building. Ni-like niya ang tweet at nireplyan ito.

 

 

Ayen @anobaeyen

Ingat bakla!

[gif ni John Lloyd na sumasaludo]

 

 

Patuloy na nag-scroll si Irene through her feed, puro mga news at alerts with the caption #WalangPasok ang laman nito including tweets from her batchmates na nage-express ng sentiments nila about the typhoon. She liked a few and retweeted those na nagpatawa sa kanya.

 

Pagka-refresh ni Irene ng feed niya, sakto ang timing, dahil unang bumungad sa kanya ang isang tweet from her favorite Pharma student slash schoolmate slash super duper mega extreme friend na may something.

 

 

gi @pharmaseulical

abot bewang na yung baha, ingat tiger sharks! :D

 

 

Online rin pala si Seulgi, buti na lang. Irene feels less scared now.

 

Ni-like niya agad ang tweet at ‘di niya mapigilang mapangiti dahil sa ‘tiger sharks’ na nakalagay sa caption. Ime-message na sana ni Irene si Seulgi nang biglang mag pop-up ang isang notification mula sa gc nilang magto-tropa.

 

 

COMMON ROOMERS

Jeidee: mztah n kayo diyan sa Qatar mga bakla? i2 bagong roaming no# ko from espanya emx

 

Jeidee: lakas ng agos dito ampotahh!!! Ingat kayong dalawa diyan sa dorm niyo!!!

 

Ayen: ang lakas ng kidlat :<< may kasama ba kayo?

 

Wen: kaya nga ih, oo nandito naman si rosie

 

Jeidee: andi2 rin baekhyun <333 kaw ayen may kasama ka diyan?

 

Ayen: :<< wala

 

Wen: gago seryoso? asan yung ka-dorm mo?

 

Ayen: umuwi na pala kahapon kaloka late ko na nakuha yung text niya

 

Jeidee: ayos ka naman diyan badeng? may food, tubig, tsaka kuryents ka pa?

 

Ayen: yes mayor baquette mamimigay ka po ba ng ayuda charmsz

 

Jeidee: okei guds!!! concerned lang as a kapwa bading –3–

 

Wen: mag-ingat ka diyan Ayen wag ka na masyado matakot! wala namang dadakip sayo diyan

 

Wen: try namin pumunta diyan ni jd pag di na umuulan tas mababa na yung tubig para may kasama ka, sana by tomorrow pwede na

 

Ayen: gags wag na ayoko namang lumusong pa kayo sa baha :’’<

 

Jeidee: sus smol thingsz

 

Jeidee: bhe tatlong taon na’ko sa yuesti di na yan bago sakin kaya pupuntahan talaga kita!!!

 

Wen: so tru baha lang yan, bading tayo #WalangTitibag

 

Jeidee: tamah!!! mag-iingat na lang kami sa leptosfyrosis!!!

 

Jeidee: leptospyrosies

 

Jeidee: leptospyrosis putangina di ko rin alam sencia na!!!

 

Wen: HAHHDUSGFA GAGA

 

Ayen: ayusin mo bhe spelling lang yan, bakla ka #SummaKabilangBuhay

 

Jeidee: gago wag nga kayo mangjudge porke di magaling sa english hindi na matalino?!!?! di ba sabi nga nila “don’t judge a book if it’s covered” 😠

 

Wen: “Don’t judge a book if it’s covered.” (Kim, 2017)

 

Ayen: HAHAHADGF GAGO

 

Ayen: oh pota isa yan sa mga dean’s lister ng 3AR3 ah

 

Wen: convincing naman ><

 

Jeidee: loko hanga ka na naman sakin ayen ako lang naman two

 

Ayen: de, actually natatakot ako :<<

 

Jeidee: sakin??? bhe bk8 nman??? akoh lang talaga two

 

Ayen: tanga hindi, ang lakas kasi ng kidlat

 

Wen: itulog mo na lang muna ayen

 

Jeidee: oo tapos buksan mo lahat ng ilaw if taqt ka talaga

 

Ayen: ??? tangina edi di ako nakatulog non

 

Ayen: tas tataas pa bayad ko sa dorm

 

Jeidee: yaan mo na muna magtalukbong ka na lang malamig naman

 

Ayen: ayaw >>:(

 

Jeidee: oh shuta pano tayo nan

 

Jeidee: simulan mo na magdasal kay God of all neyshens!!!

 

 

Magrereply sana si Irene nang may bagong message notification na biglang dumating.

 

 

chul

Seulgi: psst

 

Seulgi: Musta ka diyan?

 

 

Sa unang dalawang message ni Miss Pharma, mabilis na inexit ni Irene ang gc nilang magtotropa at agad na chineck ang mga notification niya from Seulgi.

 

 

Seulgi: okay ka lang? (:

 

 

Kaparehong ngiti ng emoticon na sinend ni Seulgi ang bumungad sa mga labi ni Irene nang mabasa niya ang message. Nakakatakot naman, bigla na lang ngumingiti sa sarili. Simple lang naman ang mensaheng natanggap ni Irene pero ang laki na ng epekto nito sa kanya. Mabilis niyang nireplyan ang nangangamusta niyang kaibigan.

 

 

Ayen: okay lang me

 

Ayen: takut sa kidlat pero keri lang bhe!! Hbu?

 

Seulgi: HAHADHA may mga namamangka na dito sa dapitan

 

Seulgi: super oks! pinagluluto kami ng ka-dorm ko ngayon hehe

 

Ayen: shala may relief goods agad!

 

Seulgi: bait niya lang :D ahahaha may food pa naman kayo ng dormmate mo diyan?

 

Ayen: may food pero wala si dormmate :<< ganito pala pakiramdam nang nangugulila EMX

 

Seulgi: Mag-isa ka lang sa dorm mo ngayon???

 

Ayen: oo

 

Ayen: ><><><

 

Ayen: pero okay lang ako promsz! takot lang talaga

 

Seulgi: wala namang power interruption diyan? lakas ng kidlat ah

 

Ayen: deins wala naman prob dito sa dorm!! hehe all is fine wala lang talaga aq kasama #Iniwan #Skerd

 

Seulgi: kung ako yon, di kita iiwanan

 

 

Ayan na nga ba ang sinasabi niya. Ang dami talagang time ng mga Pharma students!

 

 

Ayen: grabe na ang mga taga pharma bumabagyo na pero ang lalandi pa rin !!!

 

Ayen: kilabutan ka raw sabi ni papa benavides!!!

 

Seulgi: hOY HAHAHSDAHCG the pharma slander?!??

 

Seulgi: gusto mo naman, ang funny mo ayen

 

Ayen: oo baket not charmsz so tru /srs

 

Ayen: tamah funny pero hindi ynnuf

 

Seulgi: you’re too hard on yourself, I think you’re more than ynnuf

 

Ayen: hindi ba titigil yang bibig na yan?!??? pag ako nilagnat dito hahawaan kita

 

Seulgi: Just sharing my sentiments! HAHAHASH matulog ka na lang if #Skerd ka talaga

 

Seulgi: pag gising mo mamaya may kasama ka na (:

 

Ayen: TANGINA MO NAMAN

 

Seulgi: OH BAKIT

 

Seulgi: ???

 

Ayen: NANANAKOT AMPOTA WHAT IF I-BLOCK KITA

 

Seulgi: WALA NAMAN AKONG GINAGAWA???

 

Seulgi: GAGI AYEN SERYOSO KASI AHASHFDJHAHA

 

Ayen: trip mo na naman ako eh kung kumain ka na lang diyan!!!

 

Seulgi: di pa luto ><

 

Ayen: sige iyak ka muna

 

Seulgi: ure so road ayen

 

Ayen: ano

 

Seulgi: sige isipin mo

 

Seulgi: :DDD

 

Ayen: alam mo bang taga arki ako kaya pagod na pagod na kong mag-isip pasensya ka na ha

 

Seulgi: kaya nga itulog mo na lang yan

 

Ayen: tatakutin ako tapos ganyan sasabihin mo sino ka naman diyan kang seulgi from pharma!!!

 

Ayen: pupuntahan ka talaga ni benavides diyan mamaya sinasabi ko sayo

 

Seulgi: HINDI NGA KITA TINATAKOT HAHAHASHH

 

Ayen: oh loko labas sa ilong

 

Seulgi: :>>

 

Ayen: kumain ka nang marami diyan         

 

Seulgi: sige later

 

Seulgi: if yun yung iniisip mo, ghosts can’t harm you naman :D

 

Ayen: alam mo wag na muna tayo mag-usap, malapit na kitang i-block

 

Seulgi: Ayen >>:(

 

Ayen: loko lang! kumain ka na diyan manonood na lang ako dito

 

Seulgi: osige :D

 

Seulgi: ingat ka diyan ah, tawagan kita later?

 

Ayen: pls >< not chz

 

Seulgi: oks!

 

Ayen: yey pakabusog ka diyan pogi!!

 

 

After i-send ni Irene ang huling message niya, mabilis itong na-heart react ni Seulgi. She’ll definitely look forward sa phone call niya mamaya. Hindi pa rin tumitigil ang ulan pati ang m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iskoseul
Palagian ang alab ng pag-iibigan sa kahabaan ng España. <3

Comments

You must be logged in to comment
your_silent_reader #1
Chapter 7: Very feel good story nito. Ang subtle and super gaan sa feeling basahin. The kind of love na hihingin mo din talaga. Really love this one.
kreidz #2
Chapter 4: HMMMMMM SARAP KILIGIN SA RELASYON NG IBA
alexis_keithh
#3
Chapter 6: 🥹✊
kwinter
#4
Chapter 7: na iinspire ako mag pharma
loveinsoshi #5
Chapter 5: Luvvv
its_aaarrriii
45 streak #6
Chapter 7: AAAAAAAAHHHHHH 🥹🫶
xantheaverielle
#7
Chapter 7: MISSED THIS SO MUCH!!! SALAMAT PO SOBRA OTOR 🥹🫶
Hisseulgi_
#8
Chapter 7: SEE YOU SOOOON YAAAY
akosizig #9
Chapter 7: BFOSNFOWKFOSF MISS PHARMA AND AYEN!!! NAMISS KO KAYO!!!
Maatt_booii #10
Chapter 6: Hayysss..kainggit tong dalawang to eh 💜💜