Wendy|

Nuestro Tiempo (our time)

Seulgi's Pov

Alas otso na nang umaga ng magising ako. Di ako nakatulog ng maayos dahil sa sakit ng likod ko. Di ko alam kung dahil ba naninibago lang ako sa kamang hinihigaan ko o dahil dala lang nang sakit ko to. 

Nagtungo ako sa mini fridge at uminom nang tubig para mabawasan ang uhaw na nararamdaman ko simula nang magising ako. Pagkatapos non ay dumiretso ako sa banyo upang tingnan ang sariling repleksyon ko. Napahinga ako ng malalim dahil sa itsura ko. Damn! Para akong zombie na di malaman kung anong virus ang pinagmulan. Tsk! 

Nagsimula na naman ulit malagas ang buhok ko kaya matapos maghilamos ay kinuha ko ang asul na beanie ko't sinuot iyon para takpan ang parteng yon. Lumabas na ako sa kwarto para pumuntang cafeteria dahil sa gutom. Nang matapat ako sa pintuan ay napahinto ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Agad ko itong binuksan at nakita ko si Irene na may kasamang di ko kilala kung sino. Mukha pa silang seryoso sa kanilang pinag-uusapan kaya naman, di nila napansin ang presensya ko.

"Anong ginagawa niyo dito?." Nagulat sila sa biglaang pagsulpot ko. Gusto kong matawa dahil sa ang epic ng itsura nila. Pfft. 

Bigla ay lumapad ang ngiti nang isang babaeng..isa ding maliit kagaya ni Irene. Naglakad ito palapit sakin at bigla nalang nilahad ang kamay sa harap ko. Kaya napatitig lang din ulit ako don.

"Hi! I'm Wendy Valdez. Nice to meet you!." Pagpapakilala niya. Nagpabalik-balik ang paningin ko sa nakalahad niyang kamay at sakanya. Di ko iyon tinanggap at tsaka nagpakilala.

"Seulgi." Nilingon ko ang kasamahan niya na noon ay kagat-kagat ang pang-ibabang labi at nakatingin na din sakin. Kumunot ang noo dahil don.

"Nagkita na ba tayo before?." Dahil sa tanong na iyon ni Wendy ay binalik ko ang paningin sakanya. Pinagkrus ko ang braso ko atsaka sumandal sa door frame ng kwarto ko. 

"I guess." Ang tanging naisagot ko because honestly..ngayon ko lang siya nakita. Di din siya pamilyar sakin kasi nga diba..ngayon lang kami nagkita tsk ba't ba?-,- "Listen, I don't have much time to indulge with your reminiscence. Kailangan ko nang kumain..so if you'll excuse me." Di ko na hinintay ang sagot sa isa sakanila at umikot nalang ako para simulang maglakad sa cafeteria nitong hospital. 

Wala akong pake kung nababastusan sila sa paraan ng pakikitungo ko sakanila. Pero...di ko maintindihan kung bakit parang nakokonsensya ako sa ginawang pagtalikod ko sakanila.

Humugot ako nang isang malalim na hininga bago ako lumingon sakanila. Mas lalo akong nakonsensya dahil sa nakangusong itsura ni Wendy (T^T). Lumapad naman ang ngiti ni Irene at sabay silang patakbong lumapit sakin. Agad pinulupot ng amerikanang unano ang braso niya sa braso ko. Mukha pa namang tuwang-tuwa siya sa ginagawa kaya naman wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya.

Being a gregarious human being is already Wendy's asset. Dahil sa kalagitnaan ng pagkakain namin ay siya lang ang nagsasalita na para bang may plano siyang ikwento lahat ng karanasan niya simula pagkabata. Dinaig pa si Charo Santos sa pagiging emosyonal kung magkwento. -_- 

Tumatango lang kami ni Irene at ngumingiti kapag naaayon iyon sa kwento niya. 

"Tapos bigla nalang nagsalita si Jisoo sa likuran namin kaya sabay kaming napasigaw ni Irene my ghawd!! I miss her na." Pagpapatuloy niya at di man lang huminto para huminga. Masyado siyang madaldal. It's not irritating or what. She's talkative, and I envy her for being one. 

Bigla siyang nahinto na para bang noon niya nalang narealize ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Nakita ko pa kung pano silang naging uncomfortable sa inuupuan nila kaya naman, nagtanong ako.

"Sino si Jisoo?." Nagkatinginan sila dahil sa tanong kong yon. Ilang segundo pa ang hinihintay kong isa sa kanila ang sumagot pero nagpapalitan lang sila nang tingin na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila. Uulitin ko na sana ang tanong Nong biglang si Irene ang sumagot.

"S-she's a friend of ours." Nauutal na sagot niya. Napataas ang pareho kong kilay dahil sa ngiti niyang nangungumbinsi. But I can't seem to find that convincing at all. 

Imbis na magtanong ulit ay tumango nalang ako at patuloy na kumain.

....

 

A/N: Seulrene on screen ft .Wenjoyri

*Texting*

S: hi Irene! It's me, Seulgi.

I: oh, Hi Seulgi. Wait..How did you get my number?

S: yesterday. From our conversation.. well, I memorized it.

I: that fast!?

S: yup! But you know what's faster?

I: what?

S: will you marry me, Bae Joohyun? (Insert love emoticons).

Wenjori *face palm*

..

So yeah, make your judgement

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bijjj_itsLauren
Please support my story by upvoting and subscribing. Ciao❤️

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet