V. Fire Performer Ba Kamo?
Gra Graduate na Ako!
Day 2! Okay na ako excited na ulit ako!
5:00am gising na ako nagligo na ako at nagbihis. Hindi na rin agad ako nakatulog eh. Whole day ka ba naman kain at tulog.
Pagpatak ng 6:00……
“Huy gago gising hala sila 7:00 na!” sigaw kong sinabi habang hinahampas ng unan ang dalawa.
Bangon sila agad eh AHAHAHA. Tingin agad sila sa phone
6:00am
Sabay silang sumigaw “PAKYU KA SEULGI!” nagliparan ang mga unan papunta sakin.
“Gago pasalamat nga kayo sakto lang gising ko sa inyo AHAHAHAHA” wika ko.
“Makarma ka sana” sabi ni Wendy sakin
Tumayo na rin sila at nagayos ng kanilang gamit….
“Labas na muna ako! Papahangin lang chat niyo ako ha!”
.
.
.
.
.
.
.
.
Narrator: at di nagtagal na karma nga si Seulgi…
Pakshet! Habang naglalakad ako papalabas nakasalubong ko si Irene pero nagkunwari akong nagpphone para kunwari hindi napansin ganun!
Lessons from Seulgi 101
Bigla naman niya akong tinapik. “Ay hello, Good-” di ko na natapos sinasabi ko “bakit wala ka kahapon? Leader ka pa naman” bungad sakin ni Irene.
“Ah ano kasi…” hindi na naman niya ako pinatapos. “Reasons mo Seulgi. Kala ko deserve mo na eh.” uh anong ibig sabihin nun? Lol ouch???
“Anong kala mo? Anong sinasabi-” ayan naputol na naman ako kasi dumating na si tzuyu at di na ako pinansin ni Irene.
“Goodmorning, Seulgi!” bati ni Tzuyu. Buti pa ‘tong si tzuyu!
“Hiii, Goodmorning din!” pabalik kong sabi kay tzuyu.
“Bakit ka nga pala wala kahapon?” habol na tanong ni Tzuyu.
“Eh kasi ano-” “Tzuyu ano nga daw pala sabi ni Maam Park about dun sa Sponsor?” Pinutol na naman ako ni Irene.
Di na lang ako nagsalita at naglakad na lang ulit ako.
Gc: cuties na photographers
Me: Goodmorning sa inyo lalo na sayo Sana! Bilis kong makarma huhu.
Wendy: aber bakit naman?
Me: nakasalubong ko si Madam Irene tinanong ako bat daw ako wala chuva chuva reasons ko daw????? Sabi niyo sinabi niyo kay Maam Park huhu.
Me: san si sana?
Wendy: naliligo pa
Wendy: tangek! Sinabi nga namin! Hala AHAHAHA baka nakalimutan ni Maam sabihin kay Irene oh nO!
Me: sisisihin ko si Maam Park! Nasira tuloy umaga ko!
Sana: AHAHAHAHA sabi sayo eh makakarma ka!
Sana: Punta na kami dyan wait mo kami
Me: okay sana wag kayo makarma dyan! Hihi
Binaba ko na ulit phone ko dahil dala ko na naman ang camera ko ang picture picture lang ako.
“Seulgi!” sigaw ni Maam Park at sabay senyas na lumapit sa kanila nila Irene at Tzuyu. Rambulan part II.
Pagkalapit ko “Goodmorning po Maam” sabi ko.
“Kamusta na pakiramdam mo? Sabi nung dalawang mong roommate may sakit ka daw kahapon kaya inadvice ko sa kanila na wag ka na muna magwork.” pagaalalang sabi ni Maam Park.
Napangiti naman ako at sumagot. “Ah okay na naman po ako baka najetlag lang hahahaha charot!” napatawa naman si Maam Park. “Sarap po nung soup na pinadala niyo eh” Sabay tingin ko kay Irene na mapang asar IN YOUR FACE!
Yung mukha naman niya gulat na gulat ayan kasi sungit sakin eh I DESERVE AN EXPLANATION!
“Syempre naman! Si Irene naghanda niyan eh. Feel special Seulgi nirequest ko yan.” masayang sabi ni Maam.
So….nanlaki naman ang mata ko. Si Irene naman nahihiya pero alam niyo yung IN YOUR FACE rin na mukha ganun.
“Ah ganun po ba hahahaha salamat po sa inyo tsaka kay Irene.” sabi ko ng nahihiya.
“Wala yun. Tara na nakahanda na ulit pagkain.” pagaaya ni Maam.
“Ay sige po una na po kayo. Hinihintay ko lang yung dalawa kong kasama.” sabi ko.
“Sige! Bilisan niyo ha!”
Habang naglalakad papalayo ang tatlo narinig ko si Irene na “Maam kala ko naman para sa inyo yung soup na ginawa ko!”
“oh eh baket di ko ba nasabi sayo kahapon?”
“hindi maam”
“pasensya na tumatanda lang” at tumawa na lang sila.
Sumullpot naman sila Wendy at Sana.
“Ano? feeling ko okay na?” sabi ni Wendy
“Okay na naman kaso guess what” nakatitig naman sakin ang dalawa “Si Irene gumawa nung soup na dinala niyo.”
“WIFE MATERIAL! KAYA PALA NAGING CRUSH MO!” pasigaw na sabi ni Sana.
Tumingin ako sa paligid buti naman nakapasok na sila sa loob.
“Sana shhhh!!!!” sabay namin pagawat ni Wendy kay Sana.
Okay not gonna lie, masarap talaga yung soup ayie! Joke pero totoo masarap talaga. Kahit naging dragon yun sakin kinilig pa rin ako slight as an old classmate! hahahahaha
Comments