VI. Aso na Cute!
Gra Graduate na Ako!
2 weeks na kami nandito papalapit at papalapit na rin yung event!
To be honest, medyo chill pa kaming photographers kasi wala pa yung main event pero syempre tumutulong na rin kami kahit papano sa mga event orgs.
Si Wendy at Sana di pa rin tapos sa pinapagawa ng mga taga events bleh buti nga!
“Seulgi! Tulungan mo kami dito mamaya ha!” sabi sakin ni Wendy.
“Oo nga daya mo dyan.” singit naman ni Sana.
“Sure sure libot lang ako sabi naman ni Maam after gumawa pwede magpahinga. Balik rin ako!”
“Weh! Sumbong kita kay Irene eh hahaha” singit muli ng kaintern ko na si Mina.
“Sapakan na lang kami” ako naman si tanga suntok suntok gesture.
“IRENEEEEEEEE!” sigaw ng mga kaintern ko.
“NGEK! WALA SIYA DITO! HAHAHAHAHA BABYE!” sigaw ko.
“Hala alam na wala dito oh!” pangaasar ni Sana.
Sabay sabay silang nagyie parang mga tanga kaya namakyu na lang ako at naglakad papalayo.
Habang naglalakad ako may nakita akong aso na nakahiga. Cute cute niya shet kaya naman as a dog lover pinuntahan ko at umupo katabi niya. Friendly naman siya at biglang humiga so ako rin humiga na.
Ganda ng view. Pinicturan ko din yung aso at yung view. Pagkatapos pumikit na muna ako saglit taray feeling nasa movie hahaha
May nanghagis sakin ng mga dahon sa mukha bastos!
“Ay walangya bastos naman neto!” gulat kong sinabi papaupo habang nagaalis ng dahon sa mukha.
“Ano ka feeling aso?”
Drum roll please tama kayo dyan! Si Irene ang salarin!
“Oo bakit cute ako eh” sabi ko. tHE BRAVERY
“Kapal. Bakit ka nandito eh diba may ginagawa pa tayo?” pasungit na sabi ni Irene.
“Tapos na po ako.”
“Bakit di ka tumulong sa iba?”
“Sabi ni Maam kapag tapos na pwede daw pahinga saglit tapos tulong na ulit tsaka kahihiga ko lang dito grabe ka naman.” sabi ko.
“Weh! Tanong ko mamaya ha. Reasons mo Kang.” sinabi niya sakin.
“Go lang. Chill lang madam. gusto mo humiga rin? Ganda ng view” sabi ko.
“Kasing ganda mo kahit masungit ka” erase again seulgi! Tanga ka talaga forever feeler ka pa rin.
“No thanks may ginagawa pa ako dito. Hay. leader na lea-” pinutol ko siya medyo nainis na ako pamukha ng pamukha sakin eh. “Eh bakit mo ako pinili as a leader kung gagantuhin mo ako? Ginagawa ko naman duty ko.”
Di na lang siya nagsalita at papalakad na siya papalayo.
“Sungit sungit sakin since shs ano ba ginawa ko dun” pabulong kong sabi.
AGAIN. Ganun ba talaga kalakas bulong ko? Or sinadya ko yun?
Napatigil siya sa paglalakad, lumingon at walang kamatayan na irap!
“Uy hello tapos ka na gumawa dun?” tanong ni Tzuyu.
San to galing??????
“Yup. kani-kanina lang. Ikaw?” sabi ko.
“Natatapos ba work ng assistant? Hahahaha” wika ni Tzuyu.
“Oo nga naman pasensya na baka ka hanapin ni Irene ha magalit pa sayo yun” pangaasar ko.
“Sabi niya naman sakin break time ko muna. Btw magkakilala pala kayo?” tanong niya.
“Since shs ngayon lang nga ulit kami nagkita eh. Wala pa rin siya pinagbabago.”
Kita ko sa malayo, lumingon ulit si Irene at parang biglang lalong nainis ang mukha? Wtf?
“Bait niya nga eh” sabi niya sakin.
“Ah oo nga hahahaha galing rin siya noh?” its a prank!
“Oo, top yan sa class namin eh!”
“Hoy Kang Seulgi Ilan minutes ka na dyan! Landi landi ka pa dyan kay Tzuyu!” sigaw na ni Wendy sakin.
“Bogus ka!!!! Pasensya na Tzuyu ha pa issue lang ‘tong si Wendy eh hahahaha” hiya kong pageexplain sa kanya.
“Okay lang! Balik na ulit tayo dun.”
“Sige.”
Nauna akong tumayo at inalalayan ko si Tzuyu makatayo rin.
Comments