I. Mama ko po!

Gra Graduate na Ako!

 

 

“Ma!!! asan yung binili mo sakin na mga pagkain?” sabi ko habang nagaayos ng maleta. “Kuhain mo dun sa table yung nakaplastic! oh special ka ha binili ko mga gusto mo” pasigaw na sinabi ng nanay ko. bakit attitude ‘to mamimiss ata ako neto eh.

 

Pagkatapos ko ayusin ang maleta, kinuha ko na rin yung mga pagkain at inayos sa isa ko pang bag. Syempre para secured yun mabilis ako makakakuha ng pagkain. 

 

Deep deep inside, kinakabahan ako first time kong maka experience ng ganto kumabaga sample sa real world. Di pa ata ako ready pero gusto ko na ‘to matapos.

 

“seulgi!!! anong oras na baka malate ka pagpunta dun. Bilisan mo dyan kumpleto na ba yang mga gamit mo?” banggit niya habang papalapit sakin at chineck isa isa ang aking mga gamit.

 

“oo ma okay na lahat. 6pm pa naman daw meet up.” sabi ko habang nagccheck ng phone. “Ma, pwede niyo ba ako ihatid sa North Edsa ng mga 5pm?” dagdag ko.

 

Biglang natawa si ma at nagsalita “Kabado ka noh? oh sige na dahil first day mo” 

 

“thank you, ma”

 

Nang matapos na niya ang pagddouble check ng aking gamit ay umalis na rin siya sa kwarto. Ako naman paabang abang sa phone para icheck ang gc namin kung may pumunta na ba. Nagalarm na rin ako ng 5pm para incase....antukin pa naman ako.


 

hulaan niyo kung ano ginawa ko habang naghihintay.....tumpak nakatulog nga talaga ako.

 

“Seulgi! 5pm na ano tara na!” sigaw niyang sabi habang biniksan ng malakas ang pinto. “huy! seulgi gising!”

 

bigla akong nagulantang ng bigla niya akong hinila papatayo.

 

“oh dali bilisan mo na jusko naman! patayin mo na yang alarm mo. maghilamos ka na rin ng mukha mo nagtutulo ka ng laway eh” banggit ni ma.  “ibaba mo na rin gamit mo. bilisan mo nagreready na rin tatay mo”


 

Habang pababa na ako, narinig ko ang phone ko na may nagcchat. Kapag otw na lang ako tsaka ko isseen baka sabihin bakit ako late hahahaha.

 

Nilagay na rin ng tatay ko yung gamit ko sa sasakyan. Naririnig ko pa rin na nagnonotif yung aking phone. “aber, di mo ba sasagutin yan?” tanong ni dad.

 

“maya pagkasakay ko na”

 

“seulgi!! check mo sa kwarto baka may naiwan ka nako naman to!” pasigaw na naman na sinabi ni ma. hay.

 

Muli kong chineck ang akong kwarto ng 2 beses. kulit kasi ni ma.

 

“bye bye popz see you mamimiss kita” habang karga ko ang aso ko.

 

at sa wakas, otw na rin kami.

 

Chineck ko na rin ang phone ko.

 

Photog; Event GC

 

coordinator: hello 6 pm po tayo magkikita sa north edsa. pinapasabi pala ng org leader na “sana po ay walang ma-late dahil may konti po tayong activites na gagawin kapag nakadating na tayo.”

seen

coordinator: chat kayo lahat if otw na kayo! salamat

seen

 

mga bandang 4:30

 

wendy: otw na po!

dk: ako din po

joy:^

sana: otw!

chaeyoung: magkasama po kami ni mina

mina: otw na po kami

seen

 

5:15

me: otw na po ako

wendy: hala malalate ka na hahahaha

sana: lagot ka kay coordinator

me: hala hahahaha sorry po

seen

 

at binaba ko na uli ang phone ko bigla akong kinabahan eh hahaha pero buti na lang hindi traffic kasi sabado. patay talaga ako neto. Saktong 5:59 nakarating ako sa meet up place. Nakita ko agad sila Wendy at Sana.

 

Nagmadali na akong magbaba ng gamit at di na ako nakapag paalam ng maayos kila ma at dad.

 

“huy gagi bilisan mo lagot ka talaga kay org leader!!” sigaw ni wendy habang kinakaway niya yung dalawa niyang kamay.

 

tumakbo ako agad kasi nakita ko nga na nasa bus na sila lahat. hingal inabot ko dun.

 

“gago ka bat ka kasi 5pm umalis buti di traffic ngayon” sambit ni Sana habang papaupo ako.

 

“gago ka rin. may nangyari kasi eh” sinabi ko kila wendy at sana.

 

“hala ano??” sabay na sinabi ni wendy at sana.

 

“nakatulog ako hehehe”

 

“tangina mo seulgi kahit kelan” habang kinutusan ako ng dalawa.

 

“aray! okay edi di ko kayo sshare-an ng pagkain” pabiro kong sinabi

 

“luh joke lang eto oh dali kami kutusan mo”

 

Pakilala ko lang saglit si wendy at sana. Si Wendy kakilala ko na siya kasi kanatch mate ko siya and naging kaklase ko siya nung nag reshuffle. Si Sana naman nakilala namin ni Wendy nung nag-apply kami.


 

At kung di ko pala nasabi, Internship namin ‘to as photographers.

 

Di naman pala kami kadamihan, siguro mga di bababa ng 15 kasama na rin yung mga nagwwork talaga.

 

“Complete na po ba tayo?” sinabi ng coordinator sa mic.

 

“OPO!!!” sigaw namin lahat

 

“Okay isa-isahin ko kayong tatawagin ha”

 

So....kumpleto na talaga kami yehey excited na ako pero kabado pa rin.

 

biglang may nagtanong “miss bakit po konti lang kami?”

 

“ah, nauna na kasi yung iba”

 

“AHHHH” sabay sabay ulit namin sinabi.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chae1727
For now....paalam na muna! :)

Comments

You must be logged in to comment
iamSoshiLover #1
Chapter 22: been looking for the sequel turned out di na siya nahahanap? niways, thank you for this story, otor. ganda ng pagkakasulat. u da best 👊
Moksy23
#2
Sequel po author (-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩___-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩)
nicamyoui
#3
Chapter 21: Sequel ung di bitin hahaha ung sure na si irene! Hina naman pala neto ni irene tsktsk
iana013
#4
Chapter 21: Bitin... ヽ((◎д◎))ゝ more!! More!!
(╯ರ ~ ರ)╯︵ ┻━┻ kekekeke
gomtokki_23
#5
Chapter 20: eh???
2014605911
#6
Chapter 21: Kung lalagyan pa ito ng sequel or epilogue please yung joyful reunion na nila. A short piece. Not another open-ended scene. In fairness though, hopeful nga talaga yung tone nung story sa huli 👌. Kinda bittersweet nga lang kasi hindi rin naman pala ready si Irene. Definitely rooting for them to get together already if ever na may kasunod nga.
eunxiaoxlove #7
Chapter 21: Sequel :)
Tiny_Angel14 #8
Chapter 21: Author, SEQUEL PLEASE!!!!
gomtokki_23
#9
Chapter 19: bawal po ang kiss pag walang label hihi
Jihnjihn #10
Chapter 19: Harot naman pala irene. Hahahaha