Lantana St.
Kalachuchi
Simula
Maagang bumangon si Akira upang maghanda ng agahan para sa kanila ni Kali. Habang hinihintay na maprito ang daing na bangus ay nagbrew na rin siya ng kape. Kuhang-kuha ang timplang itninuro sa kanya ng kasintahan.
Nang simulan niya nang haluin ito ay naramdaman niya ang marahang pagkulong sa kanyang bewang ng mga bisig ng paborito niyang nilalang. Nalupig ng mabangong halimuyak ng kanyang kasintahan ang matapang na samyo ng kanilang kape. Hinaplos ng mainit niyang kaliwang palad ang malamig pang braso ni Kali.
Isinandal ng arkitekto ang kanyang baba sa balikat ni Akira, "Good morning, Aki." Inangat ng pintor ang kanyang kaliwang palad upang haplusin ang buhok ni Kali, "Sarap ng tulog mo ah?" Inabot niya sa kasintahan ang tasa, "Katabi kita eh,” halik niya sa balikat ni Akira, “payapa."
Humigop na si Kali, at kumalas na mula sa yakap si Akira upang hanguin ang isda. "Anong dinagdag mo dito, love? Bakit ang sarap-sarap?"
Natawa si Akira sa tanong, "Lakas mo mambola, Lopez." Iniabot niya kay Kali ang plato ng sinangag, "Timpla mo 'yan, Kali. Sinundan ko lang yung turo mo." Nang makaupo na si Akira sa tabi ng arkitekto, "Hindi. Mas masarap talaga kapag ikaw ang nagtimpla, love." Nilagyan na ng kanin ni Kali ang plato ng kasintahan.
"Pero mas sasarap pa ‘to kung ano,"
"Ano?"
Tiningnan siya ni Kali sa mata. Tumitig pabalik si Akira; ang mga mata ng kasintahan, ngayo’y puno ng kasiyahan; kasabikan sa kung ano mang naising ibato ng kinabukasan.
"Kung may patangay na good morning kiss."
Pabirong tinampal ni Akira ang nag-aabang na labi ni Kali, "Kumain na tayo. Gutom lang ‘yan,” nakangising abot niya ng plato ng daing kay Kali. "Kiss lang eh, damot," birong irap sa kanya ng arkitekto.
pic.twitter.com/4HIkkurRp4
— itlog (@saentakarina) August 23, 2021
Gitna
Hinatid ni Kali sa lumang bahay ng mga Francisco sa Rizal si Akira. Nais pa sanang bumaba ni Kali para kumustahin ang mga ito ngunit todo ang pigil sa kanya ng pinakabatang Francisco. "'Wag ka na bumaba, Kali." Pigil niya sa kamay ng kasintahang nakahawak na sa
Comments