That patient from Room 203|

Nuestro Tiempo (our time)

Irene's POV

Pikit ang matang nakikinig ng music habang nakahiga sa kama nang biglang may maramdaman akong daliri ng tumusok tusok sa pisngi ko. Inis akong nagmulat nang mata pero laking gulat ko nang makita ang mukhang nakangisi ng nakakaloko..ilang dipa nalang ang layo mula sa mukha ko. Dahil sa gulat ay bigla ko nalang siyang naitulak.

"Jesus, Wendy! You'll probably be the death of me!." Hawak ang dibdib na sigaw ko sakanya. Sinamaan ko siya ng tingin pero hawak ang tiyan habang tumatawa't nagpaikot-ikot lang siya sa sahig. Abnormal talaga. 

Ngunit nawala ang masamang tingin ko sakanya't napalitan ito ng isang mapait na ngiti. Kahit gano ang sakit na pinagdaanan niya ay nakuha niya paring tumawa na para bang ang sakit na iyon ay wala lang sakanya. Wendy's two years younger than me. It's kinda quite unexpected yung naging meet up namin. Funny kasi, dito pa talaga kami sa hospital nagkakilala. Hindi naman talaga maipagkakailang maganda siya. Kahit maputi siya ay kapansin pansin pa din ang mapuputla niyang balat. She's suffering from a heart failure. Sampung taon palang siya nong unang siyang dinala dito. Her parents decided to let her stay here para madali lang din siyang mamonitor just as mine. Di mahirap sakin ang pakisamahan siya dahil she has a bubbly personality emitting all over her. Sa murang edad ay nasaksihan namin kung gaano ka letche ang buhay. 

"Well." Nang mahimasmasan ay bumangon siya mula sa sahig at nagpakawala muna ng malalim na hininga bago tumayo at ngumiti sakin. "It's been a while since we met." Napatango ako sa sinabi niyang yon. Inuwi kasi siya ng mga magulang niya sakanila at nagstay don for a couple of weeks kaya ngayon lang din kami nagkita ulit. 

Suot ang malapad niyang ngiti ay naglakad siya papunta sakin. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa kaya't nawalan ako ng balanse't napahiga ulit sa kama. "Namiss kita." Sinsero niyang sabi habang mahigpit na yumakap sakin. Napaikot ang mata ko dahil sa sinabi niyang yon pero napangiti din naman kinalaunan.

"Namiss din kita pero.. kelangan ba talagang isalpak mo yang katawan mo sakin?." Di madali yung ginawa niyang pagtalon sakin ng biglaan dahil kahit medyo payat ay mabigat parin siya. Pano kasi, matakaw kahit di naman tumataba.

Ilang beses siyang napatango habang hinigpitan ang yakap sakin. Plano ata akong patayin neto. Di man lang makapaghintay sa expiration date ko.

"Cut it out, Wen. For your information ang bigat mo." Narinig ko ang pagsinghap niya kaya naman, kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sariling matawa. Agad siyang umalis mula sa pagkakapatong sa ibabaw ko't binigyan ako ng masamang tingin. 

"I hate you." Magkakrus ang braso ng saad niya at agad na lumabas. Napapailing ako habang tumatawa. Ang emo talaga nang babaeng yon.

"Hoy! Joke lang!." Sigaw ko hoping na babalik siya but to no avail. I immediately scotted at the edge of my bed tsaka dali-daling sinuot ang tsinelas ko't sinundan siya sa labas. 

"Wen--." Naputol ang sasabihin ko nang sumensyas siya saking wag maingay. Napakunot ang noo ko dahil kingina.. para siyang chismosang nakasilip sa kaunting siwang ng pintuan sa kwartong iyon. 

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pwesto niya dahil ayokong may makapansin samin kahit pa walang tao sa ward na to. I squinted my eyes to get a clearer vision from the inside. Napaangat ako ng tingin nang mapansin ang room number na nakasulat sa ibabaw ng pintuan. "Room 203". Familiar sakin ang room nato. May pasenyenteng nakatira dito noon but suddenly vanished kaya naman medyo eerie yung ambiance sa loob. 

"Woah! Bagong pasyente. Welcome to hell 101." Nagulat kami dahil sa biglaang pagsulpot ng boses na iyon mula sa likuran namin. Sabay kaming napalingon ni Wendy at nakita namin si Baekhyun Alferez na siya ding pasyente sa ward na to. Nakangisi habang nakasilip sa pintuan. 

"Dude, you almost killed us!." Pag-eenglish ulit ni Wendy habang inaambaan niya ito ng suntok na agad din namang nitong naiwasan. 

Wala pa man ay agad na sumakop sa buong ward ang isang malakas na sigaw ng isang hinihingal na Nurse na inuutusan ang kanyang pasyenteng bumalik sa kanyang kwarto.

"Bawasan mong gumawa ng gulo, Alferez." Panenermon ko habang magkakrus ang brasong nakatingin sa pinagpapawisan ng nurse. Halatang kanina pa ito nakikipaghabulan sa baliw niyang pasyente dahil basa na nang pawis ang damit sa parte ng dibdib niya. 

Ngunit imbis na makinig sa sermon ko ay mabilis niyang inilapit ang mukha niya sa tenga ko na agad ko namang ikinagulat dahil hindi ko inaasahang gagawin niya yon.

"She's pretty, isn't she?." Sa ikatlong pagkakataon ay napakunot ulit ang noo ko dahil sa binulong niyang iyon sa tenga ko. Weirdo ang lalaking to. Iba ang case ng kanyang sakit pero parang baliw kung kumilos. Minsan naiisip ko kung baka nagkamali lang sila ng dinalhan neto dahil imbis na sa mental ay dito siya napunta. 

Tinulak ko siya palayo sakin at napapalunok ng sariling laway. Nakita ko pa kung pano siyang ngumisi ng makahulugan sakin bago tumingin sa Nurse na kanina pang masama ang tingin sakanya. Nakuha niya pang sumaludo dito atsaka muling tumakbo palayo.

"Duwag talaga kahit kelan. Tsk tsk tsk." Nabalik ako sa realidad sa komentong iyon ni Wendy na ang paningin ay sa daan kung saan dumaan si Baekhyun kanina.

Nagtungo kami sa cafeteria nitong hospital dahil bawal din naman kaming pumunta sa labas para lang kumain. Matapos umorder ay kumain na kami.

"September 4." I stopped halfway at napatingin sakanya dahil sa biglaang bulalas niya. Nag-angat siya ng tingin sakin at deretsong tumingin sa mga mata ko. "Wow, it's been a year. Di mo ba siya bibisitahin?." 

Nag-iwas ako nang tingin ng makuha ko ang ibig niyang sabihin. Napatitig ako sa plato ko na para bang yon ang kausap ko.

"I'm not sure." Ang tanging nasagot ko because honestly, I don't know. 

"Irene." Mahihimigan ang pag-aalala sa tono ng boses niya. Tumingin ako sa mga mata niya at makikita don ang pagiging sinsero niya.

Ngumiti ako kahit pa man, di iyon umabot sa tenga ko. "I'm fine." I'm not so sure about what to say but that would be the best word to fit in. "Tapos na akong kumain. Mauuna na ako." Tumayo ako atsaka walang pagdadalawan isip na talikuran siya. Di ko na siya hinintay pang sumagot at dire-diretso lang sa paglalakad.

I took a one quick glance when I passed by at the room 203 atsaka nagmamadaling pumasok sa kwarto ko.

...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bijjj_itsLauren
Please support my story by upvoting and subscribing. Ciao❤️

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet