Her other side|

Nuestro Tiempo (our time)

Irene's POV 

Tulala akong nakahiga sa kama habang nakikipagtitigan sa kisame nitong kwarto ko. Walang ibang iniisip kundi ang bagay na pwedeng gawin para mawala tong inip na nararamdaman ko. Di ko din naman pwedeng disturbuhin si Wendy dahil alam kong nagpapahinga na yon sa mga oras na to. And speaking of time, napatingin ako sa orasan at alas 7 na pala ng gabi..di ko man lang namalayan ang paglipas ng oras. 

Bumangon ako't umupo habang nililibot ang paningin ko saking kwarto..naghahanap nang pwedeng gawin. Ngunit napahugot nalang ako ng isang malalim na hininga dahil wala talaga akong maisip na pwedeng gawin. 

Maya-maya pa ay napalingon ako labas ng kwarto dahil nakita kong dumaan si Seulgi dito. Isang mabilis na pagdaan lang yon pero alam kong siya talaga yon. Napangiti ako dahil sa naisip ko.

...

Napapatalon akong humakbang papunta sa kwarto niya. Sirado ito kaya napahinto ako..napapaisip kung anong ginagawa niya sa loob. Ayoko sana siyang disturbuhin kaso.. bored talaga ako tsaka, di naman sa gusto ko siyang makita..di talaga yon yon. Gusto ko lang na may makasama habang naghihintay na lumipas ang oras.^^

Walang pag-aalinlangang binuksan ko ang pinto ng kwarto niya't di man lang nag-abalang kumatok muna.  Di naman nakalock..tsaka bawal din kaming maglock ng kwarto. 

"Seulgi?." Sumilip muna ako para i-check kung andito ba siya sa loob. Pero laking gulat ko nang makita ko siyang nagbibihis pa pala! Shet abs-- I mean..!. Dali-dali akong lumabas at sinara ang pinto.

"Irene! Uso kumatok!." Dinig kong sigaw niya sa loob kaya naman, napakamot nalang ako ng ulo. Naramdaman ko pa ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa kahihiyan. "Pumasok ka na." I immediately gain my composure tsaka dahan-dahang binuksan ulit ang pintuan at napapahiyang pumasok sa loob.

"What do you want?." Agad na tanong niya pagkapasok na pagkapasok ko. I cleared my throat tsaka siya tiningnan. 

"N-nothing in particular. Gusto ko lang makita tong kwarto mo." Nauutal na sagot ko tsaka kunwaring pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto niya. Namangha pa ako sa linis nito. Di mapagkakamalang kwarto ng hospital. "You've got a lot of stuffs." Komento ko habang ang paningin ay sa mga librong nakaupo sa mini shelf niya. Mukhang di pa nagagalaw ang ilan sa mga ito dahil mukha pang bago. 

"Yeah, and you're not allowed to touch any of those." Napangiwi ako sa sinabi niyang yon. Hahawakan ko pa lang sana ay sinabi niya nang wag kong hahawakan ang ilan man sa mga iyon. Damot. 

Nagtungo ako sa couch nitong kwarto niya at naupo. Napalingon ako sa gawi niya at nakatingin na pala siya sakin. Seryosong- seryoso ang mukha na para bang nagtatanong kung ano ba talagang sadya ko sakanya. Napangiti ako dahil suot niya pa pala ang beanie niya. 

"Ang cute mo talagang tiningnan diyan sa beanie mo." Di ko namalayang nasabi ko pala ang dapat ay nasa isip ko lang. Gagawa na sana ako nang excuse nang bigla ay para siyang nanlumo sa sinabi ko.

"Labag sa loob ko ang suotin to pero wala na akong magagawa. Tsk!." Imbis na maawa ay natawa ako dahil sa sinabi niyang yon. "Ano nga palang sadya mo dito?."

Sasagot na sana ako nong biglang may kumatok at kasunod non ay ang pagbukas ng pintuan. Pareho kaming napalingon dito at nakita namin si Nurse Kim na nakangiting nakatingin samin.

"Andito ka lang pala. May naghihintay sayong bisita." Sabi niya habang ang paningin ay nasakin. Nakangiti siyang napatingin kay Seulgi at nakangiti ring binalik ang paningin sakin. Medyo naweirduhan ako sa ganong kilos niya kaya napakunot ang noo ko. "Magkakilala na pala kayo nitong alaga ko. Pwede bang hiramin ko muna siya saglit?." Pagtutuloy niya sakin kaya ngumiti lang din sakanya si Seulgi at tumango. 

Tumayo na ako bago pa man ako hilahin ni Nurse Kim palabas. Tiningnan ko muna si Seulgi bago tuluyang lumabas. Di ko maintindihan kung bakit para akong naiirita sa isiping ngayon pa talaga may nag-isip na bumisita. Alas syete na nang gabi..bukod don ay ang pangit pa nang timing niya. 

"Oh, ba't parang naiinis ka?." Napalingon ako kay Nurse Kim nong sabihin niya yon..may pagtawa pa sa huli. 

"Sinong bisita, Nurse Kim?." Imbis na sagutin ang tanong niya ay nagtanong nalang din ako sakanya. Alam kong mang-aasar lang siya. Bukod don ay kapag sinagot ko ang tanong niya ay masusundan pa yon ng panibagong tanong. Maintrega masyado.

"Yung manliligaw mo." Umasim bigla ang mukha ko dahil sa sagot niyang yon. Manliligaw? Mas lalo pa itong umasim dahil sa di kalayuan ay natatanaw ko na kung sinong tinutukoy niya.

Mahabaging bayag! Siya na naman!.

...

Halos isang oras din ang itinagal niya sa pakikipag-usap sakin kahit wala naman akong interes sa mga pinagsasasabi niya. Napatingin ako relos na suot ko at alas otso na't nandito ulit ako sa hallway ng ward para bumalik sa kwarto ni Seulgi. Di pa ako inaantok kaya feel ko pang mandisturbo. 

Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa loob. Nilibot ko ang paningin ko pero ni isang presensya ng tao ay wala akong makita kaya naman, lumabas nalang ulit ako para hanapin siya. Baka kasi naglalakad lang o baka nagpapahangin lang. 

Sa paglalakad ay nakita kong bukas ang pintuan sa may hagdanan papuntang rooftop. Liliko na sana ako para humakbang don pero nahinto ako nong may nakita akong pamilyar na babaeng nakaupo sa dulo ng hallway habang ang likod ay nakasandal sa pader.

Sumilay ang malaking ngiti sa aking labi nong makita ko kung sino yon. Agad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya pero ang ngiting nakasilay saking labi ay agad na nawala nong makalapit na ako sakanya.

"Seulgi! Ayos ka lang?." Hinawakan ko pa ang magkabilang balikat niya sa pag-aalala. "You're bleeding!". Nagsimula akong maghisterekal nang makita ko ang kabuuan ng itsura niya. Putlang-putla habang patuloy na umaagos ang dugo mula sakanyang ilong. 

Napakagat ako ng labi dahil sa pagpipigil sa sariling maluha nong biglang siyang ngumiti sakin. Na para bang sinasabi niya saking ayos lang siya.

"I'm fine. Natural lang to." Pangungumbinsi niya ngunit mahihimigan sa boses niya ang panghihina ng para bang pagod na pagod siya. Agad kong dinukot ang panyo sa bulsa ng hospital gown na suot ko at dali-dali kong pinunasan ang ilong niya. 

Gusto kong maluha dahil sa nakakaawa niyang itsura. But I tried not to kasi nakatingin siya ng diretso sakin na para bang sinasabi ng mga mapupungay niyang mata na wag siyang kaawaan. 

''Tatawag ako ng doctor.'' tatayo na sana ako pero di natuloy dahil hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sakanya pero bigla nalang siya tumayo kaya naiwan akong nakatingala sakanya.

"Let's go somewhere." Saad niya na para bang wala lang sakanya yung nangyari kanina. Na para bang balewala lang yon sakanya. Sesermonan ko na sana siya pero bigla niya nalang  hinawakan ang kamay ko't hinila ako patayo. 

...

A/N: kaachechehan ni Irene Garcia.. I mean, Ferrell pala.

Irene: anong 'Seul' ang sumasabog kapag nasobrahan sa init ang katawan? Edi...

GaSEUL. 

 

Okie..mananahimik na ako-_-

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bijjj_itsLauren
Please support my story by upvoting and subscribing. Ciao❤️

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet