That idiot named Baekhyun|

Nuestro Tiempo (our time)

Irene's POV

Matapos ang usapan na iyon ay bumalot samin ang katahimikan. Pati ang madaldal na si Wendy ay bigla nalang natahimik sa tabi ko. Naramdaman ko pa ang pagkailang niya sakin pero di ko na inintindi yon. Hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan ang bagay na yon. 

Tumingin ako kay Seulgi na tahimik lang na kumakain sa isang tabi. Nagpapasalamat akong di na ulit siya nagtanong ulit tungkol don. Napangiti ako ng palihim dahil sa nakaka-attract niyang itsura. Salubong ang kilay habang seryosong kumakain.Ang cute niya pang tingnan sa blue niyang beanie.

"Quit staring. Baka masanay ka." Napapahiya akong nag-iwas ng tingin. Sinabi niya yon ng hindi man lang tumitingin sakin at patuloy parin siya sa pagkain. Napalingon ako kay Wendy na nakangisi na din pala ng makahulugan sakin..na para bang sinasabi niyang 'mag-uusap-tayo-mamaya'. Putangina. 

Ilang segundo lang ulit ang lumipas nong may biglang sumulpot mula sa likuran ko. Nagulat ulit ako dahil ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha ko .Kung di ko pa siya namumukhaan ay baka natusok ko na siya ng tinidor sa mukha.  -,-

"Tangina Baekhyun ano na naman ba!?." Pasigaw na tanong ko sakanya kaya napaatras siya. Ngumisi lang siya atsaka nagmamadaling mag hila ng upuan sa tabi ni Seulgi. Nakangiti niya itong tiningnan pero di man lang ito nag-abalang tingnan siya. Tangina..sa mukha niyang yon ay para siyang may imaginary friend. Puta baliw talaga. Huhuhu

"You must be Seulgi?" Humm lang ang sinagot nito sakanya kaya naman, nagkatinginan kami ni Wendy. "And you're 17?." Naghumm ulit ito bilang sagot sakanya. Wait, pano niya nalaman ang lahat ng yon? Is he some kind of a stalker? Tsk. "And you came here beca--." Natigil siya sa pagsasalita nong bigla siyang tiningnan nang kausap na mukha namang walang interes sa mga pinagsasabi niya. Poor you

"Look. Stop asking when you already know the answers. And stop being nosy. Keep your out dahil di ako interesado." Napakagat ako nang labi para pigilan ang sariling matawa. Pano kasi, ang epic nang mukha ni Baekhyun dahil sa naging sagot na iyon ni Seulgi. Napalingon ako kay Wendy..medyo exaggerated yung naging reaction niya kasi may pagtakip pa siya nang bibig at gulat ang ekspresyong nakatingin kay Seulgi.

Napapailing na natawa si Baekhyun matapos niyang maka-recover sa kahihiyan. 

"It's okay. Ganon talaga kapag gwapo..diba?." Nagsmirk pa siya habang hinihintay ang magiging sagot ni Seulgi. Shuta anong connect don? 

"Para kang inihaw na hotdog. Umalis ka nga diyan." Nakita ko kung pano siyang napairap dahil sa sinabing iyon ni Seulgi. Put--

"BWAHAHAHAHAHAHA inihaw na hotdog puta. Ovecook!. HAHAHAHA." Nasakop ang buong cafeteria sa lakas ng tawa ni Wendy. Buti nalang at kami lang ang kumakain ngayon dito kaya wala siyang naaagaw na atensiyon bukod samin. Pati ako ay nadala sa tawa niya. 

Napasimangot si Baekhyun dahil sa pang-aasar sakanya ni Wendy kaya naman inis siyang tumayo at dinuro ako Napaturo ako sa sarili ko at salubong ang kilay na tiningnan siya. Bat ako?

"Pagsabihan mo yang Jowa mo." Sabi niya tsaka umalis. Lumaki ang mata ko dahil sa sinabi niyang yon. Jowa? Kelan pa ako nagkajowa? Di ko alam kung sino sa dalawa ang tinutukoy niya. Si Wendy? Hell! Di kami talo -,-. 

"Mauuna na ako." Natigil sa pagbubungisngis si Wendy nong biglang tumayo si Seulgi at pabagsak na nilagay ang kutsara't tinidor na ginamit niya tsaka kami tinalikuran. At dahil don ay nagkatinginan ulit kami ni Wendy, parehong nagtatanong kung anong nangyari don.

 

...

A/N: Wenjoyrene on screen

*Wenjoy enters at the dorm* 

I (looking at smiling Joy): did something good happen? Why are you smiling?

J: what? Can't I just be happy? *Walks away still smiling*

W (cross arms): SM tripped and fell at the parking lot. 

...

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bijjj_itsLauren
Please support my story by upvoting and subscribing. Ciao❤️

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet