The Ferrell|

Nuestro Tiempo (our time)

Her name's Irene. An eighteen year old teen who used to live her life in a medical institution for ten years. Hindi madali para sakanya ang manatili sa hospital ng ganon katagal. But as the years passed by, she somehow managed to converse with the patients who got admitted to the certain place. But mainly, the doctors and the nurses who checked up on her from time to time. Gustuhin man niyang umalis sa lugar na yon ay hindi niya magagawa. Kailangan niyang manatili para mapadali lang para sa mga doctor ang pagmomonitor sakanya. Ito din naman ang gusto ng mga magulang niya kaya wala na siyang magagawa kundi ang sundin sila. 

Mula sa silid ng kaniyang kwarto ay maririnig ang magagandang huni ng ibon at ang alon ng dagat na humahampas sa dalampasigan na nagbibigay ng kapayapaan sa kanyang paligid. 

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Irene habang tinitingnan ang orasan na nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto na nagsasabing 5:45 na nang hapon. Muli niyang ibinalik ang kanyang paningin sa labas at napako ang kanyang paningin sa isang malaking puno na nag-iisang nakatayo sa labas ng kanyang kwarto..kung saan ang mga dahon nito ay unti-unti na nang nalalagas na parang bang ito ang magiging basehan ng kanyang buhay.

Irene's POV

"Good afternoon, Irene." Agad na bati sakin ni Nurse Kim pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at nagpakawala ng isang pilit na ngiti habang naglalakad patungo sa study table ko. 

Umupo ako't naramdaman ang pagsunod niya. Naupo siya sa dulong parte ng mesa at naramdaman ko pa kung pano niya akong titigan na para bang sinusuri ang kabuuan ko. 

"How are you?." tanong niya sakin matapos akong titigan. Napangiwi ako sa tanong niyang yon. Masyado iyong common pero iisa lang naman ang sagot ko. "Never been better like I usually does." Sagot ko nang di siya tinitingnan habang patuloy pa din sa pagsusulat. Pero hindi iyon nagtagal dahil iritable kong binagsak ang ballpen na hawak ko at sinubsob ang mukha sa mesa.

"Anong araw ngayon?." I ask as my voice were muffled due to face being burried on the desk. Pero nakuha niya naman iyon nong sagutin niya ako.

"First friday of September." Napaangat ako ng ulo nong marinig ko ang matunog niyang pagngiti. Nakangiti nga siyang napatingin sa labas kaya naman, sinundan ang paningin niya. 

Napangiti ako sa ganda ng tanawin sa labas. A mesmerizing view of a sprawling blue ocean and a vast of green fields with a golden dry leaves scattered all over it. Malamig din ang hangin na nagmumula sa labas kaya kahit mag-isa lang ako dito minsan ay nagagawa ko pa ding i-enjoy yung lone time ko.

"Nurse Kim." Tawag pansin ko sakanya habang nakatuon pa din ang paningin sa labas. 

"Hmm?." Ang tanging sagot niya kaya naman nilingon ko siya. Makikita pa din ang pagkamangha sa kanyang mukha habang ang mga mata ay nandoon pa din sa labas.

"Sa tingin niyo ba ay makakalabas pa ako dito?." agad siyang napatingin sakin, gulat ang eskpresyon dahil siguro di niya inaasahan ang tanong kong iyon. 

"O-oo naman. Hindi ba't yan ang gusto mo? Ang makalabas dito?." Ngumiti siya sakin. Nangungumbinsi.. kaya naman, ngumiti nalang din ako sakanya't tumingin nalang ulit sa labas.

Tama siya. Iyon ang gusto ko simula pa man noon, ang makalabas sa lugar na to. Pero habang tumatagal ay para bang nawawalan ako nang pag-asang gumaling at makalabas sa impyernong ito. 

Mahabang katahimikan ang namayani samin bago bumukas ang pintuan at ang mga yabag na maririnig na  pumasok sa kwarto ko.

"Goodaftie, Irene Napalingon ako dahil sa pamilyar na boses na bumati sakin. Napangiti ako nang makita si Joy at Yeri na malapad ang ngiting lumapit sakin.

Napatingin sila sa gawing gilid ko nang mapansin nila ang presensya ni nurse Kim kaya binati din nila ito. Matapos makipag-usap sakin about sa medications at monitoring ay lumabas na siya't iniwan ako sa mga kaibigan ko.

"Kamusta?." napabuntong hininga ako sa tanong na namang iyon ni Yerim.

"Still hosed." Sagot ko in a matter of factly. Napansin ko ang suot nilang parang pupunta sa kung saan.

"Off to somewhere?." tanong ko matapos kong kunin ang Polaroid na nakaupo sa bed side table ko. Well I love photography. Where humans and natures are my main objectives. Yon nalang kasi ang maiiwan ko kung sakali mang mag- eexpire na ako.

"Yeah, to a party to be exact. Sadly, we can't take you along with us." Sagot ni Joy. I stopped halfway and smiled bitterly. Lumingon muna ako sa orasan bago sila tingnan.

"At this hour?." 

"Nope. Later. May pupuntahan pa kasi kami. It's a welcome party kaya we decided to buy a present." Napakunot ang noo ko sa sagot na ito ni Ligaya. This time, nakaharap na talaga ako sakanila.

"Welcome party?." 

"Yup. Uuwi galing Cali yung pinsan ng kaibigan ko after staying there for a long years." Ani niya.

"I see." Yon nalang ang naging sagot dahil nawalan na ako ng interes sa usapan. Bago pa man ako bumalik sa photography session ko ay natigil ako dahil sa sinabi ni Yerim.

"Aalis na kami, unnie." Lumapit sila sakin tsaka ako niyakap ng mahigpit. The idea of them, not sparing much time for me just made me feel sad and disappointed. But I just shrugged it off internally convincing myself that there's next time..probably next time.

"Take care you two."

"Likewise. We love you."

"I love you guys too." 

Matapos yon ay umikot na sila't lumabas. Muling sumakop ang katahimikan saking kwarto kaya naman, binalik ko nalang ang camera at sinalpak ang earphones saking tenga.

...

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bijjj_itsLauren
Please support my story by upvoting and subscribing. Ciao❤️

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet