VIII. Di ko alam na guard ka na pala dito?

Gra Graduate na Ako!

 

 

Halos isang buwan na kaming magkakasama at nagiging close na naman kami. Di ko na rin masyado nakakausap si Irene dahil lalo na siyang nagiging busy sa preparations kaya naman ang kausap ko palagi ay si Tzuyu dahil sa sponsors.


 

pagkatapos kong makipagusap sa magssponsor samin sinabihan ko na agad si Tzuyu. 

 

“Tzuyu may nakuha akong dalawang sponsors na local, if g daw punta daw tayo sa kanila para makipagusap.” sabi ko.

 

“Okay, sabihin ko muna kay Irene. Dyan ka lang mabilis lang naman ako” sinabi niya habang naglalakad na.

 

“Okay” habang naghihintay ako nagcheck muna ako sa phone ko.

 

Gc: cuties na photographers

 

Me: aalis kami ni Tzuyu may papabili kayo??

Sana: @Wendy tsk tsk 2in1 nescafe

Me: Paano kapag walang nescafe? Kopiko or great taste?

Wendy: BOBO! AHAHAHHA

Sana: HAHAHAHAH

Me: Pakyu so ano nga????

Sana: Napkin pls Whisper ha with wings!

Me: Ano size??

Sana: 32cm!!!!

Me: Okay!

Sana: hoy wag landiin parehas ha!!!

Me: tanga anong nilalandi??? Nagiintern tayo dito eh.

Wendy: Oo intern mo paglalandi HAHAHAHA

Sana: True di porket cute.

Wendy: Sana….magsisisi ka na sinabi mo yan.

Me: tnx ik @sana mwa mwa boost confidence ko dun

Wendy: ANYWAYS!  pwede bang pakisabi kay tzuyu na itanong kay Irene if pwede Mcdo?

Me: bat di ikaw magtanong dyan???

Wendy: eh kasi im shy. Close na kayo naman niyan! 

Me: gago ayoko nga! Hahahha

Wendy: sige chocnut na lang 2 pack for everyone. Libre mo.

Me: Okay!

 

“Tara na?” Sabi ni Tzuyu.

 

Katakot ‘to parang mushroom bigla biglang sumusulpot.

 

“Arat!! alam mo commute?” tanong ko.

 

“Duh, Dito naman kami nagaral ni Irene.”

 

“Ay! Oo nga pala sorry na” pahiya kong sabi.

 

Naglalakad na kami ng biglang may humabol samin. Si Irene.
 

“Sama pala ako.”

 

Bigla naman sulpot ni Maam Park. “Irene pakicheck nga ‘to if tama tapos sabihan mo na yung mga nasa loob na Mcdo dinner natin.”

 

Gago nagrequest ba ‘tong si Wendy????? HAHAHAHA lakas!!!

 

“Sasama ka ba sa kanila??? Pasensya na pero need kita dito sa ipapacheck ko.” sabi ni Maam Park kay Irene.

 

“Okay lang po Maam. Sige punta na kayo.” sabi ni Irene samin more like sakin….ang sarcastic teh!

 

Nang matapos namin kausapin ang dalawang willing magsponsor tinanong ko if okay lang kay Tzuyu pumuntang grocery…

 

“Tzuyu, Okay lang ba pumunta ng grocery saglit? May pinapabili lang kasi sakin si Sana at Wendy eh.”

 

“Sure, no worries naman. Tayo lang naman magkasama.”

 

“Salamat.”

 

Pagbaba namin ng jeep tatawid pa  pala kami  para makapuntang mall! Taena naman!


 

Nahihiya ako magsabi kay Tzuyu na di ako sanay tumawid kaya nag-act na lang ako na chill lang ganun. Biglang tumakbo si Tzuyu kaya napatakbo rin ako. Naggreen light na yung kabilang kalsada kaya naman dali dali kami.

 

Hinawakan ko na kamay ni Tzuyu kasi natakot ako ang bibilis nung kotse parang mga natatae!

 

“Bakit? Okay ka lang ba?” pag aalalang tanong ni Tzuyu.

 

“Ah oo ano hehe medyo takot lang tumawid.” sabi ko.

 

“Bakit naman?”

 

“Uhm... kasi wag mo ako pagtatawanan ha! Nasagasaan ako ng tricycle dati grade 2 ata ako kaya ayun hahahaha” banggit ko.

 

Pinipigilan naman ni Tzuyu ang tawa niya “Cute mo naman hahahaha sorry di mo kasi agad sinabi eh.”

 

“Kala ko kasi kaya ko eh!” Di ko namalayan na nakahawak pa pala ako sa kanya kaya binitawan ko na lang. “Sorry”

 

“Kala ko hanggang paggrocery takot ka eh hahahaha” biro ni Tzuyu sakin.

 

“Ay ano sa tingin mo sakin baby????” 

 

“Medyo. Cute ka naman for someone.” sabi ni Tzuyu sakin.

 

“Paissue kayong lahat kung kani-kanino niyo ako inaasar noh! I’m single and i'm enjoying my single life!” biro kong sabi.

 

“Pero nagkajowa ka na ba?” tanong ulit ni Tzuyu.

 

“Wala. Nagkagusto oo pero rejected hahahaha” sabi ko

 

“Kawawa naman yung nagreject! Di na experience yung Seulgi moves.” pabirong sabi ni Tzuyu.

 

“Diba!!! Iniisip ko nga na sa cute kong ‘to irereject niya ako????”

 

“Daming mong alam! Pila ka na sa cashier” sinabi ni Tzuyu habang tumutulak niya ako sa cashier.

 

Naghihintay na kami sa cashier at tumitingin si Tzuyu sa mga chocholates sa gilid.

 

“Ano gusto mo dyan hehe libre ko dahil pumayag ka maggrocery” sabi ko

 

Natuwa naman si Tzuyu na parang bata. Cute.

 

“Talaga ba sige yay!” excited na sabi ni Tzuyu at kinuha niya ang kinder joy.


 

Cute…..pakshet

 

Kumuha si Tzuyu ng dalawa..

 

“Hoy! Isa lang hahahaha” wika ko

 

“Gagi para kay Irene yung isa kasi diba gusto niya sumama edi pambawi lang kawawa eh stress na siya.” inexplain ni tzuyu.

 

“Ah sige sige hahahaha go lang. Bait naman!” 

 

Pagkabalik namin nagaabang na agad si Irene. Hala ka dai!

 

“Bakit ang tagal niyo?” nakapamewang na sabi ni Irene.

 

“Ah ano kasi-” pinutol ako ni Tzuyu. “Sorry traffic kasi.”

 

“Okay okay. Nandun na rin pala yung pagkain sa loob.” sabi ni Irene.

 

Paano niyo nagagawa magbago ng mood in .1 sec????

 

“Eto naman. Dinaig pa si Ma kung mamewang at magtanong kung bat ang tagal namin hahahaha sorry na.” pabiro kong sabi.

 

Tzuyu naman tumawa lang. Irene? Pinipilit na di tumawa.

 

“Seulgi, Usap ulit tayo mamaya.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chae1727
For now....paalam na muna! :)

Comments

You must be logged in to comment
iamSoshiLover #1
Chapter 22: been looking for the sequel turned out di na siya nahahanap? niways, thank you for this story, otor. ganda ng pagkakasulat. u da best 👊
Moksy23
#2
Sequel po author (-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩___-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩-̩̩̩)
nicamyoui
#3
Chapter 21: Sequel ung di bitin hahaha ung sure na si irene! Hina naman pala neto ni irene tsktsk
iana013
#4
Chapter 21: Bitin... ヽ((◎д◎))ゝ more!! More!!
(╯ರ ~ ರ)╯︵ ┻━┻ kekekeke
gomtokki_23
#5
Chapter 20: eh???
2014605911
#6
Chapter 21: Kung lalagyan pa ito ng sequel or epilogue please yung joyful reunion na nila. A short piece. Not another open-ended scene. In fairness though, hopeful nga talaga yung tone nung story sa huli 👌. Kinda bittersweet nga lang kasi hindi rin naman pala ready si Irene. Definitely rooting for them to get together already if ever na may kasunod nga.
eunxiaoxlove #7
Chapter 21: Sequel :)
Tiny_Angel14 #8
Chapter 21: Author, SEQUEL PLEASE!!!!
gomtokki_23
#9
Chapter 19: bawal po ang kiss pag walang label hihi
Jihnjihn #10
Chapter 19: Harot naman pala irene. Hahahaha