Her other side part. 2

Nuestro Tiempo (our time)

Irene's POV

"Teka teka." Napahinto kaming pareho nong magsalita ako. Tumingin siya sakin sabay bitaw sa kamay ko. Maputla pa din ang mukha niya pero di na kasing lala nong kanina. "San tayo pupunta?." 

"Kahit saan." Dahil sa sagot niyang yon ang tumaas ay isang kilay ko. Di ko maintindihan kung bat parang wala lang sakanya yung nangyari kanina habang ako di na magkandaugaga sa pag-aalala.

"Di pa nga nakaka-recover sa pamumutla yang balat mo tapos sasabihin mo saking pupunta tayo sa kahit saan?." Panenermon ko habang magkakrus ang brasong nakatingin sakanya. Napatitig siya sakin saglit at maya-maya pa ay bigla siyang tumawa. Yung tawang di mo kakikitaan ng sakit..yung tawang natural lang na sa pagiging natural non ay di na halos makita ang singkit niyang mga mata. Yung tawang kahit isang beses ay ngayon ko lang nakita. 

Di ko alam kung anong nakakatawa don sa sinabi ko. Eh talaga namang hinang-hina pa siya sa paningin ko.

"Hoy! Alam mo ba kung gaano akong nag-aalala tapos ikaw diyan tawa lang ng tawa? Baka gusto mong sa morgue mapunta kapag naupakan kita?." Naiinis na sabi ko sakanya. Tumigil siya sa pagtawa tsaka muling tumingin sakin ng nakangiti. 

"You're acting like a mad girlfriend." Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa pangungusap niyang yon kaya naman, di ko magawang magsalita. Huminga siya ng malalim bago nag-iwas ng tingin sakin. "Diba sabi mo gusto mong makalabas sa ospital na to?." Di ako sumagot, sa halip ay hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. "Kung di ka siguradong magagawa mo yon sa pangmatagalan..edi gagawin natin sa panandalian." Lumingon siya sakin at muling sumilay ang matamis niyang ngiti. "We're going to explore the outside world for tonight." 

Di ko maiwasang di matuwa sa sinabi niyang yon. Pero gustuhin ko man ay alam kong di kami papayagan lalo na't gabi na. 

"Di tayo pwedeng lumabas sa lugar nato, Seul. Di tayo papayagan." Malungkot na saad ko. Agad akong napatakip saking noo nong bigla niya itong pitikin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Silly. Sa tingin mo ba ay ganon ako katanga para magpaalam sakanila?." Pinamewangan ko siya nong makuha ko ang ibig niyang sabihin. 

"Pano pagmahuli tayo? Di mo kilala yung bantay ko, mabubunganga masayado." Pagtutukoy ko kay Nurse Kim. Di lang nga ako makita non kahit di pa man lumilipas ang isang minuto ay di na siya magkandaugaga sa paghahanap sakin kahit minsan ay sa kwarto lang ako ni Wendy nakatambay.

"Tsk. Ang sermon isang beses lang yan. Di ba uso sayo yung pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga?. Di ka naman mabubugbog non, isang pitik nga lang paniguradong tataob ka na. Tsaka, ngayon lang naman." Tangina. Di ko alam na ang daldal niya pala..yon lang sinabi ko tapos ang dami na ng sinabi niya..nagawa pang mang-asar nang hayup.

...

"Diyan tayo dadaan!? Eh ang taas niyan!." Napatingala ako sa sinasabi niyang dadaanan daw namin. Bintana sa banyo. 

"Hop in." Muli kong binalik ang paningin sakanya nong bigla siyang yumuko sa harap ko. Sinasabing pumatong ako sa likod niya. 

"Eh pano pagsumakit yang likod mo?." 

"Wag kang makulit, Ferrell. Bilisan mo bago pa man may makakita satin dito." Pangungulit niya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang humakbang at pumatong sa likod niya. Humawak ako sa pader para suportahan ang timbang ko ngunit nag-aalala akong baka bigat na bigat siya sakin..kaya naman, kumapit ako sa bintana nong maabot ko na. Katamtaman lang ang laki nito pero kasya naman kaming dalawa. 

Maya-maya pa ay bigla siyang umalis sa pagkakayuko kaya naiwan akong lumambitin don. Sisigawan ko na sana siya nong bigla niyang hawakan ang magkabilang pwet ko para itulak ako pataas. Di ko magawang kumilos agad dahil di ko maintindihan ang pakiramdam (T^T).

"Make it fast, Irene!." Pabulong na sigaw niya kaya nabalik ako sa wisyo at dali-daling itinulak ang sarili paitaas.

Ngunit bigla kaming nagkatinginan ni Seulgi Nong may marinig kaming yabag na paparating sa kinaroroonan namin. ! Si Nurse Kim! Walang pinto ang CR na'to dahil matagal ng nasira. Di na din napalitan dahil di na ginagamit..kaya ilang hakbang lang ay makikita na niya kami. !

Parehas kaming nagpanic ni Seulgi kaya dali-dali niya akong itinulak palabas. Muntik pa akong masigaw dahil di ko inaasahan yon.. Napapikit ako, handang damhin ang sakit sa kung ano mang pwede kong bagsakan. Pero agad akong nagmulat at napalinga sa magkabilang gilid dahil sa malambot na bagay na sumalo sakin. Isang di na ginagamit na hospital bed. 

Muli akong napatingala sa bintana para hintaying makalabas si Seulgi. Naghintay ako pero di pa rin siya lumalabas. Nag-aalala akong baka nahuli na siya.

"Irene, let's go." Gulat akong nagpatingin sa kinaroroonan ng boses niya. 

"San ka dumaan?." Napalingon ako sa lugar na tinuro niya at nakita ko ang isang sliding window. May kaunting siwang ito kaya nasisiguro kong don nga siya dumaan. Puta, may madaling daanan lang pala..pinapahirapan pa akong akyatin yung bintana. 

Napahinga ako ng malalim dahil sa inis. Mas lalo pa akong nainis dahil nakangisi na siyang tumingin sakin.

"Seulgi Echavez!!!!." Tumayo ako't tumakbo patungo sakanya kaya dali-dali siyang tumakbo papalayo sakin. Hintayin mong mahuli kita, ipapatapon kita sa bermuda triangle!!

..

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
bijjj_itsLauren
Please support my story by upvoting and subscribing. Ciao❤️

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet